Shaynne's POV
Gabi na ng maisipan naming pumunta sa resort. There's a small celebration at may party rin na ginaganap doon.
"It's party time!" na-e-excite na sigaw ni Erica nang makalapit kami sa mga taong nagsasayawan sa harap ng isang stage kung saan nakapuwesto ang DJ at banda.
Napatawa naman ako ng sumunod sila kay Erica habang naglalakad na parang army. Napaupo ako sa bakanteng upuan sa tabi at pinagmasdan sila. We're all have been caught up by the scene enjoying themselves. We came here to enjoy and we will do anything to do that.
Nakangiti ako habang nakatingin sa kanila. I lean on my hands na nasa lamesa nang makaramdam ako ng presensya sa likod ko.
"Hindi ka sasayaw?" tanong niya sa kanang bahagi ng tainga ko. Nilingon ko ito at nginitian si Lance. Seeing him made me remember his departure.
"Alam mong parehong kaliwa ang paa ko," natatawang usal ko saka pinasadahan ng tingin ang mga paa ko. Ibinaling ko ang tingin sa mga kaibigan ko na nagtawanan habang nagsasayawan. They doesn't seem to be bothered by anything and here's me, thinking about Lance departure.
"Ano naman? Ako nga hindi rin ako magaling sumayaw," wika niya saka tumabi sa akin. Sabay naming pinanuod sina Maki na sumasayaw sa gitna, sinasabayan ang musika.
"Next week will be the start of enrollment for this school year..." umpisa ko habang pinipigilan ang kung anong nakabara sa lalamunan na sirain ang boses ko ngayon.
“Oo nga eh. Ang bilis talaga ng oras," wika rin nito. Mula sa gilid ng mata ko ay nakikita ko siyang nakatingin sa akin bago tumingin sa mga kaibigan namin. Napabuntong hininga ako saka ibinaling ang tingin ko sa kaniya. I look at him and waited for him to look back at me. Hindi niya naman ako binigo at agad na tumingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata niya habang hinihintay ang sasabihin ko.
"Napadadalas ang pagtawag sa 'yo ni Tito ah, is he okay?" tanong ko sa kaniya. Wala naman kasi akong ibang maisip na na sasabihin o itatanong man lang.
"Yeah, he is fine. Dad's secretary was the one who's been calling me. May inasikaso lang kami about my...transfer." Kahit anong pilit niyang pasiglahin ang boses niya ay hindi niya pa rin napigilan ang maging malungkot sa isipang aalis siya.
"Hindi pa rin ako makapaniwala... you're really leaving..." pabulong na wika ko na siyang narinig niya. Nakita ko ang paglungkot ng mukha niya at pagkagat niya sa ibabang labi niya.
"Sorry," mahinang usal niya saka yumuko. Umiling ako kinulong ang mukha niya sa mga palad ko. Gusto kong bigyan ng masigabong palakpakan ang sarili ko dahil nakayanan kong kontrolin sarili ko kahit na gusto ko nang umiyak.
"You're not supposed to say sorry, hindi mo kasalanan," wika ko sa kaniya. He's been holding up his tears too. Tawagin mo akong baliw pero alam kong nakikipag-paligsahan siya sa akin ngayon kung sino ang unang iiyak. Natawa na lang ako dahil do'n.
"I just wished to enjoy senior high school year with you pero mukhang mag-isa na lang ako," dagdag ko.
"You're not alone, you know. Nandiyan pa sina Jerome, Erica and Maki. You still have your friends around you," saad niya saka mariing hinawakan ang mga kamay ko.
"Alam ko, I just feel like something big would be taken away from me...I may have a hundred of friends but you'll always be the one that I'll treasure the most." Tinignan ko siya sa mga mata niya as it started to get moist. Mukhang matatalo pa ako nito.
"Hey, I'm not gonna drift away. Technologies are continuing on enhancing. We can reached each other with social media accounts," ani ni Lance at marahang pinisil ang kamay ko. "I promise I will call or text you everyday," dugtong niya habang sumisinghot. Napatawa akong nang kaunti nang makitang unti-unti nang namumuo ang luha niya. He's always gonna be a crybaby simula ng magkakilala kami.
"Kapag umiyak ka, talo ka..." I smirked at him as I lean on my chair. Agad namang siyang tumingala upang pigilan ang luha niya.
"At sinong nagsabi na umiiyak ako? Ikaw nga eh, nakikita ko na luha mo pero pinipigilan mo lang," paghahamon niya. Napataas namang ang kilay ko dahil sa sinabi niya. He manage to stop his tears. Kinagat ko sa loob ng aking pisngi para pigilan ang tawa ko, mukhang ganoon din ang ginawa niya. Napatawa na lang kami dahil alam naming pareho kaming natalo. Nagulat na lang kami ng biglang may naglapag ng canned beer sa mesa namin.
"Rendier! Aalish ka! Iiwan mo ko, how dare you!" biglang sigaw ng kung sino. Sabay naming nilingon si Jerome na namumula na ang mukha dahil sa kalasingan.
"Hoy, tansho! Aalish ka! Hindi ka paalam?" Erica slurred in her words as she was pointing her fingers at Lance. Ibinaba ko iyon dahil nasa harap iton ng mukha ko at tiningnan ang hitsura ng dalawa.
"Anong nangyari sa dalawang 'to?" tanong ko kina Maki na inaalalayang makatayo nang maayos ang dalawang kaibigan namin.
"Nag-paramihan sila ng inom ng juice without knowing na inumin pala iyon. Kaya hayan! Lasing," wika ni Darlene habang na-iiling na pinagmasdan ang dalawang lasing na kaibigan namin. Natahimik naman ang dalawa sa kasasalita at pinaupo sila sa upuan nang biglang tumayo si Erica.
"Lashing! Ako!" sigaw ni Erica saka humalakhak habang tinuturo ang sarili. Napatingin naman kami sa isa't-isa bago tuluyang natawa kasi parang proud pa ito na lasing siya.
"Hindi! Ako! Lashing! Yes, Sir!" sunod naman na sigaw ni Jerome at tumayo rin mula sa pagkakaupo. Humarap naman sila sa isa't-isa at biglang sumaludo. Halos mamatay kami sa kakatawa dahil nagsimula na silang umaktong mga sundalo.
"Erica Jones Dimaisip! Reporting for duty, Shir!" sigaw ni Erica habang pilit na pinapatuwid ang pagsasalita niya.
“Okay," tanging sagot ni Jerome at muling umupo sa upuan niya at agad na nakatulog. Muli kaming natawa dahil do'n, nakita rin namin ang pagsimangot ni Erica bago umupo at sumandal sa balikat ni Jerome. "Mahina, psh," rinig naming wika niya bago pumikit at natulog.
"Mga sira, panira kayo ng mood eh," anas ni Lance habang tinitingnan ang dalawa. Katabi niya ngayon si Jerome na natutulog na habang nakayuko sa mesa.
Napatingin naman sina Maki sa amin ng marinig iyon. Agad silang tumabi sa amin habang nakita si Adi na papalapit sa mesa namin na may dalang dalawang baso ng tubig.
"Bakit? Umaamin ka na ba?" kinikilig na tanong ni Maki kay Lance habang niyuyogyog ang balikat nito. Pati si Darlene ay nakikiusyoso na rin. Tumayo na lang at tinulungan si Adi para painumin ng tubig ang dalawang lasing.
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Iuwi na natin 'tong dalawang 'to sa mga kuwarto nila," wika ni Lance habang iniiwasan ang tanong at saka inalalayan si Jerome. Tinulungan ko naman si Maki kay Erica na sobrang ingay. Akala namin ay nakatulog na ito. Sina Darlene at Adi naman ang kumuha ng mga gamit namin.
"He broke up with me, he's an ash-hole..." iyak ni Erica nang makarating kami sa tapat ng kuwarto nila ni Darlene. Inaalalayan namin si Erica habang hinahanap ni Darlene ang susi ng kuwarto kila sa bag ni Erica. Maliit lang naman ang bag nito pero marami itong laman kay medyo nahirapan si Darlene.
"Oo nga, ilang beses mo bang sasabihin 'yan?" inis na wika ni Maki habang hinihintay na mabuksan ni Darlene ang pinto. Napatawa na lang ako dahil do'n, paulit-ulit niya kasi itong sinasabi na naghiwalay na sila ng boyfriend niya habang naglalakad kami papunta rito.
"He left me! I wish I can make him suffer for hurting me this much!" iyak niya nang maihiga namin siya sa kama niya.
Hindi na ito bago sa amin. Sa aming magbabarkada ay siya ay may pinakamaraming nakarelasyon at halos lahat ay hindi tumatagal. Mukhang okay lang siya pagkaharap namin pero kapag nalalasing ito ay nilalabas niya mga hinanakit niya sa mga ex niya.
"Matulog ka na at para mapanaginipan mo siya saka mo sakalin," wika ni Maki saka siya kinumutan. Napatingin naman kami ni Darlene kay Maki dahil sa sinabi niya.
"What?" tanong niya nang mapansin ang titig namin. "Sinabi ko lang iyon para tumigil na siya sa kangangawa," depensa niya sa sarili.
"You should avoid inflicting negative thoughts to someone, it feels like you're encouraging her to do something bad," wika ko sa kaniya. Ewan ko ba, basta nakakarinig kasi ako ng mga aktong hindi mabuti ay agad-agad akong napapareact.
Napabuga naman ng hininga si Maki saka itinaas ang kamay niya na tila sumusuko na siya. "Oo na lawyer, masama 'yon. Maaari na ba tayong bumalik sa kuwarto namin at magpahinga?"
I smiled at her at tumango, sabay naming tinahak ang daan patungo sa kuwarto namin. Pinauna kong pumasok si Maki, nang papasok na sana ako ay may biglang humila sa akin palayo sa silid namin.
"Let's enjoy the remaining days of my stay here," bulong ni Lance sa akin. Napalingon naman ako sa kaniya at napangiti ng malawak.
"I would loved to," nakangiting wika ko. Tumakbo kami patungo sa dalampasigan at naghabulan na parang mga bata. At kagaya nga nang napagkasunduan namin ay sinulit namin ang natitirang araw niya rito sa Pilipinas. After our outing ay madalas kaming lumalabas para gumala sa kung saan.
Hindi ko mapigilang maging malungkot sa isipang hindi na kami magkikitang muli. Nag-hiking kami, nag-sky-diving, nag Enchanted Kingdom, nag-mall, nag arcade at iba pa. We even took pictures for us to have a memory of this day. Para kahit papaano ay may alaala kami sa araw na ito.
Naiiyak akong napatingin sa building na nasa harap namin. There's so many people dragging their belongings with them, some them are talking while waiting for their flight to be called.
"We will be setting off at 30 minutes, sir," wika ng secretary ng papa niya. Nagpaalam ito para bumili ng makakakain. Nauna na kasi ang papa niya sa America dahil kailangan niya agad magamot.
Napagdesisyunan kong ihatid siya rito. Napagdesisyunan kong makita siya sa huling pagkakataon. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Nilingon ko siya at bakas ang lungkot at pag-alala sa mukha niya.
"Shy, you don't have to do this," wika ni Lance sa akin at marahang pinisil ang kamay niya. Hinarap ko naman siya at kinuha ang isa pa niya kamay.
"Nope, 'di ba sabi mo we're gonna spend your remaining days dito? I'm just doing my part," wika ko sa kaniya habang nakatitig sa mga mata niya. Hindi siya sumagot, sa halip ay niyakap niya ako.
"Remember my promised to you no'ng nasa Bukidnon kayo?" he asked habang nakayakap pa rin sa akin. Pilit ko naman inalala ang araw na iyon.
"I'll promise to do a proper confession when you're back..." paalala niya sa akin. Napatulala naman ako dahil do'n.
"I don't want to leave with regret, Shy. I thought about it for many days, I realized that I'm gonna risk our friendship. Pero na-realized ko rin na...our friendship had already ended the moment I started seeing you as a girl that I like, not a friend that I adore."
Nanatili lang akong tahimik at hinayaan siyang magsalita.
"I can't see you anymore as my friend, Shy," wika niya habang nakatitig sa mata ko.
"Lance..."
"I, Renier Lance Cooper, like you, Klean Shaynne Villegas," seryosong saad niya habang nakatitig sa mga mata ko.
"I don't care if you don't feel the same way, I just wanted to inform you that kasi ayaw kong umalis nang may pagsisisi sa huli," he said.
I give him a smile na siyang sinuklian niya naman. Sa hindi malamang dahilan ay napatawa kami bigla. Natigil lang kami ng marinig naming tinawag ang flight niya.
"I guess this is goodbye," wika niya saka kinuha ang gamit niya.
I watched him fixing his things as his dad assistant waits for him at the side. Ngumiti siya sa akin sa huling pagkakataon.
No. I don't want regret anything.
Nang hahakbang na siya paalis ay agad kong hinawakan ang kamay niya upang pigilan siya.
"Shy?"
"First of all..." umpisa ko saka huminga ng malalim. "You're so cheesy at ang corny mo. Second, I...will miss you..."
Nakatitig lang siya sa mata ko at hinihintay ang sasabihin ko.
"Lastly...I still need time to analyse my feelings for you, I won't answer you for now pero kung ipapangako mong babalik ka after 6 years, I'll gave my answer."
I'm gonna tell you how much I love you and I'm never gonna let you go after that.
But I guess that was one of my biggest mistake.