Chapter 8

2527 Words
Shaynne's POV Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa naging araw, linggo at ilang buwan ito. Gaya nang pangako ni Lance, tumatawag siya palagi. Nagkakamustahan kami. Lagi niya ring pinapaalala sa akin kung ano ang nararamdaman niya sa akin. Pinapangako niyang babalik siya but the last time I heard about him was 6 months ago... "Ms. Villegas? Are you listening?" Napukaw naman ako mula sa pag-iisip nang tawagin ng guro namin ang atensiyon ko. Wala na naman akong maayos na tulog, maliban sa kakaisip ng rason kung bakit hindi na sumasagot si Lance ay nahihirapan din ako sa Research 1 namin. "Sorry, ma'am," paghingi ko ng paumanhin. I clear my mind at itinuon ang atensiyon sa leksiyon namin ngayon. Hindi ito ang tamang oras para mag-isip ng ibang bagay. Nang sumapit ang recess ay sabay na kaming naglalakad papuntang cafeteria nina Caroline at Maki. Magkaklase kasi kaming tatlo kasi pareho kaming kumuha ng HUMSS strand. "Ayos ka lang ba, Shy? Ilang araw ka nang ganiyan ah?" puna ni Darlene nang matapos kaming mag order. Naghahanap kami ng mesang puwedeng pag-upuan. Tinignan ko naman siya nang walang reaction sa mukha. "Tumawag ba si La..." Hindi ko na natapos ang itatanong ko nang ma-realized kong nagtanong din ako ng ganito tanong no'ng nakaraan. "Okay na ba ang research natin? We should prepare for our defense tomorrow," pag-iiba ko ng tanong. Napunta ang usapan namin sa practical research na ginagawa namin. This would be the last requirements for this school year. 1 month na lang at magiging Grade 12 na ako. It was hard to be an outstanding student pero I push myself to have excellent grade para walang magiging problema kung mag-aaral ako sa isang Unibersidad. Mag-isa akong umuwi dahil wala namang pasok si Sandy. Nasanay na rin ako sa ganito, no'ng una ay nangangapa akong umuwi ng mag-isa kasi halos araw-araw kaming magkasabay ni Lance noon. Kahit ano pa ang ginagawa namin ay hihintayin namin ang isa't-isa para sabay umuwi. Pumasok ako nang bahay at bumungad sa akin sina mama at papa at ang kanilang panauhin na si Mr. Mendez, napapadalas ang pagpunta niya sa amin. Mabait naman siya at mapagkakatiwalaan. Alam ko 'yon dahil pinagkakatiwalaan din siya nina mama at papa. "Sweetie! You're home," may galak sa boses ni papa nang sabihin niya iyon at lumapit sa akin para yakapin ako. Gano'n din ang ginawa ni mama. "How's your day sweetheart?" tanong ni mama habang hinalikan ako sa pisngi. "It's fine ma, nakakastress lang ang research namin," wika ko sa kaniya. Bumalik na si papa sa sala at nakikipag-usap ngayon kay mama. "Nako, magpahinga ka muna. Don't push yourself too hard, I've already cooked dinner, eat before you sleep, okay?" paalala niya sa akin saka nagpaalam para bumalik sa bisita nila. Tumango naman ako nang nilingon ako ni Mr. Mendez and gives him a small smile. Umakyat na ako papunta sa kuwarto at agad na pumasok sa kuwarto, hindi ko na inalintana ang magbihis pa at agad na dumapa sa kama. Ahh... I'm so tired. Hindi ko na namalayan ang pagsara ng mga talukap ng mata ko. Nagising na lang ako pasado alas diyes na ng gabi. Tahimik na ang bahay, malamang tulog na sila papa. Bumaba ako upang kumuha nang tubig nang madaanan ko ang study room ni papa. Nakaawang ito at nakabukas ang liwanag sa loob ng kuwarto. Unti-unti akong lumapit doon at sumilip. Naroon si papa at tila may sinusulat siyang kung ano. Nakatalikod siya sa akin habang binasa ang papel na hawak niya. He's so serious that he didn't even notice me when I entered his study. May chalkboard sa harap niya at may mga nakasulat doon at may mga papel at larawang nakadikit. Dad used to be a prosecutor bago siya naging lawyer at madalas ko rin siyang makitang ganito dati. "Pa," tawag pansin ko sa kaniya. Nagulat naman ito at agad na humarap sa akin. "Anak, why are you here? May kailangan ka ba?" tanong niya sa akin bago inilapag ang papel na hawak sa mesa at lumapit sa akin. "I was going to get some water. Akala ko kasi tulog ka na kasi tahimik na ang bahay but I saw this room was open," sagot ko sa kaniya bago ibinaling ang tingin ko sa chalkboard na malapit sa mesa niya. Hindi ko itong gaanong mabasa sapagkat malayo ito sa puwesto namin pero may nakita akong pamilyar na mukha. Si Mr. Mendez ba 'yon? "Magpahinga ka pa, may binake ang mama mo kanina na cookies. Drink some milk before sleeping," wika ni papa. Napalingon ako sa kaniya bago ibinaling ang tingin sa chalkboard. Tumango na lang ako bago ibinalik ang tingin kay papa at ngumiti. "Good night, pa," paalam ko. Mabilis na lumipas ang gabi at ngayon ay narito na kami sa labas ng room. Ngayon kasi ang defense namin. "Kinakabahan ako!" anas ni Caroline habang panay ayos ng suot niyang pencil skirt. Kinakabahan din ako pero mas pinili kong itago iyon para hindi na madagdagan ang kaba ng grupo. Nang tawagin na kami ay pumasok na kami, pero bago pa man ako makapasok ay biglang tumunog ang phone ko. "Good luck," basa ko sa mensaheng natanggap ko. Natigilan naman ako dahil do'n, ito ang unang mensahe niya sa akin after 6 months. "Shaynne..." Napalingon naman ako sa taong tumawag sa akin noon. My group mates was waiting for me. Napalunok ako at sumunod sa kanila. Nagsimula na kami sa pagdepensa sa research namin, inaasahan ko talaga ang pagiging strikta ng mga panel kaya naman buong ingat namin na pinag-isipan ang mga isasagot namin. Tahimik kaming lumabas ng room habang hawak ang copy namin sa research. Wala ni isang nagsalita sa amin. We look at each other as we all released a long sigh. "Tapos na 'di ba?" basag ni Maki sa katahimikan. Pareho naman kaming napatango ni Caroline habang nakatitig sa papel na hawak namin. may naka-markang kulang pula na tinta roon dahil sa evaluation ng panel namin. "We did it?" pabulong ni Carol. Napatingin naman kami sa isa't-isa at unti-unti naman kaming napangiti dahil do'n. "We did it! Thesis defended! Woah!" sigaw namin habang sumusuntok sa hangin. Tinapon pa namin ang hawak na papel habang nagdidiwang kaya heto kami ngayon, isa isang dinampot ang mga nagkalat na papel, nakita kasi kami ng isang teacher at pinagalitan kasi nagkakalat daw kami. Tahimik lang kaming napatawa dahil do'n. "Dapat mag-celebrate tayo ngayon!" suhestiyon ni Carol. Umiling naman ako kaagad bilang pagtanggi sa kanila. "Hindi ako makakasama, kailangan ko pang sunduin si Sandy," pagtanggi ko sa kanila. "Edi sa inyo tayo mag-celebrate. 'Di ba birthday mo ngayon? Happy birthday pala, 'di kita mabati kanina kasi mukhang kinakabahan ka sa defense," bati ni Maki sa akin. "Oo nga, tawagan ko sina Jerome para naman magkita-kita tayo ulit bago maging grade 12 students," wika ni Carol. "For sure may handa sa inyo. Tita won't forget this memorable day," dagdag pa niya. Birthday ko ngayon? Anong date ba ngayon? March 14? Ngayon ko lang din naalala na birthday ko nga pala ngayon. Sa sobrang busy ko ay hindi ko na maalala ang sariling kaarawan ko. Nagpasalamat naman ako sa pag-bati ni Maki sa akin. Hindi na ako umalma pa, at dahil huling subject na namin iyon ay dumeretso na kami ng bahay. Dinaanan muna namin ang kapatid ko bago pumunta sa bahay. Nang makarating kami ay sakto ring dumating sina Erica. "Shy! Happy birthday and I miss you!" bungad ni Erica bago ako niyakap. Sumunod naman si Darlene na bumati sa akin at binigyan pa ako ng regalo. Dumating din sina Jerome na kakauwi lang galing sa skwelahan. sa ibang school kasi sila nag-enroll at kahit na gano'n ay hindi namin kinalimutan ang isa't-isa. Pumasok na kami sa loob at hindi nga nagkamali si Carol kasi naghanda nga si mama. Hindi naman ako mahilig sa mga magarbong handaan kaya sila lang din ang bisita namin. Nagkuwentuhan lang kami sa mga nangyari sa amin noon at ngayon. Maya-maya naman ay dumating na si papa galing trabaho. Nagpaalam na rin ang mga kaibigan ko dahil mag-gagabi na. Tinulungan ko muna si mama magligpit at maghugas bago ako tumungo sa kuwarto ko. Kinuha ko ang laptop ko at binuksan iyon. May natanggap akong mensahe mula kay Lance sa email ko. "Happy birthday Shaynne. Sorry if I didn't often send you a message anymore. Something happened here that made me busy as ever. I'm almost done with my stuff here and I promise I'm gonna send you a message soon. Again, Happy 16th Birthday Shaynne." Iyon ang laman ng email niya. That's what he said at umasa ako. Walang araw at gabi na hindi ko hinintay ang mensahe niya. Days, weeks and months passed, pero hindi na siya muling nag-mensahe pa. Sinubukan ko siyang kontakin sa iba't-ibang social media app na alam kong ginagamit niya pero ni-isang sagot ay wala akong natanggap. He lied to me. 'Di nagtagal ay nawalan na rin ako nang gana na maghintay sa mensahe niya hanggang sa nawala ko ang cellphone ko. I graduated from senior high school with flying colors kahit na mahirap ay nagawa ko. At ngayong college na ako ay naging kampante ako. Nothing would go wrong as long as I study. "You're just reading and memorizing a statement without understanding it. How can you become an effective lawyer if you're just gonna act like that?" Ito ang madalas na matanggap kong sagot ng mga prof ko. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, halos hindi na nga ako makatulog sa kakastudy ng mga cases na binibigay sa amin. Napayuko na lang ako dahil do'n. I tried to answer confidently pero may nakita pa ring lapses ang professor namin sa sagot ko. 1st sem pa lang pero grabe na ang pressure at stress na natatanggap namin. Hindi na nga ako nakalalabas ni minsan. Bahay at school lang ang mga destinasyon ko. Minsan ay bumibisita ako sa mga cafe para magbasa. "Shy, sama ka? Mag-ba-bar kami mamaya," pag-aya sa akin ng isang bloc mate ko. "Sira ka ba? Underage pa si Shy," sagot naman ng isang naming bloc mate. "Hindi ka pa 18? Ba't college ka na?" Umiling na lang ako bilang pagtanggi ko sa alok nila. Hindi na sila namilit pa at nagpaalam na. Hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang lakas na mag-part kahit na tambak kami sa mga requirements. Bar? Ano kayang feeling makapasok diyan? Madalas din akong inaaya nina Adi niyan pero mas pinili kong tumambay ng library para magbasa. I can't waste my time for that thing, I want to become a lawyer. Alam kong lahat ng sacrifices ko ay magbubunga and I can't wait for that day to come. The day where my name becomes 5 words. Attorney Klean Shaynne Mendoza Villegas. Napangiti naman ako dahil do'n. Nang matapos na ang klase ay nagligpit na ako ng gamit. Dumeretso na ako ng bahay para makapagpahinga at makapag-review na rin para sa nalalapit na Midterm Exam. Nang makarating ako roon ay nakita ko sina mama sa gate at mayroon silang kausap. There's also cars outside of our house. Bakit sa labas sila nag-uusap? Seryoso ang mga ekspresyon ng mukha nila habang kaharap ang mga lalaking nasa harap ng bahay namin. "Sorry, Mr. Lee pero tuloy pa rin ang kaso," rinig kong saad ni papa. Napansin naman ako ni mama at agad niyang tinapik si papa. "Shy, anak. Nakauwi ka na pala," wika ni papa habang nakangiti. Napatingin ako sa kanila bago tumingin sa kausap nila. Naka-formal attire ang mga ito na parang bodyguard tingnan habang ang isa na nakatayo sa harap ay iba ang suot. Siguro ay nasa mid 30's na siya. Napadako naman ang tingin ko sa imaheng nasa likod tainga nila bago ibinalik ko ang tingin kina mama. "May problema po ba?" tanong ko nang mapansin ko ang kakaibang tensiyon sa pagitan nila. The man look at me as he gives me a smile. "You must be Shaynne. The future Attorney Villegas of this Family?" he asked. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Ang sarap pala sa tainga kapag tinatawag ka ng gano'n. "Klean Shaynne Villegas po," pakilala ko sa sarili bilang respeto. Mas matanda pa rin siya kaysa sa akin kaya naman dapat ko pa rin siyang respetuhin. "Paumanhin, Mr. Lee, it's getting late. You should go ahead," wika ni mama saka ako hinila papasok sa loob ng bahay. Si papa ang naiwan doon na kausap ang lalaki. Narinig ko pa nga ang huling pinag-usapan nila. "I hope you'll reconsider our offer, it's a one in a lifetime offer," wika ng lalaki. "Sorry Mr. Lee pero buo na ang desisyon ko, mauna na po kami." Sumunod naman si papa sa amin papasok sa loob. "Shy anak, kumain ka na at magpahinga na sa kuwarto mo," utos sa akin ni mama. Hindi na ako nakipagtalo pa at kumain na. Naglinis agad ako ng katawan ng makarating sa kuwarto. Agad akong nagbasa ng mga articles at documentary ng mga kasong napag-aralan namin, hanggang sa makatulog ako. I've spent my days reading this thick books, other people will say it was boring but to me it's not. I enjoyed reading the mystery of every cases especially how every official handle it, from the police, investigator, FBI, prosecutor, lawyer at iba pa. Our midterm exam came and I tried my best na masagutan lahat ng iyon kahit parang mabibiak na ang ulo ko dahil sa mga tanong. But I still manage to get a decent score. Lahat ng araw na iginugol ko sa pagbabasa ay nagbunga. I celebrate Christmas and New year with my family, feeling ko may kulang talaga sa amin but I can't force something na ayaw magpakita o magparamdam man lang. Wala naman akong kasalanan, hindi ako ang unang tumigil. "You're 18th birthday is coming anak, what would you want?" tanong ni mama habang kumakain kami ng hapunan. "I just want to spend it here, ma. Kasama kayo," sagot ko. "You've been spending all of your birthday with us, anak. How about a debut party?" "No way, I hate wearing gowns," wika ko. Iniisip ko pa lang ang sarili ko na nakasuot nang gano'n ay nangingilabot na ako. "But anak..." "It's a no, ma. Saka magiging busy sa school niyan—" "Then spend it outside the house with your friends. Go to the bar, club or whatsoever," determinadong saad ni mama. I grunted in protest, hindi sang-ayon sa suhestiyon nila. "Ma—" "No arguments, you must spend it outside. Get a life," wika ni mama. Wala na akong nagawa kung hindi sumang-ayon nalang. Dumating ang araw ng kaarawan ko. Mom still cooked foods para kahit papaano ay makapag-celebrate ako na kasama. After all, mas magandang i-celebrate ang mahalagang araw ng buhay mo kasama ang taong mahahalaga sa 'yo. Inaya niya rin sina Erica sa bahay para kumain at para masiguradong sasama ako sa kanila. "Ingat kayo!" sigaw ni papa sa akin. "Don't worry, Tito, Tita. Kami na po ang bahala ang Shy, mag-eenjoy po kami!" sigaw naman ni Erica bago kami umalis. And that night was the biggest nightmare of my life. And my decision that night was my biggest mistake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD