Chapter seven

2116 Words
Yna's Pov "Where are we?" Tanong ko kay Aethan. Pag kamulat ko ng mata. Puro puti ang nakikita ko. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na gutom ka na?" Bungad niya. Pinipilit ko namang alalahanin ang nangyari. Sumakit ang tiyan ko, dahil sa gutom. Ganun ako, pag masyadong gutom ang tiyan ko, namimilipit ako sa sakit, kung minsan nga na ho-hospital pa ako. Hindi ako PG ah! Dahil walang patay na gutom! "Tinatawag kita. Kaso ayaw mong mag pa istorbo, ayoko naman na magalit ka." Nakatungo kong saad, kahit nakahiga ako. "Mas uunahin mo pa ang galit ko kesa sa kalusugan mo? Paano kung may mangyari sayo na mas malala pa diyan?" Alam kong galit siya. "Sorry na nga eh! Ano pang ikina gagalit mo?" Hindi ko napigilan ang mainis. Pero mas pinili kong kalmahin ang sarili ko. "Tapos na yun, let's move on." Feeling ko tuloy pagod na pagod ako. "Sorry- sorry din. Nag alala lang kasi ako, ayokong napapahamak ka, lalo na kung ako ang kasama mo." Niyakap ko na lang siya. "Kumain ka muna, alam kong gutom ka." "Alam mo din no?" Natatawa kong saad. "Kumain ka na nga lang, baka sabihin nila Mom At Dad na hindi kita inaalagaan." Napatigil naman ako. I miss my parents. "Bakit? May problema ba?" Umiling naman ako. "Wala. Kumain ka na nga lang. Ang ingay mo." Sinubo ko sa kanya ang isang pirasong grapes. "Hindi na natuloy ang Date natin sorry talaga." Saad ko "Tss... Wala akong pake, kahit hindi na tayo mag date. Ang importante sa akin yun ay nakikita kita na buhay." Sinamaan ko naman siya nang tingin. Aba! Parang may mamamatay ah! Sarcastic yan. "Bababa, lang ako. Kukuha ako nang maiinom." Tumango naman ako. May narinig naman akong katok. Maya maya'y may isang delivery boy ang pumasok sa loob ng kwarto ko. Nasabi ko bang nasa hospital kami at inaangkin ko na itong hospital? Char lang! "Delivery for Mrs. Monterial." Wait? Mom ni Aethan? Bakit dito? "Naandito ba si Mom?" Tanong ko sa sarili ko. Lumabas kasi si Aethan, kaya ako lang ang mag isa dito sa kwarto. "Huh?" Napatanong ako, kasi sa akin binigay yung Malaking kahon. As in sobrang laki! Mas malaki pa nga kay Aethan eh. At kung I hihiga itong kahon, mas mahaba at malaki pa sa hospital bed. "Ikaw po si Mrs. Yna Mae Vinto Monterial?" Huwat!? "Ah. Eh, excuse me lang ah. Yes, I'm Yna Mae Vinto, but. I'm not Mrs at hindi pa kami kasal." Walangyang Aethan yan oh. Pero, ang gandang pakinggan. YNA MAE VINTO MONTERIAL . ayieeee... "Sigi, kukunin ko na lang." Sayang naman kasi. "Sino pala ang nag padala?" Tanong ko. Hindi ko na kasi binasa pa yung pinirmahan ko. "Kay, Mr. Monterial po." Sinong Monterial? Si dad ba? (Daddy, ni Aethan) "Ano pong full name?" Tanong ko. "Mr. Aethan Monterial po." Ngumiti na lang ako dito. At umalis na ito. "Whaaa!! Ang SWEET NIYA TALAGA!! Pero wait! Bakit kelangan niya pang ipadala? Ano na naman kaya ang pakulo niya? Hmm... Hindi kaya? Whaaaaa!!" Napatili ako sa iniisip ko. Hindi kaya siya yung nasa kahon? Napatingin ako sa kahon. Hindi imposible. Dahil, kasyang kasya siya. At kaya pa nga nang dalawang tao diyan o tatlo, sa laki nang lalagyan. At napapaisip ako kung paano ni kuya na ipasok 'to? Ang hirap kaya! "Imblis na mag isip ka diyan, why don't you open? " tinignan ko si Aethan na nasa loob na pala nang kwarto. Bakit hindi ko napansin? Para matigil na rin ang pag iisip ko, binuksan ko na yung Kahon na napaka laki. Naka balot pa 'to sa Doraemon. Naalala ko na naman tuloy yung nangyari kanina sa Amusement park. "Ang laki naman nito! Bakit ba kasi binalot pa eh! Nasira tuloy si Doraemon!" Ang hirap kaya mag tanggal nang wrapper. "Tulungan na nga kita. Ayokong nakikita kang nahihirapan." Pinang kinitan ko naman siya nang mata. Edi sana! Hindi na niya binalot! Hay! "Close your eyes." Kahit na nag tataka pinikit ko parin ang mata ko. Gusto niyang makita ko yun, pero pinapipikit niya ako. "Open your eyes now." Binuksan ko nga ang mata ko. Bukas sa kaliwa, bukas sa kanan, at binuksana ko ang dalawang mata ko. "Whaaa!! DORAEMON!!!" Agad kong niyakap ang Bed size nang Doraemon. Agad akong humiga dito at winawagay-waya ang paa at kamay ko. Yung parang kapag nasa Snow ka,, hihiga ka tapos. Basta alam niyo na yun! I imagine--in niyo na lang. "Wha!! Ang ganda!! Sa akin ba 'to?" halos hindi ko maipinta sa sobrang saya ko ngayon!! Yung feeling na ang saya ko na outside, mas masaya pa ako inside! "Yes, sinabi ko diba? Na ibibili kita nang MAS malaki, HUMAN Size Na mas Malaki pa pala, at YUNG nahihigaan mo. Yan na." napayakap ako kay Aethan. "Thank you!! Muah*kiss sa noo* Muah *Pisngi* Muah *kabilang pisngi* Muah *Baba* Muah *Ilong* Muah *Mata* Muah *kabilang mata*" Napahinto ako sa ginagawa ko. Muntik ko na siyang mahalikan sa labi! Buti na lang tumigil ako. "*TSUP*" Napahawak ako sa labi ko. "Bakit mo ginawa yun?" Pinanlakihan ko siya nang mata. "Akala ko, inaantay mo lang na halikan kita. Hehehe, mali pala ako kaya sorry. Oh! Bawiin mo na lang." Ngumuso naman siya. Tinampal ko naman nang mahina ang nguso niya. "Chansing!" "Gwapo naman!" "Siyempre! Pero, Thank you talaga dito. You really don't know how you made me happy." Niyakap naman niya ako. "Para sayo. Malakas ka sa akin eh!" Natawa ako sa sinabi niya. T R U T H R E A L L Y H U R T S "Sunduin kita bukas!" Tumango naman ako. Inantay ko lang makaalis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa Apartment. Tama, wala na siya dito. Nakaka lungkot lang isipin, na ganun ang nangyayari. Bakit ba kasi kinailangan niyang mag sinungaling? Feeling ko, parang may kulang sa lugar na ito. Yun ay si Carlo, siya lang kasi ang nag bibigay buhay sa bahay na 'to. "Hays!" Nag sss muna ako. May Nag send nang pic sa messanger. MESSAGE REQUEST USE DATA TO SEE PHOTO HMMM... Paano ko makikita? Hahaha... Langyang messenger yan oh. Taghirap na nga ang mga tao, gusto pang binabayaran! Sino ba itong, Carl? In-stalk ko ito. Si Carlo? Eh, ano naman ba ang sinend niya? *YAWN* Inaantok na ako, pumunta na ako sa Kwarto at natulog. Nagising ako sa napaka lakas na busina. "Wait!!" Sigaw ko sa labas. Nakaka bulabog! "Ano bang pr--- Aethan?" Ngumiti naman ito nang napaka lapad. Ganyan, char lang hahaha... "Sinusundo ang prinsesa ko?" Natawa naman ako, pinapasok ko na siya. Nag paalam ako sa kanya na maliligo na muna ako. "Ito kaya?" Hindi ako makapili kung ano ang su-suotin ko ng matapos akong maligo. "Ito, ang suotin mo." "Whaaa!! Lumabas ka nga!!" Sigaw ko. Naka Towel lang kasi ako. "Fine! Fine! Pero ito ang suotin mo." May binigay siyang White T-shirt. Front I'M HIS QUEEN Back AETHAN Bakit pangalan niya? "Sigurado ka bang ayaw mong panoorin kita?" Pinanlakihan ko siya nang mata. "Aethan!!" Tatawa, tawa naman itong umalis. Loko talaga. Pagkatapos kong mag bihis, bumaba na ako. Nakita ko siya sa Sofa habang na no--nood, feel at home? Hahaha.... "Maganda, rin pala itong Apartment nila John." Napatango naman ako sa sinabi niya. Totoo yun, maganda nga ito. "Oo. Let's go?" Yaya ko. "Kumain ka muna. Ayoko nang may mangyari sayo'ng masama." "Pero, hindi ako naka---" "Nag luto na ako." Napalaki ang mata ko sa sinabi niya. "Talaga?" Gulat kong tanong. Ui! Madalang lang sa lalaki ang nag luluto. Unless, kung mahal ka talaga nito. "Yes, at gusto ko. Ubusin mo yun." Kumain na kami. Nakatingin lang siya sa akin pero, hindi ko na pinansin yun. Busy ako sa pag-kain noh! "Ang sarap!!" Napa--dighay ako, sa sobrang kabusugan. "Hahaha..." tawa ni Aethan. Anong nakakatuwa? Ilang oras kami nag pahinga, kasi nga kaka--kain ko lang. Bago umalis. "Sa Zoo naman tayo!" Suhestyon ko. Ilang minutoang nanduon na kami "Yieeee!!" Para akong bumalik sa pagkabata. "Duon tayo sa giraffe." Hinila ko siya papunta dun. Nakakatuwang pakainin ang giraffe, pero may part, na napapa-atras ang kamay ko. Sa sobrang haba kasi nang leeg niya. Baka kasi kainin niya ang kamay ko. "Duon naman tayo!!" Naglakad kami papunta dun sa mga lion. AETHAN POV. Nakakatawa lang, kasi para siyang bata. CHILDISH? Yeah. Yan ang word na pwede kong ikumpara sa kaniya. "Ang saya!! Ang daming hayop dito! Pero-?" Nag taka ako, kasi tumigil siya sa pag-sasalita. "Bakit hindi ka kasama sa kanila?" Kinunutan ko siya nang noo sa sinabi niya. What she think of me? ANIMAL? "Hehehehe, dyowk lang! Ito naman hindi mabiro. Hehehe..." "Gutom ka na ba?" Tanong ko. "Medyo, nakakapagod kasi ang mag pakain ng hayop eh." Sagot niya. Niyaya ko siya sa malapit na Restaurant dito. "Ang sarap... Tikman mo oh." Sinubo niya sa akin ang Spaghetti. Yeah. Para talaga siyang bata. "Ah..." saad niya, binuka ko, naman ang bibig ko, sinubuan niya ako nang Sundae. "Whaa!! Ikaw si Aethan diba?" Tanong ng babaeng Lumapit sa amin. "Yes." Binigyan ko ito nang tipid na ngiti. "OMG! Crush na crush kita!! Will you be my Boyf--" "Hi, I'm His LOVE, s***h GIRLFRIEND, s***h, MAHAL, s***h BUHAY NIYA." Napangiti ako nang palihim. Fighting My Love! "And so? Tinatong?" Sumasama ang timpla ko dahil sa babaeng ito. Mag sasalita na sana ako nang pigilan ako ni My Love. Bigla siyang tumayo, kaya napatayo na rin ako. Baka kasi mag kagulo, at hinahanda ko na nag sarili ko para hindi masaktan si My Love. "Hindi, pero ini-inform lang kita. Na 'yang lalaking lalandiin mo ay may pag ma-mayari na. At AKO yun." Nagsukatan silang dalawa nang tingin. "Hindi ko naman siya lalandiin. Aagawin ko lang siya sayo." Nag taka ako sa pagtawa ni My Love. May nakakatuwa ba dun? Eh aagawin na nga ako, don't tell me ibibigay niya ako sa panget na 'to? "Kung ang panlalandi pala sayo ay iba sa pang aagaw. So? Ikaw na pala ang PINAKA despiradang, maharot na, kerengkeng. Na walang ginawa kundi ang agawin ang pag-ma-may ari nang iba? Hindi na ako mag tataka kung bakit wala kang matatawag na Sayo, dahil lahat nang sayo inagaw mo lang, or in other words in-ahas mo." Umukit ang isang smirk sa labi ni My Love. Napangiti na ako nang tuluyan. Nakaka kilig tuloy. Hindi ko na pinansin yung mga nag vi--video at na nonood. "How dare you!" Nang-gagalaiting saad nang babae. Sino ba kasi siya? "Oh, dear. How dare me? Because I'm just the wife of this Guy who standing beside me, na pinag babalakan mo lang naman na agawin na. Sumula't sapul na alam naman natin na hindi magiging sayo. May taste din naman ito sa babae." Hinalikan ako sa labi ni My Love. "We will go now. Kasi, baka masyado na akong bumababa sa hindi ko ka level. Babush!" Hinawakan ko yung kamay niya, pero bago kami makalabas sa Restaurant, may binulong ako na lalong ikatitindig ng balahibo niya. "My love is a psycho, she can kill you whatever her want." "Wow! Ang galing mo dun!" Papuri ko. "Bagay lang sa kanya yun! Aba! Akala niya kung sino siyang maganda!" Natawa naman kaming dalawa. Tama, hindi siya maganda dahil sa paningin ko. Ikaw at ikaw lang my love. "Saan tayo pupunta ngayon?" May naisip ako. "Beach tayo, may resort kami dito." "Talaga? Sigi!!!!" Malapit lang yun dito sa Manila Zoo. Kaya Hindi kami nag tagal sa byahe. At sa kagandahan, hindi kami naipit sa traffic. Pagkarating namin dun. Agad naman kaming in-assist nang nga Stuff "Ma'am, Sir here's your swimsuits." Nginitian ko si Kuya Mark. Isa sa pinag kaka tiwalaan namin dito. "Yan ang su-suotin mo?" Inis kong tanong sa kanya. "Oo?" Padabog kong kinuha yung Su--suotin ko na may T-shirt. Para lang kasi kay my lovelove ang katawan ko. "Bakit?" Tanong niya "Wala." Hindi na ako, umimik, pagkatapos kong mag palit, lumabas na ako para pumunta sa Beach. Naiinis kasi ako. Naka Two piece siya. Tsss... Edi makikita nang iba yung katawan niya? Gusto ko ako lang makakakita nun! "Hi Aethan." Hindi ko na sila pinag pa-pa-pansin. Ang tagal naman niya sa loob? "Hahaha... Ang ganda mo talaga sa suot mo." "Hindi naman! Bolero ka talaga." Kumunot at nag salubong ang kilay ko nang marinig ko kung sino ang nag salita na yun. Nang makita ko, mas lalo akog nainis. Iniwan ko lang saglit, may pinalit na sa akin! "Hindi kaya, bagay talaga sayo yan. Miss na miss na kita baby. Kelan ka babalik?" What the! BABY? Napatayo ako dahil sa inis at hinagit ko ang Kamay ni Yna. "Hey, wag mo namang ganyanin ang kamay niya." Seryosong saad nang lalaking ito. "Kahit anong gawin ko sa kanya, wala kang pake!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD