YNA's POV
"Kahit anong gawin ko sa kanya, wala kang pake!" Ano bang nangyayari kay aethan? Tinignan ko siya nang nag tataka.
"Ano bang problema mo?" Naiinis kong tanong.
"Baby, lumapit ka dito." Saad ni Ynne.
"AETHAN!" Sigaw ko.
Naiinis na ako! Binigay ko! Ang buong lakas ko para makabitaw si Aethan sa pag kakahawak sa akin at dali--daling lumapit kay Ynne.
"Are you okey?" Nag aalala kong tanong. may dugong tumulo mula sa labi niya, dahil siguro sa sobrang lakas nang sapak ni Aethan.
Pinapigil ko ang sarili kung maari na hindi magalit.
"Punasan ko yan." Pero wala pala akong dalang panyo.
Tumayo ako at hiniram yung panyo sa isang lalaki, pumayag naman ito.
"Masakit ba?" Tanong ko habang pinupunasan yung labi niya.
"Let's go." Hindi ko pinansin si Aethan. Naiinis ako sa kanya.
"Malaki na yan. Tara na." Pero hindi ko parin siya pinansin.
"At talaga bang pinipili mo siya kesa sa akin?" Ramdam ko ang inis sa tono niya. Bakit siya maiinis? Siya na nga ang nakasakit siya pa ang may ganang magganyan!
"Wala akong pinipili! At Ikaw ang mali!" Tinignan ko ang likod niya habang nag lalakad siya.
"Sorry talaga." Saad ko pa kay Ynne.
"Ok lang, sino ba yung gunggong na yun?" Nasa loob na kami nang Kwarto niya.
"Kasi--ano. Boyfriend ko siya." Pilit akong ngumiti. Unti unti akong uma-atras. Naniningkit ang mata niya habang naka tingin sa akin. Ih!! Nakakatakot kaya siya!
"A--ano!?" May diin sa bawat letrang binibitawan niya.
"Ynne naman eh!" Yung mukha ko, kulang na lang umiyak ako para hindi niya ako pingutin. Ang sakit kaya!
"Anong Ynne naman ka diyan! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" Mapanuri niyang tanong.
"Basta! Wag mo akong pipingutin!" Naka nguso kong saad.
"Fine! Basta I kwento mo sa akin kung bakit mo sinagot ang mokong na yun!" Sapilitan akong tumango.
Sa lahat nang pwede kong pag sinungaling-an, siya lang ang hindi dapat.
Yun nga, kinuwento ko sakanya, mula nung pag kikita namin, at hanggang sa Canteen, pati na, rin yung mga dates namin.
"Mahal mo na ba siya?" Saglit akong natigilan.
"Nung una, hindi. Pero habang tumatagal feeling ko kapag wala siya, hindi ako kumpleto." Sagot ko.
"Haist. Malaki na nga ang baby namin." Napanguso ako, sa ginawa niyang pag-gulo sa buhok ko.
"Sige na. Pumunta ka na dun sa AETHAN MO baka mag pakamatay yun." Sinamaan ko naman siya nang tingin.
Pagkarating ko sa harap nang kwarto namin, dahan dahan akong nag lakad papasok sa loob, wala siya buti naman. Hihinga na sana ako nang malalim nang bigla siyang sumulpot.
"Bakit ngayon ka lang?"
"Naiinis parin kasi ako sayo! Hmp!" Nakanguso kong saad. Kaht medyo nagulat ako sa lag sulpot niya.
"At ikaw pa ang naiinis? Eh ako nga itong iniwan mo para sa la-laking yun!" Tinignan ko siya nang seryoso.
"Dahil ikaw ang mali!" Sigaw ko.
"Ako pa? Eh sino kaya yung Pumapayag diyan na tawagin Baby kahit may boyfriend na!" Ha! *Smirk*
"Nag se-selos ka ba?" Panu-nuyo ko.
"A--ako? Mag se-selos? Hindi ah!" Unti unti ko siyang nilapitan at, sinusundot ang tagiliran niya.
"Ayieee... Nag seselos ang My love ko" Ngi--ngiti, ngiti kong saad.
"Fine! I'm jealous! Paano ba naman, tinatawag ka nang lalaking yun na baby!" Ang cute talaga niyang mag selos.
"Hahahaha!!!" Tawa ko.
"Bakit ka natawa? Wag mong sabihin gustong gusto mo talaga na tinatawag kang baby nang--"
"Kuya ko?" laking ngiti kong saad. Yung ngiting wala nang bukas, yung ngiting lalong nag pasingkit sa mata ko, halos wala na akong makita.
"Kuya mo?" Tumango ako sa sinabi niya, habang naka ngiti parin.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tanong niya.
"Hindi ka naman nag tanong eh." Sagot ko. Sinamaan niya ako nang tingin.
"Bakit?" Naatras kong tanong.
"Anong gagawin mo?" Tanong ko. Ang seryoso na niya kasi eh!
"Whaaa!!!" Kiniliti niya po ako!!
"Haha...ta--hahahahha--tama hahahaha na! Hahaha.."
"Yan pa, haha, ayan pa!"
"Hahaha--a--hahaha--ayoko--hahaha na!" Nag hahabol hininga ako dahil sa ginawa niya. May konting luha rin ang lumabas sa mata ko.
"Ang kulit mo talaga." Natatawa niyang saad. "If you only see your face! Hahaha... That's so, funny!" Napanguso ako nang tagilid.
"Che!"
This day are so, memorable for me. Ngayon na lang ulit ako naka ramdam nang saya, yung totoong masaya ako.
"Kumain kana nang vegetable, puro ka pa sexy! Wala ka namang nakukuhang nutrisyon diyan!" Yan na naman po, lumabas na naman ang pagiging strict boyfriend material niya.
Habang sinusubo ko yung mga pagkain na nilagay niya sa plato ko, napatingin ako sa kanya. Kasi naman, hindi siya nag lagay nang pagkain sa plato niya.
"Hindi ka kakain?" Tanong ko.
"Kakain." Kumunot ang noo ko.
"Bakit ayaw mo pang kumain?"
"Subuan mo ako."
"May paa ka naman, may katawan, may ulo at higit sa lahat may kamay ka. Kaya hindi ka baldado, kaya wala akong nakikitang dahilan para mag pasubo ka." Padabog naman itong tumayo kaya nag taka ako.
"Ano bang problema mo?" Kunot noo kong tanong
"Kung mag pasapak na lang kaya ako? Para alagaan mo ako? Hindi mo napapansin? Nanlalambing ako! Gusto kong lambingin mo ako, pero imbles na yun ang gawin mo--forget it." Humina yung boses niya mula sa malakas.
Iba talaga ang topak niya.
"Pagkatapos mong kumain ihahatid na kita." Nanlumo ako sa nangyari.
Malay ko bang nanlalambing siya?
Eh, kung sinabi niya agad yun! Edi sana, Alam ko.
"Hays!"
Nilapitan ko naman siya kahit medyo guilt ako, kasalanan din naman niya eh.
"Sorry na." Sincere kong saad kay Aethan.
"Ui, sorry na. Please." Pero wa effect parin.
"Sorry na talaga. Hindi ko naman kasi talaga alam eh." Wala na, parang ang hirap ngumiti. Ganito pala yung pakiramdam na, ayaw kang pansinin o Kausapin man lang ng taong mahal mo.
"Sorry talaga, babawi ako sa susunod." Saad ko pa. Pero wala parin, naka pokus parin siya sa daan.
Naiiyak na ako!
Ano ba ang pwedeng gawin para kausapin niya ako. Bakit feeling ko may masamang mangyayari? Bakit ang bigat ng mga mata ko at ang sikip ng dibdib ko?
"Kausapin mo na ako please!" Pakiusap ko. Pero ni saglit na sulyap hindi niya ginawa.
Ganun ba talaga ka big deal ang hindi ko malaman na nag lalambing siya?
Hays! Kasalan ko Talaga ito eh.
Hindi ko napansin na kanina pa pala may luha ang mata ko.
Tumingin ako sa window, para hindi ipakita sa kanya yung luhang pumapatak sa mata ko.
Parang nauubusan ako nang hangin, ang hirap pala kapag may katampuhan. Lalo na kung siya yun.
Huminto kami sa Tapat nang Apartment na tinutuluyan ko.
"Parang konting paglalambing lang ang hinihiling ko, sa huling oras natin. Pero hindi ko pa nakamit." Alam kong may binulong siya pero hindi ko na lang pinansin.
"Wait." Pinigil niya ako sa pagbaba sa sasakyan niya.
Mag babati na kami!?
Naka ngiti akong humarap sa kanya.
"Let's break up."
"Wa-wait. What? Anong sabi mo?" Naguguluhan kong tanong. Parang may kung anong kumurot sa puso ko.
"Let's break up, break na tayo. Ayoko na. Walang patutunguhan ang, relasyon na ito." Napabuga ako na medyo may tawa'ng sarcastic.
"Dahil lang ba dun? Nag sorry na ako diba? Ano pa bang gusto mo?" Naiiyak kong tanong.
"Hindi kita mahal." Para akong binagsakan nang langit at lupa sa narinig ko.
It is for real?
"Pinaniwala mo ako." Naiiling kong saad. Pero alam ko sa sarili ko. MASAKIT
"Hindi ko gustong mag sinungaling." Nakaramdam ako nang galit.
"Nag sinungaling ka parin!" Umiiling kong hindi makapaniwalang saad kay Aethan.
"My friends and I had a dare, and that is---"
"What? That is? Ang paglaruan ako!? Para ano! Pagmukhain akong tanga! God! Aethan! Grow up!" Halos pumiyok ako. Nakakainis!
"I'm sorry ok!? That just a game. Wag mong seryosohin." Napatingin ako nang deretso sa kanya. As in deretso.
"Wag kong seryosohin? Just to remind you! Ikaw ang nag simula! At naniwala ako sayo! Pinag katiwalaan kita! Kasi akala ko iba ka sa ibang tao na nangloko sa akin at nag sinungaling!"
"I didn't said you to trust me!" Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"And you didn't tell me too, to not trust you!" I shouted out my angriest.
"Ok! End of Discussion, It is not my fault if you trust me. And it's not my fault if you hurt." Iniwan niya akong mag isa.
Isn't he right?
Isn't really his fault because he played my feeling? or it's my fault because I trust him even I don't know his personality?
Sino nga ba ang may kasalanan? Ako na nasaktan niya? O ako na nasaktan dahil sa pagtitiwala ko sa kanya?
Lahat na lang sila niloko ako! Lahat sila nag sinungaling! Ang sama ko bang tao? Nakakainis!
Totoo nga, Truth Hurts.
E N D O F F L A S H B A C K
"Argg!! I HATE YOU! I HATE YOU!" Sigaw ko.
"I really hate my self more."
Pare parehas lang sila.
Pagkatapos nilang makuha ang tiwala ko, sasaktan at iiwan nila akong mag-isa.
Totoo nga, kung sino ang minahal at pinagkatiwalaan mo nang lubusan, siya pa ang Makakasakit sayo nang lubusan.