Chapter 14: Pride, Envy, and Lust Part 3

2003 Words
Lilith's Point Of Views Muling pumasok sa isipan ko si Forcas na hindi ko na nephilim ngayon... now it's making me remember why she left me. Walang buhay ang mga mata ko habang nakapalumbaba ako sa bintana. Walang kaemo-emosyon akong naatingin sa isang itim na paruparo na papalapit sa loob ng kwarto dahil sa liwanag. Inilahad ko ang hintuturo ko rito at dito siya pumunta. Now I'm starting remember how Forcas became my nephlim. *** Flashback *** Ramdam ko ang iilang libong matatalim na mga tingin ang nakapako sa akin. Sinusundan nila 'ko ng mga tingin at pinapanood ang mga bawat galaw ko. Mariin akong napahawak sa braso habang pilit na inisasawalang bahala ang mga tingin nila sa akin. Ilang buwan pa lamang akong nandito... sigurado akong hindi pa rin tanggap ng iba na iisa na ko sa kanila. At ang iba naman ay hindi na kailan pa matatanggap 'yon. "Don't mind them, don't mind them." Dalawang beses na sambit ng babaeng nauuna sa akin na maglakad. Umangat ang tingin ko kay Azza na masiglang naglalakad sa unahan ko. Pawasi-wasiwas ang kamay niya habang naglalakad at nakakurba ang labi at mga mata niya sa isang ngiti. "Soon, matatanggap din nila na kabilang ka na sa amin." Nakangiting sambit niya nang lingunin niya 'ko. "I mean, they can't do anything because you're a royal leader now." Dagdag niya pa. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at napayuko ako habang naglalakad. A-A royal leader now, huh? Kabilang na nga talaga ako sa kanila. Sa totoo lang... hindi lang ang mga gorgos ang hindi tanggap na nandito ako. Kung hindi ako rin mismo sa sarili ko... hindi ko matanggap na nandito na ako ngayon. Na kabilang na 'ko sa kanila... "Lilith? Let's go?" Biglaang sambit ng babaeng kasama  ko na nagpabalik sa akin sa katinuan. Agad kong iniling ang ulo ko at napunta ang tingin ko sa kaniya.Tumaas ang dalawang kilay ko bago magtanong. "A-Ah, saan nga ulit tayo pupunta?" Tanong ko. Nagbago ang ekspresyon ni Azza sa sinabi ko. Hindi siya nakasagot kaagad at bumalik ang tingin niya sa dinadaanan naming pasilyo. "Ah, sa mundo ng mga mortal... sa isang tagong lugar." Mahinang sagot niya sa akin na nakakuha ng atensyon ko. Kumunot ang noo ko habang nakaharap sa kaniya at nakatalikod siya sa akin. S-Sa mundo ng mga mortal? Anong gagawin namin doon? Nagpatuloy kami sa paglalakad bago siya muling magsalita. "There's a cyclops living there... together with a mortal witch." Muling sambit ni Azza. Natigilan ako sa narinig at kusang tumaas ang dalawa kong kulay. Umawang nang kaunti ang bibig ko nang umangat ang tingin ko sa babaeng kasama ko. Unti unting namilog ang mga mata ko nang dahan dahan kong napagtanto ang gusto niyang iparating. "They are living there for too long without anyone noticing... noong kailan lang namin nalaman ang impormasyon na 'yon. They already have a kid now." Seryosong sambit ni Azza habang nauuna sa aking maglakad. Hindi ako nakaimik sa narinig at napayuko ako habang naglalakad.  A mortal and an immortal... at mayroon na silang anak... ang ibig sabihin lang n'on ay... "Kung gano'n, nephilim ang ipupunta natin doon?" Muling tanong ko. Binilisan ko pa ang paglalakad nang sa gano'n ay makita ko ang ekspresyon ng kasama ko. Pero mabilis akong natigilan nang makalakad ako sa gilid niya at makita ko ang ekspresyon ni Azza. Walang buhay ang mga mata niya habang deretsong naglalakad at nagsasalita. Para bang wala na siyang nakikita at wala siyang kaemo-emosyon. "If it was an ordinary cyclops, that will be the case..." Walang kaemo-emosyon niyang sambit. "Pero hindi." Dagdag niya pa. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang nanatiling nakatingin sa kawalan. "But that cyclops... betrayed our father before..." Sambit ni Azza na kinatigil ko. Tila bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya at pabigat nang pabigat ang tensyon habang naglalakad kami. Pero ang pinaka kinabigla ko ay ang sunod niyang sinabi. Kusang namilog ang mga mata ko at parang nabingi ako sa narinig dahil sa sunod na sinabi niya. "That's why our father tasked us... to make sure that we'll kill his family first in front of him, then bring his head to him." Malamig na sambit ng babaeng katabi ko. Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang sinabi niya. Parang bumagal ang oras at unti unting napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang napatingin kay Azza. T-Tama ba ang pagkakarinig ko? Patayin ang buong pamilya niya sa harapan niya? P-Pero bakit? Hindi 'yon makatarungan! Akmang gigiit sana ako sa babaeng kaharap ko nang muli kong makita ang walang kaemo-emosyon niyang ekspresyon. Nanatiling walang buhay ang mga mata na na para bang nakatingin sa malayo. Doon ko lang napagtanto... walang pinipili ang ama namin. Hindi ko magawang maisip kung paano niya nakakayanang gawin ito... lalo na ipagawa sa sarili niya mismong anak... Hindi ko mapigilang mapayuko. Ilang segundo rin ang lumipas nang tila biglaang nagbago ang ekspresyon ni Azza at bumalik ang pagiging masigla niya nang humarap siya sa akin. "Don't worry! Alam kong nabibigla ka pa... pero wala ng bago rito." Pilit na ngumiti siya sa akin. "You don't have to do anything... I'll handle everything and all you have to do is to watch." Dagdag niya pa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na 'yon. Pero iisa lang ang alam ko... walang bakas sa mukha ni Azza na nanghihinayang, nakokonsensya, o gusto niya 'kong sumama sa kaniya. Bagkus ay mas masaya pa siya na masosolo niya ang lahat... ang lahat ng pagpatay... But still, Azza is still a royal leader. Hindi maipagkakaila ang lakas niya kumpara sa mga ordinaryong gorgo. Kahit nga siguro isa akong anghel no'ng mga oras na 'yon, wala akong binatbat sa kaniya. And she was not lying when she said she can handle the rest. Sa kabila ng lakas ng cyclops, at ang galing ng witch sa mga spells, ni hindi man lang ako gumalaw sa pwesto ko habang pinapanood silang kalabanin ni Azza. Mabilis ang pagtibok ng puso ko habang nanonood lang sa labanan ng tatlo. Hindi ko mapigilang kabahan at maramdaman ang mabigat ng tensyon sa paligid. Pero hindi ako kinakabahan para sa kapakanan ni Azza... kung hindi sa ekspresyon na ipinapakita niya ngayon habang iniwawasiwas niya ang malaki niyang martilyo. Ang kakaibang tingin niya at pagkurba ng kaniyang labi sa isang ngiti. Walang tigil siya sa pagtawa at sa pagsaya habang nakikipaglaban. She is really enjoying her fight right now... she enjoys killing. Mahigpit ang pagkakasara ng kamao ko habang nanonood sa laban nila at walang ginagawa. Pero mabilis akong natigilan at natauhan nang makaramdam ako ng paghawak sa dulo ng damit ko.  Agad akong napalingon sa likuran ko at napatingin sa isang batang babaeng namamasa ang mga mata at nakayuko. Nanginginig ang mga kamay niya habang nakahawak sa akin. Unti unting namilog ang mga mata ko nang matauhan ako kung sino siya... Siya ang batang bunga ng pagmamahalan ng mortal at isang immortal... isa siyang nephilim. Walang tigil ang panginginig ng mga kamay niya habang nakahawak sa akin. Napalunok ako nang malalim habang napako ng ilang segundo sa kinatatayuan ko. Natandaan ko ang inutos sa amin ni ama... wala kaming ititira sa pamilyang ito. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga pawis ko at ang pabilis na pabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko mapigilan lumunok nang malalim nang paulit ulit. Nakikipaglaban pa si Azza sa mga magulang niya... kaya kong iligtas ang batang 'to- "Oh, nice job sis! You found the kid!" Masiglang sambit ng isang boses sa likuran ko. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa narinig at dahan dahan akong napalingon sa pwesto ni Azza. Sumalubong sa akin ang nakangiti niyang labi at mukha niyang napupuno ng nagsitalsikang mga dugo. Mabilis na nanghina ang mga tuhod ko at hindi ko mapigilang manlumo nang makita ang hawak hawak niya sa kabilang kamay. Dalawang ulo... Rinig ko ang pagsinghap ng batang babae sa likuran ko at ang mabilis niyang pagtago sa likuran ko. Pilit niyang pinipigilan ang sarili niyang umiyak pero rinig na rinig namin ang paghikbi niya sa likuran ko. Nabigla ako nang biglang itaas ni Azza ang ulo ng mga magulang niya. "Now, move. It's time to collect her head." Malamig na sambit ng babaeng kaharap ko. Hindi ako nakasagot o nakagalaw man kaagad. Parang natuyo ang lalamunan ko at hindi ko maibuka man lang ang bibig ko dahil sa kaba. A-Anong gagawin ko? K-Kailangan kong umusog... hindi na 'ko anghel ngayon. Tama... hindi na 'ko isang anghel. Hindi na 'ko isa sa kanila. Wala ng koneksyon sa akin kung ano man ang mangyayari sa batang 'to. Hindi ko na siya kailangan pang aalalahanin pa. T-Tama... wala siyang koneksyon sa akin- Pero bakit hindi ko magawang igalaw ang katawan ko? Bakit hindi ko kayang umalis sa harapan niya nang sa gano'n ay magawa na ni Azza ang trabaho niya? B-Bakit? "Eh?" Tila nagbago ang ekspresyon ni Azza nang mapansing hindi ako kumikilos o gumagalaw man lang. Walang ekspresyon siyang napatingin sa akin. "Why? Bakit ayaw mong umalis sa harapan niya?" Walang kaemo-emosyon niyang tanong. Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko at hindi ko magawang tignan siya nang deretso. H-Hindi... hindi ko rin alam kung bakit. Naramdaman ko ang pagtaas ni Azza ng martilyo. I can sense her bloodlust. "Hey, sis. I'm asking you, why are you not moving?" Pag-uulit niya. Nanatili akong tahimik at nakayuko. Wala akong laban sa posisyon ko ngayon... sa oras na ibaba ni Azza ang martilyo niya ay patay kaming pareho ng bata... walang makakaligtas sa aming dalawa. Pero bakit... bakit mas gugustuhin ko pa 'yon kesa siya lang ang mamatay sa amin dalawa? "Inuulit ko, bakit-" Mariin ang pagkakabigkas ni Azza. Pero mabilis siyang natigilan nang inangat ko ang tingin ko sa kaniya at nagtama ang mga tingin namin. Natigilan siya nang makita ang walang kaemo-emosyong kong ekspresyon. Hinabol ko ang mga tingin niya. Naramdaman ko ang paghampas ng hangin sa amin at ang pagsabay ng mga buhok namin sa direskyon kung saan ito papunta. "Can we..." Mahinang sambit ko. "Can we spare her life instead?" Walang kaemo-emosyong sambit ko. Tila natigilan ang babaeng kaharap ko sa narinig. Alam kong hindi siya nabigla sa sinabi ko... bagkus sa emosyon na pinapakita ko ngayon... Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko sa walang buhay kong mga mata. I don't know why I'm crying... ni hindi ko na alam ang nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko lang... hindi ko kayang may mawalang bata sa harapan ko... hindi ko na kaya pa... Walang ekspreyong ibinaba ni Azza ang martilyo niya at walang ekspresyon akong hinarap. Hinanda ko ang sarili ko sa gagawin niya at sasabihin niya. Pero hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon at iaakto niya sa ginawa ko. Natigilan ako nang kaswal lamang siyang tumalikod sa amin ng batang nasa likod ko. "She died... you killed her." Malamig niyang sambit. "Iyon ang sasabihin ko kay ama." Dagdag niya pa. Tumaas ang dalawang kilay ko sa narinig. Hindi ako makapanwialang napatingin kay Azza na nagsisimulang maglakad na papalayo na para bang nangyari. Para bang natanggalan ako ng tinik sa sikmura sa narinig at nawala ang mabibigat na bagay na dumadagan sa magkabilang balikat ko. Nakahinga ako nang maluwag sa narinig. Agad akong napalingon sa batang babaeng naiiyak sa likuran ko. Lumuhod ako nang sa gano'n ay maabutan ko ang tangkad niya. From now on... you will be my nephilim to keep you safe... I lowered my pride... no- not just mine... Azzi also lowered her pride for you... "Simula ngayon, magiging nephilim kita. You will be forcas, and will be known as Pride." *** End Of Flashback *** Doon ko nakilala noon si Forcas. Hindi ko alam na gano'n na pala katagal no'ng nakasama ko siya. Malalim akong napabuntong hininga habang nakatingin sa paruparong nasa hintuturo ko. Nanatili akong nakapalumbaba at sinalo ko ang paghampas ng hangin sa labas ng bintana. Matagal tagal na pala... ang bilis ng panahon... hindi ko lubos na maisip, at hindi ko rin inisip... na aabot pala ang lahat dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD