Chapter 9: Nephilim

1514 Words
Emmanuel's Point Of View Naiwan akong nakaawang ang bibig. Humampas ang malakas na hangin sa pwesto namin sapat na para tangayin ang iilang maliliit na tangkay mula sa mga puno at mga maliliit na basurahan. Natauhan na lang ako nang nagsalita si Shane sa harap ko. Kunot noo akong napatingin sa direksyon niya. N-Nephilim? Ano iyon? Nanatiling nakapako ang tingin ni Shane sa higanteng babae. Hindi pa ako tuluyang naniniwala na nakaharap ako ng mga anghel at demonyo. Tapos naman ngayon, ito? Akmang magtatanong na ako kay Shane kung ano ang ibig sabihin niya sa sinabi niya nang unahan niya akong magsalita. Para bang nababasa niya ang tanong sa isipan ko. Nakatulala pa rin siyang nakatingin sa harapan namin at hindi magawang makapaniwala. "Nephilims. S-Sila ang mga bunga ng pagsusuway ng mga immortal sa diyos na nakipagtalik sa mga mortal na babae." Biglaang sambit niya. "They are considered as traitors and sinners, kaya sinumpa sila ng Diyos. Ngayon ay pakalat-kalat lang sila." Dagdag niya. Nanatiling nakapako ang tingin ni Shane sa higanteng babaeng nasa harapan namin. Tumaas ang dalawa kong kilay sa sinabi niya at kaunting napaawang ang bibig. Hindi ko magawang makapaniwala na nagagawa kong makakita ng ganito. For pete's sake, she's a freaking giant! A giant! "She's right. And all royal leaders have a nephilim on their own. It's either, natalo nila ito sa isang laban at napilitan na maging master sila or napaamo nila ito at kusang loob na sumama." Pagsingit ng isang boses. Biglang nagsalita si Lilith sa harap ng hindi lumilingon sa amin. Casual lamang itong nakatayo at nakatingin lang siya sa mga natitirang gorgo sa harap. Walang buhay at walang gana ang mga mata niya habang nakatingin sa kanila na para bang hindi nababahala sa kabila ng bilang nila at rami. There are still 11 of them. "And this nephilim here is Lahash, or known as Lust." Pagpapakilala niya sa higanteng katabi niya nang hindi man lang ito nililingon. Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Hindi ako makapaniwalang napatingin ka Lilith. Lust? As in sa seven deadly sins? "Enough with chitchats!" Pagsingit ng isang gorgo sa harap. "You don't deserve to be called a royal leader!" Dagdag pa nito. Punong-puno ng emosyon at galit ang mga tingin nila sa babaeng kasama namin. Magkadikit ang mga kilay nila at nanlilisik ang mga pula nilang mga mata. Sa kabilang banda, walang gana lamang silang tinignan ni Lilith gamit ang walang buhay niyang mga mata. Hindi naapektuhan si Lilith sa mga sinabi nila. Bagkus, nagsimula ng mamuo ang mga bato sa kanang kamay niya. Unti unti na ring nilalamon ng anino ang kanang mata niya. Her ears are slowly changing, it became pointy and she suddenly had a tail. Inikot ikot niya ang kaniyang leeg na para bang naghahanda. "I don't deserve to be called a royal leader, huh?" Tila nagkaroon ng buhay ang mga mata ni Lilith at unti unting kumurba ang labi niya sa isang ngisi. Kada salita niya rin ay lumalabas ang maliit niyang dila na hati sa dulo na para bang ahas. "Well... let's see how a royal leader kill its minions." Nakangising dagdag niya. Tuluyang lumabas ang putol na sungay sa noo ng babaeng kaharap ko. Hindi ako makapaniwalang natulala sa pwesto niya. N-Ngayon ko lang nakita ng ganito ang histura niya... ang kabuoang katauhan niya. Lilith's appearance fully changed. She's now look like a real devil... But I don't understand... imbis hindi maubos na pulang usok ang nakikita ko sa katawan niya katulad ng sa mga gorgo na nakikita ko... kulay puti ang meron... a kind of color I've never seen before. As if she's pure and calm. Natauhan na lamang ako nang. Nagsimulang sumugod sa kaniya ang anim na gorgo. Ang natira ay pumunta sa direksyon namin. Tuluyan na ring nagbago ang kanang kamay ni Shane. Just like what I've saw before, its glowing and slowly turning into an ice. Mariin ang pagkakagat niya sa labi at seryoso siyang nakatingin sa mga gorgo na nakapalibot sa amin. Humakbang siya sa harapan ko para harangan ako. Nang umamba ang mga gorgos papunta sa amin ay hindi siya nag-aksaya ng oras na maunang sumugod sa kanila. Nagsimula na rin siyang makipagpalitan ng mga atake sa mga gorgos. Naiwan lamang akong nakatayo sa likod nila. Napako ako sa kinatatayuan ko at mabigat ang paghinga. Sobrang bigat ng tensyon sa paligid at pakurap-kurap ang tingin ko. Pabalik-balik ang mga tingin ko sa pwesto ni Lilith at Shane. A-Anong gagawin ko? Pinapanood ko lang sila. K-Kailangan kong makatulong. "Die!!" Umalingawngaw ang boses ng gorgo. Natigilan ako sa pag-iisip nang may biglang sumulpot na gorgo sa likod ko. Hindi ko naramdaman ang presensya iya dahil wala ako sa katinuan at maraming pumapasok sa isip ko. There are black scales all over his body and his hand has fire. Parang bumagal ang oras nang sumugod siya sa akin habang nakatutok ang kamay niyang may apoy. Unti unting namilog ang mga mata ko habang papalapit nang papalapit sa akin ang apoy. Pero hindi pa siya tuluyang nakakalapit nang may itim na sumulpot sa tinatapakan niya. Pareho kaming nabigla sa nangyari at natauhan na lang ako nang parang insektong itong nilamon ng kadiliman sa lupa. My eyes slowly widened and my jaw dropped. Agad na napunta ang tingin ko sa taong gumawa n'on at napako ang tingin ko kay Lilith na nanlilisik ang mga mata. Mabigat ang paghinga niya habang nakaharap ang katawan sa kalaban pero nakatingin siya sa pwesto ko.Puno ng itim na tinta ang buong parte ng kanang katawan niya. Pero ang pinaka napansin ko ay ang unti unting pagtubo ng dalawang sungay niya. Unlike before, hindi na ito putol na sungay. Bagkus ay humaba ito nang kaunti. Malalim akong napalunok at napakurap kurap. "Are you okay?!" Nag-aalalang tanong sakin ni Shane. Natauhan ako sa biglaang pagsalita ng kaibigan ko. Nanatiling nasa gorgo na kalaban niya ang tingin niya habang kausap ako. Kahit nasa panganib din ang buhay niya ay mas binabahala niya ang kaligtasan ko. Napaismid na lamang ako at balisang tumango. T-Tsk. I can't just stand here and be a burden. Mariin akong napakagat sa ibabang ngipin habang pinapanood ang mga kasama kong ibuwis ang mga buhay nila para sa akin. Sa kabilang banda, nanatili lang akong nakatayo sa mga likuran nila at nanonood. I bit my lower lip. Agad kong inilibot ang tingin ko sa paligid. I-I don't have any powers or such things they have... to be honest, ni hindi ko nga alam kung ano ang meron sa akin para ibuwis nila ang mga buhay nila para sa isang katulad ko. Pero kailangan kong kumilos. Kahit na alam kong hindi ako maikukumpara sa lakas ng iba, hindi man ako kasing galing o may kapangyarihan katulad ng mga anghel, o maski kaya kong pumatay ng demonyo... may kaya pa rin akong gawin bilang ako- bilang isang tao. Habang nag-iisip ng paraan ay nabigla ako nang muli akong nakakita ng liwanag. Kunot noo akong napatingin sa repleksyon ng araw mula sa itaas. Naningkit ang mga mata ko nang mapagtanto kung saan nanggagaling ang mga kulay... n-nagbago ang sinag ng araw sa amin. Naguguluhan akong napatingin dito at napalunok ako nang malalim. K-Kanina ay naghahalo na ang mga kulay ng kalangitan dahil sa palubog na araw... pero ngayon, bigla na lamang itong nag iba. Mabilis akong napatingin sa mga kasama ko at mas lalo akong naguluhan nang makita kong nagpapatuloy lamang sila. Ako lamang ang nakapansin dahil patuloy lamang sila sa paglalaban. A-Ako lang ang nakakakita ng pagbabago ng mga kulay... Mabilis na nalipat ulit ang tingin ko sa kalangitan at doon ko nakita ang mga naghahalong mga kulay. -I-It's green and blue. Muling kumunot ang noo ko. Para bang bumagal ang takbo ng oras paningin ko at hindi ko inalintana ang mga naglalaban sa paligid ko. A-Asul at berde... nagbago ang kulay ng kalangitan at naging asul at berde... A-Ano ba ang ibig sabihin ng mga kulay na iyon? Humigpit ang pagakakasara ng kamao ko at mariin akong napakagat sa ibabang labi. Malalim akong humigna at marahang ipinikit ang mga mata ko na para bang pinapakiramdaman ang paligid. Nang muli kong inimulat ang mga mata ko ay nabigla ako sa sumalubong sa akin. Tila bumagal ang oras habang unti unting namimilog ang mga mata ko sa sumalubong sa akin. The gorgos.  Lilith.  Shane.  And even the giant. Nagsilabasan na ang mga usok sa mga katawan nila. Tila naghalu halo ito sa hindi ko malamang dahilan. Pero ang pinakapinagtataka ko... ay ang bagay na tumutulak sa akin na lumapit sa mga usok... at hawakan ito- "How are you doing?" Biglaang sambit ng isang pamilyar na boses. Tila natigilan ako nang may narinig akong nagsalita sa likod ko. Nahinto ako sa dapat kong gagawin at mabilis akong napako sa kinatatayuan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto kong pamilyar ang boses niya. Dahan dahan akong napalingon at bumungad sa akin ang taong hindi ko inaasahan. Mabilis na namilog ang mga mata ko at napakurap kurap. Nanlumo ako nang makilala ang taong biglaang sumulpot. "M-Miss R-Reyes?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD