Shaynne's POV
"Class dismissed."
Agad naming iniligpit ang mga gamit namin para makapag-recess na kami. Pumunta kami ng cafeteria para bumili ng makakain.
"May mga representative na ba tayo?" tanong ni Adi.
"Si Shy ang sa debate, 'di ba?" tanong ni Maki. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
"May topic na ba?" I asked them.
"I'll asked ma'am about the topic, sa pagkakaalam ko pros ang stand natin," saad ni Darlene, 'yong president namin. Nag-usap pa kami tungkol sa darating na English Fest. Ewan ko ba sa school namin. Ang daming ganap, halos lahat ng subject may festival eh.
Nang makabili na kami ng makakain ay napagpasiyahan naming sa room na lang kainin.
"Narinig niyo ba 'yong balita kagabi?" tanong ni Maki.
"Hindi naman ako nanunuod ng balita," kibit balikat na saad ni Jerome. Agad naman siya binatukan ni Darlene.
"Pero pag-kalokohan, grabe, mas updated ka pa sa Twitter app ko na hanggang ngayon 'di ko pa naa-update," wika ni Adi.
"Bigyan kita Wi-Fi para ma-update mo," sarkastikong saad ni Jerome sa kaniya. Pumalakpak naman si Adi rito.
"Ano ba? Iniiba niyo 'yong usapan eh," sita sa kanila ni Darlene. "Ano ba meron sa balita kagabi? Maaga akong nakatulog eh."
"For sure alam 'yon ni Shy." Napalingon naman sila sa akin. Naiilang tuloy ako. Bakit ba bigla ako ang tatanungin nila? Ako ba nag open ng topic?
"Ano 'to? Call a friend?" pagbibiro ko. Nakatingin pa rin sila sa akin. Huminga ako ng malalim para mabawasan ang kaba ko.
"It's not true. Dad will not take the case." Nauna na akong naglakad sa kanila. I know dad will not take the case, He will not defend a criminal.
"Huh? 'Di ko gets," ani ni Jerome.
"Kilala mo si Dela Cruz? Franco Dela Cruz?"
"Iyong baliw na killer?" nagtatakang tanong ni Jerome. Tumango naman si Maki bilang sagot. "Oh? Anong mayroon sa kaniya?"
"Nasangkot na naman kasi sa kaso, tapos in-interview siya kagabi binanggit niya ang mga possible na maging lawyer niya, kapal talaga ng mukha," wika ni Darlene. Nang makarating kami sa room ay nag announce ang kaklase namin na hindi papasok AP teacher namin kay tumambay muna kami sa labas ng room, may mga bench naman do'n na pwedeng upuan.
"Oy, ang guwapo pala no'ng Franco 'no? One of the Richest Psychopath on earth, may fans club pa!" wika ni Maki
I scoffed. "Being guwapo doesn't justify his crimes, criminal pa rin siya," may halong inis na saad ko. Hindi ko alam kung bakit gan'yan ang unang pinapansin ng mga tao? Ano naman kung mayaman siya? Ano naman kung may hitsura siya? Napahiyaw na lang ako sa gulat nang biglang may dumagan sa akin sa likod.
"Sinong guwapo? Ako ba?"
"Hanging Tanso in signal number #1! Tinangay kami sa hangin ng kayabangan niya," wika ni Jerome, tumayo pa ito at ginawang microphone ang hawak na canned coke. Nagtawanan naman kami dahil do'n.
"Anong Tanso? Ang layo naman ng Cooper sa Copper. Andami ko nang pangalan ah. Mga imbento kayo!" asar na wika ni Lance. Dinuro niya pa ang mga ito.
"Mag English ka nga Lance, para ma-feel naman namin na may lahing alien ka," ani ni Adi na mas lalong nagpasimangot kay Lance.
"Oy! May dugong Pinoy 'to!" Nagtawanan lang sila hanggang sa nagsimula na ulit ang klase.
Isang Linggo rin kaming busy, maraming gagawin dahil English fest na. Ako naman ay nag focus lang sa debate namin. It's all about the Revision of Child Protection Policy where acceptable corporal punishment is allowed. I'm actually 50/50 about this topic. Pero dahil pros ang stand namin is kailangan kong gawin ang dapat naming gawin.
It's finally English fest. Nasa auditorium kami ngayon, for the opening program. Unang event is ang quiz bee. It went well and our section did a really good job. Debate will start in a few minutes. May pre-debate kami last week kasi 2 section lang ang pwedeng mag debate ngayon. Isa kami sa dalawang section na 'yon. Sa pagkaka alam ko ko is section nina Lance ang magiging katunggali namin.
"Ready na kayo?" tanong ni Darlene sa amin. Tinawag na kasi ang mga section namin. Tumango nalang kami bago umakyat sa stage. Nakayuko lang ako habang humihinga ng malalim at pinapakalma ang sarili. Sabi ni papa, if I want to become a lawyer, kailangan kong maging kalmado at maging confident. Debate is like a practice of a trial. Iisipin ko na lang na naga korte ako.
Nang makaupo kami ay inangat ko ang tingin ko at nagulat nang makita si Lance. Nakaupo siya sa kabilang mesa habang nakangiting kumakaway sa akin.
Ba't nandito siya? Hindi naman siya kasali sa debate ah?
"Due to emergency, we have a substitute for Mr. Velayo," salita ng English subject teacher namin.
Pinanlakihan ko siya ng mata. Kibit-balikat lang ang sagot niya sa akin at nakinig na sa announcement. Naatasan na kaming magbukas ng topic.
"Let's welcome Ms. Villegas, Ms. Andal and Mr. Cruz from 10 - Rizal, standing the affirmative side..." wika ng teacher namin na siyang host ngayon.
"Standing from negative side the students from 10 - Aguinaldo, Mr. Cooper, Ms. Perez and Mr. Choi."
Pinakilala niya rin ang mga judge at and rules and regulations ng debate. Nang tinawag na kami para buksan ang topic ay tumayo na ako sa upuan ko at bahagyang yumuko bago nagsimula.
"Good morning, I'm Kean Shaynne Villegas from 10 - Rizal. Child Protection Policy was stated at the year 2012 where to promote a zero-tolerance policy for any act of child abuse, exploitation, violence, discrimination, bullying and other related offenses. But if we look back to prior years before 2012, children receive different kind of discipline which is the corporal punishment, and as they recieve the punishment, they learn to reflect on what they did and realize their wrong doing. Most of students from that years grow up understanding why they receive those corporal punishments in younger years. Also there was nothing wrong disciplining your own child or student as long as they did wrong."
Sakto namang tumunog ang buzzer ng matapos ako. Ibig sabihin ay tapos na ang 1 minuto ko. Nakita kong tumayo si Lance kaya tinaasan ko ito ng kilay, pero hindi niya anman napansin 'yon.
"I'm Renier Lance Cooper from 10 - Aguinaldo," panimula niya. Patago naman akong napangisi ng napansin ko ang bahagyang pagngiwi niya habang nagpapakilala. Nakinig lang ako sa kaniya habang nagsasalita. Sa estilo ng pagsasalita niya ay malalaman mo talagang may lahi siya, lumalabas ang pagiging Amerikano niya kapag nagsasalita ng English.
Naging maayos naman ang unang round ng debate namin. Binigyan na kami ng kalayaan para magpahayag ng saloobin at proofs. Nang bumalik na sa akin ay nagsalita na ako.
"Well, corporal punishments were normalize from the prior years of 2012 since it was an effective way for a child to learn from their mistakes." Natigil ako sa pagsasalita ng biglang sumabat si Lance.
"Are you saying that violence can be a right to discipline a child?" he asked. Napakurap naman ako sa tanong niya. Violence is not an option to discipline a child.
"No, it doesn't always have to be violence, there's still another method to discipline a child like making them stand, sit on the air, balancing books or even just talking to them." depensa ko.
"Well you're right, but this corporal punishments is a physical abuse, tiring them for the mistake that they made. And also some talking can cause emotional abuse and trauma for child, since most of them is very close minded, they have limited understanding," wika niya at bahagyang itinuro pa ang sentido niya. Napabuga ang hangin.
"Are you saying na hindi nadadala sa pakikipag-usap ang bata?" 'di makapaniwalang tanong ko. Naramdaman ko ang mahinang paghila sa akin ng katabi ko pero hindi ko pinapansin iyon.
"Yes, as I told they a very limited understanding," prenteng wika niya.
"Nakakaintindi sila kung pai-intindihin mo sila ng mabuti." Niyukom ko ang kamao ko para pakalmahin ang sarili.
"Did talking work?" makahulugang saad niya. Alam ko ang tinutukoy niya. Ever since that day ay hindi pa rin kami pinapansin ni Sandy. Ayaw niyang makinig sa amin kasi sa tingin niya nasa tama siya. Pinatawag ulit sina papa no'n kasi may tinulak na naman siya.
"Violence is not an option," may pinalidad na saad ko.
"So you're agreeing to us?" nakangising wika niya.
"Mr. Cooper and Ms. Villegas, you're not justifying your stands. I request to exclude them from the discussion and remain on their seats," biglang saad ng isa sa mga judges.
Humalukipkip na ako sa upuan ko at tinignan siya ng masama. Ngumisi lang siya sa akin bago itunuon ang pansin mga kasamahan namin. Nakakainis!
"Oy, sorry na nga, pansinin mo na 'ko," pangungulit niya habang naghihintay kami ng taxi sa labas ng school. Sinundo na ni papa si Sandy kanina kaya kaming dalawa na lang kasabay na uuwi ngayon.
"Shy naman eh, debate lang 'yon," wika niya. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Bahagya naman siyang napaayras nang makita niya ang mga tingin ko sa kaniya. Sabi nga nila, kung nakamamatay lang ang tingin ay malamang puno na ang sementeryo.
"Debate lang? Tapos in-include mo 'yong sitwasyon ni Sandy?" inis na saad ko sa kaniya. Agad namang kumunot ang noo niya.
"Ba't napunta kay Buhangin ang usapan?" takang tanong niya. Inirapan ko siya bago ko siya tinalikuran.
"You're right! Hindi nakikinig sa amin si Sandy kasi sa tingin niya tama pa rin siya, bakit kailangan mong ipamukha sa amin 'yon? Parang sinasabi mo na rin na tama ang ginagawa niyang pagtutulak sa kaklase niya," tuloy-tuloy na saad ko. Naiinis na kasi ako.
"Teka nga!" pigil niya. Natahimik naman ako pero 'di pa rin nawawala ang inis ko.
"Hindi naman kasi si Sandy tinutukoy ko," sambit niya. Kunot noo akong napalingon sa kaniya. Sino ba tinutukoy niya?
"Sabi na eh," wika niya nang makita ang reaksyon ko. "Next time bawasan ang pagiging assuming," pang-aasar niya. Mas lalong kumunot ang noo at napanguso ng bahagya.
"Iyong batang lalaki kasi 'yong tinutukoy ko, kasi 'di ba? Kinausap na siya ng teacher niya at ng parents niya but still, he did it again," he shrugged his shoulder as he said those. "Obviously hindi niya nadala pakikipag-usap."
Napakurap naman ako dahil doon. Iyon pala ang tinutukoy niya? Nakakahiya. Nagmukha pala akong tanga sa auditorium kanina? Bakit ba kasi ako nag assume agad?
Tumalikod na ako sa kaniya nang may humintong taxi sa harap namin. Agad akong pumasok doon, sumunod din naman siya sa akin. Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay agad akong bumaba. Nagtaka naman ako nang bumaba rin siya. Sa kabilang subdivision pa sa kanila ah?
"Ang hilig mong mag-double ride ano?" wika ko habang papasok sa bahay.
"Gan'yan talaga pag maraming pera." Tinaas baba niya pa ang mga kilay niya at kumindat sa akin. Irap lang ang iginanti ko sa kaniya. Pumasok na kami at naabutan si Sandy na nagsusulat ng homework sa sala. Lumabas si papa galing sa kusina, nakasuot pa ito ng apron na kulay pink. Napatawa naman kami dahil doon.
"Ayos 'yan pa, pink is for a man," kumento ni Lance, sabay pa silang tumawa at tila nagkasundo. Umiiling akong umakyat patungo sa kwarto ko. Dumaan muna ako sa kwarto ni Shaun at tama nga ang hinala ko, nandito nga si mommy.
"Hi ma," bati ko. Lumapit ako sa kaniya at nagmano bago humalik sa pisngi niya at pisngi ng natutulog na bunso namin.
"How's the debate?" mahinang tanong niya.
"It went well," ani ko. Nilingon ko siya at nakitang nakataas ang kilay niya. "We lost." I sigh. "Si Lance kasi eh, ininis ako."
"Kasali ba si Lance?" Tumango ako bilang sagot.
"Opo, may emergency raw 'yong kaklase niya. Siya ang pinalit," pagpapaliwanag ko. Hindi ko alam kung may lahing manghuhula or aso ba si Lance, kasi saktong pumasok siya sa kwarto.
"Wassup! Madlang—Aray!" daing niya nang tumama sa kaniya ang laruan ni Shaun. Ang ingay kasi, nabato ko tuloy.
"Shh! Natutulog ang bata!" pabulong na sita ko. Napatingin naman siya kay Shaun at agad na itinikom ang bibig, nag akto pa siyang izinipper niya iyon. Abnormal talaga.
Tumawa lang si mama dahil doon at tinapik ang balikat ko. "There's always a next time, anak." Tinapik-tapik niya ang balikat ko para pagaanin ang loob ko. Sandali kaming nabalot ng katahimikan. Lumapit agad si Lance sa amin at nilaro ang laruan ni Shaun. Isip bata.
"Ma?" basag ko sa katahimikan. Pareho silang napalingon sa akin.
"Yes, anak?" Nakataas ang mga kilay nito at tila naghihintay sa sasabihin ko.
"Hindi naman tatanggapin ni papa 'di ba?" mahinang wika ko. Umaasa talaga akong hindi ang sagot na maririnig ko.
"Of course..." Agad akong napangiti roon pero agad din itong nawala nang tinapos ni mama ang sagot niya. "He will," dugtong niya pero nakangiti siya na siyang ikinataka ko. "Siya ang de-depensa sa biktima, at si-siguraduhing makukulong ang lalaking iyon."
Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko. I knew it. Alam kong hindi papanig si papa sa masasama. I'm just making sure about it.
"Patingin nga ng tuwa?" pagbibiro ni Lance. Agad kong dinampot ang bagay na malapit sa akin at itinapon sa kaniya bago tumawa.