Chapter 8: Auntie's house

1629 Words
Emmanuel's Point of View Unti-unti kong inimulat ang mga mata kong medyo mahapdi pa dahil sa pagkaantok. Maaga akong nagising kinabukasan. Naniningkit pa ang mga mata ko habang inaadjust ang paningin ko sa kisame. Hindi rin kase ako gaanong nakatulog kagabi dahil sa takot. *** I bit my lower lip as I hesitate to follow her. Nagdadalawang isip ako kung babangon ba ako sa pagkakahiga o pipilitin na lang na matulog. Pero sa huli ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong sinusundan siya. Alam kong malilintikan ako kay Shane kapag nalaman niya ito pero wala akong magawa. My curiosity kicked in. Lumabas siya ng apartment room ko at bumababa sa labas. Nakabuntot lang ako sa kaniya at sinisiguro kong hindi niya ko napapansin. Buhat-buhat ko ang mga paa ko sa kada hakbang na ginagawa ko. Iniingat ko rin na magkaroon ng kahit na maliit na repleksyon ng anino para hindi niya mapansin na may sumusunod sa kaniya. Saan naman kaya siya pupunta? Tatakas? Naningkit ang mga mata ko at nakakunot ang noo. Maigi kong sinusuri ang mga dinadaanan namin kahit na normal na daan lang naman ito. Lagi akong nakahawak sa mga pader at nakatago. Maigi ko siyang sinisilip habang nakasunod. I feel like I'm a spy. Malapit na kami sa gate nang matigilan ako. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at ang unang pumasok sa isip ko ay ang magtago nang mabuti. Someone is standing above it. Tila bumigat ang pakiramdam ko at parang naririnig ko na ang pagtibok ng puso ko. Kahit ilang metro ang layo ko sa gate ay ramdam ko ang kakaibang presensya ng nakatayo sa itaas nito. Doon ako natauhan nang tinignan ko siya mabuti May mga pulang usok na lumalabas sa katawan niya. Bloodlust. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagsimulang manginig ang katawan ko. Pakurap-kurap ang mga mata ko habang tinitignan ang kung sino mang nakatayo sa tuktok ng gate. Parang nanghina bigla ang tuhod ko at parang kahit anong oras ay babagsak ito. "Sabi ko na nga ba at nandito ka." Walang ganang sambit ni Lilith sa babaeng nasa itaas ng gate. Namilog ang mga mata ko sa narinig. Napalunok ako nang malalim at hindi makapaniwalang napatingin kay Lilith. Walang gana ang itsura niya habang nakatingin sa taong nakatayo sa itaas ng gate. K-Kilala niya kung sino 'yon? I flinched when I heard a chuckle. Agad na bumalik ang tingin sa taong nasa itaas ng gate. Kahit pigura lang niya ang nakikita ko ay nakita ko ang pagtagilid niya ng ulo niya habang nakaharap kay Lilith.  Naningkit ang mga mata ko habang humahanap ng chansang makilala siya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil madilim pero alam kong babae siya. Sumasabay sa hangin ang mahaba niyang buhok. She's also wearing a high school uniform and she's holding a huge hammer. Hindi lang ang malaking martilyo ang nagpatakot sa presensya niya kung hindi na rin ang laki ng katawan niya. For pete's sake, halos doble ang laki ng hawak-hawak niya sa kaniya. Pero kahit gano'n pa man ay wala man lang bakas na nahihirapan siyang buhatin at galawin ito. Bagkus ay parang sobrang gaan lang ng martilyo at isang kartolina lang ang hawak-hawak niya. Sa lahat ng kapansin-pansin na deskripsyon sa kaniya, agaw pansin din ang mga pula niyang mata. Tila nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa sinagot niya kay Lilith. Tuluyan akong nanghina at nanlumo. Sobrang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa kaba at parang napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw. "Did you miss me, sis?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Tila nanlumo ako at napaawang ang bibig ko sa sinabi ng babaeng nakatyo sa gate. S-Sis? Don't tell me, kapatid siya ni Lilith?! Agad akong kinilabutan sa nung marinig ko iyon. Kusang gumalaw ang sarili kong katawan at agad akong bumalik sa apartment room namin dahil sa takot. Balisa akong bumalik sa salas. Naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko. Nanginginig ang mga kamay ko nang kumuha ako ng tubig para mainom at pakalmahin ang sarili ko. A-Anong ginagawa rito ng kapatid ni Lilith? N-Nandito ba siya para patayin ako? Walang tigil ang pag-iisip ko. I'm starting to overthink and I can't help but to get nervous. May nagtutulak sa akin na gisingin si Shane para sabihin sa kaniya ang mga nakita ko. Pero at the same time, may nagsasabi sa akin na kailangan kong pagkatawilaan ngayon ang babaeng nasa labas. Pero kahit anong piliin ko sa dalawang iniisip ko ay hindi ko pa rin mapigilang kabahan. Lalo na't pareho silang gorgo... wala na rito sina Adiva o kung sino mang maaring tumulong sa amin. S-Sa oras na pag-isipan nilang patayin ako ngayon- wala kaming laban ni Shane- Natigilan ako nang marinig ang pagbukas ng pinto hudyat na may pumasok. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan at pasimpleng tumingin dito para malaman kung sino ang pumasok sa loob. I-It is just Lilith. There is no sign of her sister coming with her. A-Ang bilis nilang mag-usap sa labas. T-That was quick. "You saw it." Maikling sambit niya na nagpataas ng balahibo sa batok ko. Napalunok ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Kinakabahang sagot ko. Pinilit kong magmukhang kalmado pero alam kong halatang-halata na ako. Napakagat ako sa labi ko habang pasimpleng sumulyat sa babaeng bagong dating. My expression changed when I saw her smiling. Tila natigilan ako at parang bumagal ang pagtakbo ng oras. I was freaking stunned. She freaking looks pretty when she smiles at the same time, I saw yellow smoke coming out of her body. Natigilan ako sa nakita kong usok at mabilis akong natauhan. Ilang segundo rin akong natulala nang mabilis akong bumalik sa katinuan. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Tanong ko. Sinira ko ang mood ni Lilith at mabilis na naglaho ang ngiti niya sa labi. Natigilan ako at napagtanto ko ang sinabi ko nang seryoso akong tinapunan ng tingin ni Lilith. "Buti na lang at hindi niya napansin ang presensya mo. Kung hindi baka napatay ka na niya." Malamig niyang sambit. Nakaawang ang bibig ko habang sinusundan ng tingin ang babaeng nagsimulang maglakad. I heard her chuckled before going inside the room. Mukhang hindi ako makakatulog nito. *** Malamim akong huminga habang nakatulala sa kawalan. Alam kong nagbibiro lang siya kagabi pero hindi talaga maalis sa isip ko iyon. Hindi tuloy ako nakatulog nang maayos at kahit anong simple o mahinang tunog na naririnig ko ay napapabangon ako ng wala sa oras. Narinig ko ang pagbukas ng kwarto ko at iniluwa nito ang kababatang kaibigan ko. Kusot kusot pa ni Shane ang mga mata niya nang lumabas siya ng kwarto na para bang napahimbing ang tulog. Kahit pa nung una ay ayaw niyang kasama si Lilith sa iisang silid, napaayos pa rin at mahimbing ang naging tulog niya. "Goodmornin- Oh! Anong nagyari sa'yo? Nakatulog ka ba nang maayos?" Biglaang tanong niya sa akin. Namilog ang mga mata niya nang tumama ang tingin niya sa akin. Mukhang nahalata niyang kulang ako sa tulog. Malalim akong napabuntong-hininga. Hindi pa ako nakakassagot nang sumunod na lumabas ng kwarto si Lilith. Nakakurba ang labi niya nang tumingin sa akin na para bang nang-aasar. Pasimple akong napaismid. Iling ang sinagot ko kay Shane. "O-Okay lang, hindi lang siguro ako nakapagpahinga nang maayos." Pagsisinungaling ko. Tumango-tango ang babaeng kausap ko sa sinagot ko. Mas mabuti ng hindi alam ni Shane ang nangyari kagabi para walang gulo. Matapos namin mag-agahan ay nag-ayos na kaming lahat. Idinala ko ang mga kakailanganin ko lamang at minabuti kong kaunti lang ang mga ito. Ayokong mahirapan sa pagdala lalo na't hindi naman ito isang bakasyon o isang outing. Pupunta kami ngayon kay Auntie. Sigurado akong isa rin siyang anghel dahil hindi naman nila kami papapuntahin doon kung hindi sila sigurado sa kaligtasan ko. Sa dulo ng Kalios nakatira ang auntie ko kaya matatagalan kami ng kaunti sa byahe. Isang bayan ito na nasa dulo pa rin ng capital. Kaya hindi kami nag-aksaya ng oras para magtagal dito sa apartment at mabilis kaming kumilos para magsimulang umalis. Lilith is wearing a shades and she's casually vibing with the music in the transportation. Pagkakamalan mo lang na normal na babae lang siya na may kaunting sayad. Umabot din ng ilang oras ang byahe bago kami makarating sa bayan nina Auntie. Sa kasamaang palad ay wala kaming masakyan papunta mismo sa bahay niya kaya napagdesisyunan naming maglakad. Bricks ang sidewalk dito sa bayan nila at dikit dikit din ang mga bahay. Medyo naghahalo ghalo na ang mga kulay sa kalangitan dahil nagsisimula ng lumubog ang araw dahil hapon na rin. Tahimik lang kaming naglalakad. Nasa unahan naglalakad si Shane kasunod ako at nasa likod ko naman si Lilith. Hindi ko mapigilang magtaka habang naglalakad kami. Bakit parang walang mga tao sa paligid? Kunot noo akong napatingin at inilibot ang tingin ko sa paligid. Sobrang tahimik ng bayan na 'to kumpara sa huli kong pagkakaalala. Ni walang isang tao mapa bata o matanda man lang sa labas. Anong meron at wala sila rito?- Deretso lang kaming naglalakad nang biglang huminto si Shane. Kapwa niya ay natigilan din ako dahil nakasunod ako sa kaniya at gano'n din ang ginawa ni Lilith na nasa likuran ko. Bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko. The atmosphere suddenly changed. Nabigla ako nang makitang unti-unting nagbago ang ekspresyon ng babaeng kaharap ko. "I-I can feel their presence." Nababahalang sambit niya. Fear crossed in her face. Hindi maipinta ang mukha niya nang harapin niya kami at mas lalo akong kinabahan. Tila parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sumunod na sinabi niya. "T-There are gorgos here." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD