Chapter Three- BEGINNING OF CONFUSION

4018 Words
"Marco?" Nagmamadali akong bumaba para mapagbuksan siya. Marco is in L.A, but I have no idea na uuwi pala siya ngayon. Sabik kong binuksan ang pinto at padamba ko siyang niyakap nang mahigpit. Nabitawan niya ang hawak na luggage bag. "I miss you!" bulong niya. Ginantihan niya ako ng mahigpit na yakap at inangat niya ako sabay ikot habang magkayakap. Matagal kaming hindi nagkita ni Marco. He has been busy with his work overseas, which is why it came as a surprise. "I miss you too, bro." Sabay pisil sa ilong niya. Lumabas pa ang white heads nito kaya ipinahid ko pa sa damit niya. "Iww..." Sabay irap ng mata. Bumaba ako mula sa pagkakakarga niya nang marinig ko siyang nagsalita. "Dami mong arte. Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Inayos ko muna ang loose shirt kong white pati na rin ang cotton shorts ko bago pa siya tinalikuran. "Joke lang. Masiyado ka naman seryoso, bro. Parang hindi ka pa nasanay, pasok na." Nilinga niya ang paligid na tila may hinahanap pero hindi ko pinansin. Naglakad ako papasok sa pintuan at saka pabagsak na umupo sa couch na naka-cross legs. Maya maya ay umupo rin ito sa katabing upuan. Niyaya ko siyang kumain pagkatapos ay pumasok na siyang mag-isa sa guest room. Normal lang sa aming dalawa ang ganito. Halos magkapatid na ang tingin namin sa isa't isa kaya patay malisya. Pero sa mata ni Dom, hindi. Nagiging dahilan ito ng pagtatalo naming dalawa. Lumipas pa ang panahon hanggang sa nag-stay na nga dito for good si Marco. Naging madalang na ang pagkikita namin dahil busy ako sa work at ganoon din siya. Magkasama na sila ni Rachel sa Amana Medical Hospital kung saan sila na-duty as resident Doctor. Sa tulong ko ay nagkamabutihan sila at hindi nagtagal ay sinagot na rin siya ni besh. Naging masaya ako para sa kanilang dalawa pero habang nakikita ko silang magkasama silang dalawa ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nasasaktan ako. Hindi ko iyon pinansin dahil nakita ko naman silang masaya at isa pa ay may Dominic naman ako. Ilang buwan lang ang itinagal ng kanilang relasyon nang malaman ni Rachel na ang batang matagal na niyang hinahanap noon ay si Yeoj lamang pala. Niligawan siya ni Yeoj at nagparaya si Marco dahil alam niya ang hirap ni Yeoj para lang mahanap ang kababata niya. Nalugmok si Marco at ako lang ang tanging karamay niya noon kahit na palagi kaming nag-aaway ni Dom. Hindi ko kayang iwan ang best friend ko na lugmok at walang direksyon sa buhay. Nalagay sa panganib ang buhay niya noon dahil sa pakikipagsabwatan ng daddy niya sa Tito ni Yeoj para maagaw ang kumpanya kaya mas lalo kong ipinaramdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa. Dumating pa sa point na pinamili na ako ni Dom sa pagitan nila ni Marco. Hindi man naging madali sa amin ang lahat ay nalampasan din naman iyon. Makalipas ang anim na buwan... “You may now kiss the bride.” “Kiss...kiss...” sigaw ng mga taong um-attend sa kasal ng best friend kong si Rachel. Sa wakas, natupad na rin ang matagal na niyang pangarap. Nakita na rin niya ang lalaking matagal niyang hinanap at ngayon ay magkakaroon na sila ng baby. Napatingin ako sa gawi kung saan naroon ang fiancee ko. "Siya na kaya ang future groom ko?" I heaved a deep sigh while staring at my boyfriend, Dom. The truth is, hindi pa naman ako sigurado kay Dom para pakasalan ko, kasi baka hindi pa siya ang the one for me. I love him but I can't feel the excitement na nararamdaman ng ibang bride to be. "Hay...” bulong ko sa sarili habang nakapangalumbaba sa upuan ng church. “Bro, hoy! Anong problema mo, ha? Bakit parang ang lalim yata ng iniisip mo diyan?” sunod-sunod na tanong ni Marco. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala ito. Masiyado kasing pre occupied ng ibang bagay ang isip ko. “Ha? A-Ano k-kasi... ano nga ulit ang sinasabi mo?” pautal kong tanong kay Marco. Napatungo ako at nagbuga ng hangin bago muling humarap sa kaniya. “Wala. Ano ba kasi ang iniisip mo? Kung iniisip mong guwapo ako, aba! Matagal ko nang alam iyon.” Sabay hila sa kanang kamay ko. Nakita ko ang pagdilim ng mga mata ni Dom sa paghila ni Marco sa kamay ko. At naging agaw atensyon kaming dalawa sa ibang tao na malapit sa amin. “Teka, Bro! Ano ba, bitawan mo nga ako! Aray!" "Isa!" Medyo napataas ng kaunti ang boses ko dahil sa inis. Napatayo si Dom pero pinigilan ito ni Sir Paps, ang kasamahan niyang talent manager. “Bilisan mo na kasi kanina pa tayo hinihintay ng newlyweds!” pangungumbinsi pa nito. I rolled my eyes at him as we walked towards the newlyweds. His eyes were smiling along with his thin lips at the guests na malalampasan namin. But I suddenly stopped when I saw the cold aura of my fiancee. “Kaya ko maglakad, okay? Hindi mo na ako kailangan pa na hilahin.” Hinigit ko ang kamay ko at lumakad palapit sa bagong kasal na sina Rachel at Yeoj na ngayon ay nag-pipicture taking. Nakangiti ako, pose dito, pose doon until we were done with the pictorial. Dahil bestfriend namin ang newlyweds, maid of honor ako at bestman naman si Marco. Napapansin ko lang na palagi siyang nakabuntot sa akin kahit saan ako pumunta. Daig pa niya ang boyfriend ko. Ano kayang nangyayari sa mokong na ito at hindi makakilos nang mag-isa? Baka mamaya mapag-initan na naman kami ni Dom nito. “Sungit!” dagdag pa ni Marco. I rolled my eyes at him at tinalikuran na siya. Mamaya nito nasisigurado ko na world war ten na naman kami ni Dom. Nakarating na rin kami sa reception. Kakaupo lang namin ngayon ni Dom sa table kung saan kami kabilang nang biglang magsalita sa mini stage ang host. Maya-maya ay nagsimula na ang kasiyahan. Nakaupo ako sa round table kung saan naka-indicate ang pangalan ko, same as Dom and Marco. Magkakatabi kami sa upuan at sa kabilang side ko naman ay si Dom. Natutulala at nawawala ako sa sarili ngayon. I’m not sure, but I think I’m falling in love with my bestfriend. Pilit kong binabalewala ang nararamdaman ko, at nagkukunwaring hindi naapektuhan dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin ni Marco. I focused my attention on the newlyweds to distract myself from whatever was bothering me in my mind. Inilibot ko pa ang aking paningin sa buong venue at talagang na-amaze ako kung paano ginawang royal theme ni Miss Trish ang wedding ng best friend ko. Lahat ng gusto ni Rachel ay nasunod. Gaya na lamang ng mga cute at colorful butterflies na naka-hang sa ceiling. Malaki ang naging papel ng butterfly sa love story nila ni Yeoj dahil doon sila nagsimulang dalawa. Nasa ganitong pag-iisip ako nang biglang tanggalin ni Marco ang kamay ko na pinagpapatungan ko ng aking ulo. Na-out of balanced ako dahil sa ginawa niya pero mabilis naman niya akong sinalo. Napahawak pa ako sa kaniyang leeg sa takot na mauntog sa mesa dahil sa kapilyuhan niya. I can’t help but stare at him. He has raven-black hair and dark brown eyes, which go well with his well-proportioned nose and thin, pinkish lips na ilan sa kinababaliwan ng ibang babae kay Marco, isama pa ang fit nitong katawan. Nakaramdam ako ng panlalamig at nalunok ang sariling laway sa paglalapit ng mukha naming dalawa. How rude! “Bakit ba hindi mo tingnan ang nasa paligid mo, baka naman nasa tabi mo lang ang taong hinahanap mo,” pabulong na wika ni Marco. Habang sinasabi niya iyon ay nakaramdam ako ng kiliti kaya napapaiwas ang tainga ko dahil sa hangin na nagmumula sa bibig nito. Napakakisig niyang tingnan sa kanyang blush pink na long sleeves na napapatungan ng gray blazer. Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa kaniya at inayos ang sarili sabay lingon kay Dom na tumayo kanina para kausapin ang isa niyang kasamahan sa negosyo. Mabuti na lang at umalis siya sa puwesto kaya hindi niya napansin ang eksena namin ni Marco. Aside from being movie director, isa rin siyang businessman. “I'm sorry." Naging seryoso ang aking mukha nang makabawi ako sa pagkakagulat. I felt awkward about what Marco said so I ignored it. Lalo na at may kakaiba akong nararamdaman sa dibdib ko na parang kinakabahan na ewan. Every time I'm with him, it feels like I have butterflies in my stomach which I've never felt before. “Parang hindi pa naman ako sanay," pabirong ani Marco. Nakangiti ito pero ramdam kong may kakaiba rin sa boses niya. Para kaming naiilang sa isa't isa na nagpipigil sa sarili. “May I call on all the bridesmaids to come here in front, so that we can start the throwing of the bouquet?” Narinig ko ang sinabi ng baklang emcee. I was about to stand up when Marco grabbed my right hand. Napatingin ako rito at hindi inaasahang nagtama ang aming mga mata ngunit ako na rin ang unang umiwas. Nagmadaling lumakad ako patungo sa direksyon ng mga abay. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Dom sa akin. Feeling ko, isang beses pa na magdikit kami ni Marco ay magkakagulo na. Nang makarating ako sa gitna ay napatingin ako kay Rachel na hawak ang magandang kumpol ng white and pink roses. Tumingin ito sa akin at ngumiti kaya ngumiti rin ako Tumalikod na si Rachel. Tumayo lang ako at ngumiti sa nakatingin na emcee sa akin at nakinig sa sasabihin nito. Sa totoo lang, wala naman talaga akong pakialam sa kung sino ang makakukuha ng bouquet. Balak ko lamang ay tumayo at hintayin na matapos ang program para makauwi na dahil nararamdaman kong mag-aaway na naman kami ni Dom. “Oh girls are you ready? Pagkabilang ko ng tatlo ha? One, two, three-” naputol ang pagbibilang ng baklang emcee. Napahawak sa bibig ang dalawang emcee at makikita ang galak sa kanilang mga mata. Nagulat ako. Natagpuan ko na lang kasi ang sarili ko na hawak na ang kumpol ng bulaklak. Hindi ko inaasahan na sa aking direksyon ito tumungo at mabilis na pumatak. “At ang nagwagi ay ang napakagandang Diyosa, walang iba kun'di si Ms. Chloe Lewis!” Nagpalakpakan ang lahat sa sinabi ng bakla. Matamis na ngiti naman ang iginanti ko sa mga ito bilang pasasalamat. Kilala ako ng mga fans ko bilang Chloe Lewis, at Caith naman ang tawag sa akin ng mga friends and relatives ko. Dahil isa akong influencer, hindi maiiwasan na makuhanan ako ng patagong picture ng mga fans. Umupo na ako pagkatapos noon habang hawak ko pa rin ang bouquet. Napansin ako ni Rachel, marahil ay nakita niya na matamlay ako. Kinausap muna nito ang asawa at maya-maya ay bumaba sa stage at naglakad patungo sa akin. “Besh may problema ka ‘no? Ano ‘yon?” malambing na tanong ni besh, pagkatapos ay umupo sa tabi ko at tumingin sa akin ng seryoso. “Not that serious Besh, I’m curious about something,” nakangiti kong sabi. Nag-usap kaming dalawa habang hinihintay na matapos kung sino ang makakakuha ng garter na manggagaling kay Yeoj. “And what is that?” she replied, raising an eyebrow. Alam kong hindi ko ito maitatago nang matagal kay Rachel dahil sooner or later malalaman rin niya. “Aren’t you afraid to consider your friendship for love?” diretso at seryoso kong tanong kay Rachel. Kahit ako ay hindi makapaniwala kung bakit ko naitanong kay Rachel ang bagay na iyon. Nakita ko sa mukha niya ang pagtataka. Kilala na ako ni Rachel sa halos fifteen years naming pagkakaibigan kaya wala na akong maililihim pa rito. Kahit hindi ako magsalita, alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin. “Sinasabi ko na nga ba at may pinagdadaanan ka, besh. Kanina pa kita napapansin na iba ang awra mo." Umayos ito sa pagkakaupo at hinila ang mahaba niyang gown. "Teka nga, sino ba ang friend na ’yan, hmm?” usisa ni Rachel na namumula ang mukha. Kinikilig yata. Kahit hindi ko sabihin alam kong nakukutuban na niya kung sino ang tinutukoy ko pero, hindi ko pa rin aaminin kahit nahuli na niya ako sa sinabi ko. “A-Ano, wala lang ‘yon hindi ba sinabi ko sa’yo kanina na hindi naman seryoso, natanong ko lang. Kasi 'di ba, kayo ni Yeoj, from friendship to lovers." Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya. Naguguluhan pa ako lalo na at may boyfriend ako ngayon. Itinanim ko na lang sa isip ko na kaya ko pang pigilan kung ano ang nararamdaman ko kaya ipinagwalang-bahala ko muna iyon. Hindi namin namalayan na tapos na pala sina Yeoj. Napukaw lamang ang atensyon ko sa mga nagsisigawan na bisita sa wedding hall. Pag-angat ko ng aking ulo ay nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng grey suit. Isang pamilyar na mukha ang rumehistro sa aking mga mata. Nakaunat ang kamay nito upang abutin ang kamay ko para alalayan akong tumayo. “Okay, sabi mo e. Napaka-defensive naman nito. Oh, 'yan na ang "Bro" mo,” natatawang sabi ni Rachel na diniinan pa ang pagkakasabi ng "Bro". “Let’s give them a round of applause! Please come and join us here on stage!” tawag ng emcee sa amin ni Marco. Inabot ko ang kamay ni Marco na nasa harapan ko. Bahagya akong ngumiti na may pagka-ilang. “Si Doc Yummy! Grabe, nakakakilig naman ‘yong dalawa, bagay na bagay!” ani nurse Mariz na nakahawak sa kaniyang mukha at tila pinipigilan ang sarili na mapatili. "Hoy, tumigil ka Mariz! Ang bunganga mo, baka marinig ka ni Sir Dominic." Narinig ko ang pagbabangayan ni Andrew at Mariz na isa rin sa mga abay habang naglalakad kami ni Marco. Malakas ang hiyawan ng mga taong nanunood sa amin habang naglalakad patungo sa stage. Naka-ready na roon ang aking upuan na may gayak rin na kakulay ng aming motif na grey and blush pink. “Ms. Chloe, maupo ka na rito sa iyong trono. At ikaw naman, Doc Marco na Doc Yummy kung tawagin, ay- yummy nga pala!" tili ng emcee sabay hawak sa muscles ni Marco. "Are you ready?" sigaw ng baklang emcee. Tumango ako para matapos na. “Okay, simulan na natin ang pagsusuot ng garter sa legs ni Ms. Chloe,” nagagalak na sabi ng isa pang baklang emcee. "Pero ang swerte naman ng doktor na ito, balita ko mag-bestfriend daw kayo?" mausisang tanong ng isang emcee. "At based sa source ko, may boyfriend pala itong si Ms. Chloe." Nakangiting tiningnan ng emcee si Dom na pilit inaayos ang gusot na mukha. "Boyfie, pahiram lang po saglit sa baby mo, ha? Laro lang po ito, walang personalan." Sa huli ay ngumiti rin si Dom. His smile looked genuine pero, dahil kilala ko siya, alam kong napipilitan lang ito. Muli na naman na nagsalita ang isang emcee upang ipaliwanag ang gagawin namin ni Marco. Nang marinig iyon ng mga tao ay napuno nang malakas na sigawan ang buong wedding hall. “Doc Marco, kailangan mo na maisuot ang garter sa hita ni Ms. Chloe but, may twist." “And what is that?” tanong naman ni Marco. "Kailangan mong gamitin ang labi na 'yan,” kinikilig na sabi ng bakla sabay turo sa labi ni Marco. "Ay, bet ko 'yan!" sabi naman ng isang emcee. “Doc Yummy, you wear the garter using your mouth at hangga’t hindi namin sinasabi na stop, ay hindi ka hihinto. Maliwanag ba?” "May boyfriend si Caith, baka magalit,” apela naman ni Marco. Lalong nag-ingay ang lahat. Nakaramdam ako ng hiya at nerbiyos. Hindi ko inaasahan na ganito ang gagawin namin. Ang buong akala ko ay hanggang tuhod lamang iyon subalit, nasa kanila pala ang control kaya mukhang may mangyayaring hindi maganda rito. “Let’s start! Doc Marco, pumuwesto ka na sa paanan ni Ms. Chloe. At pagkabilang ko ng tatlo ay pagapangin mo na ang garter na iyan sa legs ni Ms. Chloe.” Nakita ko pa ang pagtayo ni Dominic na kanina pa na namumula ang mukha. Sa tingin ko ay parang sasabog na ito sa galit dahil hindi ito mapakali sa kinauupuan nito. Si Marco naman ay nakangiti sa akin kaya pilit din akong ngumiti sa kaniya. “Are you ready?" Napilitan akong mag-agree baka kasi sabihin nila ang KJ ko. Nagsimula nang hawiin ni Marco ang suot kong gown upang mapasok ang kaniyang kamay. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang dahan-dahang paglapat ng labi nito sa aking binti, pataas sa aking hita. Nakakaramdam ako ng paninindig ng balahibo dahil nakikiliti ako sa bawat pagkilos ng labi nito sa ilalim ng gown ko. Binulungan ko pa ito ng "stop" dahil nahihiya, naiilang at isa pa ay lampas na sa tuhod ang garter na iyon.Tiyak na mag-aaway na naman kami ni Dominic nito. “Higher, higher!” sigaw ng mga bisita. Nagpatuloy pa si Marco sa pagtaas ng paglalagay ng garter. Mabuti na lamang at may narinig kaming sumigaw na kanina ko pa hinihintay na hudyat ng mga hosts. “Stop!” malakas at maotoridad na sigaw ni Dominic kaya kaagad na tumayo si Marco. Napatungo ito, marahil ay nahihiya rin siya na katulad ko. Dahil sa pagsigaw ni Dom, napahinto ang lahat. Ang kanina na nagsisigawan sa kilig ay napanganga sa ginawa niya. Pumunta siya sa stage at hinila ako pababa. Pakiramdam ko ay nag-init ang aking mukha sa nangyari. Panay ang flash at tunog ng camera ang aking naririnig habang nakatutok ito sa amin. Nakaramdam ako ng hiya hindi lamang sa mga tao sa paligid namin, kun’di pati na rin kay Marco. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko ngayon na kasama ko siya. Bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang na dati naman ay hindi ko nararamdaman sa tuwing kasama ko siya. Noon, sobrang komportable ko kapag siya ang kasama ko. Masaya at feeling ko ay safe ako sa tabi niya. As Dominic held my hand, I couldn’t help myself to look back at Marco. Nang makababa kami ng stage ay nag-usap pa kami ni Dom. “Have you ever forgotten that you already have a boyfriend, babe? I’m almost dying of jealousy here pero, tuwang-tuwa ka pa!” “Gosh! Dom, ang daming tao rito.” Napahawak pa ako sa aking noo sa kahihiyan sa mga nakakarinig sa amin. Napatingin ako sa paligid at hindi ako nagkamali. May media na nakatutok sa akin ang camera. Kinukuhanan kaming dalawa ni Dom pero, parang balewala lamang ito rito na siyang ikinainis ko. “Huwag tayo rito mag-usap!” naiinis kong sabi. “E, ano naman kung marinig nila? Sino ba naman ang matutuwa na ang fiancee mo ay hinahawak-hawakan ng ibang lalaki ang hita!” mariin nitong sabi. Napatingin pa ako kay Marco bago ako tumakbo palayo sa kanila. “He’s really annoying! Napakaseloso niya. It's just a game, wala naman kaming ginagawang masama ni Bro,” inis kong bulong sa sarili. Tumakbo ako para makalayo sa lahat. Panay ang pagbuga ng hangin sa kinauupuan ko ngayon. Isang malambing na tinig ang aking narinig nang biglang may magsalita sa aking likuran. Kaagad akong napalingon at natahimik ako nang makita ko kung sino ito. “E, wala nga ba dapat ipagselos?” “Tita, ano po ang ginagawa ninyo rito?” kuryoso kong tanong. “I know you need someone to talk to. That’s why I’m here.” She smiled at me at umupo sa tabi ko. “Tita, mabuti pa yakapin n’yo na lang po ako. I think ito ang kailangan ko ngayon,” nakanguso kong sabi at nag-puppy eyes pa. “Napapansin ko parang iba na ang ikinikilos ninyo kapag magkasama kayo,” mahinang sabi ni Tita Alice, ang itinuring ko nang parang tunay na ina. “P-Po? S-Si Dom po??” pautal kong tugon kay Tita. Umiling ito tugon sa sinabi ko bago muling nagsalita. “Oh, see? Edi, nautal ka na agad." Kinabig niya ang aking kanang balikat para mapasandal sa kaniya at niyakap. "Alam mo kasi anak, dapat nagiging tapat ka sa sarili mo,” natatawang sabi ni Tita Alice. “Naku, Tita showbiz ka rin po e, 'no? Honest naman po talaga ako.” Biro ko pa rito. “Pero hindi iyon ang nakikita ko,” ani Tita na nakataas pa ang kilay. “Ayaw ko ng mga gan’yan na tingin, Tita Alice nakakakaba. Wala po talaga,” natatawa kong sabi. "Ah basta, Tita wala po akong dapat aminin dahil wala... wala talaga,” dagdag ko pa. Tinitigan niya ako sa mata bago kami naghiwalay sa pagkakayakap. “Oh, sige na. Wala na kung wala. Pero sana ay maamin mo na rin sa sarili mo na in love ka sa kaniya. Mahirap na kasal ka sa taong hindi mo naman mahal.” Tumayo ito at kumaway pa bago umalis. Mabuti na lamang at wala na rito sina Mom and Dad. Dahil kung naabutan nila ang nangyari kanina, I’m sure na magkakagulo. Unica hija nila ako, kaya prinsesa nila ako kung ituring. At sa ginawa ni Dom na iyon, I’m sure na hindi iyon palalampasin ni Dad. Kaya mabuti na lamang at lumipad na ulit sila patungong America. Mapanood man nila iyon, wala na silang magagawa kasi milya-milya ang layo namin. Nang nakahinga na ako sa ginawang kahihiyan ni Dom ay nagpasya na akong bumalik sa loob. Ngunit biglang dumating si Marco. Naglalakad ito patungo sa kinatatayuan ko. “O with the capital M G! Bakit nagpa-palpitate yata ang heart ko.” Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa kaba na nararamdaman ko. “s**t! Nasobrahan na yata ako sa kape,” wika ko sa sarili. Medyo weird talaga ako kung minsan dahil kinakausap ko ang aking sarili. Lalo na ngayon na kinakabahan ako nang very, very light. Grabe bakit habang papalapit siya sa akin ay parang gusto nang kumawala ng heart ko? Teka, may sakit na yata ako. Ayan na siya… Self ano ka ba, kalma… Malayo pa siya ay nakangiti na ako para hindi niya mahalata na hindi ako komportable. “Hala! Okay ka lang? Tss!” Ngumisi ito nang nakakaloko na siya kong ikinainis. “Ewan ko sa’yo!” inis kong sabi, sabay irap ng mata. Nakakainis! Alam na alam niya kung paano ako buwisitin. Pero kahit hindi siya magsalita alam ko kung bakit siya narito. Dahil nga wala na kaming maiitago pa na ugali sa isa’t-isa, alam niya kung ano ang naramdaman ko kanina. “Bro, bumalik ka na sa loob, hinihintay ka na ni “BABE” mo,” ani Marco na may nalalaman pa na pag-wink ng mata. Sandali kong nakalimutan ang pagkailang. “Hep, hep, hep! Saan ka pupunta?” tanong ko habang nakaharang ang kamay ko sa dadaanan niya. “Uuwi na ako. Baka kasi pumutok na ang batok ng jowa mo, highblood na highblood na naman sa akin ‘yon e,” natatawang bulong ni Marco sa akin. Dahil sa sinabi niya ay sabay kaming napatawa nang malakas na akala mo ay wala nang bukas. Masaya akong kasama ko siya at nalulungkot naman ako kapag hindi ko siya kasama. Kung minsan nga ay mas gusto ko pa siyang kasama kaysa sa fiancee ko. Masiyado kasing strict at seryoso sa buhay si Dom kaya kung minsan ay naboboring ako na kasama siya. Mahal ko siya pero mas komportable ako kay Marco. Dahil siguro sa tagal na rin namin na magkakilala kaya mas palagay ang loob ko sa kaniya. “Oh, bumalik ka na roon bro, at baka mamaya ay masundan pa ako ng jowa mo sa condo ko.” Pamamaalam nito bago sumakay sa kotse niya. Bumalik na ako sa loob at hinanap ko si Dom. Kailangan kong magpaka-sweet na girlfriend dahil nagalit siya sa akin kanina at isa pa napag-isip isip ko rin na kahit sinong boyfriend ay magagalit naman talaga. Inilibot ko ang aking mata sa lugar ngunit hindi ko siya makita, kaya naisipan kong lapitan ang newlyweds. “Hello, lovebirds! Nakita n’yo ba si Dom?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD