Chapter One- ODD ENCOUNTER

2259 Words
Los Angeles, California Caith POV Bumaba ako mula sa kotse ko dala ang isang book at handy bag na black. Papasok na ako sa room kung saan ako naka-assigned nang bigla akong pinalibutan ng mga American students na nasa harapan ko na ngayon. They look like pervert and I saw the redness of their eyes. “Hey, baby…” Napakunot ang noo ko sa kaniyang sinabi at tinalikuran sila ng mga kasama niya. “Oooppsss… we’re not done yet. I want to fvck you here, right now.” Napaatras ako nang makitang palapit sila nang palapit kaya naghanap ako ng way para makatakas. Sumisigaw ako habang tumatakbo but no one’s helping me. Lahat sila ay nakatingin lang at sa tingin ko ay walang gustong makialam. I heard pa naman na bad boys itong mga humahabol sa akin kaya mas lalo akong natakot. “Caith, yuhoo!” Pumasok ako sa isang room na hindi ko alam kung ano ang napasukan ko para lamang makatago. Pero nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko na nasa men’s CR pala ako. Well, I don’t have a choice kaya ipinagsiksikan ko ang sarili ko sa isang cubicle. “s**t! Hey, get out of here! You shouldn’t go into men’s CR, you j-“ he murmured. Nakita ko pa ang pagmamadali nitong isarado ang zipper ng pantalon. “Excuse me, I’m not interested in you, piglet!” I rolled my eyes and clung to the cubicle door. Dahan dahan kong sinilip ang labas ng pinto upang tingnan kung nasundan nila ako. “Get out of here!” I glanced at him and said, “Can you please shut up? Don’t you see, I’m hiding here?” I rolled my eyes again. Lumabas siya at lumipat sa kabilang cubicle pero dahil natatakot ako na masundan ng mga pervert na iyon kaya sumunod ako sa kaniya at pumasok din doon sa loob. “Will you please leave me alone? I just want to pee and you’re bothering me!” Nakahawak siya sa kaniyang matabang gosh! What should I call it? Yeah. I saw his healthy c**k, but I’m not interested. He had a big body, while I’m so skinny. We’re not bagay… duh! “What exactly is your problem in life, woman, huh? I’m begging you-“ Narinig ko na may mga boses sa labas kaya tinakpan ko ang bibig niya. Pero hindi ko inaasahan na ikukulong niya ako sa matataba niyang mga braso. Hinatak pa ako palapit sa kaniya kaya nauntog ang mataba niyang tiyan sa akin. Sandali kong nakalimutan ang sitwasyon ko at sa halip na kiligin ay natatawa ako sa lalaking mataba na feeling si Pietro na macho. “Yuck! Don’t do that again, piglet!” My eyes welled up as I realized his face was close to mine kaya itinulak ko ang mukha niya. Naawa ako dahil tingin ko ay napalakas ang pagkakatulak ko nang makita ko ang ulo niya na bend na bend palikod pero hindi ako nagpahalata. Baka kasi bastusin din ako nito. He is fat and wearing a floral polo naka-tucked in iyon sa khaki na pants. Matangkad, makapal ang grade ng eyeglasses in short, baduy ang suot. Hindi ko siya kilala pero hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa kaniya. Lumabas ako sa cubicle at sinilip ang labas ng pinto kung naroon pa ang humahabol sa akin at nang makita kong wala na ay umalis na ako at hindi na nagpaalam sa lalaki. Wala naman akong balat sa puwet pero ang malas malas ko ngayong araw dahil nakita na naman ako ng mga manyakis na sumusunod sa akin. And this time ay na-corner na nila ako at hindi na ako makatakbo. I was harassed by a group of men who were also a student at our school. We’re sophomores and today was our first day. “Don’t come near me. Please… let me go.” Pakiusap ko. Pero para silang mga bingi at hayok na hayok sa laman. Nakita ko pa ang pagdila ng isang lalaki na ngayon ay tinangka na akong halikan. Mabuti na lang talaga at mabilis akong nakailag. “Damn! She looks like a tomato woman. What kind of human is that?” Tanong naman ng isa na hinawakan ako sa magkabilang kamay. “Don’t attempt to touch me! Help me, please…” Sigaw ko habang nanginginig ang katawan ko sa takot. “C’mmon Caith, I want to fvck you here right now.” Tila nawalan na ako nang pag-asa na may makakarinig pa sa akin dahil wala akong nakikitang tao sa paligid. “Hey, what are you doing?” Nabaling ang atensyon ko sa lalaking nagsalita. Laking pasalamat ko dahil dininig ng langit ang kanina ko pang pinapanalangin. Pero hindi ko mapigilang magulat nang makita ko na ang lalaking mataba ang naglakas loob na tumulong sa akin. “Don’t you see? Fvcking this lady. Get out of here, piglet!” malakas silang tumawa lahat. “Piglet pala, huh?!” Nagulat ako nang biglang sinugod ng suntok ng matabang lalaking nakadagan sa akin. Natumba ito at sunod sunod niyang inatake ang lahat ng mga manyak. Ilang minuto rin silang nagsuntukan. Bumangon ako at lumayo sa kanila kahit nanginginig ang katawan ko ay naghanap ako ng tulong pero huli na nang dumating ang saklolo. Tumakbo na palayo ang mga kano at naiwan kami ni piglet. “Ang tatapang ninyo kapag babae ang kaharap pero mga weak naman pala kayo!” Sigaw pa nito sabay pagpag ng kamay. Inayos nito ang kaniyang floral na damit pati na rin ang kaniyang buhok. Humarap ito sa akin sabay taong, “Hey, are you hurt?” “P-Pinoy ka?” My eyes were filled with hope. Tumango ito at sandali pa kaming nag-usap. Humingi ako sa kaniya ng sorry at nagpakilala. “I’m sorry. I didn’t intend to offend you. I was just-“ Pinutol niya ang sinasabi ko at hinubad ang leather jacket niya. Inilagay niya iyon sa balikat ko. “Wala ‘yon. Nasanay na rin naman ako na piglet ang tawag sa akin simula noong bata pa ako." he chuckled. "Oh! By the way, I'm Marco. Not a piglet” Sabay ngisi. “I’m Avery Caith. I'm really sorry for what I did earlier." Sabay kagat sa labi. "I sincerely apologize for my previous actions. I'll treat you some, what do you want?” Wala akong maisip kaya para makabawi ay inalok ko siya ng kahit anong gusto niya para makilala ko na rin siya at madagdagan ang mga kaibigan ko dito. At mabilis naman niya iyon tinanggap. Simula noon ay palagi na kaming magkasama lalo na at may ilang subject pala na kaklase ko siya pero hindi ko lang siya napapansin. Model na rin ako ngayon pero hindi ganoon kasikat. Kilala ako sa school nammin at maraming nanliligaw pero wala pa akong pinapansin sa kanila. Lumipas pa ang mga buwan, naisip kong i-make over si Marco. Tinulungan ko siyang mag-exercise at tinuruan ng fashion. Nag-improved nang Malaki ang hitsura niya. Nawala na ang makapal niyang eyeglasses at nakakasunod na rin siya sa trend. Well, ako kasi ang kasama niya kaya hindi ako papayag na may mambully pa sa kaniya. Tinandaan ko ang date kung kailan kami nagkakilala at iyon na din ang nagging anniversary ng friendship naming dalawa. Hanggang sa sumapit ang first anniversary namin. “Happy Anniversary, bro!” Pasigaw kong bati kay Marco paglapit ko ay hinapas ko siya sa batok. “Aray! Ang sakit. Kahit kalian talaga bully ka pa rin.” Nasaktan yata dahil paulit ulit niyang iginagalaw ang kaniyang ulo sa magkakaibang direksyon. “Bakit kasi hindi mo ako binabati? Nakalimutan mo ano?” Pabagsak akong umupo sa couch katabi niya at ipinatong ang paa sa center table sa harap ng kinauupuan namin. “Hindi ah! Pa’no ko makakalimutan e simula noong isang linggo may countdown ka na.” Mabilis naman niyang tugon. “Ang favorite mong ice cream nasa ref, hinihintay lang talaga kita.” Tumayo ito at kinuha ang ice cream habang ako naman ay lumuha ng spoon naming dalawa bago umupo sa couch. “Here…” Sabay abot ng ice cream. Magkatabi kaming naupo habang nakasandal ang ulo ko sa balikat. Minsan ay nagsusubuan ng ice cream habang nagkukwentuhan. Kilala na siya ng parents ko at ganoon din ako sa parents niya. At sino bang mag-aakala na friends pala si Dad at ang daddy ni Marco. Kaya mas lalo pa kaming naging malapit sa isa’t isa. Kung minsan pa ay naisipan ng mga parents naming na ipagkasundo na lang kaming dalawa pero kami na rin ang tumutol. Hindi kami talo at never akong ma-iinlove sa best friend ko. “And by the way, are you familiar with Kelvin?” His forehead started to creased. “Kelvin, who?” Sabay subo sa akin ng ice cream sa kutsara niya. Dahil matakaw ako, hindi ko ito tinanggihan. Nga nga kaagad. “The guy who was sent me flowers last time. Magkasama tayo noon ‘di ba?” Pinunasan ko ang labi niya sa amos niyang ice cream. “Thank you. Oh, I remember. He’s attractive, but you should be careful. You know guys…” “That’s why I told you. Sundan mo siya, malay mo babaero din pala iyon.” Naging stalker ng mga manliligaw ko si Marco at ganoon din ako sa kaniya. I want to make sure na hindi rin siya masasaktan. Minsan na rin akong nakapunta sa condo niya na may kasama siyang babae. “Bro… yuhooo!” Sabay bukas ng pintuan. At lalantad sa akin ang hubad nilang katawan. “Oh, s**t!” “Shoo...Umuwi ka muna, bro. Busy kami.” Ako na lang ang magtatakip ng mata at aalis for their privacy. This is the kind of friendship we have. Walang malisya ang sweetness at pagka-clingy. Sweet pero walang talo talo. Siya rin ang naka-witness ng first love ko, si Kelvin. Ang mga ups and downs ng buhay ko ay alam niyang lahat. He is my best buddy, my brother and my best friend. Years later… “But dad, I don’t want to go to the Philippines. I want to stay here with you.” Lumapit siya sa akin at inalis ang nakapamulsang kamay sa pants nito. “I’ve made my decision, sweetie. You don’t have a choice.” I pouted my lips and glanced up at the ceiling. “Our business there needs someone, and it’s for our own good.” I bit my lowered lip as my tears filled my eyes. I hastily walked upstairs to my room. Pabagsak kong isinarado ang pinto at umiiyak na dumapa sa aking kama yakap ang unan na bigay sa akin ni Marco. “I hate you, dad!” Sigaw ko. Hindi na ako bumaba para maghapunan. Katok sila nang katok pero hindi ko sila pinagbubuksan. I heard them talking habang nasa labas ng room ko. “Umiral na naman ang kamalditahan ng anak mo, Prescila. Bakit kasi hindi pa tayo makabuo para magkaroon na si Caith ng kapatid.” “Hon, kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Nagtaka ka pa, spoiled kasi sa’yo!” sagot naman ni Mommy. Bumangon ako at kinuha ang phone ko. Hinanap ko ang number ni Bro at tinawagan. Sobbing.”Hey, baby… A-Are you crying?” Hindi agad ako nakasagot. I swallowed the lump on my throat and talked to him. “I hate dad.” “Inaway mo na naman ba si Tito Greg? Nag-away kayo?” Hindi ko maiwasan na mapairap at masamang tiningnan ang phone ko. Kakampi ko ba talaga ‘to o ano?! ”Dad want us to go to the Philippines and lived there. Happy?!” Umupo ako sa couch at saka sumandal. “Oh, wait… what the fvck! Are you serious? Why? When?” “I have no idea… bro, I don’t want to leave. My life is here in L.A and you know that.” Nang marinig ko na ang concerned voice niya ay bigla na naman tumulo ang luha ko. I cried like a baby on the phone. At nang kumalma na ako ay saka pa lang siya pa ito nagbigay ng advice. Wala na naman talaga akong magagawa dahil kailangan. Hanggang sa dumating na nga ang araw ng pag-alis ko. Naiwan ko si Marco sa America pero hindi nawala ang connection naming dalawa. Madalas naman kaming nag-uusap through social media pero dahil busy siya ay hindi siya makasunod sa akin sa Pilipinas. Hindi naging madali ang lahat para sa akin. Nahirapan akong makapag-adjust sa kultura ng mga Pilipino. Iba ito sa kinalakihan ko. Nakilala ko si Rachel sa school na pinapasukan ko sa Pilipinas. Ang babaeng mahilig sa judo na tahimik at walang pakialam sa mundo. At noon ko rin nasaksihan ang pagkamatay ng parents niya sa isang aksidente. Naging malapit kami sa isa’t isa at naging parang tunay na magkapatid. Katatapos ko lang ng college, at dahil fashion ko ang arts, Arts Management ang kinuha kong course. Malayo sa gusto ni Dad, hindi ko siya sinunod dahil hindi pa din ako pabor sa pag-take over niya sa akin ng business niya. He wants me to handle our company but it's not my cup of tea. As of now I am looking for an agency na mapapasukan ko. At all the agencies I've been to, it's either I'm overqualified or I don't meet the standards they're looking for, kung saan saan ako nag-audition pero wala pa rin akong mahanap. Wala dahil palagi akong bagsak sa lintik na qualification nila. Wtf, ang ganda ko kaya para lang i-reject nila?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD