Chapter 3

2581 Words
Shaynne's POV Weeks passed at naka-move on na kami sa debate. Sandy was already talking to us at humingi na rin siya ng tawad sa ginawa niya. It's nice kasi narealize niya na mali ang paraan niya. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Lance sa field at nanunuod ng practice ng soccer. Ber months na kaya ramdam mo na ang malamig na simoy ng hangin. Ilang buwan na lang at magpapasko na. "Sa'n ka magpapasko?" Kumakain kami ng nabili naming kwek-kwek sa labas ng school. Nilingon siya, nakatingin lang siya sa field habang tinatanong 'yon. "Uuwi siguro kami ng Nueva Ecija, sa relatives kasi sabay na raw reunion, bakit mo natanong?" balik tanong ko sa kaniya. Nilingon niya rin ako habang ngumunguya. Ang dugyot! "Sama ako," wika niya matapos lunukin ang kinakain. Alam niya kasing ayaw ko nang nagsasalita na may laman ang bibig. "Sira! Hindi ba tumawag papa mo no'ng nakaraan? Hindi ka ba magpapasko ro'n?" tanong ko sa kaniya. Nakuwento niya kasi na pinapapunta siya ng papa niya sa America at doon magpalipas ng pasko. "O 'di kaya sa samahan mo mom mo," dagdag ko. Mabilis pa sa alas kuwatro ang paglukot ng mukha niya. He scoffed. "Psh. Magbabakasyon sa Europe 'yon, guest siya sa isang fashion show roon." Pinagdiskitahan niya ang kwek-kwek na hawak niya at tinusok-tusok 'yon. Agad ko siyang kinurot kaya naman napahiyaw siya sabay himas ng tagiliran niya. "Huwag kasing paglaruan ang pagkain," sita ko. Tumango siya at agad na kinain ang natitirang kwek-kwek. Nagpasya na rin kaming umuwi pagkatapos no'n. Christmas vacation came at nasa room kami para sa Year End Party namin. May mga kaklase kasi kaming iba ang religion at hindi nagdidiwang ng pasko kaya naman ginawa na lang naming Year End Party. We still have exchange gifts at simple na handaan. Sinopresa rin namin ang adviser namin as a gift of gratitude. "Hoy! Asan na ang mga regalo niyo sa akin?" biglang saad ni Lance pagkatapos naming magpalitan ng regalo. Nakikiparty siya sa section namin kasi mas close niya raw ang section namin. Pinuntahan pa nga siya ng mga kaklase niya rito kasi balak niyang makisali sa exchange gift namin. Bawal naman 'yon kasi nakabunot na kami, kaya wala siyang choice. Bumalik din siya pagkatapos ng exchange gift nila. Nakatanggap ako nang necklace na may 'scale' pendant, The Scales of Justice. Ito 'yong pinag-iiponan ko na necklace. No one knows na gusto ko 'tong bilhin, kahit si Lance ay hindi rin niya alam. "Ano ba 'yan, Lance?! Aalis ka na nga lang nambuburaot ka pa," kunwaring asar na wika ni Jerome. "Grabe kayo, parang wala tayong pinagsamahan ah?" Hinawakan niya pa ang puso niya na parang sumasakit ito. Napaikot na lang ang mata ko dahil sa kadramahan niya. Nagsikainan na kami at dahil nandito siya ay rito na rin siya kumain. Makapal talaga mukha nito, akala mo may ambag sa pagkain. Sa America kasi siya magpapasko. Ito ang unang pasko na hindi namin sabay na ise-celebrate. Simula kasi bata pa kami ay sabay na naming sine-celebrate iyon. Sa bahay siya lagi nagpapasko, minsan naman sa kanila pero wala ang mama niya kasi laging abroad at rumarampa. Tanging katulong lang kasama niya kaya lagi naming sinasamahan nila mama. pero ngayon ay sa America na siya magpapasko, hindi naman palagi pero nakakalungkot din kasi wala ang mag-iingay sa hapag. Pero okay lang din kesa naman isama ko siya sa reunion namin, 'di ba? 3 days before Christmas. Nasa airport kami ngayon, hinatid ko kasi siya sa airport. Kasama niya ang mommy niya kasi underage pa siya, ihahatid lang siya sa US bago ito pumunta ng Europe. Oh 'di ba? Ang yaman! "Dalhan kita ng snow pag-uwi ko," wika niya habang naghihintay kami ng byahe nila. "Tunaw na 'yon pagdating dito." Tumawa naman kami dahil sa topic namin. Kung ano-ano kasi sinasabi niya eh. "Edi ilalagay ko sa Ice Box para hindi agad matunaw," ani niya. Mahina ko namang sinuntok ang balikat niya. "Kapag kalokohan talaga, ang taba-taba ng utak mo." Sandali kaming natahimik at pinapakinggan lang namin ang sinasabi ng announcer. Nang matawag na ang byahe nila ay nag-ayos na siya, bumalik na rin ang mom niya, may kausap kasi ito kanina. "Huwag mo 'ko masyadong mamiss ah," wika nito. Tumawa naman dahil doon. Ang kapal talaga ng isang 'to. "Hindi ka naman kamiss-miss," pang aasar ko sa kaniya. Ngumuso naman siya na parang bata. "Ano ba 'yan? Sabihin mo na lang kasi na mami-miss mo 'ko. Kasi ako mami-miss kita," nakanguso pa rin siya habang sinasabi 'yon. Natigil naman ako sa pagngiti. Tumikhim ako. "Oo na! Sige alis na, tinatawag ka na ng mom mo oh," pagtataboy ko sa kaniya nang tawagin na siya ng mama niya. "Mag-online ka, tatawag ako kapag nakarating na kami roon," pahabol niya bago sumunod sa mom niya. Kumaway naman ako sa kaniya hanggang sa hindi ko na siya nakita. I'm gonna miss him kahit hindi sabihin sa kaniya. He'll come back naman so it's fine. There's nothing to worry about. Christmas and New Year ended. Madalas lang nagbi-video call si Lance, kahit sa Noche Buena ay nag-video call din kami, kasama ang daddy niya. Para tuloy kaming nasa iisang hapag. Mabait naman ang daddy ni Lance, palabiro rin. Alam ko na kung kanino niya namana ang pagiging makulit niya. Kaso 'yong sa kaniya times 3 na ang kakulitan. Naghihintay ako sa Airport, ihahatid siyang daddy niya kaya pinapapunta niya ako. Ipapakilala niya raw ako sa papa niya. Nag-aabang ako sa labas, pinagmasdan ko lahat ng lumalabas sa gate. Hindi nagtagal ang natanaw ko si Lance na luminga-linga sa paligid, kumaway naman siya agad nang makita ako. "Shy!" sigaw niya. Agad akong napatingin sa paligid nang makitang nakatingin sa kaniya ang ibang tao. Sino ba naman ang hindi mapapalingon, daig niya pa ang announcer sa lakas ng sigaw niya. Napayuko na lang ako dahil sa hiya at dahan-dahang lumayo sa mataong lugar. Sumunod din siya sa akin at tinakbo ang pagitan namin. Sinalubong niya ako ng yakap, binitawan niya pa ang hawak niya. "Ano ba, Lance! Bitaw, nakakahiya ka," pabirong saad ko. Bumitaw rin siya at sumimangot dahil sa sinabi ko. Tinawanan ko lang siya ro'n. May lumapit sa amin na matangkad na lalaki. Lumapit si Lance rito at pinakilala ako, "Dad, this is Shaynne, my bestfriend. Shy, si dad." Ginawaran ko naman ng matamis na ngiti ang papa niya at tinanggap ang nakalahad na kamay niya. "It's nice to finally meet you, I've heard so much about you," wika ng papa ni Lance. Pasimple ko namang nilingon si Lance at pinandilatan ito ng mata. Baka kung ano-ano ang kinuwento niya sa papa niya! "Nice to meet you too, sir?" hindi siguradong wika ko. Tumawa naman ito at tinapik ang balikat ko. "Don't call me sir. Alex or uncle is fine. You can also call me dad, since Lance was addressing your father that way," pabirong wika niya. Kumindat pa ito bago nilingon ang anak niya. Tumawa lang ito. "Okay po—Tito." Vacation is over kaya naman balik skwela na kami. It's been a busy month kasi papalapit na ang 4th grading. Malapit nang matapos ang klase. Ibig sabihin ay malapit na rin kaming ga-graduate. Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang ay kakasimula pa lang ng klase. "Ahh! Ayoko na, ayoko talaga sa Math. Shy pag-aralan mo 'yong ginagawa nina Lynn sa 'Bad Genius'. Sige na please," wika ni Jerome. Ba't ba naging section 1 'to? Napakatamad magreview, pero alam kong matalino siya. Top 2 eh. "Hoy, Jerome. Kung ano-ano tinuturo mo kay Shy, bad influence ka talaga sa future lawyer natin," sita sa kaniya ni Maki. Nasa Giyu-Hall kami ngayon at nagrereview para sa exam, malapit na kasi. Hindi na kami masyadong nagkikita ni Lance sa campus, nagseryoso na yata sa pag-aaral kasi graduating na. Sabay pa rin naman kaming umuuwi pero sa tingin ko hindi ngayon, pinuntahan ko kasi siya sa room nila pero wala siya ro'n. Sabi ng mga kaklase niya nasa music room ng SPA raw. Kinuha pala siya ng Instruments coordinator para tumugtog kasi kulang daw sila ng tao, malapit na kasi ang recital ng SPA. 1 week na siyang nagpa-practice sa SPA. Ba't wala siyang nakukuwento tungkol do'n? I decided na maunang umuwi. Mag-isa akong uuwi ngayon, sinundo na kasi si Sandy kasi maaga ang uwian nila kesa sa amin. Mas lalo rin akong natagalan ngayon dahil nag-review pa kami. Nasa abangan na akong taxi at naghihintay. Napasimangot ako nang biglang umulan. Ano ba naman 'yan! Mabuti na lang at lagi akong pinapadalhan ni mama ng payong. Umaatras ako para hindi ako mabasa ng ulan. Ba't walang taxi? Napalingon naman ako sa lalaking kakarating lang sa waiting shed. Basang-basa siya. "Ba't hindi mo 'ko hinintay?" biglang tanong nito kaya naman napatingin ako sa mukha niya. It was Lance. "Hindi mo nama...Tapos na ba practice niyo?" pag-iiba ko ng usapan. Hindi ko kasi alam isasagot ko sa kaniya. Akala ko kasi busy siya eh kaya nauna na 'ko. Gulat siyang napalingon sa akin. Nag-iwas din siya nang ma-realize niya ang sinabi ko. Akala niya siguro hindi ko malalaman ha! Akala mo lang 'yon! "Tinawag lang ako ni Maam Charlotte para magdrum ng banda nila. Hindi naman ako makahindi kay ma'am, dagdag points din 'yon sa grade ko sa subject niya sa amin," paliwanag habang nagkakamot ng batok. "Ba't ka nagpapaliwanag?" "Hindi ka galit?" May halong pag-aalala ang boses niya. Ako? Galit? Bakit naman ako magagalit? Mas maganda nga 'yon kasi nagagamit niya na ang hilig niya, hindi 'yong puro bahay katulong lang nila ang nakakaalam. Ang galing niya kaya kaso wala masyadong nakakaalam. Alam naman ng mga friend niya na tumutugtog siya pero hindi pa nila naririnig. "Sira! Mas natutuwa nga ako kasi tutugtog ka na ng public. Nakaka-proud, parang anak ko 'yong magtatanghal. Galingan mo nak ha," nakangiting wika ko. Ginulo ko pa ang buhok niya kahit mas matangkad siya sa akin. Hanggang leeg niya lang ako. Paano na lang kung tumuntong kami ng college? Mas tatangkad pa siya, panigurado 'yon. Mabilis na lumipas ang panahon at Graduation day na! Graduate na kami! Parang kahapon lang narinig kong nag iyakan mga kaklase ko dahil sa exam, kasi halos wala raw silang masagot. 'Yong iba naman hindi sigurado sa sagot. Pero alam kong matatalino sila kaya hindi na ako nagtaka na mataas pa rin ang nakuha nilang score. Sayang nga lang at hindi ko nakuha ang Valedictorian na spot. Taga science curriculum 'yong nakakuha eh. Pero ayos lang kasi nakuha ko naman ang Salutatorian na spot. Maraming namangha kasi hindi galing sa SciCurr ang Salutatorian. Deserve ko naman dahil confident ako sa grado kong line of 9 lahat. Pinaghirapan ko 'yan, ni-hindi ako nagtangkang sumali ng kung ano-ano extra curr para umangat ang grado. Pure acads lang lahat. "Senior high school na tayo sa pasukan! Laban ABM!" sigaw ni Jerome. Nagtawanan kami dahil do'n, gusto niya kasing magCPA tulad ng ate niya at nanay niya. Akalain mo sa tamad niyang 'yan gusto niya palang maging Accountant. "Hindi ba, ABM din kukunin mo, Di?" tanong ni Caroline kay Adi. Tumango naman ito sabay apir kay Jerome. Magkasama na naman sila, paniguradong sasakit ang ulo ng adviser nila. "Good luck sa amin na nakikipagsapalaran sa Stem," mahinang wika ni Maki. Inakbayan naman siya ni Darlene. Maki's dream was to became Architect while si Darlene naman ay Engineer, her parents choice. Ayos lang naman sa kaniya. Hindi naman siya umangal. "Si Shy magHUMSS, ako rin. Mabuti na lang at may kakilala na ako," komento ni Caroline at niyakap pa ako. May balak kasi siyang maging Teacher. Good luck sa kaniya. "Oh? Asan si Renier? Himala walang maingay ngayon." Luminga-linga sila sa paligid para hagilapin si Lance. Ang alam ko is kausap niya daddy niya. Hindi kasi umattend ang mommy niya, nasa France pa. Mabuti na rin at nandiyan ang papa niya kaya hindi siya mag-isa. Nagbatian pa kami bago naisipang umuwi. Naghihintay na rin sila mommy sa akin. Naghanda kami ng simpleng salo-salo sa bahay. Inimbitahan9⁹⁹0 din namin sila Lance. Masaya kaming nagkukuwentuhan sa hapag habang nag-uusap sa mga bagay-bagay. Nilingon ko naman ang katabi ko na kanina pa tahimik. "Ang lalim naman, grabeng paghuhukay 'yan," parinig ko sa kaniya. Binulong ko iyon, sakto lang na marinig niya. Tila napukaw naman ang atensyon niya dahil nilingon niya ako at ginawaran ako ng ngiti. Wala ba siyang sasabihin? Ngiti lang? Hindi ko na siya kinulit. Alam ko namang magsasabi rin siya kapag ready na siya. Natapos na ang kainan kaya nag-usap na lang sila sa sala. Umakyat ako ng kuwarto para magpahinga, gabi na rin kasi. "Shy." Napalingon naman ako sa pinto at nakitang nakatayo si Lance do'n. Ang awkward niyang tingnan. Parang may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang isip siya. "Ano? Tatayo ka lang ba diyan?" wika ko. Unti-unti naman siyang pumasok at umupo sa kama ko. Nakaupo kasi ako sa upuan ng study table ko. Inikot ko 'yon at humarap sa kaniya. Itinaas ko ang kilay senyales na hinintay ko ang sasabihin niya. "Gusto kita," deretsahang wika niya. Nakatitig siya sa akin ng mariin, hinihintay ang reaksyon ko. Lagi niya namang sinasabi 'yan. "Gusto rin kita?" pabirong wika ko. Hindi ko kasi alam kung bakit siya nagkakaganito? Hindi naman na bago sa akin ang pagsabi niya ng gusto niya ako. Madalas talaga siyang magbiro sa bagay na 'yan. "No, Shy. I'm serious, I like you..." Nawala ang ngiti ko sa labi dahil doon. What is he saying? Gino-good time niya ba 'ko? "Shy, I like you, not as a friend, but as a person. Matagal na," dagdag niya. Napatuwid ako ng upo dahil do'n. "We're...friends," mahinag saad ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Matagal na kaming magkaibigan pero kahit kailan hindi ako nagkagusto sa kaniya. Hindi ko rin inaasahang magkakagusto siya sa akin. He's mischievous, mahilig siyang magbiro kaya hindi ko siniseryoso ang mga pag-amin noon. He's always saying na joke lang ang mga iyon. What's the difference now? "I know..." Yumuko siya habang sinasabi 'yon. Nabalot kami ng katahimikan. Tinatantiya ko ang nararamdaman ko sa kaniya. Nothing. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya. I can't see myself having a relationship with him, at saka isa pa, bata pa kami para sa bagay na 'yan. "Shy..." "Sorry." Natigilan kami dahil sa pagsabay namin ng pagsasalita. Pero parang mas natigilan siya sa sinabi ko. He's staring at me, as if waiting for me to complete my sentence. Kinuha ko ang hudyat na 'yon para magsalita. "I'm sorry, Lance. I... don't feel the same. Magkaibigan tayo eh, para na kitang kapatid..." Sandali akong tumigil at huminga ng malalim. "I just can't imagine myself with...you." Hinintay ko ang sasabihin niya pero nanatili lang siyang tahimik at nakatitig sa akin. Walang ekspresyon ang mga mata niya kaya hindi ko alam ang nararamdaman niya. Nag-iwas siya ng tingin kalaunan. "I'm sorry, I'm just...confused. Baka nasanay lang ako na ikaw lagi ang kasama ko..." Huminga siya ng malalim bago tumayo. "Pag-iisipan ko muna ang sinabi. I'll be back after sorting out my real feelings for you. Good night." He didn't wait for my reply and leave my room. I'm really hoping na babalik siya gaya ng sinabi niya. I'm not mad at him. Nagulat lang ako. I know dahil sa pag-amin niyang iyon ay magbabago na ang pakikipagtungo namin sa isa't-isa but still. I want to keep him as my friend. Siya lang ang nag-iisang tao na mahalaga sa akin maliban sa pamilya ko. He's special.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD