Chapter 9: Gorgos

1406 Words
Emmanuel's Point of Views Kasabay ng paghampas ng hangin sa amin ay ang pagsitaasan ng mga balahibo ko sa katawan. Kasunod n'on ay ang paglibot ng tingin niya sa paligid. Tila bumigat ang pakiramdam ko at nagsimula akong kabahan. Kapwa ni Shane ay napalibot din ang tingin ko sa paligid. Nagsimulang magsituluan ang mga pawis ko dahil sa kaba. Napalunok ako nang malalim habang hinahanap ang tinutukoy ng kasama ko. A-Are there really gorgos here? "There's a gorgo close here." Sagot ni Lilith sa likuran ko. Namilog ang mga mata ko at muli akong napalunok nang malalim. Mas lalo akong kinabahan nang kumpirmihin niya ang sinabi ni Shane. N-Nandito nga sila... may gorgo na nandito! Ilang minutong natahimik si Shane bago siya biglang sumigaw. "Y-You! You tricked us!" Lumingon si Shane kay Lilith at bakas sa mukha nito ang galit. Dinuro-duro niya ang babaeng nasa likuran ko na walang gana lamang nakatingin sa amin. Her blazed with anger as she kept pointing her hands at Lilith. "S-Sabi ko na nga ba!" Iritadong sambit niya. "Mali ang iniisip niyo." Walang kaemo-esmosyong sagot ni Lilith sa likuran ko. Nagpatuloy siya sa pagtayo habang nasa bulsa ang mga kamay at malalim siyang huminga. "Imposibleng may nakaalam na gorgo tungkol dito. This is a secret task na sa mga royals lang ibibigay. Perhaps, may ibang dahilan kung bakit sila nandito." Pagtatanggol niya sa sarili. Napaismid si Shane sa sinabi niya na mukhang hindi nakuntento sa sagot niya. Mariin siyang napakagat sa ibabang labi habang nanatiling magkadikit ang kilay. "N-No! You tricked us! Sabi ko na nga ba!" Giit niya. Sa kabilang banda, nanatili akong tahimik habang malalim na nag-isip. Humakbang papalapit si Shane kay Lilith habang nakaturo ang hintuturo niya sa babae. "Imposibleng pumayag ka lang basta-bast-" "She's telling the truth." Wala sa sariling sambit ko. Naputol ang sasabihin ng babaeng kaharap ko nang sumingit ako bigla sa usapan. Natigilan si Shane sa sinabi ko pati na rin si Lilith. Hindi niya siguro inaasahan na papaburan ko siya. Malalim akong napabuntong hininga bago sila tapunan ng tingin. "I saw her talking to a gorgo last night..." Panimula ka. "And base sa narinig ko kapatid niya iyon. Kung plano niya talaga ito, she should have killed me last night lalo na't nandoon ang kapatid niya. Kagaya ng sabi niya, they are royals and I'm sure na malalakas sila. Kayang-kaya niya kong patayin kagabi kasama ung kapatid niya. Walang kahirap-hirap na gawin iyon." Mahabang pagpapaliwanag ko. Seryoso akong nakatingin sa dalawang kaharap ko. Hindi ko alam kung bakit pinagtatanggol ko si Lilith. Pero totoo ang sinasabi ko. Kung iisipin ko mabuti ay wala namang nangyaring masama sa akin kagabi. Maliban lang sa pananakot niya sa akin, ni hindi nga man lang niya 'ko nilapitan o hinawakan man lang. If she really planned to kill me, then why not last night? Humampas ang malakas na hangin sa amin. Hindi nakasagot si Shane na mukhang natauha. Hindi rin kumibo si Lilith. Hindi ngayon ang oras para mag-away kami. Dapat- "Lady lilith!" Nabasag ang katahimikan naming tatlo nang may nagsalita sa likod namin. Mabilis na bumigat ang pakiramdam ko na para bang mag mabigat na bagay na dumagan sa magkabilang balikat ko. G-Gorgos. Nanginginig ang tuhod ko nang unti-unti akong lumingon kung saan namin narinig ang pagtawag. Nanlumo ako nang makita sila. T-There are 12 of them. H-Hindi namin sila kaya! Mukha lamang silang mga ordinaryong tao. Pero agaw pansin ang mga pula nilang mga mata at ang mga sungay nilang sumisilip sa kanilang mga noo. T-There auras are different... hindi katulad ng mga nakikita ko minsan sa mga tao na iba't ibang kulay na mga usok, hindi nawawala ang kulay ng sa kanila... kulay pula. As if their bloodlust never fades. May nauunang babaeng naglalakad sa kanila. Her aura feels different... while the others have horns, she only has one in the middle of her forehead. Hindi rin pula ang kaniyang mga mata na senyales na isa siyang gorgo... "Ano pong ginagawa niyo ri-" Hindi na natuloy ng babae ang sasabihin niya nang makita niya ng makita niya kami. Malalim ang mga mata niya at naiiba siya sa mga kasama niya. B-Because she has a freaking wings like a bat. Pati na rin ang mga kasama niya ay napatingin sa amin. "This smell." Sambit ng nangungunang babae. Mariin niyagn inamoy ang paligid. "Emma." Seryosong bulong ni Lilith. Humakbang siya papalapit sa babaeng nauunang maglakad sa grupo ng mga gorgo. Mabilis na natigilan sa pag-amoy ang babaeng nangangalang Emma nang matauhan siya sa pagtawag ng kasama ko. "Lady lilith, pagpaumanhin niyo po at hindi ko alam na nasa kalagitnaan kayo ng misyon niyo." Sambit ni Emma. Nagpakita ito ng respeto at yumuko. Gano'n din ang ginawa ng mga kasamahan niya. "Kagagagaling lang po namin sa misyon namin dito at pwede po namin kayong tulungan. Pinatulog din po namin ang mga tao rito para hindi sila maging sagabal sa misyon namin kaya wala na po kayong ikabahala." Dagdag niya. Bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Naramdaman kong nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. K-Kaya pala wala kaming makitang mga tao rito. S-Sila ang may kagagawan n'on. "We can take care of that girl my lady." Pag-angat ng ulo ni Emma. Tinapunan nila ng tingin si Shane. Scales are slowly showing in their bodies. Kapansin-pansin din ang mga kamay nilang nagiging kulay pula. W-We're in trouble. They're too many. Kahit hindi sila mga royals halata sa kanila na hindi sila basta-basta ordinaryong gorgo. They're strong. Palapit na si Emma kay Shane dala-dala ang patalim niya nang biglang nagsalita si Lilith. "Stop." Malamig niyang sambit. Tila nabigla si Emma na agad na huminto. Nagtataka itong napalingon sa babaeng kasama namin. "My lady?" Nagtatakang tanong ni Emma. Unti-unting nagbago ang kanang kamay ni Lilith. Dahan-dahan na ring lumabas ang dalawang putol na sungay sa noo niya. Parang bumagal ang oras nang tumama sa amin ang paghampas ng hangin. Walang buhay ang mga mata ni Lilith nang tignan niya ang babaeng padaan sa gilid niya. "One more step and I'll kill you." Malamig niyang sambit. Kahit hindi ako kausap niya ay naramdaman ko ang pagsitayuan ng mga balahibo ko sa katawan at nakaramdam ako ng lamig na tumama sa balat ko. Hindi nakakibo si emma sa sinabi ni Lilith. Pare-pareho silang natigilan ng mga kasama niya. Ilang segundo rin ang lumipas bago umalingawngaw ang tawa ni Emma. Bumigat ang pakiramdam ko nang nagsimula siyang tumawa. There's a hint of bitterness in his voice as he laughs. Laking gulat ko ay kahit tumatawa siya ay sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha niya. "T-Traitor..." Halo-halong emosyon niyang sambit. Hindi nagoatinag si Lilith sa sinabi nito at nanatili siyang walang ekspresyon. Kahit punong-puno ng emosyong nakatingin sa kaniya si Emma sa hindi ko malamang dahilan. Kanina tumatawa siya, ngayon puno ng galit ang mga mata niya... pero hindi pa rin tumitigl ang ang pagluha niya. "W-Wala kang utang na loob. I-Isa kang traydor!" Uutal utal niyang sambit. Kumunot ang noo ko sa narinig. Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. W-Wait, walang utang na loob? "You shouldn't speak that way to your master." Walang kaemo-emosyong sambit ni Lilith. Napaismid si Emma at lumabas ang apoy sa kamay niya. Magkadikit ang mga kilay niya habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya sa mga mata. "You're not my master. Your father is." Malamig na sagot ni Emma sa kaharap. Agad na sumugod si Emma si Lilith na sinundan din ng mga kasama niya. Parang bumagal ang oras nang hindi sila nagpatagal at nag aksaya ng panahon na sumugod sa babaeng kasama namin. Pero hindi pa sila tuluyang nakakalapit kay Lilith ay pare-pareho kaming nakaramdam ng pag-uga ng lupa. Pilit kong binalanse ang katawan ko habang namimilog ang mga mata ko sa biglaang paggalaw ng tinatapakan namin. Hindi nagtagal ay bumitak ang lupa sa harapan ni Lilith. Unti-unting lumabas dito ang isang malaking tao. Isa siyang higanteng babae na may malalaking sungay sa ulo. Her skin is color violet at she has a long black hair. She's also wearing a red flapper dress. H-Hanggang tuhod niya lang si lilith. She casually snapped her fingers. And just like that, we saw Emma flying towards the roof. Naiwang nakaawang ang mga bibig namin ni Shane sa nangyari. Hindi ako makapaniwalang nakaangat ang tingin sa babaeng higante na nasa harapan namin. Tulad ko ay hindi rin makapaniwala si Shane sa nakikita niya. "A-A nephilim."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD