Chapter 13: Pride, Envy and Lust Part 2

2011 Words
Lilith's Point Of Views "Mukhang may iniisip kang malalim ah." Biglaang sambit ng kung sino. Walang buhay ang mga mata ko nang mapatingin ako sa direksyon niya. Out of nowhere sumulpot siya bigla sa harapan ko. Lahash. "I'm sorry kung hindi ako nakapunta kanina natutulog ako eh hehe." Natatawang sambit niya na may pakamot pa sa ulo.. Malalim akong napabuntong hininga at napailing na lamang ako sa sinabi niya. Hindi pa rin nagbabago. Bakit ba lust ang pinangalan ko sa kaniya? Mas bagay pa ang sloth eh. "Kaya ung clone ko na lang ang pumunta hehe." Muling pagdadahilan niya. Walang gana ko siyang tinignan habang patawa tawa siyang nakahawak sa batok. Napaikot ang mga mata ko bago ko alisin ang atensyon ko sa kaniya. Ano pa bang bago? *** Flashback *** Naningkit ang mga mata ko nang tumama sa akin ang sinag ng araw habang nagtatago ako sa isang eskenita at pasimpleng sumulip sa labas. Nang masigurado kong walang kahina-hinala ay dere-deretso akong kaswal na naglakad. Pasimple akong napatingin sa babaeng kasama ko na matalim ang tingin sa paligid. Kasama ko ngayon si Emma. Isang taon na ang lumipas nang naging nephilim ko siya at ang laki na ng ipinagbago niya. Pagkakamalang ilang taon lang ang tanda ko sa kaniya. Nasa mundo kami ng mga mortal ngayon at hindi namin kasama si Forcas. Its been a month since she left us. "Malapit na po ba tayo? Hindi ko na matiis ang mga tao rito. Baka makapatay ako." Biglaang sambit ng katabi ko. Walang tigil sa pagreklamo ang babaeng kasama ko. Iritadong iritado siya habang inililibot ang tingin sa paligid. Lalo na kapag may nakikita siyang tao. She really hates people. "Yup, malapit na." Sagot ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad ng kasama ko. May inutos sa amin si ama rito sa mundo ng mga mortal. Bali-balita rito ang isang negphilim na nagbibiktima ng mga tao sa bar. No one knows what happened to its victims because no one ever survived to tell the tale. Nakukuha na niya ang atensyon ng mga grigoris. Father said we could use her. Kaya ako pinapunta rito para gawin ang tungkulin na 'yon. Hindi dapat namin hayaan na makuha siya ng mga grigoris. "We're here." Walang ekspresyong sambit ko. Huminto kami sa ng isang bar dito sa Capital. Kahit umaga pa ay marami ng tao sa loob. Hindi kami nag-aksaya ng kasama ko ng oras at agad na pumasok sa loob ng bar. Napupuno ng mga naglalampungang tao at mga lasing ang loob. Mainam kong inilibot ang tingin ko sa paligid para hanapin ang pakay namin ni Emma dito. "Is she the one?" Biglaang sambit ng kasama ko. Tanong sakin ni Emma sabay tingin sa babae na hindi kalayuan sa amin. Naningkit ang mga mata ko nang tignan ko ang babaeng nakaupo sa tapat ng bartender. Kaunti lang ang saplot niya sa katawan at may kausap siyang lalaki. "I think so." Sagot ko habang nanatiling nakatingin sa babae. "So anong gagawin natin?" Muling tanong ni Emma. "We'll just wait until she do the first move." Sambit ko. Sinunod namin ni Emma ang planong binanggit ko. Mga dalawang oras din kami nandun sa bar at nakaupo sa hindi kalayuan sa babae. Some people asked our numbers or tried to talk to us but we ignored them. We don't have time for that nonsense. "Ayan na siya." Biglaang sambit ng kasama ko. Mabilis na bumalik ang atensyon ko sa babaeng sinusubaybayan namin.Tumayo ung babae sa upuan niya at pumunta sa back door ng bar. "Wait, hindi niya kasama ang biktima niya?" Nagtatakang tanong ni Emma. Kumunot din ang noo ko nang makitang mag-isa lang itong lumabas. Hindi nito sinama ang lalaking kausap niya kanina o kahit sino man. I'm also confused. Where is she going? Agad naming siyang sinundan. Nang makalabas kami ng pinto bunungad sa amin ang likod ng bar. There is no signs of her here. "Who are you?" Malamig na sambit ng kung sino. Napatingin na lang ako kung saan nanggaling ang boses. Nahagip ng mga mata ko ang babaeng nakasandal sa pader sa gilid. Marahang nakapikit ang mga mata niya habang magkakrus ang mga braso. "Pinagmamasdan ko kayo mula kanina and I think you're after me." Sambit nito. Pasimple akong napaismid at seryoso akong humarap sa kaniya dahilan ng pagmulat ng mga mata niya at pagtingin sa akin. Seryoso ko siyang tinignan at taas noo akong nagsalita. "No more chitchats, I'll go straight to the point." Giit ko. Tumalim ang tingin niya sa sinabi ko pero hindi ako nagpatinag. "Masyado ka ng nagkakalat sa mundo ng mga tao." Muling sambit ko. "Ano namang paki mo?" Natatawang sagot niya. Walang bakas ng takot sa mukha at taas noo siyang tumingin sa akin. Walang buhay ang mga mata ko at wala akong ekspresyong muling nagtanong sa kaniya. "What did you do to all your victims?" Malamig na sambit ko. She paused for a second before answering my question. Humampas sa amin ang hangin at sumabay ang mga buhok namin sa direksyon kung saan ito papunta. Her expression suddenly changed and I felt the chills down my spine. May buhay ang mga mata niya nang magtama ang mga tingin namin... pero ibang tingin ang naramdaman ko. "Just ask their corpses." Malamig na sambit niya na parang nag echo sa magkabilang tenga ko. Umalingawngaw ang tawa niya sa paligid. She freaking sounds like a maniac. Mariin akong napakagat sa ibabang labi at pasimpleng umismid. Nagdikit ang dalawang kilay ko at humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. "W-Why did you killed them?" Madiing tanong ko. "It's fun!" Deretsong sagot ng babaeng kaharap ko. Kitang-kita sa mata ang tuwa at ni hindi man lang siya nagdalawang isip na sabihin sa amin iyon. Tawa siya nang tawa na para bang kaligayahan na niya ang mga ginagawa niya. "She's insane."Bulong sakin ni Emma sa tabi ko. Napalunok ako nang malalim habang nanatiling nakatingin sa babaeng kaharap ko.Yes, she is. "You're getting the attentions of the grigoris." Muling sambit ko na nakakuha ng atensyon ng babaeng kaharap ko. Tumigil siya sa pagtawa at tumingin ng deretso sa mata ko. "Oh, should I be scared?" Sarkastikong tanong niya sa akin. "You should be." Walang kaemo-emosyong sagot ko. Kusang naglaho ang ngiti niya sa sinabi ko. She looked at me dead in the eye. Her skin is slowly turning violet. Nagsimula na ring humaba ang mga kuko niya na sapat na para makasira ng patalim. "You're wasting my time." Iritado niyang sambit sa amin na para bang hindi natuwa sa huling sinabi ko. Umamba siyang susugod nang matigilan siya. Bago siya tuluyang lumapit sa akin ay may sinabi ako na kinahinto niya. "I have a proposal to you." Malamig na sambit ko. Tila natigilan ang babaeng kaharap ko. Nakuha ko ang atensyon niya sa sinabi ko. "Alam kong ayaw mo mapasa ilalim ng mga grigoris." Muling sambit ko. "That's why I'm offering you a proposal."Dagdag ko pa.  Kumunot ang noo ng babaeng kaharap ko at iritado akong tinapunan ng tingin. Bakas sa mukha niya ang pagtataka at tumaas ang kanang kilay niya. "And what is that?" Walang gana niyang tanong. Humampas ang malakas na hangin sa amin at naglaroon ng sandaling katahimikan. "Be my nephilim." Pagbasag ko sa katahimikan. Tila parang humalo sa paghampas ng hangin ang sinabi ko. Kita ko ang pagbago ng ekspresyon ng babaeng kaharap ko ng ilang segundo.Her forehead furrowed and her nose crinkled. "Are you nuts? I don't serve anyone." Walang kaemo-emosyon niyang sagot sa akin. Hindi niya pinagatagal ang pagtakbo ng oras. Pinagpatuloy niya ang pagsugod sa akin pero hindi pa siya nakakalapit ay hinarangan na siya ni Emma. "Don't move." Ma-awtoridad na sambit ng babaeng kasama ko. Emma showed her bat wings and her right hand changed. Matalim niyang tinignan ang babaeng kaharap namin. Natigilan ang target namin sa ginawa niya. "This isn't fair. Two against one?" Sarkastikong sambit ng babaeng kaharap namin. Kumurba ang isang ngisi sa labi ng babae kasunod n'on ay ang pagbulong niya sa hangin. Kumunot ang noo ko sa inakto niya pero hindi ako nagkaroon ng chansang mag isip man lang o magtanong sa ginawa niya. Bigla na lamang namin naramdaman ang paggalaw ng lupa at ang pagsira ng mga semento na malapit sa amin. Then a giant appeared in front of us. She looks exactly like her. So that is her ability. Clone. "Fair enough?" Natatawang sambit ng babaeng kaharap namin. Napaismid ako bago tumingin sa kasama kong babae. Hinawakan ko sa balikat si Emma at napatingin siya sakin. "Ako na bahala sa kaniya. You take care of the little one over there." Utos ko sa kaniya. Isang tango ang sinagot niya sa akin at pumunta patungo sa higante. "Is she one of yours?" Natatawang tanong ng target namin. Napunta ang atensyon ko sa babae sa harap ko. Wala akong balak na sagutin siya. Nakalabas pa rin ang pangil niya dahil hindi pa rin nawawala ang ngisi niya sa labi. Naramdaman ko ang paglamon ng anino sa kanang mata ko at ang pagiging bato rin ng kabilang kamay ko. "I don't want to do this on a hard way but if you insist." Walang ekspresyon kong sambit. I didn't think twice. I immediately attacked her with my stone hand. Mabilis siyang nakakilos at nakaiwas sa atake ko. Hindi ko inaasahan na didikit sa pader na nasa gilid namin. She's good. Hindi tumagal ng ilang segundo at mabilis siyang nakapunta sa likod ko. Sinugod niya ako habang nakatutok sa akin ang matutulis niyang kuko. Nang malapit na siyang makalapait sa akin ay naramdaman ko ang pagsilabasan ng itim na tinta sa mata ko. Mabilis siyang natigilan nang makita ang mga itim na simbolo. Kinuha ko na ang oportunidad na iyon at mabilis kong napagpalit ang posisyon namin. "Too slow." Walang ganang sambit ko. Walang hirap kong naitutok ang hinliliit ko sa kaniya. Ang hinliliit kong gawa sa bato na kayang makabali ng buto sa isang iglap. Napaismid na lamang ang babaeng kaharap ko bago itinaas ang dalawang kamay niya. "Yeah, yeah, I give up." Natatawa niyang sambit. Pasimple niya akong sinulyapan sa likuran niya. "You're strong and I think you deserve to be my master." Muli niyang sambit. Even though she's facing at the opposite direction, I can see her smiling. "Its been a long time since I serve someone, but expect that my loyalty is yours. I'll protect you even if it costs my life." Pagkakaroon namin ng kontrata ng babaeng kaharap ko. And after that , she became my nephilim. Lahash known as Lust. *** End of Flashback ***  "Hm, so ano ba iniisip mo ha?" Biglaang tanong ng babaeng kasama ko. Hindi ko napansin na tinatanong pala ako ni Lahash. Nasa harap kami ng bintana ko ngayon. Sumabay sa paghampas ng hangin ang buhok ko habang nakatingin ako sa madilim na kalangitan. "Iniisip mo ba si Emma?" Muli niyang tanong. My expression suddenly changed. Bullseye. Wala talaga akong matatago sa kaniya. It's only been a year nung naging nephilim ko siya, yet she knows me well. Hindi na 'yon nakakapagtaka pa dahil lagi ko siyang kasama kaysa kay Emma na sumasama sa mga missions ng mga gorgos bilang kanang kamay ko sa pagpapatakbo sa kanila. Isang tango ang sinagot ko sa kaniya na kinabuntong hininga niya. "Hays, don't mind her na lang. Sariwa pa rin ang mga memories niya sa mga tao. Kaya siguro hindi niya matanggap na pinoprotektahan mo si Em. He's one of their kind afterall." Walang ganang sambit niya. Sinusuklay niya ang buhok niya habang nakahiga sa kabilang gilid ko at walang gana pang naka palumbaba. "Or, pati si Forcas ay iniisip mo rin?" Biglaang niyang sambit na kinatigil ko. Napatingin ako sa direksyon ni Lahash na nanatiling walang ganang nililinis ang kuko niya bago muli akong mapatingin sa labas at pagmasdan ang mga bituwin at buwan. Walang gana akong napalumbaba habang nakatulala. Muling pumasok sa isipan ko si Forcas na hindi ko na nephilim ngayon... now it's making me remember why she left me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD