CARLO POV
"Yannnnn!!! Perfect!!" Tuwang-tuwa na saad ni Yna. Naandito kami sa Apartment, gusto niyang sopresahin si Aethan. Na sadyang ikinaiinggit ko.
I'm envious to Aethan, because He always Had the time of Yna. The attention, Time, and her life.
"Magugustuhan kaya ito ni Aethan?" Tanong niya. Tumango naman ako.
"Walang lalaki ang makatatanggi sa ganito lalo na kapag effort mo." I said honesty.
"Hahaha!! Yan ka na naman! Pero thanks parin sa pag tulong sa akin. I really appreciate it!" Nasabi ko na bang bati na kami? And guess! Dito ulit ako sa Apartment naka tira!
"Walang anuman! Pero may kabayaran yan! Libre mo ako!" Natatawa kong saad.
"Hahaha... Sige! Dahil tinulungan mo naman ako!" Saad ko.
Yna's POV
Alam kong susunduin ako ni Aethan dito, dahil sinabi niyang sa park.
Yun lang ang sinabi niya 'sa PARK' kaya susunduin niya siguro ako dito. Hindi na ako makapag hintay!
*YAWN*
"Susunduin ka ba talaga ng lalaking yun?" Tanong ni Carlo. Sumandal ako sandali sa balikat niya.
"Hindi ko alam, pero yun ang tingin ko." Saad ko.
"Hays! Kung ihatid na lang kita duon?" Tanong niya. Napa isip naman ako.
"Hindi na. Baka kasi mag kasalisihan kami." Tumango naman siya.
"Ganito na lang, matulog ka na muna then. Gigisingin na lang kita kapag nandito na siya. Pasado ala una na, baka mag ka pimples ka niyan." Natatawa niyang saad kaya napa nguso ako.
"Ang sama ah! Pero sige, gisingin mo ako ah!" Saad ko pa.
"U-uhm." Umakyat na ako sa taas.
*YAWN*
ELLA POV
"Sinabi mo ba na pumunta siya dito?" Tanong ko kay Aethan. Kanina pa kasi kami nandito sa Park na ng aantay sa wala! May pasok pa ako bukas at alas dos na!
"Ewan ko, hindi ko na matandaan!" God! Ayokong sungitan ang katulad niya dahil sa nararamdaman niya, pero nakakainis!
"Bro! Puntahan mo na lang kaya siya." Saad ni John. Buti naman at nag salita na siya!
"Wag na! Baka may MAS importante siyang ginagawa, ayokong maka istorbo." Tumayo si Aethan at pumunta sa Sasakyan niya.
"Ha! Ayus din eh!" Inis kong saad.
Padabog akong umalis dun, narinig ko pa ang pag tawag ni John, pero mas pinili ko ang hindi na pansinin yun.
Bwisit! Wala akong masakyan! Alas dos na po kasi! Tss...
"Taxiiiiiii!!" Sigaw ko.
Sa wakas! Kahit may sakay ang taxi na sinakyan ko. Sumakay parin ako, malayo rin yun sa apartment na tinutuluyan ni Besie.
"Dito na lang po." Binayaran ko ang bill ng Taxi saka ako kumatok sa pinto nila besie.
"Carlo! Nandito ba si Yna? Hindi kasi siya sumipot sa Park eh." Pinapasok niya muna ako sa loob.
"Oo, nandun sa kwarto niya. Pinatulog ko muna, kanina pa siya nag hihintay eh." Kumunot naman ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Ngayon ko lang napansin na, parang may party dito sa loob or suprise.
Napahawak ako sa bibig ko. Don't tell me?
"Akala niya kasi susunduin siya dito e, pero kanina pa, wala pa si Aethan." Saad niya na nag tataka.
"Ahh... Eh? Para saan itong ayos ng Apartment niyo?" Curious kong tanong.
"Ah yan ba? I su-suprise niya sana si Aethan. Pero, hindi sumipot." Natawa ako sa sinabi niya.
"Bitter much? Hahaha..." natatawa kong saad. Napa busangot naman ang mukha niya.
"Epal naman kasi yang Aethan na yan eh! Sana ako na lang siya! Tss! Hindi naman ako inggitero, pero sapag kakataon na ito nakakaramdam ako." Hays! Pag ibig nga naman! Buti na lang ako ang mga kaagaw ko lang kay John ay ang mga mukhang palakang tuod na nakapalibot sa kanya.
"Nga pala, bakit ka napadayo ng ganitong oras?" Tanong niya.
Aist! Nakalimutan ko!
Yun nga kinuwento ko sa kanya, yung pag aantay namin.
Natawa kaming dalawa. Hindi ko alam ang dahilan niya. Hindi ko alam kung natawa ba siya kasi hindi natuloy ang mga suprise nila Aethan. Basta ako natatawa ako kasi parehas nga nilang mahal ang isat-isa kaya eto nag mumukha silang tanga. Hahahaha! No offense!
"Hays! Sayang effort." Saad niya. Trip ko siyang buskahin ngayon.
"Mahal naman ang isat-isa!" Saad ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Dito ka na lang matulog, duon ka na lang sa kwarto ko at dito na lang ako sa Sofa" tumango naman ako. Ayoko ngang matulog sa sofa
JOHN POV
Alam ko yung feeling na nabaliwala ang effort, kaya yan si Aethan pag kauwi niya alcohol agad ang ininom.
Sana nga ngayon nakalimutan niya ang nangyari.
"Bro! How's your sleep?" Tanong ko.
"Oh dude! Are you my Boyfriend?" Ta-tawa tawa niyang saad.
"Hahaha! Sira!" Natatawa kong saad.
"Pumunta parin ba siya kagabi?" Tanong niya. Bullseye! Bakit hindi niya naka limutan?
"Hindi." Nag dalawang isip pa ako niyan kung sasabihin ko o hindi!
"Ah. Pupunta kaya siya ngayon?" Tanong niya.
"Oh! Ayan na pala siya oh!" Turo ko kay Yna pati kay Ella my labs
"Ano? Anong nangyari diyan sa kaibigan mo kagabi?" Tanong ko. Umalis narin pala sila Yna. Kailangan pa kasi ng treatments ni Aethan na nakatutulong naman.
"Gosh! Yun nga! Hindi naman pala talaga binokter ni Yna si Aethan! The reason is! Akala niya susunduin siya, kaya nag handa siya ng Surprise for Aethan. But! The wrong move is! Parehas silang nag antayan." Napataas ang kilay ko. Anong nakatatawa dun?
"Anong tinatawa mo?" Tanong ko.
"Epal ka?" Alam ko sa tono niya inis siya.
Ang hirap intindihin ng mga babae.
"Nasaan pala si Vincent?" Napabusangot naman ako. Ako ang kasama niya, pero si Vincent ang hinahanap niya.
"Kasama nila Aethan." Hindi kasi pwedeng mag drive si Aethan. Alam niyo na kung bakit! Baka kasi mamaya sumpungin siya ng Mood wings niya at kung saan pa yun pumunta.
"Ah... Sayang gusto ko sana siyang kausap." Are she insulting me?
"May tao naman dito! Dahan dahan lang sa pananalita." Bulong ko.
"Ayt! Sorry tao ka pala." Here she go! Lakas mang badtrip.
Yna's POV
"May problema ba kayo?" Tanong ni Ynne. Napansin niya ata na kanina pa kaming hindi nag kikibuan ni Aethan.
"Back to your work Doc. Vinto." Inis kong saad.
"Hahaha... Si Ella na lang ang tatanungin ko."
"Ynne!"
Inantay lang namin na matapos siya sa mga treatments niya, bago kami umuwi.
Alas onse na kami naka uwi, alas otso kami pumunta sa Hospital.
THIRD PERSON POV
"Yna iha." Pagkuha ng atensyon ni Isabelle kay Yna.
"Po?" Tanong nito.
Sa kabilang banda, ang mag kakaibigan na si Aethan, Vincent, John at ang kapatid nito na si Ethan.
"Grabe! Ganun yung nangyari?" Gulat na saad ni Vincent
"Yun ang sabi ni Ella." Saad ni John.
"Kaya pala hindi siya sumipot kasi akala niya susunduin siya dahil din may suprise siya!" Saad ulit ni Vincent.
"Kaya yan! Nag antayan lang sila. Kaya dapat next time! Inaalam niyo ang mga gagawin niyo, para iwas katangahan. Hahaha..." natatawang saad ni Ethan. Sinamaan naman siya ng tingin ni Aethan.
"Ipag luluto ko na lang siya." Bulong ni Aethan.
Sa kabilang dako.
Ikinwento din ni Yna kay Isabelle ang ginawa niyang pag hahanda, ganun din naman ang ginawa nito kay Yna.
"Ibig pong sabihin? Nag antay po kayo ng ganun katagal?" Hindi makapaniwala nitong saad.
"Ganun na nga."
Yna's POV
"Sorry, po talaga! Hindi ko po kasi alam." Tumayo naman ito at niyakap ako.
"Thank you for everything you did for him." Tinapik ko naman ang kamay niya ng dahan dahan.
"Wala po yun. I love your son, and that is the only way I can do to feel Aethan that I love him." Kiniss naman niya ang ulo ko. Oh! Wag mag assume! Wala akong kuto!
T R U T H R E A L L Y H U R T S
Nalulungkot ako habang tinitignan si Aethan, hindi na niya nagagawa ang dating gawi niya. At ang,hirap para sa akin na makita siyang ganyan, sibrang hirap.
"Aethan! A--anong nangyayari sayo?" Natataranta kong saad.
Para siyang na stroke.
Isang taon na ang naka lipas, ang bilis kaya ang dami ng nangyari at ang masaklap yun yung makitang Hindi na nga niya kami na kikilala. Ibang iba na siya sa Aethan na kilala ko-namin.
"Mom!" Sigaw ko..
"Ae-aethan!" Halos tumulo na ang luha ko.
"Anong nangyari?" Gulat na tanong ni Mom. Kaming tatlo lang kasi ang nandito.
"I don't know. Basta po nag kaganyan na lang siya." Hindi siya nagalaw.
Tumawag na rin si Mom sa Hospital.
Umiiyak ako habang nakikita siyang ganun, alam kong nahihirapan na siya. Pero ang hirap tanggapin.
"Ynne! Bakit mas lumalala ang lagay niya? Bakit ganyan." Garalgal ang boses kong tanong.
"Like what I've said his illness are progressive. Ngayon sa kalagayan niya, masyadong active ang sakit niya. Kaya hindi masabi kung kelan bibigay ang katawan niya." Huhuhuhu!! Why this is happening?
"Ano nang mangyayari sa anak ko?" Tanong ni Mom.
"Tatapatin ko na kayo." Pwede ba kung masama yan, kahit minsan lang mag sinungaling ka? Please. Kahit ngayon lang, kahit sa pag kakataon na ito. Magsinungaling ka.
"Hindi na tatagal ang buhay niya, mga two or one month na lang." Parang gumuho ang mundo sa narinig ko. Nananaginip lang ako diba? Hindi talaga ito totoo!
"Yna." Niyakap ako ni kuya, naka upo na pala ako sa sahig.
Nanlambot talaga ako! Sobra!
"Ku--kuya. You're lying right? Tell me please! You're lying!" Im so desperate now! I can't accept it! I can't!
"So--sorry, sana nga nag si-sinungaling na lang ako." Napahagul gol ako ng malakas, alam ko na bawal ang maingay sa hospital! Pake ba nila!
Huhuhuhu!!
Tumayo ako at lumapit kay aethan.
"Remeber? Nung sinabi ko na hindi kita bibitawan hanggat hindi mo sinasabi. Please! Sana ikaw ang tumupad nun. Tuparin mo naman ako, okey lang sa akin kung hindi mo ako maalala, okey lang sa akin kung ipag tabuyan mo ako. Please! Wag mo lang akong iiwan. Hindi ko kaya, ang hirap." I kissed, his hand. Nahihirapan akong tignan siya, nasasaktan akong makita siyang ganyan.
"Son, please! For us, para sa mga nag mamahal sayo. Lumaban ka." Umiiyak na saad ni Mom.
AETHAN POV.
May mga naririnig akong nag sasalita, pero hindi ko sila makilala.
Parang may mabigat na bagay ang nakabalot sa akin at hindi ako makagalaw. At parang may bagay na pumipigil sa labi ko na mag salita.
Ayoko pang mawala. Gusto ko pa silang makasama. Gusto ko pang makasama ang mga nag mamahal sa akin, kahit na hindi ko sila kilala, pero alam ko sa puso ko na kilala ko sila at mahal ko sila.
Pakiramdam ko, unti unting humihina ang t***k ng puso ko.
Ewan ko kung anong nang yayari sa akin.
CHAPTER THIRTEEN
Yna's POV
Gaano nga ba kalungkot kapag hindi naririnig ang boses ni Aethan?
SOBRANG Lungkot, yung tipong mapapahiling ka na lang na sana AKO na lang. Ang hirap kasi, wala na yung mga banatan niyang nakakakilig, wala na yung selos na nakikita ko sa mukha niya at wala yung Aethan na nakilala ko.
"Whaaaa!!" Sigaw ko sa kawalan.
Nandito ako ngayon, sa Resort na pag ma-may ari nila Ethan.
Gabi naman kaya wala siguro ang makakakita sa akin.
Kung kinakailangan para hindi ka masaktan, please! Humanap ka ng mamahalin mo. Yung walang sakit at yung kayang higitan ang pag mamahal ko sayo. At higit sa lahat, yung lalaking hindi ka pababayaan.
'I don't want to see you, crying. I will get that pain, for you. I can sacrifice my life for you, that's how I love you.'
Napatulo ang luha ko sa mga salitang umuulit sa utak ko.
"BAKIT KA BA KASI GANYAN EH!"
"NAPAKA UNFAIR MO NAMAN GOD! PWEDE PO BANG IBA NA LANG? PWEDE PO BANG PAGALINGIN MO SIYA? MABAIT NAMAN PO AKO SAYO DIBA? PLEASE NAMAN PO OH. WAG MO SIYANG KUNIN, HINDI KO PO KAYA. MARAMI PO ANG NAG MAMAHAL SA KANYA, WAG PO SIYA. PLEASE, I'M BEGGING YOU. NAG MAMAKAAWA PO AKO! Please.." Napaluhod na ako sa sobrang hina. Hindi ko na alam ang gagawin ko, nahihirapan na ako. Ayoko ng ganito, ayoko nito!
"Walang mangyayari kung iiyak ka diyan. Puntahan mo siya at sulitin niyo ang bawat sandaling natitira." Napatingin ako sa isang tao nag salita pero hindi ko naman kilala. Hindi ba siya tinuruan ng magulang niya na 'Dont talk to strager?'
"Sino ka?" Pinunasan ko ang luha ko bago ako mag salita.
"Ako? Just call me Cool." Cool? Baka pakealamera.
"Cool? not suits you." Mapang asar kong saad. Kahit, sumisingot pa ako.
"Nag tanong tapos, nang-asar lang." Tinignan ko siya saglit ng masama.
"Hindi masama ang umiyak. " hirit niya.
"You can Trust me." Saad niya pa.
"You're a stranger, how can say I assure that I can trust you?" Seryoso kong tanong.
"I don't know. But if you don't like, it's ups to you." Seryoso niyang saad.
"I don't know what's your problem, at alam kong mabigat at masakit yan para sayo, hayaan mo akong pagaanin ang loob mo. Sa pamamagitan ng pakikinig ko. Isipin mo lang na para akong isang puno na kung kelan nang hihina ka na pwede mong sandalan kapag hindi mo na kaya." Saad niya na nag pahagulgol sa akin.
"Bakit ganun? Bakit kung sino pa yung taong minahal mo ng lubos siya pa ang mawawala? Bakit, siya pa? I can't accept it eh. Hindi ko kaya, ang sakit sakit, ayoko siyang mawala pero ayoko rin siyang mahirapan." Umiiyak kong saad habang naka harap sakanya. Mas lalo akong napahagulgol nang hilahin niya ako at yakapin. Hindi dahil sa yakap kundi dahil sa sinabi niya.
"God has a purpose why he did that. Just accept, and believe. Walang problema ang hindi malalagpasan, kaya mo yan. Kaya niyo yan."
Paano? Paano? Kung paulit ulit akong nasasaktan tuwing nakikita ko siyang nag kakaganun.
"Pero hindi ko kayang tanggapin." Saad ko.
"Walang bagay ang hindi kayang tanggapin, hindi man ngayon pero makakaya mo rin."
"Salamat." Saad ko at tumayo na.
"Aalis na ako." Paalam ko, hindi naman ako ganun kabastos.
"Saan ka pupunta?" Bakit ba ang daldal ng mga lalaki? Kahit tinulungan niya ako, naiinis parin ako sa kanya.
"Edi susulitin ang mga araw na pwede kaming mag kasama." Umalis na ako dun. Hahaba lang ang usapan. At ayoko nang dagdagan ang komunikasyon naming dalawa.
T R U T H R E A L L Y H U R T S
"Eh kung mag picnic po tayong mag kakasama?" Tanong ko.
"Sige! Bet ko yan! May lugar kaming alam at favorite place yun nila Aethan." Napangiti naman ako sa sinabi ni Mom.
"Kasama ba kami diyan?" Tanong nila Dad.
"Siyempre! Lahat nga tayo eh!" Natatawang saad ni Mom, na ikinanguso ni Dad. Childish.
Sa isang taong pamamalagi ko sa kanila, duon ko lang nalaman na kung gaano kahalaga ang may pamilya.
Kung ilang taon ako nandito, ganun din ang taon na hindi ko nakakasama sila Mom. Bakit? Busy with their works. Hays!
"My love. Pupunta tayo sa favorite place niyo." Saad ko kay Aethan na nakaratay sa higaan.
Malapit na ang birth day niya, sa august 2 kaya pag hahandaan ko, talaga yun.
"My love. I love you."
"I love you more more more." Napa hagulgol na lang ako sa pinag sasabi ko.
Paano ba makapag sasalita si Aethan? Eh! Naman eh! Huhuhuhu!!!
"Bakit mo ba ako ginaganito?" Iyak ko.
Kelan ba mauubos ang luha ko? Kelannnnnn!!!?
T R U T H R E A L L Y H U R T S
"Whaaa! Ang ganda rito." Sigaw ko. Lumapit naman ako kila Mom, kung saan naka upo rin si Aethan.
Nasa Favorite place na nila kami.
"Bakit hindi mo ako pinunta rito dati?" Kunwaring kong tanomg na nag tatampo.
"Hindi ka ba napapagod?" Familiar ang boses na yun.
"Cool!!" Nakipag bro punch sila Ethan, Vincent, john. Oh diba? Para silang mga buntot na hindi nawawala. Hahahaha...
"Hi po tita, tito!" Wala na sila lola, pumunta na ng london.
"Hello Cool! Long time no see!" Eh diii! Kayo na! Kayo na ang mag kakilala.
"Oh? Nandiyan ka pala?" Sinamaan ko siya ng tingin. Ayt wala! Nag parinig ka na nga diba? Nakaka urat!
"Wala, hologram lang ito." Inis kong saad.
"You know each other?" Tanong ni Mom.
"Hindi po." Sagot ko.
"Ahh... Okey! Introduce your self!" Kelangan pa ba yun?
"Hi! I'm coolide Monterial, pinsan nila ako." Ah! Kaya pala, pero bakit siya lang ang, Panget? Hahaha...
"Yna." Saad ko.
"Ah... What a good pet name." Bwisit! Ang ganda ganda ng pangalan ko! Tapos I papangalan niya lang sa pet! Leche!
"Hehehe..." halata naman sa pag tawa ko nang aasar! O asar!
"So? Back to my question, Hindi ka ba napapagod?" Napatahimik ako.
"Saan? Kung ang tinutukoy mo ay tungkol kay Aethan. Hindi, dahil alam mo ang nakakapagod? Yun yung umiyak ng paulit ulit. Pero ang alagaan siya, ituon ko lahat ng oras, panahon, ko sa kanya. I will never be get tired. Kahit paulit ulit kong gawin yun." Halata sa boses kona ang inis.
"Cool, stop it." Saway ni Mom.
"No, tita. I'm just concerned to Aethan." Nang iinis talaga siya. Parang nung gabi lang maayos siyang makipag usap ah.
"Let him." Saad ko.
"Hindi porket nandiyan ka. Sa tabi niya. Hindi ibig sabihin nun mahal mo siya, malay mo plastik ka." Bakla ba siya o babae? Kung manalita siya, daig niya pa ang tagahatol sa pang huhusga niya.
"Kung plastik ako? Ano ka pa? Kung ikukumpara tayong dalawa, plastik ako pero nagagamit ako. Ikaw? Magnet ka ba? Dahil daig mo pa ang linta sa pag dikit sa mga metal na meron sila. Buti na lang ang mga magnet na katulad mo ay hindi nadikit sa mga papel, baka kasi kung nag kataon. Ikaw ang mag mukhang plastik na gold digger sa ating dalawa kahit lalaki ka." Kung masakit siyang mag salita, MAS SOBRANG masakit akong mag salita.
Ayokong makasakit, pero pinilit niya ako.
"Sinasabi mo bang mukhang pera ako?" Binigyan ko siya ng blangkong tingin.
"Ikaw ang nag sabi niyan, di ko lang alam kung nakita mo sa sarili mo ang mga yun."
ETHAN's POV
Nakahanap din ng katapat itong si Cool hahaha!
Si Cool ang Tipo ng lalaki na kung mag salita eh! Daig pa ang babae! Kaya takot ang mga babae diyan eh.
Heartless
"Aba't!" Alam kong nag pipigil ng galit si Cool. And to the first time! Ngayon lang siya magagalit! Whahahaha...
"Tsss... Stupid!" Hindi na siya pinansin ni Yna. Dahil tinuon na lang nito ang atensyon niya kay Aethan.
"Mom. Mag lilibot lang po kami ni Aethan." Tumango naman si Mom.
Hinawakan niya ang wheelchair ni Aethan at nag simulang umalis. At kami naman nag simulang buskahin si Cool.
"Hahaha! Ano Cool? Parang mapapalitan yang pangalan mo na cool ah? Hahahaha!!" Nag tawanan naman kaming lahat. Pati sila Mom nakisali na rin sa pambubuska.
"Tss... Ang yabang nun ah! Sino ba yun! Ang yabang yabang hindi naman maganda!" Napahagalpak kami ng tawa sa sinabi niya. Para siyang bata.
"Hahaha! Girlfriend yun ni Aethan! Kung naririnig ka lang ni Aethan lagot ka dun!! Hahahah!" Saad ko. Sa aming lahat mas takot siya kay Aethan.
"Kahit na! Bakit niya ba nagustuhan ang mayabang na yun? Ang yabang yabang! Ang lakas ng loob para pag salitaan ako ng ganun!" Hahahaha! Abnormal talaga.
"Bakit? Gusto mo ikaw?" Natahimik siya sa sinabi ni Dad.
"A--ano? Yung mayabang na yun? N--no way!" Mas lalo kaming napahagalpak ng tawa.
"Hahahaha!!"
"Nasaan nga pala yung kapatid mo?" Tanong ni Mom.
"Ah, kasama po ng yaya niya. Nag lilibot." Kaya pala.
T R U T H R E A L L Y H U R T S
Ynas's POV
"Kapag gumaling kana. Ikaw naman ang dadalhin ko sa favorite place ko." Saad ko.
"Kaya! Mag pagaling ka ah! At may suprise ako, Sa birthday mo. Ayieee!"
"Mommy! Mommy!" Napatingin ako sa batang hinihila ang laylayan ng dress ko.
"Hey kiddo? Where's your Parents?" Tanong ko.
"Mommy!" Paulit ulit niya yang sinasabi.
"Hays, sumama ka na nga lang muna sa akin, tapos hahanapin natin ang magulang mo okey?" Tumango naman agad ito.
"Let's go." Nag libot libot kami. Nag mistulang anak namin ni Aethan ang batang to.
"Ano pong nangyari kay daddy?" Tanong niya. Humarap siya kay Aethan.
"May sakit kasi siya. Kaya ganyan." Malungkot man, pero pinipilit ko ang ngumiti.
"Gagaling po ba si Daddy, mommy?" Tanong niya. Oh diba? Kinareer ko na ang pagiging Mommy niya. Hahaha, pero Ang cute niya! Yung mukha niya parang siopao.
"Oo naman, malakas ata siya!" Nakangiti kong saad.
Yes, kaya niyang gumaling. Kakayanin niya.
"Gutom na po ako." Natawa naman ako sa sinabi niya. Ako rin gutom na. Hahahah.
"Sumama ka Muna sa akin, tapos pag katapos mong kumain. Hahanapin na natin ang magulang mo." Saad ko.
Nag lakad lang kami pabalik kila Mom.
"Omay! Val!!" Agad na niyakap ni Mom si Val?
"Kilala mo po siya? Nasaan po sila?" Si Mom na lang kasi ang natira pag balik namin.
"Ah... Oo, siya si Val kapatid ni Cool." Seryoso ah?
"Hindi halata. Pero nasaan nga po ang iba?" Tanong ko.
"Ah. Hinanap si Val." Eh?
"Po?" Naguguluhan kong tanong.
"I mean, humiwalay kasi yang si Val sa yaya niya, then nung malaman naming nawawala si Val hinanap nila. Nag paiwan ako para kung sakaling bumalik kayo. At least May tao." Napa 'ah' ako. Agad din namang tinawagan ni Mom sila Dad.
Ilang minuto pa ang nakalipas ng Dumating na silang Lahat.
"Mommy!" Nag tago sa likod ko si Val.
Para sa silang susugod sa gyera, imagine. Lima sila, at sinakop nila ang daan. Walang gustong mag pahuli, maski sa pag lalakad sabay sabay sila. Yung totoo? Pinag usapan nila yan no? Imagine-in niyo na may limang lalaki na naka linya habang nakaharap, then sabay sabay silang nag lalakad. Naka fierce pa, na lalong nag papangit sa Cool na yun.
"Val! Anong sinabi ko sayo? Diba wag Kang lalayo sa paningin ng yaya mo? Pinag aalala mo lagi ang mga tao sa paligid mo!" Kung sa akin okey lang yang katrantaduhan at ka abnormalan niya. Pero ang ganyanin ang isang paslit na wala pang muang.
"Wag mo ngang sigawan!" Inis kong saad.
"Pasalamat ka Girlfriend ka ng pinsan ko. Kaya wag kana lang mangialam." Para bang nainsulto ako.
"At wala akong pake! Ganyan ka ba talaga sa mga tao sa paligid mo! Nakakurat ka na!" Irita kong saad.
"*sigh* Val. Come here." Pero imbles na lumapit si Val, lalo pa itong nag tago sa likod ko. Oh diba, pati bata natatakot sa pag mumukha niya.
"Edi sa kanya kana! Parehas kayong panget!" Lecheng lalaking to! Lichunin kita diyan eh!
"My love, gusto mo nang kumain?" Tumango naman siya ng kaunti. Pilit ko na lang binabago ang uspan kahit, iritang irita na ako sa Cool na 'to.
"Ah." Sinubuan ko siya ng slice apple.
"Here, kumain ka ng Ubas." Sinubo ko sa kanya yung ubas.
Marami na rin siya nakain, salad, tinapay at kung ano-ano pa.
Kaya pinainom ko na siya ng tubig. Inalalay ko ang isa kong kamay sa baba niya, para kung may matatapon na tubig. Imagine mo na lang na nag papainom ako, ng bata, ganun.
"Mommy!" Napatingin ako kay Val.
"Bakit?" Narinig ko pa ang pag bulong ni Cool ng 'Mommy, tss..' epal talaga kahit kelan.
"Kiss." Napanganga ako sa sinabi niya. Ngumuso naman ito.
His only 5 years old. Sinamaan ko ng tingin si Cool.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong niya. Tinignan ko na lang ulit sI Val.
"Sinong nag turo niyan sayo?" Tanong ko.
"Si Daddy po." Daddy?
"Siya ba?" Tinuro ko si Aethan. Habang sila Mom, nakain habang nakikinig.
"Hindi po."
"Eh sino?" Hindi kaya yung Daddy niya talaga?
"Siya po.!" Tinuro niya si Cool. Hindi ko alam kung ano ang ipakikita kong reaction.
"Bakit? Ano bang sinabi ng 'Daddy mo?" Saad ko.
"Kiss ko po!" Saad niya pa.
"Sabihin mo muna kung anong sinabi niya?" Napanguso naman ito. So! Cute!!
"Sabi po kasi niya, yung babae po daw na unang makakaaway niya na matatalo siya, kelangan po daw ikiss ko lishdhshsish" tinakpan naman bigla ni Cool ang bibig ni Val.
"Bitawan mo nga siya! Mamaya kung saan mo pa hinawak yang kamay mo!" Saad ko. Binitawan naman niya itong inis.
"Where's my kiss?" Kiniss ko naman siya noo niya. Kasabay ng pag kiss ko sa kamay ni Aethan.
"My love, hindi ako ang may gusto nun ah. Sisihin mo ang isa diyan! Na Bad influence." Pag paparinig ko.
"Nag paparinig ka ba?" Tanong niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Bakit natamaan ka?" Sarcastic kong saad.
Tsss... Panira siya ng Araw kahit Kelan.
"My love. Lumaban ka ah, then sapakin mo yung isa dito." Pag paparinig ko pa.
Pag katapos namin mag bonding dun, umuwi na rin kami.