Shaynne's POV
"Shaynne Villegas!"
Napalingon ako sa taong tumawag sa akin mula sa pagliligpit ko ng mga gamit ko. Hindi naman ito gano'n karami. Nakatayo ay isang bantay na pulis sa harap ng selda namin at binuksan ito.
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at hinintay ang susunod niyang sasabihin. May kutob ako kung ano ito pero mas mabuti nang marinig ko ito nang harap-harapan. Tinignan niya lang ako bago muling nagsalita.
"Makakalaya ka na."
Nag-hiyawan naman ang mga kasama ko sa loob ng selda. Magkahalong gulat at inis ang komento nila sa akin. Nanatiling walang ekspresiyon ang mukha ko habang sinusundan ang pulis na sumundo sa akin. Wala naman akong masyadong gamit kaya isang backpack na may laman na papel at iilang kapirasong damit lang ang dala ko.
Sa loob ng anim na taong pagkakulong ko, ni-isa ay walang bumisita sa akin. Nakapagtataka lang kasi maraming kilala sina mama na abogado pero hindi ko ito nakita. Kahit nga noong araw ng hatol ko ay hindi ko kilala ang abogadong ibinigay sa akin.
Sinubukan kong kontakin ang mga kakilala nina mama noon pero nakapagtataka na lahat sila ay tumanggi na harapin o kausapin man lang ako. Sina Erica na huling kasama ko sa gabing iyon ay hindi ko nakita na nakita noon. Sila lang ang witness ko no'ng gabing iyon pero ni-isa sa kanila ay hindi sumipot. Wala rin akong kamag-anak dahil nag-iisang mga anak lang sina mama at papa, wala silang kapatid at hindi ko kilala ang iba ko pang kamag-anak. Wala naman kasing binanggit sa akin sina mama tungkol sa pamilya nila. Ang alam ko lang ay patay na sina lolo at lola.
Napagod na akong umasang may makaalala sa akin. Para akong isang bula na biglang nawala para sa kanila. Naghihintay ang mga pulisiya sa akin para maihatid ako palabas sa labas ng gate, maraming tao ang nakaabang roon at nagsisigawan. Pinagsisigawang hindi raw ako nararapat na makalaya.
"Magpakabait ka na, 'wag ka nang babalik dito," wika nang pulis bago ako iniwan roon sa labas. Ang iba naman ay hinaharang ang mga nagpoprotesta laban sa akin. Sandali ko muna silang tiningnan bago pumasok sa loob ng taxi.
Now what?
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi naman ako makabalik sa dating bahay namin. Hindi ko alam kung may karapatan pa ako roon, sa loob ng anim na taon ay paniguradong ibinenta na nila 'yon.
Bumaba ako sa harap ng isang karenderya, gustuhin ko mang kumain ay wala akong pera. Naglakad-lakad ako sa tabi ng daan, umabot ito ng 3 araw at sa loob ng tatlong araw na iyon ay tanging mga tira-tira lang ang kinakain ko. Minsan ko ring inaagawan ng pagkain ang mga aso ng bahay na madaanan ko.
Wala sa sarili akong naglalakad sa kung saan. Gusto kong magtrabaho at mag-ipon para magamit ko sa paghahanap ng hustisya pero walang may gustong tumanggap sa akin. Naubos na rin ang kaunting pera na naipon ko sa presinto. I have nothing, I have no one. Sinubukan ko na ring mangalap ng impormasiyon pero hindi ko alam kung paano magsimula. Wala akong alam sa nangyari noon, hindi ko alam kung sino ang hinahanap ko. Ni hindi ko alam kung ano ang huling kaso na hawak nila mama noon.
Narating ko ang ibabaw ng tulay, sandali akong napatitig sa papalubog na araw.
Napapaisip na katulad ba ako ng araw na ito? Papalubog na araw na may nakaabang na maliwanag na bukas. May kinabukusan pa rin ba ako?
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ito maubos-ubos, sa loob ng 6 na taon ay wala akong magawa kung hindi umiyak. Lumingon ako sa ibaba nang tulay at nakita ang malakas na agos ng tubig doon.
Kinuha ko ang nag-iisang litratong pagmamay-ari ko. Ang family picture namin na kung saan masaya kami at walang problema. Napapikit ako habang iniinda ang gutom at pagluluksa sa pamilya ko, hinayaan kong tangayin ng hangin ang mga luha ko.
"Klean Shaynne Villegas..."
Agad akong napadilat nang marinig kong may tumawag ng pangalan ko. Ito ang unang beses na may nagbanggit ng pangalan ko sa loob ng tatlong araw simula nang makalaya ako. Lahat ng tao ay iniiwasan ako dahil laman ako ng balita simula ng makalaya ako. Pumihit ako patalikod para makita ang taong tumawag sa akin.
Isa itong lalaki na nakasuot ng magarang amerikana. Nakasuklay ang buhok nito sa maayos at malinis pa na porma. Sandali ko pa siyang tinitigan habang naaalarma sa presensiya niya. Hindi ko siya kilala.
Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla niyang inilahad ang kamay niya sa akin.
"I've been waiting for you," nakangiting usal nito habang nakalahad pa rin ang kamay. Sandali kong pinasadahan nang tingin ang kamay niya bago tumingin sa kaniya. Tumalikod ako at hinawakan ng mabuti ang bag ko at nagsimula nang maglakad.
"Hindi kita kilala," malamig na wika ko.
"T-teka lang..." Nagmamadali itong sumunod sa akin. Wala gaanong tao sa lugar na nilalakaran namin kaya naman nababahala ako. Baka kung ano ang gagawin niya sa akin, maraming tao pa naman ang galit sa akin.
"Matutulungan kita," wika niya.
"Hindi ko kailangan ang tulong mo." Binilisan ko ang lakad ko, Nagbabakasakaling makalayo sa kaniya pero sadyang malalaki ang hakbang niya kaysa sa akin.
"Tigilan mo 'ko!"
"Let me explain first, it won't take that long," wika niya. Padabog akong huminto at hinarap siya. Matalim ko siyang tiningnan at hinintay ang sasabihin niya. Mukhang na-gets niya naman iyon dahil nagsimula na siyang magsalita.
"Well... I would like you to invite somewhere comfortable. A good meal would be great right now since it's already lunch," alok niya.
Awtomatiko namang tumunog ang tiyan nang marinig ko ang salitang 'meal'. Gutom na ako kaya nakakaakit ang alok niya. Pero hindi ko siya kilala kaya nagdadalawang isip ako.
"How can I trust you na wala kang gagawing masama?" ani ko habang tinitingnan siya ng mariin.
"I won't do anything, I promise."
Hindi dapat ako basta-bastang magtiwala sa ibang tao pero sa huli ay sumama pa rin ako sa kaniya. Pumasok kami sa loob ng isang magarang kainan, nahihiya tuloy ako sa ayos ko. May dumi pa ang damit ko, mabuti na lang at nakakaligo ako sa batis na kung saan madalas akong magpalipas ng oras.
Siya na ang pumili nang makakain namin habang ako ay nakayuko lang at iniiwasan ang tingin ng ibang tao roon, pinili namin ang pinakadulo na puwesto sa isang sulok ng restaurant, malayo sa ibang tao.
"How are you?" rinig kong saad niya. Tumingala ako para tingnan siya, nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin. Naiilang ako dahil sa ilang taon ko sa presinto ay ito ang unang beses na may nagtanong sa kalagayan ko. Narinig ko pa ito sa taong hindi ko kilala.
"Why would you asked? Hindi naman tayo magkakilala," pabulong na wika ko. Mahina naman itong napatawa dahil sa sagot ko. Dumating naman ang server dala ang appetizer namin. Nagpasalamat kami rito at sinimulan nang kumain. Natakam naman ako sa pagkain kaya agad ko itong nilantakan.
"Let's say, I was anticipating for this day to come, to finally meet you," saad niya. Napakunot naman ang noo ko dahil doon at kinabahan.
"Gusto mong ipaghiganti ang pamilya mo, hindi ba?" wika niya. Napabilog naman ang mata ko at natigilan dahil doon. Ano'ng alam niya tungkol sa magulang ko? Sa pamilya ko?
"I know you're confused right now but I can assure you that I am the one who can help you."
Sandali siyang tumahimik nang dumating ang server dala ang pagkain namin. Kahit nagugutom ako ay mas pinili kong hintayin ang paliwanag niya.
"Anyway, you should eat first," saad niya sabay turo sa pagkain. "You need to be strong if you want to avenge your family," wika niya nang hindi tumitingin sa akin.
Kahit naguguluhan ay sinumulan kong kainin ang pagkain ko. Hindi niya naman siguro iisiping lasunin ako dahil nasa public place kami, maraming nakakita sa kaniya na kasama ako, he would be the prime suspect if something happens to me.
Halos maiyak ako nang matikman ko ang pagkain. Sa loob ng 6 na taon ay ito lang ang unang desenteng pagkain ang nakain ko. Naalala ko ang mga panahon na lumalabas kami nina mama at kakain sa isang restaurant. That days was just a memory now, sad to think that it will never happens again.
Tahimik akong kumain habang palihim na pinapahid ang luha ko. I shouldn't be crying in front of a stranger, I shouldn't be even talking to him. Pero tila may nagsasabi sa akin na sumama ako sa kaniya.
"Did you enjoy it?" tanong niya nang matapos kaming kumain.
"Ano'ng kailangan mo sa akin?" deretsahang tanong ko.
"Nothing, I just want to make sure that you are fine," kibit-balikat na saad niya. Naparolyo naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi siya mag-o-offer ng tulong nang walang kapalit.
"You mentioned that you want to help me..." panimula ko. "How did you know about my plan?" tanong ko.
"I have my eyes on you for years, I know everything that happened years ago. I know the truth behind your crime."
Kung kanina ay nakangiti ito, ngayon naman ay seryoso na ito. Napayukom naman ang kamao ko dahil sa sinabi niya. Iniisip niya bang mamamatay tao ako?
"Hindi ako ang pumatay sa magulang at kapatid ko," may diing wika ko.
"I know," agad na sagot niya habang nakatitig sa mata ko. Unti-unting rumehestro ang gulat sa mukha ko dahil sa sagot niya. What does he mean by that?
"Stop joking around, lahat nang tao ay ako ang sinisisi sa krimeng hindi ko ginawa and you're no different, stop acting like you really know," marring saad ko.
"Sad to say that I'm not joking," saad niya. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa. "I know everything."
Sarkastiko naman akong napatawa sa sinabi niya.
"Kung alam mo ba't hindi mo sinabi sa pulis? Maybe you're just bluffing and you don't even have a proof," saad ko.
"I do have proof but you might realized how dirty the government and officials can be?" makahulugang saad niya. Napa-isip naman ako sa sinabi niya. Saksi ako kung gaano karumi ang pamamalakad nila, kung paano nila inaabuso ang kapangyarihang ibinigay sa kanila.
"Then show me a proof that you're telling the truth." Nanatili siyang nakatingin sa akin habang ako naman ay naghihintay sa gagawin niya. Maya-maya lang ay may kung ano siyang kinuha sa ilalim ng coat niya.
"Before that, I want to show you something first then I'll give you the proof that I have," saad niya.
Sumama ako sa kaniya, the proof that he has would be a great help for me to start my plan on revenge. Alerto ako sa lugar na pupuntahan namin, malayo ito sa siyudad. Halos 3 oras din ang biyahe, akala ko ay iyon na 'yon pero sumakay kami sa cargo ship at naglayag sa dagat.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya. Malayo ito na Manila. Hindi niya naman ako sinagot ay ngumiti lang. Nakatulugan ko na ang biyahe dahil sa tagal nito. Nagising na lang ako nang aalis na kami.
Sumakay kami muli sa sasakyan at nagbiyahe muli. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita ang kakahoyan, malamang ay nasa probinsiya kami. Hindi ko lang alam kung saang sulok kami ng bansa.
Maya-maya pa ay nakarating kami sa isang bahay sa gitna ng kagubatan. Hindi ito gano'n kalaki pero hindi rin gano'n kaliit. Binuksan niya nag pinto at iginiya ako papasok.
Inilibot ko ang paningin sa loob bahay, simple lang ito at maayos. Halatang inaalagaan. Sumunod ako sa kaniya nang tunguhin niya ang kusina.
Huminto kami sa tapat ng ref, binuksan niya iyon at may pinindot. Nagulat ako nang bigla itong gumalaw at bumungad ang pinto sa likod nito.
Naguguluhang napatingin ako sa kaniya pero tanging ngiti lang ang sagot niya sa akin. Binuksan niya ang pinto at pumasok dito, nagdadalawang isip naman akong napasunod sa kaniya habang inilibot ang paningin ko, bumaba kami sa hagdan hanggang sa bumungad sa akin ang malaki at malawak sa Gym. Maraming kagamitan doon at may malaking boxing ring sa gitna nito. Kung gaano kasimple ang bahay sa taas ay labis naman ang gara dito sa ibaba, masasabi mong hindi ito basta-basta.
"This is our Gym, dito kami nagte-training and learning some offensive and defensive moves. We all have the equipment use in an ordinary Gym," wika niya habang nililibot namin ang gym. Matapos no'n ay tinungo namin ang isa pang kuwarto kung saan mukha itong silid aralan. May mga upuan at mesa, may whiteboard din sa harap at mesa na para sa guro.
"This is the classroom where our classes would be taken, dito namin pinag-aaralan ang mga planong ginawa namin. We exchanged our thought and knowledge about the plan," he said. Matapos doon ay pumunta naman kami sa isa pang silid. Marami itong pinto.
"This is our dorm where my members would rest and sleep, I assure you that every room is comfortable," magiliw na wika niya. Mangha naman akong napasilip sa loob ng mga kuwarto, sa unang tingin pa lang ay masasabi mong kumportable itong tulugan at makapagpapahinga ka nang maayos. Hindi rin mainit dahil may aircon ang bawat kuwarto.
Nakatayo lang siya sa tabi ko habang nakangiting nakatingin sa akin.
"And as a promise, here," saad niya saka ibinigay ang isang envelope sa akin. Nagtataka naman akong napatingin dito bago ito binuksan. May mga litrato roon at mga impormasyon ng mga tao.
"That man might be familiar to you," saad niya habang itinuro ang taong nasa mga litrato.Ito ang taong kausap nina mama sa labas ng bahay. Si Mr. Mendez at mga impormasyon na makakatulong sa akin. May mga CCTV footage na larawan din doon kung saan may grupo ng taong papasok sa bahay namin. May dalawang van at isang magarang sasakyan ang nakaparada sa harap ng bahay namin.
Bakit mayroong ganito? Ang sabi nila sa akin noon ay hindi gumagana ang cctv camera sa harap ng bahay namin? At bakit larawan lang ang mga ito? Nasaan ang video clip? Nakita ko ang tatlong larawan ng mga sasakyan na sa tingin ko ay ginamit no'ng gabi na iyon. Kinuha ko ang larawan na kuha sa cctv camera at pinakita sa kaniya.
"You have this clip? Where is it?" tanong ko sa kaniya.
"Unfortunately, wala akong kopya ng footage na iyan. But I know someone who had it," wika niya. "But sad to say that I can't tell you that yet."
"Why...why are you doing this? Why are you showing this to me?" naguguluhang tanong ko habang nakatingin pa rin sa papeles na nasa kamay ko.
"I want you to join our team, I promise you I'll help you get the justice that wasn't given to you and your family," saad niya saka binigay sa akin ang isang box na nakabalot ng birthday wrapper. "Happy 24th birthday, Shaynne."
Isang butil ng luha ang lumandas sa pisngi ko, I've never heard those words for years, to think that I'm already 24 means I've already suffered for a long time. Hawak ko pa rin ang box na ibinigay niya sa akin. Dahan-dahan ko itong binuksan at nagulat sa laman nito.
"Would you like to join our team?" tanong niya nang mabuksan ko ang box.
It was a gun.
Napalingon ako sa kaniya at nakitang nakalahad ang kamay niya.
"I forgot to introduce myself..." saad niya.
"You can call me, Professor Gray..."