Chapter 2

1030 Words
“Good afternoon Agent Strove,” bati ko sa kasamahan ng makasalubong ko siya papasok. “Oh! Agent Chilton, akala ko day-off mo ngayon?” gulat na tanong niya ng makita ako. “Oo nga, pero pinatawag ako ni Sir Hammington,” I simply said. Tumango naman siya bago sumagot. “Kaya pala. Sige mauna na ako, may tinatapos ako ako.” Hindi na ako sumagot pa at dumiretso na sa opisina ni Sir Hammington. “Sir,” pagbati ko pagkapasok ko sa loob. “Please take a seat, Agent Chilton,” wika niya habang abala sa computer na kaharap. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko sa oras na ‘to dahil day-off ko naman. Kung hindi lang ako nakatanggap ng tawag kanina na kailangan pumunta rito ay malamang nasa bahay na ako at natutulog. “I know that today is your day-off but I want to personally give this special task for you,” at inabot naman niya sa akin ang isang folder at makapal na papel. Naguguluhan man kung anong special task ‘yon ay kinuha ko pa rin ang binibigay niya at binasa. Napakunot naman ang noo ko ng mabasa ang binigay niya. “Two months from now, we will have our own research team and that team will create a presentation regarding psychological profiles of a serial killer. You can choose your team members, who will help you accomplish the task.” Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga sinabi niya pero hindi ako umimik at nanatiling nakikinig sa mga sinasabi niya. “Here,” may inabot naman siyang panibagong papel na kaagad kong kinuha. “That would be a set of sample questionnaire. You just need to hand it to him and that is?” tanong niya kaya napatingin ako sa criminal profile na hawak ko. “Hector Bill. The cannibalistic serial killer.” “You know him, right? Since you’re the one who profiled this killer,” wika nito sabay higop sa tsaa na nasa kanyang harapan. “So, can I count on you, Agent Chilton?” “Yes, sir,” I answered. Ngumiti naman ito dahil nakuha ang kanyang gusto. “Then, I’ll go ahead, sir,” paalam ko at inaayos ang mga papel na ibinigay niya. “Sure. Have a nice day, Agent Chilton,” hindi na ako sumagot at tumango na lang bago tuluyang lumabas ng kanyang opisina. Nang maisara ko ang pinto ay saka ako nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Hindi na ako nagtagal pa sa opisina at dumiretso na sa sasakyan ko. Mukhang nagpapalakas na naman siya sa nakakataas kaya kinuha ‘tong project na ‘to. Gustuhin mo mang tumanggi ay hindi ko rin magagawa dahil paniguradong ako ang pag-iinitan nito. Base sa pagkakaalam ko ay ang FBI Information and Technology Branch ang humahawak sa ganitong klase ng research. Usap-usapan pa nga no’ng nakaraang linggo ang tungkol sa ganitong bagong project dahil gustong magpa-impress sa FBI Management ng mga Field Agents. Isa pa, ito ang pangunahing trabaho ko kaya naman wala rin akong takas. Kung sa university ay ako ang nagpapaggawa ng research dito naman ay ako ang gumagawa. Hay buhay nga naman. Part-time professor kasi ako sa East Manson University. Nagtuturo lang naman ako kapag day-off ko o kaya naman kapag maluwag ang schedule. At Psychology subject ang tinuturo ko. At ang pangunahing trabaho ko talaga ay pagiging FBI agent. Isa akong FBI Senior Special Agent ng FBI Criminal, Cyber, Response, and Service Branch (CCRSB) under Criminal Investigative Division. We are responsible for investigating different crimes such as financial crimes, white-collar crimes, public corruption, violent crimes, organized crimes, drug-related crimes, and so on. Our branch also oversees all computer-based crimes related to criminal threats, and counterterrorism against our country. At dahil wala naman talaga akong pasok ngayon at tapos na rin ang huling klase ko, napagpasyahan ko na umuwi na at sa bahay na ituloy ang pagbabasa. Habang nasa byahe ay hindi mawala sa isip ko ang gagawin na research presentation. Dahil imbes na nasa field ako nagta-trabaho at nagi-imbestiga ay ito ako at abala sa harap ng laptop. “Nagugutom na ako,” reklamo ko ng makapasok sa bahay. Kaagad kong nilapag sa mesa ang mga papel na dala ko at iniwan ang bag sa sofa saka ako nagtungo sa kusina. Hindi ko alam kung anong kakainin ko, isa pa ay tinatamad akong magluto kaya nagpasya ako na mag-noodles na lang at initin ang natitirang pizza na nasa ref. Abala sa negosyo ang mga magulang ko at madalas din silang wala sa bahay kaya naman halos mag-isa na lang akong nakatira rito. Sanay na rin naman na ako dahil bata pa lang ako ay tutok na ang mga magulang ko sa negosyo namin. Wala rin akong kapatid kaya naman lumaki ako na halos mga kasambahay ang kasama sa bahay. Anyway, mabilis kong tinapos ang pagkain para makapagsimula na rin ako. Hindi na rin naman na ako mahihirapan dahil pamilyar na ako sa kaso at sa suspek. Ako ang naging criminal profiler sa kaso na ito kaya naman ako ang mas nakakaalam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng suspek. Kinuha ang manipis na papel na nakapatong sa mesa at binasa ito. Naglalaman lang naman ‘yon ng mga tanong na dapat masagot sa presentation at kung ano ba ang dahilan at para saan ang gagawin. Sunod kong binasa ay ang profile ng suspek. Bumungad sa akin ang isang larawan ng matandang lalaki na pamilyar sa akin. Ang sumunod na pahina naman ay naglalaman ng personal na impormasyon ng lalaki na nasa larawan. “Hector Bill,” banggit ko sa pangalan nito. Hector Bill was convicted for murder and dismemberment of a total of 18 people. Many of his later murders involved cannibalism and permanent preservation of body parts – typically part of the skeleton of the victims. He was arrested last 2010, and serving in prison for 11 years now. He was sentenced for 16th term of life imprisonment for 18 murders he committed. At dahil ako ang naka-assign na criminal profiler at lead investigator, kaya naman tandang-tanda ko pa ang mga pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD