Nakapasok na ako ng kompanya. Halos wala akong tulog dahil laging pumapasok sa isip ko yung nakita ko!
Kahit anong gawin kong pikit ayaw talaga ng diwa ko! Halos lahat ng style at pwesto nagawa kona rin, pati mag bilang ng tupa at uminom ng gatas. I hate my brain! Also Mr. Adler and her pickup girl!
Nakaupo na ako sa upuan ko, halos wala pa yung mga kasamahan ko! Lalo na si Trix kusa nalang nawala kagabi, umihi lang ako pero pag balik ko wala na siya sa upuan natira nalang si Bri! Halos mahilo ako kakahanap pero wala talaga. Kaya sumuko na ako dahil baka umuwi na mag isa!
Halata namang hindi papasok ang dalawang yun! Pano mukang naka wala sa mga hawla at nag paka lasing ng todo. Kung hindi ba naman tanga! Hirapa na hirap pa akong ihatid si Bri, buti nalang mahaba ang pasensiya ko kung hindi iniwan ko na siya duon sa may kanto nila! Umiyak pa ang bakla at ayaw pang pumasok buti nalang lumabas ang nanay nito. Kaya tumulong ito para makapasok sa loob.
Pag sasampalin ko talaga sila pag pasok mga perwisyo! Okay, sana kung sila yung ma dadamay sa kagagahan nila eh! Pero hindi dahil kaibigan ko sila!
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya tumingin ako duon at sinagot ang tawag.
"Hello Good morning Cole! Bakit napa tawag ka ata?" Bungad na sabi ko sa kanya.
"Good morning too, Yosh! Napatawag ako kasi itong sira ulo nating kaibigan! Bigla nalang susulpot sa unit ko na mukang ala sa katinuan at nadiligan!" Saad nito bakas pa sa boses nito na kagigising lang nito!
"Diba nga may company dinner kami kagabi?! Ayun nag lasing ng nag lasing yang magaling mong kaibigan, tas biglang mawawala nalang. Hanap ako ng hanap jaan kagabi!" Butong hinga ko, narinig ko 'din ang pag buntong hininga ni Cole sa kabilang linya. "Tatawagan sana kita kagabi, para hanapin yan! Kaso alam kong busy ka. Kaya hindi na kita tinawagan."
"Oh sige, Yosh. Punta ka nalang dito sa condo ko mamaya, aalagaan ko pa ang magaling nating kaibigan!" Sabi nito sabay patay ng tawag.
Tumayo ako at pumunta sa pantry area, para mag timpla ng kape! Baka dito pa ako makatulog malalagot ako kay Miss Regz! Pag nahuli niya akong natutulog.
Bumalik na ako sa upuan ko dala-dala ang tinimpla kong kape. Buti nalang kakaunti lang ng gagawin ko, dahil natapos kona yung iba kahapon bago kami pumunta sa dinner party.
Hindi ko namalayan na naka tulog pala ako. Habang mag gagawa ng presentation. Nagising lang ako dahil may gumising sa akin, tiningnan ko kung sino yun si Austin lang pala.
Pumunta na kaming cafeteria dahil lunch na. Sabay na kaming kumain dahil wala naman yung dalawa at wala din akong kasabay. Nauna narin yung iba namin kasamahan kumain.
Sinumulan na namin kumain ni Austin. Walang masyadong nag sasalita sa amin, dahil hindi naman kami gaanong ka close. Saka mahihiya ako! Wala rin naman kaming pag uusapan!
Anong mga itatanong ko? Tuli kana ba? Nag ka jowa kana? Ipang babae na ang pinaiyak mo o ilang babae na ang biniyakan mo? Ganun ba ang itatanong ko?!
Napailing ako sa mga naiisip ko. Hindi ko alam kung bakit ganun ang mga naiisip ko. Siguro dahil ito sa kahapon sa nakita ko! Kasalan nila kung bakit ganto ang mga pinag-iisip ko.
"Are you okay?" Tanong nito kaya napatingin ako dito at ngumiti.
"Okay lang ako Austin! May iniisip lang." Saad ko naman dito halatang hindi ito kunbinsido sa sinabi ko.
"Are you sure? Can you share your problem, if you don't mind!" Sabi pa nito
"Nako okay lang, wala naman yun! May sumagi lang sa isip ko." Nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil navg katinginan kami sa mata. Bumalik nalang ako sa pag kain. Baka matapos pa ang time namin.
Pinauna ko muna si Austin bumalik dahil nag tungo muna ako sa comfort room para mag hugas at mag ayos.
Napatingin ako dahil pumasok si Jay, mukang nagulat din ito. Nanlaki kasi ang mga mata niya!
"Hinahanap ka ni Miss Regz kanina pa! Mukang may kailangan ata sayo!" Sabi nito habang nasa loob ng cubicles
"Ganun ba Jay! Kumain kasi kami ni Austin!" Saad ko dito at lumabas na siya sa cubicle.
"Ayun nga sinabi ni Steph na kumain kayo kaya hinihintay ka nalang niya!" Binuksan naman nito ang gripo at nag hugas.
Sabay na kaming nag lakad papunta sa department namin. Ano kayang kailangan sakin ni Miss Regz?! May mali ba sa gawa ko or may ipapagawa ulit?
Wala kasi yung dalawa kaya ako lahat ang gumagawa ng dapat sa kanila! Kung sana hindi na lasing edi sana hindi ako tamabak ngayon ng gawain!
Pag ka upo ko palang sa upuan ay lumapit na sa'kin si Miss Regz! Kaya napa tayo ako sa upuan ko.
"Pinapatawag ka ni President! Pumunta ka daw sa office niya! Ano bang ginawa mo Yoshi, bakit ka niya pinapapunta?" Saad nito nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko! Bakit niya ako pinapunta sa office niya? Dahil ba kahapon sa nakita ko? Hindi ko naman iyon sinasadya! Sino ba naman kasing tanga ang duon mag hahalikan eh alam na amdaming taong daan duon! Nakaka-asar!
"Wala po! Diko ko po alam kung bakit." Saad ko nalang dito para wala na masyadong tanong. Saka ayaw ko din malaman nila baka matangal ako sa trabaho.
"Okay, good luck sayo!" Sabi ni sabay tapik sa balikat ko at umalis na lalo akong kinabahan sa sinabi niya!
Nag lakad na ako papunta sa office nito sa pinaka tuktok ng building. Kaya pinindot kona ang elevator, buti nalang mawalang tao kaya pumasok nako! Nag dadalawang isip ako kung pipindutin ko ba or aalis nalang ako!
Wala din akong nagawa kaya pinindot ko na! Ang bilis ng t***k ng puso ko at Nanginginig ang mga kamay ko! Unang beses palang niya akong pinatawag sa office niya! Dahil laging si Miss Regz ang pinapatawag niya.
Bumukas ang pintuan ng elevator lumabas na ako. Dahan dahan akong nag lakad papalit duon. Naka salubong ko pa ang kanyang secretary sa labas ng office nito. Mukang duon ang kanyang office!
Naka ngiti itong tumingin sa akin kaya ngumiti ako ng pilit dito. Bago ko pa buksan ang pinto ay, bumukas ito at lumabas si Sdney na gulo ang damit hindi pa maayos ang pakaka bitones ng blouse niya!
Napatingin ito sakin at nag nalakd na din paalis. Nag dadalawang isip ako kung papasok paba ako o aalis nalang mukang hindi maganda ang timing ko!
Napatingin ako kay Miss Angelie at tumango ito at ngumiti. Parang sinabi niya pumasok na ako, napa buntong hininga ako. Wala akong nagawa kaya binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob!
Nilibot ko ang paningin ko sa office ni Sir Ashton. Maganda at malaki ito at may tatlong pintuan sa may gilid niya. Napatingin ako sa gitna at nakota ko si Sir naka hubad pa ang kanyang pang itaas.
Kitang kitang ang mga malalaki niyang dibdib at ang walo niyang abs, ang ganda ng kanyang katawan halatang hindi napapabayaan. Napa lunok ako at tumingin sa iba dahil nakangisi itong napa tingin sa akin.
"Wait for me, I'm getting dressed! Dahil mukang pinag nanasahan mo na ang katawan ko! Mr. Yoshi!" Sabi nito habang naka ngisi pa sa akin
"Ang kapal niyo naman! Kung si Joshua Garcia kayo baka pwede pa!" Sabi ko dito nawala ang ngisi nito at napalitan ng pag kunot ng nuo. Patay!
"Tsk! 'Di hamak naman na mas gwapo ako duon. Saka nag lalawag kana nga kanina pag pasok mo palang!" At umalis na sa harapan ko at pumasok sa isang pintuan.
"Che!" Sabi ko nalang at umupo sa may sofa malapit sa kanyang table. Naiinis ako sa ugali nito 'di porket gwapo siya at crush ng mga kababaihan ay may gusto nadin ako sa kanya! Yuck! Hindi siya nag mga tipo ko.
Matapos ang ilang minuto ay luamabas ito ng pinto at naka robe lang na puti. Mukang bagong ligo ang loko, naka ngiti ito sakin at nakuha pang lumapit sa akin. Tumayo ako at lumayo layo sa kanya, habang siya naman ang lumapit sakin.
"Ano ba! Mag bihis kana nga! Your wasting my time Mr. Adler." Sabi ko dito habang naka kunot ang nuo ko
"Okay fine! Wait me here Yoshi. Pag labas ko at wala kana humanda ka. Because your dead!" Sabi nito at tumalikod sakin at pumasok sa isa pang pintuan.
Pabagsak akong umupo sa sofa, dahil nawala lahat ng lakas ko dahil sa sinabi niya. Anong gagawin ko, gusto ko ng umalis pero wala akong gagawa kung hindi patay ako!
Lumabas ito ng pinto at naka bihis na. Halos lalo siyang naging gwapo sa suot niyang maroon na tuxedo. Naka ayos nadin ang buhok niya natulala ako sa kanya.
Okay sana siya kung hindi lang babaero! Kaya rejected siya para sakin.
Umupo na ito sa upuan niya habang naka patong ang dalang siko. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya dahil bigla ko nanaman na alala yung nakita ko kagabi.
Gusto ko ng maka alis sa lugar nato hindi ako masyadong makahinga ng maayos, dahil nasa harap ko si Ashton the ultimate maniac!
"Bat niyo po ako pinatawag Sir!" Tanong ko dito para matapos na ito at maka alis na ako
"I just wanna say something to you!" Sabi nito sakin habang naka tingin sa mukha ko lalo tuloy akong nailang sa ginawa niya. Halos lahat ng parte ng mukha ko natingnan na niya. "Let's date with me tonight... Yoshi!"