Chapter 12: Pride, Envy and Lust Part 1

2020 Words
Lilith's Point Of View Hindi ko pinahaba ang usapan namin ng mortal at ng anghel. Matapos ang usapan namin ay pumunta kaagad ako sa kwartong sinigaw nung Auntie ng mortal. I suddenly lost interest. Nawala ako sa mood sa pag-uusap namin kanina. Malalim akong huminga bago mapahiga sa kama. Walang kaemo emosyon akong nakaharap sa kisame at nakatulala. Hindi ko mapigilang mapaisip nang malalim habang parang nasa kalawakan ang katawan kong nakahiga. Napagod ako sa mga nangyari ngayong araw. Hindi namin inaasahan ang paghaharap namin sa mga gorgo sa bayang ito. Lalo na't hindi ko rin inaasahan ang maagang pagkikita namin ni Emma at Forcas. I didn't expect to see neither of them. Mukha nga talagang mapaglaro ang tadhana. Matagal-tagal na rin nung huli kaming nagkitang tatlo. Huling nagsama-sama kami ay nung nephilim ko pa si Forcas. No'ng ako pa ang pinagsisilbihan niya at pareho pa kaming gumagawa ng mga mission. Pero hindi na ngayon dahil mabilis din 'yong nagbago. Pinili niyang humiwalay sa akin at pumili ng ibang paninilbihan. She chose to be with my sister.  *** Flashback *** It's been 14 years since that happened. And it's already been 14 years since I became one of them, since I became a gorgo and a ruler in hell. Nararamdaman ko ang pagtama ng malamig na tubig ng ulan sa balat ko at ramdam ko rin ang paghampas ng malamig na hangin. Sumasabay ang mahaba kong buhok sa direksyon kung saan humahampas ang hangin. Kasama ko so Forcas at wala kaming tigil sa pagtakbo. Mabigat ang paghinga ko habang habol habol ang hininga sa pagtakbo. Hindi ko inaalintana ang sakit ng binti ko o ang pangangalay man at pagod. May misyon na ipinagkatiwala sa akin si Ama. Nandito kami sa mundo ng mga immortal para sa isang tagong misyon at hindi ko inaakalang matutuklasan kami ng mga bampira rito.  Damn those bloodsuckers! Napaismid ako habang tumatakbo bago pasimpleng lumingon sa likuran namin para masigurado na walang sumusunod sa amin na kung sino. Tanging ang tunog lamang ng pagpatak ng ulan at mga maliliit na putik na natatapakan namin ang nagsisilbing ingay sa gubat na ito. Sinabayan pa ng tunog ng mga naghahampasang dahon na sumasabay sa paghampas ng hangin. Muli akong napatingin sa harapan at nagpatuloy sa pagtakbo. Desidido ang tingin ko habang nakatingin sa harapan. My father tasked me to kill the next kid in line. The child of the current vampire leader.That kid is a threat to us.  Hindi namin inaasahan na mabubuntis ang asawa ng bampirang namumuno sa kanila.  Little did we know na mortal pala ang pinakasalan niya. That means that their child will be a nephilim. It's a sin having a child with a mortal. Hindi pwedeng mag asawa ng isang mortal ang isang immortal. Lalo na ang mag anak pa sila. Once na magkaanak ang isang immortal sa isang mortal ay kasalanan na ito at parusa roon ay ang sanggol na ipapanganak ay isang nephilim. Ang nephilim ang pinaka mababang ranggo ng kahit sino sa mundong ito. Dahil tinuturin silang mababa at mga alipin man lang. Wala silang kalayaan at magiging pahamak ang buhay nila kung hindi sila maninilbihan sa isang mas mataas ang ranggo sa kanila. Ngayon ay nakasunod ang mga bampira sa amin matapos nilang matuklasan ang plano namin na patayin ang bata. Wala silang kaalam-alam na isang immortal ang isisilang na sanggol. "Ano na ang plano?!" Bulalas ng kasama ko. Hingal na hingal na si forcas katatakbo. Iritado siyang nakatingin sa dinadaanan namin at bakas sa mukha ang pagkainis dahil sa pagpalpak ng naunang plano namin.  Napaismid ako nang hindi ako makaisip ng isasagot kaagad sa kaniya. Dapat pala hindi ko muna siya ni-summon dito. Kung alam ko lang na papalpak ang plano namin. "Change of plans!" Sagot ko. Hindi kalayuan ay may nakita kaming kweba at doon namin naisipang magtago muna. Doon kami nagpatila ng ulan at nag isip ng panibagong plano. Naramdaman ko ang pagkirot ng kanan kong mata dahil sa kapangyarihan ni Caim. Ito ang ginamit kong kakayahan para makatakas kami kanina. Mabilis na naglaho ang anino sa mata ko. "Buwisti! Masyado silang marami! Hindi natin sila kaya!" Giit ng kasama ko. "Hindi lang iyon ang problema natin. Nalaman ng mga mortal na nagsilang ung babae ng isang immortal! Paniguradong papatayin nila ung babae!" Dagdag niya. Napaismid ako sa narinig. Parehong magkaiba ang pagkakaalam ng magkabilang panig. Walang kaalam alam ang mga bampira na isang mortal ang isislang na sanggol, habang ang pagkakaalam ng mga tao, isang immortal naman ang isisilang. Pare-parehong mali ang mga pagkakaalam nila.  Tsk, dahil sa maling impormasyon at hindi pag iisip nang mabuti, pwedeng humantong sa p*****n, o ang malala, isang digmaan. Napahinga ako nang malalim bago pilit kong ipinakalma ang sarili ko. Humahaba na ang tenga ko at nilabasan na rin ako ng buntot para maghanda sa susunod kong plano. Pero wala akong pakielam sa mga gusto nilang gawin. Kailangan naming gawin ang tungkulin namin dito. Hindi kami pwedeng maunahan! Our task here is to kill the kid! "Lady Lilith, ako na ang bahala rito. Pumunta ka na sa mansyon nila at tapusin mo na ang misyon natin dito!" Biglaang sambit ng babaeng kasama ko. Natigilan ako sa sinabi niya at walang reaksyon akong napatingin sa kaniya. Nakita ko ang determinadong mga tingin sa akin ni Forcas bago tumango. Senyales na hindi ko na kailangan pang mag alala sa kaniya. Hindi na ako nagmaang-maangan pa at iniwan ko na si Forcas roon at nagpunta sa mansyon ng nakakataas na bampira. Patuloy ang pagbagsakan ng ulan habang tumatakbo ako. Ramdam ko ang pagtama ng tubig ng ulan sa balat ko at matalas din ang mga pakiramdam ko sa paligid dahil sa kakayahan na binigay sa akin ni Loki. Hindi nagtagal ay naningkit ang mga mata ko sa isang estraktura sa gitna ng isang malawak na lupain. Ang mansyon kung saan naninirahan ngayon ang mortal na babae. Hindi ako nag aksaya ng oras at mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Malapit na ako sa bungad ng mansyon nang agad akong natigilan. Kusang napahinto ang mga paa ko nang makaramdam ako ng isang malakas na presensya. Tila bumigat ang pakiramdam ko sa biglaang pagdating niya. "Hanggang diyan ka na lang." Sambit ng kung sino. Isang malamig na boses ang umagaw sa pansin ko. Napalingon ako sa likod ko kung saan bumungad sa akin ang isang lalaki. He looks old yet so young at the same time. Kapansin pansin dn  ang maputla niyang balat. Itim ang shirt at pantalon na suot niya kaya nangingibabaw ang kulay ng balat niya. Walang kaemo emosyon at seryoso siyang nakaharap sa akin. Pasimple akong napaismid bago pilit na ngumisi. "Oh my, what a pleasant surprise. It's no other than the great king, Dracula." Sarkastikong sambit ko. His expression changed as he gave me a look full of emotions. Kita ko ang paglunok niya nang malalim bago magtama ang mga tingin namin. "Please, ako na ang nagmamakaawa. Don't harm my daughter." Punong puno ng emosyon niyang sambit. Hindi kaagad ako nakasagot. Tila nawalan ng buhay ang mga mata ko at tumalim ang tingin ko rito. "Oh? Anong nangyari? The king is begging me? Dahil lang sa mortal na iyon?" Napakagat sa ibabang labi niya si Drac at hindi nakasagot sa sinabi ko. "You know that you shouldn't have a child with her." Mariing giit ko. "Yes. But I love her." Deretsong sagot niya. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya at nanatili akong walang ekspresyon. Just because of love, he's willing to disobey God.  Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago ko ako magsalita. "I'll give you a chance." Sambit ko ng hindi man lang nag-iisip. Nagkaroon ng pag aasa ang mga tingin ng lalaking kaharap ko sa sinabi ko. Para bang kusang gumagalaw ang bibig ko at hindi ko pinag iisipan ang mga salitang binibitawan ko. W-Wait, what am I doing? "Anything! Just to keep her alive!" Determinadong sambit sa akin ng lalaking kaharap ko. Walang kaemo-emosyon akong tumingin kay Drac. Tila natigilan siya nang mapagtanto ang gusto kong iparating. "I'll let her live, but she needs to live all her life serving me." Walang ekspresyon kong sambit. Malamig ko siyang tinignan. Nagbago ang ekspresyon niya. Sino bang ama ang gustong mangyari iyon sa sariling anak? "You know she's a nephilim. She's a half mortal and immortal." Muling sambit ko. Nanatiling tahimik ang lalaking kaharap ko. Bakas sa mukha niya na nahihirapan siyang mag isip. Hindi pa rin siya kumikibo. "Her kind won't accept her neither yours. This is the only way to save her." Dagdag ko pa. Nagsimula akong humakbang papalapit sa kaniya. "Even if she survived now, she'll live all her life... running away." Walang ekspresyon kong bulong. Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Parang sobrang lakas ng tunog ng pag ulan dahil sa walang boses na tumutunog sa paligid. Kita ko ang mariin na pagkagat sa ibabang labi ng lalaking kaharap ko. Kahit alam kong labag sa loob niya ay napagdesisyunan niyang sumang ayon sa akin. Wala naman siyang magagawa... para ito sa ikabubuti at ikabubuti ng minamahal niyang anak. Tahimik kaming pumasok sa mansyon at pumunta kami sa silid ng asawa niya. Malakas ang pagtunog ng pagbukas ng pinto nang makapasok kami sa isang malaking silid. Kung nasaan may malaking kama sa gitna at amoy ng mortal ang bumabalot sa paligid. Nanatili akong nakasunod sa bampirang nauuna sa akin habang naglalakad siya papalapit sa malaking kama. Pasimple akong bumungad para makita ang mortal na babae at ang sanggol na bagong silang. Bumungad sa akin ang isang sanggol. Kahit na kapapanganak pa lamang nito ay may buhok na ito at nakamulat na.  Nephilims grow faster than normal people. Hindi na nakakapagtaka kung kahit isang buwan pa lang ang kapapanganak nito ay nakakapagsalita na ito at nakakalakad. Kita ang tuwa sa mukha nung mortal nang makita ang lalaki sa tabi ko. "Oh mahal! Tignan mo siya oh." Masaya at pagmamalaki niyang ihinarap ang anak niyang babae. Itinapat niya sa amin ang sanggol na buhat niya. "Pwede ko ba siyang mabuhat, mahal?" Maamong sambit ng lalaking kasama ko. Halata ang lungkot at pag aalinlangan sa boses ni Drac pero hindi niya ito pinapahalata. Hinalikan muna ng babae ang anak niya at ibinigay niya ito sa ama nito. Nang makuha na ni Drac ang anak niya ay niyakap niya ito nang mahigpit at hinalikan ito sa noo.  Hindi niya na rin napigilan ang pagpatak ng luha niya. "M-Mahal a-anong p-problema?" Pagtataka ng babaeng mortal. Hindi sumagot ang lalaking katabi ko. Bagkus ay binigay na niya sakin ang sanggol. "Ikaw na ang bahala sa kaniya." Punong puno ng emosyon niyang sambit. Nagbago ang eksrespyon ng babae sa narinig. Sinubukan niyang kunin ung sanggol sa akin pero pinigilan siya ni Drac. Kinuha ko na ang oportunidad na iyon para gawin ang nararapat. Hindi ko pinansin ang pagsisimula nilang iyakan. Tinignan ko mabuti ang inosenteng mukha ng bata sa harap ko.  What a terrible faith. Walang buhay ang mga mata ko habang nakatingin sa walang kamuwang muwang na bata. Kung hindi lang sakim ang mga magulang mo ay hindi ito mangyayari sa'yo. Kung hindi lang nila sinaway ang diyos. I envy you, your parents loved you so much. "Emma, born with a blood of mortal and immortal, you'll take the punishment for your parents sin. You're born a nephilim and you'll live like one. You'll live serving me, your master Lilith and people will know you as Envy the sin of jealousy." Sambit ko.   I cut her finger and mine as a sign of contract. She didn't even cried nung ginawa ko yon. Hindi ko mapigilang mapangiti nang tumingin ako sa kaniya. What a strong girl... From now on you'll be under my protection. My nephilim. *** End of Flashback*** Because of that, she lived with hatred against people. That's her ability. Photographic memory.  Mula nang isilang siya ay naaalala niya ang lahat ng nangyari. Kaya siguro hindi niya matanggap na may pinoprotektahan akong isang tao ngayon. "Mukhang may iniisip kang malalim ah." Biglaang sambit ng kung sino. Walang ekspresyon akong napatingin sa pwesto niya. Out of nowhere sumulpot siya bigla sa harapan ko. Lahash.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD