Shaynne's POV
1 hour earlier
"Ma, can't I just stay here? Ayaw ko talagang lumabas," pakiusap ko sa kaniya habang tinitingnan siyang nakaharap sa maliit kong closet.
My friends are already downstairs, waiting for me. Sinubukan ko ulit pakiusapan si mommy, ayaw ko talagang lumabas ngayon. I don't feel like leaving the house. Nakakatamad kasi. Mas gugustuhin ko pang magbasa at maghanda para sa presentation namin sa susunod na linggo. Napaka-strikto pa naman ng professor namin sa subject na iyon.
Huminto naman si mommy sa pagtingin ng mga damit. Tinutulungan niya kasi akong pumili ng susuotin para mamaya. Humarap siya sa akin at lumapit para umupo sa tabi ko. Marahan niyang hinawakan ng pisngi ko.
"Sweetie, napag-usapan na natin 'to, hindi ba?" malambing na wika niya habang mataimtim na nakatitig sa mga mata ko. "Ayaw kong dumating ang panahon na pagsisihan mong hindi sinulit ang kabataan mo, I want you to experience every good things in life, especially a teenager life. Kaya matutuloy ang lakad niyo ngayon," dugtong niya.
Napabuntong hininga na lang ako habang napatingin sa oras.
"Ma, gabi na. Baka puwedeng bukas na lang kami lalakad?" suhestiyon ko. Since sunday naman bukas at wala kaming pasok.
Malimit siyang napatawa habang pinisil ang pisngi ko.
"There's more fun at night time than daytime, Shy. Most of the teenager are active at night but I trust you enough to handle yourself. You can drink, you have a hook up..." Napangiwi naman ako ng marinig ko iyon mula kay mama. How can she even say that? Like there's no way I'm gonna do that thing. Na-ah, nope, never ever. "But remember to be responsible of your action. You know your limitation anak," nakangiting wika ni mama sa akin saka nagpatuloy sa paghahanap ng susuotin ko. Simpleng halter crop top lang iyon at skinny jeans. Gumamit din ako ng white crop cardigan dahil hindi ako kumportableng nakikita ang likod ko.
Bumaba na kami para saluhan sila. Nagkuwentuhan lang kami habang kumakain sa hapag, Jerome was lighting up the mood with his weird jokes, again. 'Yong ibang jokes ay ilang beses na niyang ginamit sa amin noon. Weird pero tawang-tawa si papa. I wonder if they are relatives, bentang-benta kasi mga jokes ni Jerome sa kaniya eh.
Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga muna kami saka nagpaalam kina mama at papa para umalis na. Sumakay na kami ng sasakyan habang naiwan akong nakatingin sa bahay. Palayo nang palayo na kami rito hanggang sa hindi ko na ito matanaw. Kakaalis lang namin pero parang gusto ko nang bumalik. Nami-miss ko na mukha ng mga kapatid ko, pati kina mama at papa. Napabuntong hininga na lamang ako at umayos na ng upo at humarap na sa harap.
Si Erica ang nag-isip kung saan kami pupunta. Napakurap ako nang makarating kami sa isang bar. First time ko ito kaya naman magkahalong ka ba at kuryusidad ang nararamdaman ko.
Pumasok na kami sa loob at bumungad sa amin ang madilim na silid na puno ng makukulay na ilaw at malakas na musika. May ibang tao sa hallway ng entrance at dahil 18 na ako ay walang problema sa pagpasok namin dito. Hawak-hawak ako ni Erica habang papasok kami. Napapangiwi na lang ako sa bawat taong madaanan namin. Kung hindi mga lasing ay mga mag-syota naman na naglalampungan in public.
Dahan-dahan namana kong napatakip sa ilong dahil sa amoy ng yosi at alak. Nang makarating na kami sa loob ay nakita ko ang nagkumpulang mga tao sa gitna habang sumasayaw na parang wala nang bukas.
"Tara na! Let's party!" wika nina Erica saka akong hinila papunta sa isang bakanteng mesa at doon kami umupo. Napayakap naman ako sa sarili, naninibago sa paligid.
Kahit papaano ay nagawa kong maging kumportable sa lugar sa tulong ng nga kaibigan ko, pumili sila ng mga inumin. Binigyan naman nila ako ng non-alcoholic drinks dahil ayaw nila akong malasing. Hindi na rin gano'n kalakas ang amoy ng yosi rito, hindi katulad sa hallway kanina. Palalim nang palalim ang gabi, medyo nahihilo na ako kasi lagi kong nakukuha ang maling baso at maiinom ang inumin nila. Itinaas ko ng kaunti ang sleeves ng cardigan ko at tiningnan ang oras. Pasado alas onse na pala?
Bagsak na rin ang ibang kasama ko at tanging si Erika at Darlene na lang ang naiwan pero mukhang lasing na rin ang dalawa kasi tulala lang ang mga ito. Nagpaalam ako sa kanila na mag-CCR lang pero sa katotohanan ay aalis na ako rito. Sapat na siguro ang apat na oras na pag-tambay ko rito. Hindi ko alam kung narinig ba ako nina Erica kasi hindi ito sumagot at nakatulala lang.
Tumayo na ako, hawak ang wallet ko at nagsimula nang maglakad paalis sa Lugar. Mukhang natauhan naman si Erica dahil napatingin siya sa akin habang nakakunot ang mukha. Narinig ko pang tinawag ako ni Erica pero hindi ko na iyon nilingon.
"Shy! May tumawag sa phone mo," hindi ko iyon masyadong narinig dahil sa ingay sa loob ng bar kaya hinayaan ko na lang. Nag-para agad ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon habang papalapit na kami sa bahay, hindi ko mawari ang kabang nararamdaman ko. Dahil ba 'to sa inumin?
Humilig na lang ako sa bintana ng taxi hanggang sa makatulog ako. Nanaginip ako, isang masamang panaginip at hindi ko iyon nagustuhan. Nagising ako ng makarating kami sa labas ng gate ng bahay namin. Tahimik na sa loob ng bahay kaya buong ingat akong pumasok nang hindi gumagawa ng ingay. Dahan-dahan kong binuksan ang front door namin at pumasok na sa loob.
Madilim kaya hindi ko masyadong maaninag ang nadaraanan ko. Hinanap ang cellphone ko para sana gumamit ng flashlight pero nawawala ito. Marahil ay naiwan ko iyon sa mesa kanina. Buong ingat na lang ako na pumasok sa loob nang bigla akong nadapa dahil may nakaharang sa sahig.
Napadaing ako sa sakit at napahawak sa tuhod ko. Akmang tatayo na ako nang maramdaman ko ang isang malapot na likido sa sahig. Lumakas ang t***k ng puso at tila napako ako sa kinauupuan ko ngayon. Dahan dahan kong sinundan ang malapot na likido na iyon hanggang sa mahawakan ko kapirasong tela sa matigas at malamig na bagay. Agad akong tumayo at hinanap ang switch ng ilaw sa sala.
Nang mahanap ko iyon ay agad ko itong binuksan at napahiyaw sa nasaksihan. Dad was lying on the floor, covered with his own blood, lifeless.
"No," umiling ako habang ipinikit ang mata ko. I might be dreaming, this isn't true. It's not true. Napahagulgol ako ng iyak habang kinukumbinsi ang sarili ngunit nang dumilat ako ay hindi nagbago ang lahat.
"Pa..." Nag-uunahan na lumandas ang luha sa pisngi ko habang unti-unting lumapit sa kay papa. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinawakan ang mukha niya. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang nawalan ako ng lakas at napayakap na lang sa walang buhay na katawan ni papa.
Wala sa sarili akong umakyat sa taas nang napansin kong wala si mama at ganoon din ang nakita ko. Nanghihina ang tuhod kong lumapit sa ina at kapatid ko. Niyakap ko sila ng mahigpit habang iniyak ang sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko na maalala ang buong nangyari ang alam ko lang ay humingi ako ng tulong, but here I am, being interrogated by the murder of my family. I am the prime suspect of the crime na hindi ko naman ginawa.
Napa-gitla naman ako ng biglang may humampas ng mesa sa harap ko. Napatulala na naman ako ng hindi ko namamalayan.
"Bakit ba ayaw mong magsalita?" tanong ng prosecutor sa akin. Napayuko na lang ako dahil do'n, kasi kahit ano'ng sabihin ko ay hindi pa rin nila ako pinapakinggan. Unless umamin daw ako sa ginawa ko.
I tried to explain everything, everyday, pero ang gusto nila ay umamin at akuin ang sala. Pero hindi ako ang gumawa no'n! They did everything to make me talk but all I did is cry and beg them to find the culprit while they are forcing me to turn myself in at akuin ang kasalanan. Ilang araw rin ang tinagal ng imbestigasyon at lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa akin.
Hindi ko maintindihan, wala akong ginawa pero bakit ako ang naging suspect? I can't do anything but to also blame myself. Kung hindi lang sana ako umalis ng araw na iyon, kung nagpumilit lang sana akong manatili, would it make any difference? Mabubuhay pa rin ba sila? O pati ako ay mamamatay rin? But come to think of it, it's better that way. Mas mabuti sigurong pati ako ay namatay na lang instead of mourning and crying for them, feeling useless that I didn't even do anything for them.
Laman ako ng balita, hindi na ako kinakausap ng mga taong dati ay itinuring kong kaibigan. Ni-isa ay walang bumisita sa akin sa police station. Tinatawag nila akong baliw, mamatay tao. Nang minsan akong nilipat sa detention center ay maraming nakaabang sa labas at pinagbabato ako ng mga kung anu-ano. Itlog at minsan naman ay bato. Magkahalong pagod at gutom ang nararamdaman ko, ilang araw na akong hindi kumakain simula ng araw na iyon.
"Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo? Umamin ka na kasi at nang wala nang masayang na oras dito," inis na wika ng lalaki. I look at him and stare at his eyes. How can he do this? How can they do this?
"Hindi nga ako ang may gawa!" sigaw ko. Tila naman napuno ang lalaking nasa harapan ko at isang ubod na lakas na sampal ang natanggap ko. Natumba ako sa kinauupuan ko at napa-daing sa sakit.
"Lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa 'yo! Bakit ba hindi mo na lang aminin ang lahat! Na isa kang mamatay tao—"
"No! I'm not! I didn't anything..." iyak ko habang niyayakap ang sarili ko. Hinila naman nila ako at hinawakan ang panga ko.
"Puwes, magkikita tayo sa korte bukas, tingnan natin kung hanggang saan mo kayang magsinungaling."
Dinala ako sa korte, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ngayon lang ako binigyan ng abogado? I should have it the first time I was being held captive. Dapat ay nakausap ko ito at nang maipaliwanag ko ang sarili ko at kung ano ang tunay na nangyari pero ngayon lang ito sumipot sa araw ng hatol ko. Nahihilo na ako sa lahat nang nangyayari sa paligid ko.
Law shouldn't be like this. Hindi ganito ang pagkakaalam ko tungkol sa hustisya. Hindi ito ganito kadumi at manipulista. They should be the one bringing justice to the victim, not the other way around.
"Klean Shaynne Villegas was proven guilty..."
Ang mga salitang iyon na lang ang natitirang naalala ko sa nangyari. Hindi ko na alam ang gagawin ko, pinagkait nila sa akin ang hustisya, pinagkait nila ang hustisya na para sa amin ng pamilya ko.
Lungkot, puot at galit ang natitirang nararamdaman ko habang dinadala nila ako patungo sa City Jail. I was sentenced 6 years of imprisonment, they considered my age at binawasan ang sentensya ko, imbes na 20 years ay naging 6 years ito.
Akala ko ay matatapos na ang lahat ng paghihirap kapag nakulong na ako pero doon pala magsisimula ang tunay kong pagdurusa. May isang batas ang lahat ng preso rito. They're gonna kill you slowly if you were a murderer, if susuwertehin ka ay makakalabas ka ng buhay. Walang araw na hindi ako bugbog sarado sa mga kapwa kong preso. Nakikita ito ng mga bantay pero tila mga bulag sila at hinayaan ang nangyayari sa loob ng kulungan.
"Ang bata-bata mo pa pero mamatay tao kana!" sigaw ng isa sa mga preso roon.
Ginawa nila akong katulong sa loob ng kulungan. Para akong tinuturing na mabangis na hayop na tinutugis ng mga mangangaso. Pinapagawa nila ang lahat ng trabaho sa akin mula sa paglilinis ng kainan, sa paglalaba at maski sa labas. Madalas din nila akong pagkaitan ng pagkain, nasanay na akong kumain ng tira-tira at panis na pagkain. Wala akong magawa, wala akong malapitan. Wala akong kakampi sa mundong ito.
Sinubukan kong manlaban sa kanila pero wala akong laban sa lakas nila. Pakiramdam ko no'ng mga panahong iyo ay kalaban ko ang buong mundo. Na nag-iisa na lang ako. I will cry with myself at night and be a lifeless by day. I attempted on killing myself pero magigising na lang ako sa loob ng clinic, ilang beses ko rin iyon sinubukan pero bumabagsak lang ako sa hospital. Buhay pa rin at nagdurusa.
Minsan ay napatingin ako sa repleksiyon ko. Hindi ko na ito makilala, hindi na ito ang dating Shaynne na kilala ko. Puno ng galos at sugat ang mukha at katawan ko. Nang inilipat nila ako sa kulungan ng mga lalaki ay mas naging kaawa-awa ako roon. Madalas akong mamolestiyahan at muntik nang magahasa, pero ang pinagkaiba lang dito ay mahigpit ang bantay at hindi hinahayaang may gulo sa loob. Pero sadyang mga tuso ang mga kapwa kong preso.
Nakayakap ako sa tuhod ko habang napahawak sa kwintas ko. I cried and cried hanggang sa mapagod ako. Napatitig ako sa kawalan habang inaalala ang masasayang araw na kasama ko sina mama. Ang mga kapatid at kaibigan ko. Naalala ko pa noon na minsan akong tinanong nina mama at papa tungkol sa pag-aabugado. Minsan din nila akong kinumbinsi na magpalit ng course pero iyon ang gusto kaya wala silang magawa.
"Life is not blue and peaceful at all... It's dark and disgusting," mantra ko sa sarili ko habang mariin na nakatitig sa repleksiyon ko sa salamin.
"Why did you lie to me?" wala sa sariling tanong ko. Naaalala ko ang mga panahon na pinaniwala ako nila mama at papa na hangga't may batas, may hustisya. Pero hindi ko rin sila masisi, they did their job well. It was just the other people who is disgusting, using their power to trampled on the powerless people.
"Pagbabayaran niyo lahat ng ito..." saad ko. Lahat nang sangkot sa nangyari sa akin sa pamilya ko, magbabayad sila. Ipaghihiganti ko sina mama, hindi ako titigil hanggat hindi ko nakakamit ang hustisya na para sa amin.
Kasama nang pangakong iyon ay ang pag-limot ko sa moral at paniniwala ko. If law isn't helping us in the right way then I'll make them pay for their action. Sapat na ang dalawang taon na hinayaan ko kayong api-apihin.
Sa loob ng 4 na taon ay pinag-aralan ko ang lahat ng puwede kong pag-aralan sa loob ng kulungan. Laking pasasalamat ko at may mga librong puwedeng basahin sa loob. Sinubukan kong mag-aral kung paano idepensa ang sarili ko. Limitado lang ang alam ko pero gagamitin ko ito para magsimula.
Sinimulan ko ring mangalap ng impormasyon. Tungkol sa araw na iyon.
Nang mamatay ang magulang ko ay siya ring pagkamatay ni Mr. Mendez. Lahat nang taong huling nakausap ng magulang ko at nakasalamuha ko ay isinulat ko. Wala pa akong sapat impormasiyon pero ito ang magiging simula ng higanti ko. Ipagpapatuloy ko lahat kapag nakalabas na ako.
Pagbabayaran nila ang ginawa nila.