Chapter 11

2802 Words
Shaynne's POV "This will be your room. You can take a rest here and that's the bathroom, you can take a shower if you want, ihahanda ko na lang damit mo. Just tell me if you need anything," ani ni Professor nang maihatid niya ako sa kuwarto ko. Nang makalabas na siya ay inilibot ko ang paningin ko sa kuwarto hanggang sa mapadako ito sa kama. One look from it and I can tell that it's already inviting me to lie down. Lumapit ako rito at umupo. I can feel the softness of the fabric against my hands. Parang bumalik ako sa dating kuwarto kung saan napaka kumportableng higaan ang kama ko. Feeling ko tuloy ay aantukin na ako kahit na nakaupo lang ako sa kama. I decided to lie down for a bit and immediately groan as I felt the softness in my back. Ito ang unang disenteng kama ang nahigaan ko sa loob ng 6 na taon. Wala sa sarili akong napatitig sa kisame at inalala ang mga kaganapan ngayong araw. Nababaliw na nga siguro ako nang maisipan kong sumali sa grupo ng propesor but as much as I'm against it, alam kong tama siya. He is the only person that I need para maisagawa ang plano ko. "There's no turning back now," mantra ko sa sarili at bumangon na mula sa pagkakahiga. Naisipan kong maligo muna para naman makapag-linis ako ng katawan. Kahit na naliligo ako sa batis sa loob ng 3 araw ay wala naman akong ginamit na sabon at shampoo. Mabuti na lang at hindi gano'n kagulo ang buhok ko kahit hindi ko ito nasusuklayan nang maayos. Matapos kong maligo ay napaharap ako sa half length mirror sa loob ng banyo. Mapait na napangiti nang makita ang mga peklat na natamo ko sa loob ng selda. Mga sugat na nagpapaalala kung bakit ako nandito. Pinunasan ko ang isang butil na luha na tumakas mula sa mata ko. Lumabas ako sa banyo na tanging tuwalya lang ang nakabalot sa katawan ko. Napasigaw ako nang bumungad sa akin ang isang lalaki na nasa harap ng vanity table. He's facing the mirror pero hindi ko matanaw ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin. He is wearing a black polo and pants with black leather shoes. Matangkad ito at may makinis na kutis. Isa ba ito sa miyembro ng grupo ni Prof Gray? "Sino ka?" mariing tanong ko saka hinawakan nang mariin ang tuwalyang nakabalot sa katawan ko. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ang damit na nakalatag sa ibabaw ng kama at isang paper bag na sa tingin ko ay underwear ang laman. Is he the one who bring those stuff? "You must be the new recruit?" tanong ng lalaki sa loob ng kuwarto ko. Muli kong ibinaling ang atensiyon sa kaniya and saw him face to face. Nakaraharap na siya sa akin habang nakahalukipkip na nakasandal sa vanity table. "Welcome, I'm Black," pakilala niya nang hindi ako sumagot. I mean, I won't deny it. Lahat ng taong makakakita sa lalaking 'to ay paniguradong mapapatulala rin. He's...handsome. He's dark black eyes goes well with his dark appearance that makes him look mysterious. A complete opposite of Lance who is vibrant and bright guy. Pero kung sa hitsura ay masasabi kong pareho lang sila. Natauhan ako ng makarinig ako nang tikhim na mula kay Black. Did I stare too much? Dang it. Tiningnan ko ang kamay niya na nakalahad at pinag-isipan kung magpapakilala ba ako rito. He's here so it means he's from here right? Umiwas ako ng tingin sa kamay niya at ibinaling ito sa mukha niya habang nanatiling alerto sa mga kilos niya. "I... I'm Sh—" e stop me when I decided to introduce myself with a hushing tone as he lifted his forefinger infront of me. "First rule is no disclosure of personal information specially the name..." Tumitig siya sa akin, nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya. "For now, we will call you Newbie." Tumayo ito at naglakad papunta ng pinto. Bago pa man siya makalabas ay pumihit siya paharap sa akin. "I'll see you around," ani niya saka kumindat pa sa akin bago lumabas ng kuwarto ko. Agad akong lumapit sa pinto at ni-lock iyon. I can't trust anyone in here yet, kailangan kong maging maingat. Agad kong kinuha ang paper bag at tama nga ako, underwear nga ang laman noon. Nagbihis ako at tinuyo ang buhok ko. Nang matapos na akong mag-ayos ay lumabas ako ng kuwarto. Pumunta ako ng gym at classroom para hanapin si professor Gray pero wala siya sa mga kuwartong iyon. Bumalik ako sa silid kung nasaan ang mga kuwarto nang mapansin ko ang pinto sa sulok ng silid. Dahan-dahan ko itong binuksan at isang masarap na amoy ang bumungad sa akin. Alam kong kakakain ko lang pero nakaramdam ulit ako ng gutom dahil sa amoy na iyon. "Hoy! Balasubas akin 'yan!" rinig kong sigaw ng kung sino mula sa loob ng silid kung saan nanggaling ang masarap na amoy. Sumilip ako sa loob at may nakita akong babaeng naka-apron habang nakapamaywang ito at tila may kaalitan. Puno nang harina ang mukha nito habang nakasimangot sa taong kausap niya. "You should go inside." Dahil sa gulat ay pabagsak kong isinara ang pinto at humarap sa taong nagsalita sa likod ko. It was professor Gray. "Professor," wika ko sa mahina na tono. "The clothes suits you, good to know," wika niya saka ngumiti sa akin. Wala sa sarili naman akong napatingin sa suot ko. Isang simpleng black sweatpants at gray shirt ito. Suot ko rin ang white sneakers na kasama ng mga damit kanina. It really fits me right, tamang-tama ang sukat. "Anyway, be ready. Magkakaroon tayo ng leksyon ngayon and I'm going to introduce you to the team," sabi nito. Magsasalita pa sana ako ng biglang bumakas ang pinto sa likod ko. Hindi ko napansin na napasandal pala ako roon kaya naman natumba at napaupo sa pwet ko. "Professor! Ba't ang tagal mo? Tapos na kaming kumain," wika ng isang lalaki na parang hindi ako napansin. Marahil ay siya ang bumukas ng pinto. Agad namang lumapit si Professor sa akin at tinulungan akong makatayo. "Ay hala! May tao pala?" tanong ng lalaki kanina, may narinig akong yabag na papalapit sa amin. "May bago? Saan?" Ito 'yong babae kanina, naka-apron pa rin ito habang inilibot ang paningin hanggang sa nahanap ako ng mga mata niya. Namilog ang mga mata nito at napatakip ng bunganga. Itinuro niya ako habang nauutal at tila hinahanap niya ang dapat niyang sabihin. "Ba-ba..." nauutal na wika niya habang lumapit sa akin. Kilala niya ba ako? O baka namumukhaan niya ako mula sa TV? Ilang buwan din akong laman ng balita noon at bawat taon na lumipas ay lumalabas pa rin ang mukha ko sa balita. "BABAE!" sigaw nito habang nakaturo sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil do'n. Babae? "May babae! May ka-uri na ako!" nagagalak na wika nito at hinawakan ang kamay ko at niyakap ako. Hindi ko lubos na maintindihan ang mga sinasabi niya. Hindi ako gumalaw, ni-hindi ko sinuklian ang yakap niya. Mahina ko siyang itinulak upang i-distansiya ang sarili ko mula sa kaniya. Natamik naman ang mga tao roon na parang hinihintay nila ang sasabihin ko. Sa halip na magsalita ay umiwas na lang ako sa kanila dahil hindi ako kumportable sa presensiya nila kaya nauna na akong pumunta sa kwarto kung saan gaganapin ang klase. "Let's go, we still have a class," rinig kong saad ni Professor saka sila sumunod sa akin. Umupo ako sa pinakadulo ng silid para i-distansya ang sarili sa kanila. "Nasa'n si White?" tanong ni Professor Gray habang inilibot ang paningin sa silid. Tahimik naman akong namasid sa paligid. "Baka naglalaro na naman ng video games," tinig ng isang lalaki. Teka? White? Black? Professor Gray? May color coding ba rito? Saktong bumukas naman ang pinto ng silid at niluwa nito ang isang binatilyo na marahil ay 3 tatlong taon na mas bata sa akin. Mas bata kasi itong tingnan kaysa sa akin. Nakasuot siya ng simpleng blue shirt at may head phones na kasabit sa leeg niya habang hawak ang cellphone. "I'm sorry I'm late, sir," wika nito habang nakasaludo pa na tila isang sundalo. Nagtawanan naman ang tao sa loob ng silid habang naiiling-iling si Professor dahil dito. I feel so out of place, halata naman kasing matagal na silang magkakilala dahil sa magaang atmosphere sa paligid nila. "Bago tayo magsimula, I want you guys to meet someone," saad ni Profes at tumingin sa gawi ko at sinenyasan na lumapit ako sa harap. Pakiramdam ko tuloy ay parang nasa first day of class ako habang nagre-request ang guro na magpakilala kami sa harapan. Tumayo na 'ko at lumapit sa harapan. Inilibot ko ang paningin sa kanila, tahimik silang inoobserbahan ang bawat kilos. Ramdam ko ang mga tingin nila sa akin kahit hindi ako nakatingin. Like they are wondering who am I and what am I doing here? "Everyone, let's welcome the new member of our team," wika ni propesor ng makarating ako sa harap at nakangiting tumingin sa akin. "Ano'ng pangalan niya Prof?" tanong naman ng babae kanina. "She still haven't decided yet, let's give her time to think about it," sagot ni prof dito. Binigyan sila ni Prof na magpakilala. "Ako si White!" masiglang wika ng binatilyo kanina "I'm Teal," sagot ng lalaking matangkad. Naalala ko, siya 'yong nagbukas ng pinto kanina kaya ako natumba. "Ako naman si Aqua," wika naman ng babae kanina. Napansin kong nag-iisa siyang babae sa grupo. Hindi naman sa naiilang ako, ilang taon akong nakulong sa kulungan ng mga lalaki kaya sanay na ako sa mga presensiya nila. "Ako si Lime," wika naman ng pinaka tahimik sa kanila. Base sa ayos at mukha nito ay siya ang pinakamatanda sa grupong ito. "You met me earlier, the name is Black." Napalingon naman ako sa taong nagsalita. Maliwanag sa silid kaya kita ko ang mukha niya. He might be around my age at aaminin ko ang magandang pangangatawan at mukha nito. So, siya pala kausap ko kanina? Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko, sa huli ay yumuko na lang ako at bumalik na sa upuan ko. Nagpatuloy naman ang diskusyon ni Professor habang ipinapaliwanag ang mga dapat naming gawin upang paghandaan ang unang misyon. "You'll gonna need the strength to protect yourself and your team if ever something happens. That's why I've prepared the gym at shooting range for you to have a place to practice. Black will be in charge of it, he will be the body of the team," paliwanag nito. We spent nights and days training to become strong. Si Black ang naatasan nito at hindi ko itatanggi na malakas nga siya. "Suko na ako! Aray!" nagsusumigaw sa hiyaw ni Aqua nang dinaganan siya ni Black. Hinawakan nito ang kamay ni Aqua at pinilit sa likod. Kahit nanunuod lang ako ay ramdam ko ang sakit no'n. Nagkaroon kasi sila ng 1 on 1 fight para malaman kung hanggang saan ang kakayahan namin. Bumitaw naman si Black at agad na lumapit si Teal sa kapatid. Magkapatid kasi si Teal at Aqua. Namumula ang mukha ni Aqua mula sa natamong sugat at pasa kay Black. "Babae pa rin 'yan, pre. Dahan-dahan naman," angal ni Teal sa kaniya. "There are no gender classification in a fight. Bakit? You think that they'll let their guard down if you're a girl?" pangaral ni Black sa kanila. Napaisip ako sa sinabi niyang iyon. Tama siya, naranasan ko iyon sa loob ng kulungan. Hindi alintana sa kanila kung babae ka ba o lalaki, ang gusto lang nila'y makita kang naghihirap at natatalo. Natahimik naman kaming lahat, alam namin na tama ang sinabi Black. Nagmula ang karamihan sa amin sa kulungan. Ang iba naman ay nakaranas nang pagmamaltrato. Tahimik na iginiya ni Teal ni Aqua palabas ng ring. "Are we gonna continue the training?" tanong niya nang wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Nagsi-iwasan naman ng tingin ang iba dahil sa takot kay Black. Humugot ako nang malalim na hininga bago tumayo at lumapit sa ring. Bakas sa mukha ng karamihan ang kaba nang makita nila akong lumapit sa ring. Mangha naman ang nakamarka sa mukha ni Black na naghihintay sa akin. Kinakabahan ako dahil alam kong hindi pa ganoon karami ang nalalaman ko tungkol sa pakikipaglaban pero wala akong matututunan kung mananatili akong nakatunganga rito. Gusto kong lumakas at kung sa paraang ito ako matututo nang lubusan ay wala na akong pake kung magkapasa o sugat man ako. Pumasok ako sa loob ng ring at naghanda. Nakita ko naman ang pag-ngisi niya habang naglalakad paikot sa ring. Naghanap ako nang pagkakataon na atakihin siya, pinagmasdan ko nang mabuti ang mga galaw niya. He really looks relax and unguarded pero sa isang buwan nang pag-eensayo kasama siya ay alam ko kung gaano siya kaalerto. "Are you just gonna stand there?" tanong niya sa akin. Ngumisi naman ako at nagsimulang tumakbo paikot sa kaniya at bago pa man ako makalapit ay kinuha ko ang pagkakataon para lumabas ng ring. Naguguluhan naman siya umikot at tumingin sa akin. Kinuha ko iyong pagkakataon para atakihin siya at hinila ang paa niya dahilan ng pagkakatumba niya. Agad akong dumagan sa kaniya habang iniipit ang mga braso niya sa paa ko. Naghiyawan naman ang mga taong kasama namin sa loob. Ito 'ata ang unang beses na napatumba ko ang pinakamagaling sa amin sa unang atake lang. "Nice move but try harder," nakangising saad niya. Sa isang iglap lang ay napaalis niya ako sa ibabaw niya at pinadapa sa sahig habang pinilipit ang kaliwang kamay ko sa likod katulad ng ginawa niya kay Aqua kanina. Napadaing naman ako sa sakit dahil sa paraan nang pagpilipit niya sa braso ko. Hindi niya alintana kung babae o lalaki ang kaharap niya. Nahihirapan akong gumalaw dahil sa bigat at puwersa ng pagkakadagan niya sa akin. Ininda ko lahat ng 'yon dahil ayaw kong sumuko. Nang hindi na ako makagalaw ay saka lang siya bumitaw, inilahad niya ang kamay niya sa akin upang tulungan akong makatayo, pero imbes na tanggapin ito ay tinabig ko lang ito at tumayo ng mag-isa. "Isa pa," saad ko habang hawak ang kaliwang braso kong namimilipit sa sakit. Nakita ko namang napatingin siya roon bago tumingin sa akin. "Are you sure?" Tumango lang ako bilang sagot at ininda ang sakit sa kamay ko. Pakiramdam ko ay nabalian pa ako ng braso. Pumuwesto na kami at naghanda sa pag-atake. Sa pagkakataong ito ay normal ko siyang inatake, puro ilag lang ang ginawa niya. Nang muli ko siyang atakehin ay agad niya itong nailagan at gumalaw siya upang suntukin ako sa mukha. Agad naman akong napapikit no'n pero hindi ko naramdaman ang kamao niya. Huminto pala kamao niya ilang pulgada ang layo sa mukha ko bago lumayo sa akin. "Be careful of your head especially your temple, chin, jaw, nose and neck. Those are the vital part of your head. Delikado ito kaya hangga't maaari ay huwag niyong hayaang matamaan ito," pangaral niya habang inaayos ang damit niya. Tumayo naman ako nang maayos at naghanda sa susunod na atake. Ngayon naman ay siya ang naunang umatake sa akin. Sinubukan ko itong iwasan pero agad niya akong napatumba at agad umakmang tatamaan ako sa dibdib. Huminto rin siya katulad no'ng una at agad akong pinatayo at itinulak. "Throat, chest, lower ribs, stomach, spine and abndomen are also a vital part. They have the most unprotected organs that can be damage during a fight." Nagsimula na naman kaming maghanda para sa susunod na atake. Ngayon naman ay pareho kaming lumalaban ng opensa at depensa. Nang mataaman ko siya sa dibdib ay agad akong napahinto at tiningnan siya. Mukhang napalakas 'ata ang pagsipa ko. "Are you oka—" magtatanong pa sana ako nang bigla niyang tinamaan ang likod ng tuhod at agad akong kinulong sa leeg. "And most of all, don't let your guard down. Ankle, knees and arms can make your movement slower. So don't ever let your guard down," mariing wika niya saka ako binitawan at lumabas ng ring. Huminto siya nang marating niya ang pinto at muling nagsalita, "And also hitting the groins is helpful." After saying those words ay dinismiss niya ang training ng may ngiti sa labi. Lumapit naman sa akin ang mga kasamahan ko para suriin ang mga natamong pasa at sugat. Kinumbinsi ko silang ayos lang ako at gusto ko nang magpahinga. Nang makababa ako sa ring ay nakita kong lumapit si Prof sa akin. May ngiti ito sa labi at hinawakan ako sa balikat. "You did a very well job for taking him down. Ngayon ay mababawasan na ang ego siya, I'm thanking you for that," natatawang wika nito at umalis. Napailing na lang ako at umalis na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD