Shaynne's POV
"Sandy, bilisan mo. Iiwan na talaga kita," sigaw ko mula sa baba. Ibinalot ko na ang mga baon namin. Today is our first day of school kaya bawal ang ma-late.
"Shy, 'yong kapatid mo ah. Mauuna na kami ng papa mo," paalam ni mama nang makababa sila. Kaniya-kaniyang kuha rin sila ng mga gamit nila. Sinamahan ko sila hanggang sa labas bitbit ang mga lunch nila.
"Ma, lunch niyo po." Inabot ko ang dalawang bag na may lamang lunch nila. Narinig ko ang paghalakhak ni papa kay napalingon kami sa kaniya.
"Some people might think that you're the daughter and Shy's the mother." Nailing pa ito habang natatawa. Sabay naman kaming napanguso ni mama na naging dahilan ng muling paghalakhak ni papa.
Marami na rin ang nagsasabi ng pagkakatulad namin ni mama. Napagkakamalan pa kaming magkapatid imbes na mag-ina. Despite of her age ay hindi talaga maipagkakaila ang gandang taglay ni mama na nagpapabata sa kaniya.
Humarap siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"You didn't have to do this anak, but thank you," nakangiti saad ni mama sa akin. Naramdaman naman namin ang paglapit ni papa kaya napalingon kami rito.
"Oo nga sweetie, we're so lucky to have you as our daughter," wika ni papa. I gave them a smile and hug the both of them. Na siyang sinuklian naman agad nila.
"I want a hug too," narinig naming wika ni Sandy. Natawa naman kami dahil doon.
"Inggitera. Bilisan mo na diyan at ihahatid pa kita," wika ko rito. Humalik siya sa kina mama at papa bago tumungo sa kusina upang kumain.
"Linda will be here in a few minutes," wika ni mommy bago sumakay sa kotse nila. Ate Linda is our friendly neighbor. Siya rin ang babysitter ng bunso namin. Kumatok ako sa bintana ng kotse sa gawi mama, binuksan naman niya iyon.
"Mommy galingan niyo sa korte ngayon. Ilampaso niyo po iyong mga masasamang tao," nakangiting saad ko. Niyukom ko pa ang mga kamay ko at umaktong sumuntok. Natawa naman si mama sa akin at ginulo ang buhok.
"Walang lugar ang mga masasamang tao sa mundo anak, hindi sila makakaligtas sa batas." Napangiti ako dahil doon.
"Opo ma, ingat po kayo." Kumaway ako sa kanila.
"Ba-bye Ma, Pa."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang asungot sa nakikaway sa mga magulang ko. Natawa naman si papa at sumigaw bago sila tuluyang umalis.
"Mag-ingat kayo mga anak, mag-aral nang mabuti."
Kumaway lang kami hanggang sa hindi na namin matanaw ang sasakyan. Agad ko siyang siniko at pumasok sa loob ng bahay.
"Aray naman Shiny!" Hawak-hawak niya ang sikmura at sumunod sa akin papasok.
Dumeretso ako sa taas at kinuha si Shaun. Sakto namang pagbaba namin ay dumating na si Ate Linda.
"Ate, kayo na po ang bahala kay Shaun ah. Papasok na po kami," paalam ko sa kaniya. Hindi ko pinapansin ang asungot na nakasunod sa amin ngayon.
"Buhangin, may kasalanan ba ako sa ate mo?" kausap niya si Sandy. Pumara na lang ako ng Taxi para makarating na kami sa school.
"Kuya, stop calling me buhangin. At saka its Sheyn not Shiny, kaya naiinis si ate sa'yo eh," maarteng saad ni Sandy. Grade 3 pa lang siya pero wagas na kung makapag-english. We have a big age gap that's why she got spoiled by dad kasi after 8 years ay nagkaroon ulit ng baby sa bahay. After 5 years naman ay nasundan ulit ni Shaun.
"Tinagalog ko lang pangalan mo, saka Shy naman ang nickname ng ate mo ah, kahit hindi halata," pabulong niya pang sinabi iyon. Inirapan lamang siya ng kapatid ko kaya natawa ako. Ma-attitude talaga ang batang 'to.
"Magkapatid nga kayo," bulong niya.
"Ate talk to kuya Lance nga, ang ingay niya," reklamo ni Sandy at bahagyang tinakpan ang tainga niya.
"So sinasabi mo na makapal ang mukha ko?" mataray na tanong sa kanya. Agad namang nag-iwas nang tingin si Lance at humalukipkip sa tabi.
"Hindi ah. Matalino ka lang talaga at... confident, oo, iyon nga," nauutal na wika niya. Tumawa na lang ako dahil sa sagot niya. Well, it's true naman na confident ako. Dad always said na if alam mong nasa tama ka, there's no need to be shy about. Be confident so that the people will know the truth.
I'm an avid fan of my parents.
Nang makarating kami sa school ay inihatid na namin si Sandy sa building nila. Magkatulad kami ng school na pinapasukan pero magkaiba ang mga building namin. Sa highschool kami na-belong.
Right. We're already in 10th grade, isang taon nalang at senior high school na kami.
"Lance, anong strand kukunin mo sa senior high?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa building namin.
"Wala pa," sagot niya. Huminto kami sa harap ng room ko, wala pa 'yong adviser namin. Magkaiba kami ng room, I'm at the first section, siya naman ay nasa third.
"Hoy, grade 10 na tayo, ayusin mo na iyong mga desisyon sa buhay," pang-aasar ko sa kaniya. Pinag-krus niya ang mga kamay at umirap. *Parang bakla lang ah?* Natawa naman ako dahil do'n.
"So sinasabi mo na hindi na maayos ang desisyon ko sa buhay?" pang-gagaya niya sa boses ko kanina. Nawala tuloy ang tawa ko. Fine, siya na magaling mang-asar.
"Ang ibig kong sabihin, ayusin mo na pag-aaral mo. We all know na matalino ka, you just choose to be dumb," wika ko sa kaniya at sumandal sa pinto ng room namin.
"Oy, grabe ka. Hindi naman gano'n kasama ang section namin ah, at least hindi siya last section." Ngumuso pa ito at pinagmasdan ang ibang estudyante na naglalakad sa field.
"Just do well in you class, baka may chance pa na malipat ka sa section namin. At least naging magkaklase tayo bago matapos ang junior highschool," wika ko sa kaniya. Nakangiti naman siyang lumingon sa akin.
"Ayiie, sabihin mo na kasi na crush mo 'ko. Baka pagbigyan kita at lumipat ako sa room niyo," bungisngis na saad niya. Sinusundot pa niya ang tagiliran ko. Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya.
"Kapal naman, baka ikaw iyong may crush sa akin," may panunuyang saad ko.
"Crush naman talaga kita ah?" nakangising wika niya. Tinignan ko siya bago itinulak ang mukha niya.
"Siraulo, pumasok ka na sa inyo baka ma-late ka pa tapos sa akin mo isisisi," saad ko sa kaniya bago binuksan ang pinto ng room namin.
"Kiss ko muna," wika niya. Nagbend pa siya para lang magkapantay na kami. Aaminin ko na matangkad talaga siya, pero matangkad din naman ako, sobra nga lang sa kaniya.
"Asa ka," nandidiring saad ko at pumasok na. Narinig ko pa ang pagtawa niya bago ito nawala sa pinto ng room namin.
"Grabe ang aga-aga nilalanggam na room natin," parinig ng isa sa mga kaklase ko, si Adi. Hindi ko na lang sila pinansin at dumeretso na sa puwesto ko.
"Hoy, 'wag ka. Hanggang ngayon friendzone pa rin si Renier," saad naman ni Caroline.
"Shy, akin na lang kung ayaw mo," wika ni Erica sa tabi ko. Tumawa naman ako doon habang hinanda ang mga gamit ko
"Para kayong sira, magkaibigan lang kami ni Lance. Ligawan niyo kung gusto niyo," saad ko sa kanila. Nagsi-lapitan naman sila sa puwesto ko.
"Hindi ba umamin sa'yo si Renier? Narinig namin 'yon, ilang beses na niyang sinasabi kayo na crush ka niya," wika ni Jerome.
"Siraulo 'yon, 'wag niyong paniwalaan lahat ng sinasabi no'n," paglilinaw ko sa kanila. Hindi na sila muling nagtanong at bumalik na sa kaniya-kaniyang upuan dahil dumating na rin ang adviser namin.
Katatapos lang ng huling subject na kami sa morning classes, nag-inat ako bago niligpit ang gamit ko. Inilabas ko naman ang librong nahiram ko kina papa.
"Shy, saan ka magla-lunch?" tanong ni Maki sa akin nang makalabas kami ng room.
"Sa Giyu-Hall kami kakain," saad ko habang binabasa ang librong hawak ko. Bahagya naman itong sinilip ni Jerome bago ngumiwi.
"Grabe, ang aga naman para sa gan'yan, may two years pa Shy," wika ni Jerome. Nilingon ko naman siya saglit bago ibinalik ang tingin sa libro.
"Wala naman sa oras or education level if gusto mong matuto ng isang bagay, everyone has the right to do the things they wanted to do," mantra ko. Naglalakad kami papunta sa Giyu-Hall.
"According to *Section 11 of Article II of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, State values the dignity of every human, person and guarantees full respect for human rights.* Nakastate din 'yan sa Republic Act No. 10368, Chapter 1 Section 2," mahabang paliwanag ko.
"Kaya nakakatakot asarin si Shy eh, baka kasi lalapagan ka niya ng Republic Act at mga kaso," ani ni Erica. Tumawa naman ako dahil do'n.
"Grabe naman kayo, hindi naman ako gano'n kababaw 'no!" Nagtawanan lang kami hanggang sa makarating kami sa Hall. Naghanap kami na mapu-puwestuhan nang may sumigaw ng pangalan ko.
"Shiny!" pa-kanta niya itong isinigaw. Sino pa nga ba? Isang tao lang naman tumatawag sa akin ng gano'n. Lumapit kami sa puwesto nila. May kasama siyang 2 lalaki. Mga tropa niya, madalas ko silang nakikitang magkasama eh.
"Shiny, upo ka rito oh," sabi niya at tinapik-tapik ang bakanteng upuan sa tabi niya. Umupo na ako roon at inilabas ang baon ko. Kinuha niya ang librong hawak ko at binuksan iyon. Hindi niya naman binabasa, tinitingnan niya lang.
"Ito namang si Renier kung makaakto, 'kala mo talaga ilang buwan silang hindi nagkita ni Shy" pang aasar ni Maki.
"Ano ba 'yan, Maki. Ang bantot ng pangalan, kaninong pangalan 'yan?" wika ni Lance bago ibinalik sa akin ang libro. Napuno nang tawanan ang mesa habang hinahanda ang mga baon namin.
"Bro, nakalimutan mong pangalan mo 'yon," natatawang wika ng kaibigan niya, if I remember it correctly, Alfonso ang pangalan niya.
"Pauso ka, kailan ko pa naging pangalan 'yon?" pagde-deny ni Lance.
"Hoy Renier Lance, manahimik ka at kumain ka na," pambabara ko sa kaniya. Nagtawanan ulit ang mga kasama namin habang siya naman ay ngumuso. Hindi niya kasi gusto ang first name niya. Katunog kasi ng pangalan ng mommy niya.
Mabuti na lang at nakaabot kami on-time sa first subject ng afternoon class. Paano ba naman kasi, umatake ang ka-abnormalan ni Lance. Nakalimutan namin ang oras.
Naging mapayapa naman ang klase namin. Since first day of school pa naman kaya maaga kaming pinauwi.
"HUMSS ang kukunin mo sa senior highschool 'di ba?" tanong ni Lance. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa building nina Sandy. Bitbit niya sa kaliwang balikat ang backpack niya samantalang sa kanan naman ang bag ko.
"Oo, ikaw? Wala ka pa rin bang nagugustuhan?" balik tanong ko sa kaniya. Sumilay naman ang nakakalokong ngiti sa labi niya. May naisip na naman na ka-abnormalan 'to.
"Meron, ikaw." Tumawa pa siya nang sinabi niya iyon at sinundot ang tagiliran ko. Inirapan ko lang siya at binilisan ang paglalakad ko. Agad niya naman akong hinabol habang natatawa pa rin.
"Ito naman, hindi na mabiro," wika niya. "Wala nga kasi, hindi ko alam gusto kong kunin."
"Para kang sira. Wala kang balak mag-college?"
"Mayroon."
"Anong kukunin mo?" tanong ko.
"Ewan," kibit-balikat na saad niya. "May mai-sa-suggest ka ba?"
"Hm. Arts and design kunin mong strand," suhestiyon ko. Kumunot naman ang noo niya.
"Hindi naman ako magaling mag-drawing at mag design," wika niya. Napa-face palm na lang ako sa sinabi niya.
"Sira, hindi porket arts ay drawing na agad meaning! Included sa Arts ang dancing, singing, acting, painting at iba pang specialization ng SPA (Special Program in the Arts)," pagpapaliwanag ko.
"Maganda naman boses mo, magaling ka sa instruments, sa sayaw puwede na rin, at mukha kang artista," dagdag ko.
"Hindi naman ako SPA saka ayoko mag artista," mahinang sabi niya. Magsasalita pa sana ako nang may narinig akong sigawan mula sa building nina Sandy. Familiar ang boses na iyon.
"You're weak!"
Dali-dali akong lumapit sa mga nagkumpulan na mga bata. Bumungad sa akin ang si Sandy na nakatayo sa harap ng batang lalaki na nakahiga sa school ground. Sakto namang may dumating na teacher.
"What's happening here?" tanong nito habang tinutulungan na tumayo ang batang lalaki.
"Teacher, tinulak ako ni Sandy," pagsusumbong nito sa guro. May galos din ito sa siko dahil siguro sa pagkatumba niya.
"Sorry po ma'am, kakausapin ko po kapatid ko," paghingi ko ng tawad sa guro nila.
"Sandy, say sorry," wika ko. Gulat siyang napalingon sa akin.
"Ate, no. He's bad, he's the one who pushes Andrew first," sumbong niya. Napabuntong hininga naman ako nang mapansin ko ang batang lalaki sa gilid, madungis ang uniform niya at may galos din sa tuhod at siko. Pati bag nito ay puno ng buhangin.
"Still Sandy, it doesn't justify your action," mariing saad ko. Magsasalita pa sana siya nang biglang nagsalita ang teacher nila.
"We can talk about this tomorrow. Mark, Sandy and Andrew? Hihintayin ko ang parents niyo bukas, malinaw ba?" Mahina namang sumagot ang mga bata. Humalukipkip lang si Sandy at nauna nang lumakad.
"Aren't you proud of her?" biglang tanong ni Lance habang nakasunod kami kay Sandy. "I mean, she defended someone who's being bullied."
"But violence is not the answer to it," sagot ko habang nakatingin kay Sandy.
"You're right, pero para sa akin. Okay lang naman ang ginawa niya." Agad ko siyang nilingon dahil doon. Sinasabi niya ba na okay lang manakit ng kapwa?
"Huwag mong sasabihin 'yan sa kaniya," mariing saad ko.
"Shy, just comfort her. She might feel agitated right now thinking na mas pinanigan ml ang batang lalaki kaysa sa kaniya," wika ni Lance. I sigh at tiningnan muli ang kapatid ko.
Ako na ang kumausap kina mama tungkol sa nangyari kanina.
"Sandy. Why did you do that?" kalmadong tanong ni mama. Nasa study kami ngayon. Kinakausap ang kapatid ko.
"Mom, I told you, pinagtanggol ko lang 'yong classmate ko."
"Violence is not the answer for it Sandy," wika ko sa kaniya. Humalukipkip naman siya sa single sofa na inuupuan niya.
"You're ate is right Sandy, you can't use violence just to get back against him," saad ni mama.
"I don't get it. He was the one who use violence, and I just did what he did to Andrew. Bakit ako ang mali?" Kitang-kita ang frustration sa mga mata nito. Nalilito siya.
"You told me to protect weak people from the bad one. Yes, mahina si Mark but he's bad, ginawa ko lang ang tama," dagdag niya pa. Sabay kaming napabuntong hininga.
"You did a great job on defending him, honey, but for now? You're grounded," mom firmly said.
"What? You can't do that," wika ng kapatid ko. Lumingon ito sa gawi ni papa. Papa's girl nga naman.
"That's enough for today let her rest already," wika ni papa. Agad namang tumayo si Sandy at padabog na lumisan sa silid.
"Alfred, you're spoiling her," angal ni mama.
Lumapit lang si papa rito at hinalikan ito. "I'll talk to her."
He kiss my cheeks bago lumabas sa kwarto. Napailing na lang akong pumasok sa kwarto ko.