Lilith's Point Of Views
Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng pagkakamanhid sa kamay. Kunot noo kong dahan dahang inimulat ang mga mata ko. Nagtataka akong napatingin sa paligid. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako-
N-Nakatulog? Paano ako nakatulog? Hindi dapat ako nakakaramdam ng antok... mukhang napapatagal na ang pananatili ko rito sa mundo ng mga mortal...
Anong oras na ba?
Dahan dahang kong inangat ang ulo at tingin ko. Nakatulog ako sa tapat ng bintana. Sumalubong sa akin ang madilim na paligid sa labas nang sumilip ako. Medyo madilim pa rin, pero sigurado akong mag uumaga na.
"Goodmorning, lady Lilith." Sambit ng isang babae.
Napatingin ako sa gilid ko. Humihikab si Lahash habang kinukusot ang mga mata. Kapwa ko ay nakatulog din siya sa tapat ng binatana. "Aga mong nagising ah." Dagdag niya.
Malalim akong napabuntong hininga. Ininat inat ko muna ang mga kamay at leeg ko. Tila nakaramdam ako ng pagkauhaw habang naniningkit pa rin ang mga mata ko. Napagpasyahan ko munang bumaba sa salas.
Kaswal akong bumaba ng hagdan habang inililibot ko ang tingin ko sa salas. Mukhang wala pang gising dahil nakapatay pa ang mga ilaw. Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Hindi ako sinundan pababa ni Lahash, baka natulog pa.
Habang umiinom ng tubig ay naagaw ng pansin ko ang iilang mga alitaptap na nagsisiliparan sa labas sa bahay. Wala sa sarili akong lumabas ng bahay at napatingin ako sa paligid. Napunta ang tingin ko sa kalangitan na madilim pa. Naririnig ang mga kuliglig sa paligid.
Malalim akong huminga. Hindi ko mapigilang mapag isip isip.
Napayuko ako at walang buhay ang mga mata kong natulala.
Kumusta na kaya sa amin? Nalaman na kaya ni ama ang ginawa ko? Ang mga kapatid ko kaya? Alam na kaya nila ang tunkol sa mga ginawa ko ngayon?
"Argh!" Iritadong paglabas ko ng inis.
Napaismid na lang ako sa kakaisip. Malalim akong naglabas ng hininga. Mariin akong napakagat sa ibabang labi habang nanatiling nakatulala.
Hindi muna dapat isipin iyon.... Ano naman kung nalaman na nila? Wala naman silang magagawa. Hindi ko na maibabalik pa ang oras at mabago ang desisyon na ginawa ko-
"Okay ka lang?" Biglaang sambit ng isang boses na nagpabalik sa akin sa katinuan.
Natigilan ako nang may nagsalita sa likod ko. Agad akong napalingon sa pwesto niya. Namilog ang mga mata ko at napataas ang dalawa kong kilay nang sumalubong sa akin ang isang pamilyar na mukha.
Ung mortal. Ni hindi ko man napansin ung presensya niya.
"Mukhang marami kang iniisip ah." Natatawang sambit niya.
Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Walang ekspresyon ko siyang tinapunan ng tingin. Mabilis na naglaho ang ngiti niya sa labi nang mabasa ang ekspresyon ko.
"Anong ginagawa mo rito?" Walang kaemo-emosyon kong tanong.
Baliwalang umupo sa isang simento ang mortal bago nakasimangot akong sinagot. "Magpapahangin lang, masama ba?" Sarkastikong sambit niya.
Napaismid ako sa sinabi niya at inilipat ang tingin ko sa harapan. Nagkaroon ng sandaling katahimikan at tanging ang mga kuliglig at ang naghahampasang dahon ang naging ingay.
Nakaupo siya sa isang simento sa labas habang ako ay nanatiling nakatayo sa harapan. Nagkaroon pa ng ilang segundong katahimikan bago ito nabasag ng pagsasalita ng lalaking kasama ko.
"By the way... I would like to thank you for saving my life." Biglaang sambit niya.
Nabasag ang katahimikan nang magsalita ang lalaking nasa tabi ko.
Tumaas ang dalawang kilay ko nang humarap ako sa direksyon niya. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. I gave him a shocked look. I didn't expect that he'll say that.
O sadyang hindi lang talaga ako sanay. Mas sanay akong sinusumpa ng mga tao bago ko sila patayin.
Hindi ko alam... kung kailan ang huling beses na nakarinig ako ng pasasalamat sa akin.
"W-Well, dapat ko lang namang gawin 'yonn." Giit ko rito. Pasimple akong napaismid bago mapaiwas ng tingin.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaking kasama ko na kinanuot ng noo ko.
"Still, I owe you for saving my life." Pag uulit niya.
Muli kong tinapuna ng tingin ang lalaking nakatingin na ngayon sa langit. Walang ekspresyon akong nagsalita ulit.
"No big deal. May kapalit naman ito." Mariin at walang kaemo-emosyong sambit ko.
Humampas sa amin ang malakas na hangin. Sumabay ang buhok ko sa direksyon kung saan ito papunta. Naramdaman ko ang pagdiin ng pagkakasara ng kamao ko. Nanatiling walang buhay ang mga mata ko at nakatingin sa kawalan. Mapait akong napakagat nang madiin sa ngipin.
Wala ng libre sa mundo. Everything has a price and you need to work on it...
Natauhan ako nang makita ang naging reaksyon ng lalaking kasama ko. Kumurba ang labi ng mortal sa isang ngiti. Ni hindi man lang nito pinansin ang sinabi ko.
"May kapalit man o wala. Thank you." Nakangiting sambit niya na nagpatigil sa akin.
Kusang nawalan ng emosyon ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya. Wala sa sariling kumurba ang labi sa isang mapait na ngisi. Doon ako napaisip.
He let his guard down to his enemy. People are really weak creatures. Basta basta na lamang nila binababaan ang sekyuridad nila. Mga... walang isip.
Mabilis na napalitan ang ngisi ko sa isang iritadong pagkagat sa ngipin. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakasara ng kamao ko.
Ano bang espesyal sa mga tao?
Hindi sila karapat dapat... walang katapusan ang mga kasalanan nila. But they still expect themselves to be welcome in heaven. And curse God if something bad happens to them. H-Hindi... hindi sila dapat binibigyan ng ganitong-
Ganitong klase ng kaimportansya...
"I wonder why God loves people so much." Wala sa sariling sambit ko. Walang buhay ang mga mata ko at walang kaemo-emosyon akong napatingin sa kawalan.
Tila natuyo ang lalamunan ko at hindi ko inaasahang narinig ako ng mortal na kasama ko. Natauhan ako sa sinabi niya sa akin.
"You'll never know because you're a gorgo." Malamig na sambit niya sa akin.
Hindi ako nakakibog kaagad. Natigilan ako sa sinagot nito. Naramdaman ko ang pagbigat ng paghinga ko at napayuko ako at napaiwas ng tingin.
Yeah right. Maybe I really don't.
Pilit na lamang akong tumawa. "You should be more afraid in humans than devils." Pilit na sambit ko.
Nakuha ng sinabi ko ang atensyon ng lalaking katabi ko. Nagtataka itong napatingin sa akin.
"What do you mean?" Kunot noong tanong niya.
My expression changed. Unti-unting tumubo mula sa noo ko ang dalawang sungay habang dahan dahan akong lumingon sa direksyon niya.
"Because devils have horns, you can easily recognize them. While humans can have an innocent face and an angelic smile, but can still stab you in the back." Malamig na sambit ko.
Nagbago ang ekspresyon ng mortal sa sinabi ko. Napalunok ito nang malalim at hindi magawang makatingin ng deretso sa akin.
Mapait na lamang akong napangisi bago ko maramdaman ang unti unting pagbalik ng mga putol na sungay sa noo ko.
Walang kaemo-emosyon akong muling napatingin sa langit. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nagbago ang pakiramdam ko at hindi ko mapigilang magtanong.
"Have you ever heard about an angel who doesn't have wings?" Biglaang tanong ko.
Natigilan ang lalaking katabi ko. Hindi niya inaasahan ang naging tanong ko. Bakas sa mukha niya na nakuha ng sinabi ko ang atensyon niya.
Nakataas ang dalawang kilay niya nang magtama ang mga tingin namin.
"You mean, a fallen angel?" Kunot noong tanong niya sa akin.
"Yes." Deretsong sagot ko.
Natahimik ng ilang saglit ang lalaking kasama ko at inalis niya ang tingin niya sa akin.
"Hindi ba sila ung mga anghel na nakagawa ng malaking kasalanan sa Diyos kaya pinatapon sila sa langit?" Pagpapakumpirme niya sa akin.
Nanatili akong nakatingin sa kalangitan habang nagsasalita ung mortal. Mariin kong sinara ang bibig ko sa arinig.
Right.' Makasalanang anghel.'
"Well, have you heard about an accused one?" Muling sambit ko.
Kumunot ang noo niya sa tinanong ko. Naguguluhan siyang napatingin muli sa akin.
"Isang anghel na pinagbintangan sa kasalanang hindi niya ginawa. Without hearing her side, they took her wings and kick her out in heaven." Muli kong sambit.
Nagbago ang ekspresyon ko habang nakatingin sa itaas. May pait sa paraan ng pananalita ko. Walang buhay ang mga mata ko habang nakatingin sa kawalan at mahigpit ang pagkakasara ng kamao ko.
Bakas sa mukha ng mortal na wala siyang alam sa sinabi ko.... Well, who would think na magagawa ng mga taga langit 'yon.
Tumagal ng ilang segundo bago sumagot sa akin ung mortal. Para akong nabingi at hindi kaagad naproseso ng utak ko ang sinabi niya.
"Well, God knows the truth." Marahang sambit niya sa akin.
Mariin akong napakagat sa ngiipin. Napayuko ako at pasimpleng napaismid sa sinagot niya.
God is the one who took my wings from me.
"But why would he let them do that?" Walang kaemo-emosyong sambit ko.
Hinintay ko ang sagot niya. Bakit nga ba?
"Maybe he has a reason. Maybe he has other plans for that angel." Sagot sa akin ng mortal.
Para bang nanlalabo ang paningin ko at wala na akong makita pa. Walang buhay ang mga mata ko habang tulala. Para bang nandilim ang paligid ko at wala na 'kong nakikita pang malinaw.
He ruined my life. Is that his plan?
Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko at humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. Nang akmang magsasalita na ulit ako ay nakuha ng isang babae ang mga atensyon namin.
"Mukhang seryosong usapan 'yan ah." Biglaang pagsingit ng kung sino.
Bumungad sa pintuan si Lahash na may hawak na baso. Kaswal siyang nakasandal sa pintuan habang pinapanood kami ng lalaking kasama ko na mag usap.
Para bang bumalik ako sa katinuan nang makita siya. Napabuntong hininga na lang ako at pumasok sa loob. Iniwan ko mag-isa roon sa labas ung mortal.
Hindi niya ako naiintindihan...
Bakas ang pag-aalala sa mukha ng nephilim ko bago siya sumunod sa akin.
"You shouldn't show your weakness to him, my lady." Bungad niya sa akin nang makapasok ako sa bahay.
Natigilan ako sa sinabi ni Lahash. Kunot noo akong humarap sa kaniya.
"Excuse me?" Giit ko.
"I know your weakness, my lady. And that is your past." Muling sambit niya.
My expression changed. Hindi ko inisip ang susunod na ginawa ko at kusang kumilos ang katawan ko. Tila niilamon ng anino ang kanang mata ko na nagpaatras kay Lahash.
"Know your place." Matigas at malamig kong sambit.
Muli ko siyang tinalikuran at nagsimula ako sa paglalakad.
I didn't mean to say that but she crossed the line. Umakyat muli ako sa kwarto ko.
Mahigpit ang pagkakasara ng kamao ko habang muling sumasagi sa isipan ko ang nakaraan.
Shit! B-Bumabalik nanaman ang mga alaala ko.
'You killed my sister!'
'What have you done?'
'You killed the person whom you should protect.'
'This is your punishment.'
Minulat ko ang mga mata ko at hinahabol ang aking hininga. Mabigat ang paghinga ko at ramdam ko ang pasituluan ng mga bawis sa mukha ko.
It was just a dream.
Hindi ko namalayan na muli pala akong nakatulog. Napasilip ako sa bintana at maaraw na.
Pilit kong isiniwalang bahala ang mga nasa isipan ko.
Nag-ayos ako ng sarili at bumaba. Sumalubong sa akin sa baba ang Auntie nung mortal na may dala-dalang kawali.
"Oh! Mukhang tinanghali ka ng gising ah? Tara kain na!" Bungad niya sa akin.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya.
"Okay lang, wala akong gana." Walang ekspresyon kong sambit.
"Na ko! Hindi ka na nga kumain kagabi eh, kumain ka na!" Pagpupumilit niya sa akin.
Napabuntong hininga na lamang ako at wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kaniya.
Nang makarating kami sa kusina nakita ko roon si Shane tsaka ung mortal. Inilibot ko pa ang tingin ko sa paligid pero wala na akong nakita pa.
Kumunot ang noo ko nang mapansin kong may kulang. Napalunok ako nang malalim nang hindi ko siya makita kahit saan.
Nasaan si Lahash?
"Nakita niyo ba si Lahash?" Wala sa sariling tanong ko.
Nagtataka silang napatingin sa akin. Maliban sa babaeng may hawak na kawali.
"Ah, ung magandang babae ba? Nakita ko siya kanina nung bagong gising ako na lumabas ng bahay." Sagot sa akin ng isa.
Natigilan ako sa sinabi ng Auntie nung mortal. Naramdaman ko ang pagbigat ng pakiramdam ko.
Iiwan niya rin ba ako?
•••