Chapter 11: Seven deadly sins

1289 Words
Emmanuel's Point Of Views Sinalubong kami ng kakaibang disenyo sa loob ng bahay. Napupuno ng maiitim na paligid at may iilang mga agimat o kung anu ano ang nakasabit sa dingding. Iba't ibang klase rin ng mga simbole ang nakadikit o nakalagay sa pader. Namimilog ang mga mata ko habang inililibot ko ang tingin ko sa paligid. Hindi ko lubos maalala na ganito pala ang itsura ng bahay ni Auntie. No'ng dito pa 'ko nakatira ang mukhang normal pa ito na tirahan. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip. I-Is my auntie really an angel? "Oh, bakit ganiyang ang mga tingin ninyo?" Natatang biglaang sambit ni Auntie nang mapansin ang mga reaksyon namin maliban kay Lilith nanatiling seryoso. "Kaya ganito ang set up ng bahay ko... ay dahil isa akong manghuhula." Sagot niya sa mga katanungan sa mga isipo namin. Namilog ang mga mata ko sa narinig at tumaas ang dalawang kilay ko. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. I-Isa siyang manghuhula?! "No'ng umalis ka rito, Em. Minabuti ko na ring sulitin ang pananatili ko rito." Nakangiting sambit niya habang nauuna sa aming maglakad. "Gamit ang kakayahan ko, binibigyan ko ng mga gabay ang mga tao rito." Dagdag niya pa. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa totoong looban ng bahay niya. Kung saan mukha na itong ordinaryo. Dinala kami ni Auntie sa salas at pinaupo. "Okay, kuha lang ako ng meryenda ninyo." Sambit niya sa amin at kumindat pa siya bago umalis. Natulala akong napaupo sa sofa sa salas. Parang natuyo ang lalamunan ko dahil sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan na isa pa lang manghuhula si Auntie. Kapwa ko ay naupo rin ang dalawa kong mga kasama sa sofa. Si Shane ay inililibot pa rin ang tingin sa paligid habang si Lilith ay nakapako ang tingin sa Auntie kong umalis para kumuha ng meryenda. Seryoso itong nakahabol ang tingin sa kaniya. "That woman... siya ang nagpatulog sa mga tao rito sa bayan." Biglaang sambit ni Lilith. Tinapunan niya ng tingin si Auntie na masiglang naghahanda sa kusina. Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang sinabi niya at para akong nabingi. Tumaas ang dalawang kilay ko nang matauhan ako at natulala akong napatingin sa kaniya. "M-My auntie did what?" Pag-uulit ko sa kaniya. Prenteng sumandal si Lilith sa upuan. "She's too good for an angel. Pinatulog niya ang lahat at pinagmukhang mga gorgo ang gumawa nito para hindi madamay ang mga tao rito." Walang gana niyang dagdag. Kusang umawang ang bibig ko sa narinig. Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Auntie na kaswal pa ring nag-aasikaso sa kusina na para bang walang nangyari man lang. S-She did that? Para sa kaligtasan ng mga tao? Hindi pa rin ako makapaniwala nang biglang tumikhim si Lilith upang makuha ang mga atensyon namin. Walang gana niyang itinaas ang paa sa maliit na lamesa sa harap ng sofa.  "Anyways, para maliwanagan na kayo," Walang gana niyang sambit. Huminga ako nang malalim habang hinihintay na magsalita si Lilith. Marami akong tanong sa isipan ko at gusto ko iyong masagot. Panigurado akong gano'n din si Shane. "Kagaya nga nang sinabi ko kanina, ang higanteng babae kanina na kasama ko ay si Lahash or known as lust. Yeah that's right, Lust. There are seven nephilims here on earth and that is lust, envy, gluttony, sloth, pride, greed and wrath. You've known them for being the seven deadly sins." Pagpapaliwanag niya. Walang buhay ang mga mata niya habang deretso ang tingin. My mouth fell open and I looked at her, dumfounded. S-Seven deadly sins. Unti-unting namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Nabasa ko na 'yon noon sa mga libro. I even drew all of them out of my imagination! Hindi ko lubos maisip na magagawa kong makakita ng isa ngayon! "Every nephilim have their own special abilities and ang ability ng nephilim kong si lahash ay ang kanyang clone." Muling sambit ni Lilith. "Wait , you mea-" Hindi niya pinatapos ang sasabihin ni Shane at nagsalita ulit siya. Patango-tango siya habang napatingin sa kaniyang noo. "Yes, yung nakita niyo kanina ay clone niya lang iyon." Pagkumpirme niya. Hindi ko mapigilang mapahanga. Kapwa ko ay nabigla rin si Shane sa nalaman. I-I don't know if I should be amazed or scared at the same time. Napalunok ako nang malalim bago sumingit sa usapan. "Pero si Miss Reyes ? Panong nasali siya rito?" Naguguluhang tanong ko.  Kailangan kong malaman ang tungkol doon. Akala ko ay normal na tao lang siya pero mali pala ako. Mabilis na nakuha ko ang atensyon ni Lilith at tumaas ang dalawa niyang kilay nang mapatingin siya sa akin. "Oh? Teacher ?" Pag-uulit niya. Nabigla si Lilith sa sinabi ko. Sinundan ito ng pagkurba ng labi niya sa isang ngisi. "So she has a hobby of teaching? Her name suits her well!" She chuckled. Tila natawa ang babaeng kaharap namin sa sinabi niya. "She's the nephilim of my sister Azza , Forcas or known as Pride." Sagot niya sa tanong ko Pareho kaming natigilan sa sinabi ni Lilith. Miss Reyes is our teacher. Alam kong hindi na 'ko gaanong mabibigla sa sasabihin ni Lilith lalo na't nakita ng dalawa kong mga mata kanina ang istura niya. Ang paraan niya ng pag utos sa mga gorgo at ang pakikitungo niya kay Lilith na para bang matagal na silang magkasama. So, she's also one of them huh? "Well, she used to be mine pero things changed." Napabuntong-hininga si Lilith at walang ganang nagsalita. "Kung nephilim siya ng kapatid mo bakit siya nandito?" Nagtatakang tanong ni shane. "Well I don't know. Baka na atasan siya na may gawin dito." Deretsong sagot ni Lilith. "Eh si Emma?" Biglaang pagsingit ko. Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa sinabi ko na kinabigla ko. Naglaho ang ngiti sa labi ni Lilith sa tanong ko. Tila natigilan ito at nagbago ang ekspresyon niya. Pasimple siyang umiwas ng tingin. "Emma is also a nephilim of mine. She's envy. I saved her 2 years ago kaya ko nakuha ang loob niya." Walang ekspresyon niyang sambit. "Pero bakit tinalikuran ka niya ngayon?" Muling tanong ko. Lilith paused for a moment before answering my question. Walang buhay ang mga mata niya habang nakatingin sa kawalan. "Maybe she's mad after seeing me protecting other people. Hindi na ako ang kilala niya dati, I'm not the same master she used to serve with. So she chose to leave me and be loyal to her kind." Walang kaemo-emosyon niyang sambit. Nagkaroon ng sandaling katahimikan at nagkaroon ng tensyon sa silid. Nabasag lamang ito nang may pumasok sa salas. "Oh ano meron?" Natatawang sambit ng isang babae. Hindi nagtagal ay dumating na rin si Auntie dala-dala ang mga meryenda namin. May hawak hawak itong tray habang pabalik balik ang tingin sa aming tatlo. "I'm going to sleep." Walang ekspresyong sambit ng kasama ko. Walang emosyong tumayo si Lilith at naunang umalis. Nagtataka si Auntie sa inasal niya pero mabilis din siyang natauhan. "Pangatlong pinto!" Sigaw ni Auntie kay Lilith pero hindi niya man lang ito nilingon. "Ako rin po magpapahinga na." Dagdag ni Shane at sunod na umakyat. Pinanood lamang namin silang sunud sunod na umakyat. "Sayang naman ito." Nanghihinayang sambit ng babaeng kaharap ko. Napunta ang tingin ni Auntie sa hawak-hawal niyang tray na puno ng pagkain. "Ako na lang po ang kakain." Nakangiti kong sambit. Napangiti siya sakin at nagsimula siyang maglakad paalis sa salas. Nagtaka ako sa inakto niya pero bago pa niya ako iwan ay may pahabol siyang sinabi. "Magpahinga ka na rin sigurado akong pagod ka." Sambit niya. Napabuntong hininga na lamang ako bago kumurba ang labi ko sa isang ngiti. Walang buhay ang mga mata ko nang mapatulala rin ako sa kisame. Ang daming nangyari ngayong araw.... Pero alam kong hindi lang ito ang pagdadaanan namin sa susunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD