Emmanuel's Point Of Views
"M-Miss R-Reyes?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
Parang bumagal ang oras nang humarap ako sa taong nasa likod ko. Unti-unting napaawang ang bibig ko at namilog ang mga mata ko. Tila nanlumo ako nang makita ang kabuoan ng hitsura niya. A-Ayokong maniwala.
Iniisip ko na guni guni lang ang mga nakikita ko o dulot nga lang talaga ng imahiansyon. P-Pero ang paraan ng pananalita niya. Ang istura at ang postura niya ngayon... H-Hindi nga ako nagkakamali!
Kaharap ko ngayon ang guro naming dalawa ni Shane. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
S-Si Miss Reyes! Ang prof namin sa physics ay nasa harap ko ngayon!
"Hello Mister Graydon, it's good to see you." Walang ekspresyon niyang bati. Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya.
Unti-unting namilog ang mga mata ko sa narinig. Nakumpirme ng sinabi niya ang mga nasa isip ko. Siguradong sigurado na ako ngayon kung sino ang nasa harapan ko.
Napalunok ako nang malalim at dahan-dahang napaatras sa kaniya. A-Anong ginagawa niya rito?
Agad na nakuha ng atensyon niya ang mga gorgos na nakikipagaway sa amin. Mayroong limang gorgos na nakahandusay sa harap ni Lilith habang may tatlo pang sumusugod sa kaniya. Wala man lang kahirap-hirap sa kaniya na gawin 'yon.
Samantalang si Shane ay nakikipaglaban sa dalawa.
Miss Reyes expression suddenly changed. Ramdam na ramdam ko ang pagbabago ng presensya niya lalo na at magkalapit lang kami ng pwesto.
Para bang sapilitang bumibigat ang pakiramdam ko habang nakatingin sa kaniya. Tila may mabigat na bagay na dumagan sa likod ko at nagkaroon ng mabigat na tensyon sa paligid.
Punong-puno ng pagtataka at bakas sa mukha ko ang pagkabigla nang unti-unting nagbago ang anyo ng itinurin kong guro.
A third eye suddenly appeared on her forehead. Tila humaba ang mga buhok niya at unti-unti ring nagbago ang kulay ng kaniyang balat.
Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Dilat na dilat ang mga mata ko at kaunting nakaawang ang bibig.
W-What-
"All of you! Master is calling you! Go back! This is not a part of your task!" Malakas na sambit niya. Para bang may halong malaking tao ang sumisigaw.
Umalingawngaw ang boses niya sa paligid. Nakuha niya ang atensyon ng lahat ng gorgos na bakas sa mukha ang pagkainis. Pare-pareho silang napaismid at masama ang tingin sa babaeng gorgo na kasama namin.
Kahit pa na parang gusto pa rin nilang ituloy ang laban ay wala silang magawa. Parang may pwersa sa kanilang nagtutulak na bumalik na sila at umalis.
Tila nilamon sila ng lupa at naglaho ng parang bula.
"I'll come back!" Pahabol ng isang boses.
Sigaw ni Emma sa taas ng bubong at puro galos ang katawan. Nanggagalaiti at punong puno ng emosyon ang mga mata niya habang nakatingin kay Lilith. Kahit pa parang gusto niya pang makabawi sa ginawa sa kaniya, may nagtutulak sa kaniyang bumalik. Tulad din ng iba ay nilamon siya ng nasa ibaba at nawala rin siya ng parang bula.
"Nung una ay hindi ako naniwala. But I guess it's true." Biglaang sambit ng isang boses.
Pare-pareho ng napunta ang mga atensyon namin sa isang taong bagong dating. Bakas din sa mukha ni Shane ang pagkabigla nang makita ang prof namin sa physics na ganito ang itsura.
"M-Miss Reyes-" Hindi makapaniwalang sambit ni Shane.
Walang ekspresyong nagsalita si Miss Reyes habang nakatingin kay Lilith. Tulad niya ay walang gana rin siyang tinapunan ng tingin ng babaeng kasama ko.
"Long time no see, Forcas. Or should I say, Pride." Walang kaemo-emosyong sambit ni Lilith.
Natigilan ako sa sinabi niya. Para akong nabingi sa narinig. Kapwa ko ay gano'n din si Shane. Pabalik balik ang mga tingin ko sa dalawa na bakas sa mukha ang pagtataka at hindi makapaniwala.
W-Wait, what? Pride?
"You didn't change. Nabalitaan ko kay Azza ang nangyari sa'yo. Bakit?" Tanong ni Miss Reyes. Bakas sa boses niya ang lungkot at pagkadismaya sa hindi ko malamang dahilan.
Walang ganang napaiwas ng tingin si Lilith bago iwasiwas ang kamay. "Long story." Sagot niya.
Causal na nag-uusap sina Lilith at Miss Reyes na para bang matagal na silang magkakilala. Nanatiling nakataas ang dalawa kong kilay habang pabalik balik ang tingin sa kanila. T-Teka lang, hindi makahabol ang utak ko sa mga nangyayari-
Naguguluhan ako habang pinapanood sila.
W-Wait anong meron? Magkakilala sila ni Miss Reyes?
"Well I guess you have an important reason." Muling sambit ni Miss Reyes.
I-I don't know why, but there's a hint of sadness in her voice. Nabigla ako nang mapalingon siya sa pwesto namin. Napunta ang tingin niya samin ni shane.
"Just take care of my students here." Marahan niyang sambit bago muling bumalik ang tingin niya kay Lilith.
"Ako na ang bahala kay Emma. Siguro ay hindi niya lang matanggap na tinalikuran mo kami. After all, she's one of your nephilim." Pahabol niyang sambit.
My forehead furrowed and my jaw dropped. Namilog ang mga mata ko sa narinig at nagtataka akong naatingin kay Lilith na natiling walang ekspresyon.
"See you again. Sigurado akong hindi matatagalan ang muli nating pagkikita." Pamamaalam ni Miss Reyes.
And just like that, nawala rin siya ng parang bula.
Ni hindi man lang niya kami hinayaang makapag-react o makapagsalita man lang at nawala na siya. Naiwan kaming dalawang estudyante niya na punong puno ng katanungan at pagtataka.
"What a pain in the ass." Napaismid na lamang si Lilith. Kasabay n'on ay parang may binulong siya at nawala bigla si Lahash.
She slowly tilted her head. Inikot ikot niya ito na para bang iniinat. Kasabay nito ay ang unti-unting pagbalik sa dati ng katawan niya. Her hand that is made of stone slowly turned back to normal, her pointy ears became ordinary, and her snake tognue disappeared.
Unti-unti ring nagsiwalaan ang mga itim na tinta na nasa katawan niya at dahan dahang bumaon ang putol niyang sungay sa noo. Ang tangi na lang na nanatili ang pula niyang mga mata.
"I know you have many questions and I'll answer all of them. But for now, we need to rest." Pagbasag ni Lilith sa katahimikan. Tila napansin niya ang parehong hindi maipintang mga mukha namin ni Shane.
Wala siyang ekspresyon at hindi man lang niya kami tinapunan ng tingin.
Hindi kami naka-angal ni Shane sa sinabi niya. Bakas din ang pagod sa mukha ng kaibigan ko. Ako na naubos ang lahat ng lakas dahil lang sa takot at kaba, paano pa kaya silang nakipaglaban.
Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta kina Auntie ng walang nagsasalita.
Hindi nagtagal ay sumalubong sa amin ang isang hindi ordinaryong bahay. Mukha lamang itong ordinaryo kapag nasa labas ka, pero nang makapasok kami ay iba't ibang klase ng mga seals ang sumalubong sa amin at mga talisman.
Nakaawang ang bibig ko habang inililibot ang tingin sa paligid at hindi ko mapigilang mapahanga. Hindi pa kami tululuyang nakakapasok sa loob ng bahay ay nauna na niya na kaming salubungin nang buksan niya ang pintuan.
Sinalubong niya kami ng malawak na ngiti at mahigpit niya 'kong niyakap.
"Em!!" Masigla niyang sambit na kinabigla ko. Hindi man lang niya pinansin ang mga kasama ko at ako ang nakakuha ng atensyon niya.
"Halika, pasok kayo." Pag-aya niya sa amin.
Kahit na nabigla ay napapasok niya kami nang hilahin niya 'ko sa loob. Nagkatinginan kaming magkakasama habang papasok sa loob.
Kahit bakas sa mukha ni Shane na nahihiya siyang pumasok ay mabilis siyang nahinto nang maunang pumasok sa loob si Lilith. Nakakurba ang labi niya sa isang ngiti at may ngiti siyang mapang-asar.
"Looks like we're here." Kumento niya.