Chapter Two- FINDING COMFORT

1573 Words
Ibinabato ko ang mga water balls sa pader na may mga nakasulat kung ano at saan ka nagagalit para mailabas mo ang nasa loob mo. "Kung ayaw ninyo sa beauty ko e 'di 'wag!" Ibinato ko ang hawak kong water ball sa nakasulat sa pader na who cares. Kumuha pa ako ng isa pa at ibinato sa nakakainis. Maraming beses na akong nag-auditon para sa iba't ibang commercials sa Manila. Kung saan saan na agency ang nilapitan ko pero palagi akong bagsak. Dagdagan pa ng pangungulit ni Dad sa pag-take over sa akin ng company. At ito ang ikinakainis ko. Gustong gusto ko talagang maging supermodel pero local pa lang palagi na akong bigo. Sa L.A naman pumapasa ako pero bakit dito sa Pilipinas ang hirap? "Maganda naman ako, ano pa ba ang kulang sa'kin?" Patuloy ako sa pagbato ng water balls hanggang sa maubos ko na ang isang box at inis na sumigaw. "And do you think kapag naubos mo ang mga water balls na 'yan ay papasa ka na?" Napalingon ako sa boses na nanggagaling sa bandang likuran ko. "Caith, am I right?" Umupo ito isang dipa ang layo sa akin at pinulot ang isang water ball sa tapat ng paa niya na siguro ay nahulog ko kanina. Sinasambot sambot niya iyon habang ngumunguya ng chewing gum bago nag-focus sa akin nang tingin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagbato. I saw him in my peripheral view na nagtaas balikat ito. "Ako kilala kita, pero ako, I'm sure hindi mo ako kilala." Dahil sa sobrang inis ko ay napabaling ang panigin ko sa kaniya at pinagtaasan ng kilay. "Masyado kang bida bida. Umalis ka na nga dito! Don't you see I'm busy here?!" Tatalikuran ko na sana siya nang bigla siyang magsalita ulit. "You have the potential." Napahinto ako at dahan dahan na napaharap sa nagsasalita. Kunot-noo ko siyang tiningnan. "A lot of potentials." Tumayo ito at lumapit sa akin. "I can help you." He winked. Natigilan ako at napakunot ang noo. "Sino ka bang talaga? At bakit mo ako kilala?" "Okay, chill. Let's make it simple. I can see your potential and I know malayo ang mararating mo." Binitawan ko ang hawak kong water balls na nag-iisa na at pinagkrus ang braso. "At ano ang kapalit?" "May sinabi ba ako? Gusto lang kitang tulungan. By the way, I'm Dominic Dalton." Sabay abot ng calling card niya. Napatingin ako at nanlaki ang mga mata nang mabasa ang nakasulat doon. "D-Director ka?" Ngiti lang ang naging sagot niya. "Now, can we be friends?" Sabay abot ng palad at kaagad ko naman iyon tinanggap na may ngiti sa labi. "Hi, Dominic. Nice to meet you. By the way, I'm Avery Caith Lewis. 'Yong kanina..." I bit my lowered lip dahil nahihiya ako sa pinagsasabi ko kanina. "No worries. I know how you feel. I understand." His eyes flashed while talking kaya ngumiti ako. Makalipas ang isang taon, mas naging madalas ang aming pagkikita dahil palagi niya akong pinapatawag sa office niya. Tinulungan niya akong magkaroon ng pangalan at nakilala bilang si Chloe Lewis. Wala pa rin si Marco dito sa Pilipinas dahil nasa Amerika pa siya busy sa residency niya sa hospital doon at si Rachel naman ay tutok sa pag-aaral para sa board exam niya kaya madalas ay mag-isa lang ako pagdating sa mga failures ko sa buhay. At dahil naging magkatrabaho kaming dalawa ni Dom, hindi nagtagal ay niligawan niya ako at naging kami. Overprotective, caring, sweet at handsome si Dom, especially when it comes to me. Flowers, chocolates, surprises, name it. Halos araw araw may pagan'yan siya, to make me happy. Kaya mabilis din nahulog ang loob ko sa kaniya at ganoon din siya sa akin. We worked together to grow his business at dahil doon mabilis din siyang nakasundo ni Dad. He founded a company. Ganda lang ang ambag ko doon. Wala akong interest sa mga board meetings ero dahil may utang na loob ako kay Dom ay napilitan akong makiharap sa mga businessman. Kasama niya ako sa mga meetings para maka-attract daw siya ng mga investors pero siya talaga lahat pagdating sa mga papers and meetings. Simula noon medyo nakikilala na ako lalo na nang naging handler ko na rin si Jake. Ang Italian na cousin ni Dom. Siya ang naging dahilan kaya mas lalo pa akong nakilala at natupad ang pangarap na maging supermodel. Mabilis ang naging pagsikat ko dahil sa sikat na Agency sa Los Angeles, ang Bellissimo International Modeling Agency. Dahil sa LA ito, nagkalayo kami ni Dom nang ilang buwan. Nag-stay muna ako sa bahay namin sa Amerika at doon naging madalas ulit ang pagkikita namin ni Marco. And kung wala si Mom and Marco, walang magpapalakas ng loob ko para harapin ang mahirap na training. Maraming kilalang brands ang hawak ng Bellissimo at lahat ng models nila ay talagang tinitingala around the globe kaya naman maraming models ang nagkakandarapa makapasok doon pero suplado si Jake at napakaselan sa mga talents. Sabi nga nila, noong nagsisimula pa lang ako, he must be interested in you, if he glances at you for ten seconds. Noong una hindi ako naniniwala like, duh?! Just because hindi ka natingnan nang matagal ayaw na niya sa'yo? I don't believe that. Pero noong makilala ko siya napatunayan kong totoo nga, they're right. Madalas kahit kinakausap siya hindi man lang niya magawang tingnan parang may sariling mundo. Mabuti na lang at hindi nangyari sa akin iyon. Well, he has a right to be masungit naman kasi noong nagpaulan ng kaguwapuhan si God nasalo niya yata lahat. Dashing, mabango, sexy, ah basta. Sobrang guwapo ni Jake dagdagan pa ng abs na parang bato. Feeling ko nga ang tigas noon hawakan kaya lang nakakatakot naman siya parang laging galit sa mundo kaya kay Dom na lang ako. Guwapo din naman ang boyfriend ko at hindi sa pagmamayabang ay malaki din naman ang katawan niya, matangkad, medyo moreno pero ang lips... Naku kissable. May maamong mata at matangos na ilong. Hindi nalalayo sa pinsan niya. May lahing Italian kasi siya. Dom is a very sophisticated person. Everything from him should be planned, and no time should be wasted, especially if it is unnecessary. Unlike me, I'm a sociable person who doesn't mind wasting time as long as my work isn't affected. Matagal namin pinagtalunan ni Dad ang tungkol sa pagiging modelo ko dahil ayaw niyang maging model lang ako. But modeling is not lang for me. It is important to me, it's my life. It's not a job; it's my baby. Every time na nasa harap na ako ng camera, ibinubuhos ko ang best ko. Ganito ko ka mahal ang ginagawa not to brag, but I am pleased with myself because I have the opportunity to serve as an ambassador for well-known cosmetics and fashion brands abroad. Perhaps my popularity comes from my commitment to my job. Kahit ayaw ni Dad sa ginagawa ko, ipinipilit ko pa rin ang gusto ko. I don't pay attention to what others say. If I know what's best for me and where I'll be happy, I always go with my gut. At iyan ang madalas naming pagtalunan ni Dad. Masiyadong matigas ang ulo ko, ewan ko basta kapag sinabing huwag, mas lalo akong na-curious gawin ang isang bagay. Literal na pasaway. But for me, it's okay. Dito ako natututo sa mga pagkakamali ko. Suportado naman ako ni Mom. Bata pa lang ako ay nahasa na ako sa mga pictorials because of her. Kasi tulad ko, naging model rin siya noong kabataan niya at iyon rin ang dahilan kaya nagkakilala sila ni Dad. Arranged marriage silang dalawa pero hindi nagtagal ay nagkagustuhan din. Pero ako? Hindi ko gusto ang ganoon. I want to marry the man of my dreams. The one that love me for who I am at hindi dahil sa panlabas kong hitsura. Marami nang dumaan na lalaki sa buhay ko. Lahat sila pakiramdam ko mahal lang ako dahil sikat ako kaya hindi kami nagtatagal. Except kay Dom. Sa kaniya lang ako tumagal kahit palagi kaming parang aso at pusa. Kahit may similarity sila ng iba kong mga exe's, marami naman siyang good sides na nagustuhan ko. Never niya akong sinukuan. Until he proposed to me. We are in the yacht, hugging me at the back. That proposal was very simple. Binulungan niya ako na tumingin sa mga stars and then boom! The fireworks exploded in the sky with those lines, "Caith, baby, will you marry me?" When I turned around, he was kneeling behind my back holding a black box with a diamond ring in it, with tears in his eyes. I was shocked. I didn't expect this would happen this early. I'm not ready but because I love him tinanggap ko ang proposal niya. After that proposal ay inihatid na niya ako sa bahay ko. He respects me. Hindi siya katulad ng iba, na nagpropose lang s*x agad. Pagkarating ko sa bahay tinitigan ko ang daliri ko na ngayon ay may nakasuot nang diamond ring. Gusto kong kiligin, but I wish I had a friend na makakasama kong kikiligin ngayon. Habang nag-eemote ako sa harap ng vanity table ko ay biglang may nagdoor bell. Pinauwi ko kasi si Yaya Mameng kanina kasi maysakit daw ang anak niya kaya mag-isa ako ngayon. Tumayo ako para sumilip sa bintana para makita kung sino ang nasa gate. "Who would come here in the middle of the night?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD