Chapter 1: Task

1525 Words
Lilith's Point of View Pumikit ako at dahan-dahang huminga nang malalim. Pinakiramdaman ko ang bawat paghinga ko bago ko muling imulat ang mga mata ko. It feels like I can feel the flow of my blood in my veins, every cells in every part of my body as I fan see them. I can feel every breath I exhale. Sobrang pokus ako sa sarili ko at hindi ko hinahayaang magulo ako ng kahit anong simpleng paggalaw o tunog. Sa puntong kahit walang kahit anong gamit dito sa loob ng silid o kahit anong tunog ay naririnig ko na mismo ang paggalaw ng hangin sa loob. Saktong pagmulat ko ay ang unti-unting pagbabago ng kanang kamay ko. Para itong binabatak at namamanhid. It slowley turned into a rock. Mula sa kuko ko hanggang sa siko ay tuluyang naging bato. Ramdam ko rin na kahit ang laman ko at mga buto ay nanigas at tuluyang naging bato. Isa-isa kong iginalaw ang mga daliri ko para makita kung nararamdaman at nakokontrol ko pa sila. Napalunok ako nang malalim habang tinitignan sila isa-isa at nilalamon ang isipan ko ng pagdududa. Wala pa rin akong tiwala sa sarili ko at hindi ko alam kung kaya ko itong kontrolin ng maayos.   Napakagat na lamang ako sa ibabang labi at iniling ang sarili ko. Kailangan kong magtiwala sa sarili ko dahil wala namang ibang gagawa n’on kung hindi ako mismo. When I was sure I can control my hand, without thinking twice, I punched the wall in front of me. Napapikit ako sa ginawa ko. Sana... sana makontrol ko na ito ng tuluyan. Narinig ko ang unti-unting nag-c***k ang pader. Hinintay kong bumagsak ito ng tuluyan ngunit napaismid na lamang ako nang nagsara ang mga c***k at bumalik ito sa dati na para bang hindi ko sinuntok. Napaismid na lamang ako habang bumabalik sa dati kong kamay. Naramdaman kong bumabalik ang mga laman at ang pagdaloy ng mga dugo rito. Nawala na ang pagiging bato nito. Iritado akong napatingin sa pader na sinuntok ko. Bwisit. Anong silbi ng kakayahan na ito kung hindi ko naman makokontrol ng tuluyan? Inilibot ko ang tingin ko sa silid at tinitgnan ko ang mga kinalabasan ng training ko.  Wala pa, wala pa ring pagbabago mula nung huli kong training. Hindi ko pa rin magamit ang buong lakas ng mga kapangyarihan ko. Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko habang tuluyang nilalamon ng pagdududa ang isipan ko. I'm starting to overthink once again. Hindi pwedeng- "Lady Lilith, pinapatawag po kayo." Rinig kong nagsalita. Natigilan ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng panibagong boses sa silid na kinaroroonan ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harap ng pintuan.  His horns are visible and so is the black and red scales on his skin. Hinihintay ako nitong sumunod. Kumunot ang noo ko sa narinig. Pinapatawag? Nanaman? Tungkol saan nanaman ito? Pasimple akong napaismid at pinili kong hindi sumagot dito at sinundan ko na lamang siya, wala naman akong magagawa kung hindi sumunod. Naglakad kami sa madilim at malamig na pasilyo. Tanging ang tunog ng mga yapak lamang namin ang nagiging tunog sa mahabang pasilyo. There are torches in every corner to light the hall. Other than that, there are no other furniture or even windows in here. Hindi nagtagal ay huminto kami sa tapat ng isang malaking pinto. Nakaukit ang iba't ibang simbolo sa bungad nito at may mga nakasabit na ulo ng hayop sa itaas. Napalunok ako nang malalim nang dahan-dahan itong bumukas. Tila bumigat kaagad ang pakiramdam ko nang pumasok ako sa loob ng silid. Parang literal na may nakadagan sa magkabilang balikat ko at ni hindi ko man lang kayang gumalaw mula sa bungad. His presence is really terrifying. Sumalubong sa akin ang madilim na silid nang makapasok ako saktong pag-apak ko sa loob ay tumama sa akin ang malalamig na hangin kahit walang ni isang bintana sa loob. Isa-isang nagsiapoy ang mga kandila sa silid at bumungad sa akin ang isang malaking lalaki. A man with three heads. A serpent, a man, and a freaking cat. "Lilith, my favorite child." Sambit ng lalaking nasa harap ko. Sumikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Pilit kong nilakasan ang loob ko at nagsalita. "Pinapatawag niyo raw po ako." Nananatili akong nakayuko sa harapan niya. Ni hindi ko siya kayang tignan sa mata. "Pinatawag kita rito dahil may ibibigay akong mahalagang tungkulin para sa’yo." Pangunguna ng lalaking kaharap ko. Kumunot ang noo ko. Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Isang tungkulin? "Tungkuling ibibigay ko sa pinaka-pinagkakatiwalaan kong anak." Dagdag nito. "At ano po iyon?"  Pasimple akong napaismid sa sinabi niya. Mukhang mahalaga nga ang tungkulin na ‘yon at binanggit niya pa ang pinagkakatiwalaan. "Kill him." Ma-awtoridad na sambit ng lalaking kaharap ko. Naramdaman kong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa sinabi niya. Parang gumalaw ang lupang tinatapakan ko kahit walang lindol na nangyari.  Sino naman ang ipapaligpit niya sa akin? Wala pang salita na lumalabas sa bibig ko nang sinagot na niya ang tanong sa isipan ko. "Kill the child of prophecy." Dagdag niya. Hindi kaagad naproseso ng utak ko sa narinig. Natigilan ako sa sinabi nito at hindi ako makapaniwala. My eyes widened and I blinked thrice. The child of prophecy? Alam ko ang tungkol doon pero bakit ako? "Ngunit bakit po ako? Hindi po ba dapat ay mas nakakatanda sakin ang bigyan niyo ng tungkulin?" Marahang tanong ko. "Ikaw ang pinaka-pinagtitiwalaan ko at gusto ko ring makita kung hanggang saan aabot ang makakaya mo." Mariin akong napakagat sa ngipin at humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. Kahit ayokong tanggapin ang mabigat na tungkuling ito ay wala na akong magagawa pa at mukhang nakapag desisyon na siya. "Masusunod po." Maiksing sagot ko. I bit my lower lip out of frustration. Nagsimula na akong tumalikod sa kaniya para lumabas ng silid.  Nagsimula akong humakbang palabas at hindi pa ako tuluyang nakakalabas ay may pahabol pa siyang sinabi. "Don't let me down my daughter." Pahabol niya na nagpataas ng mga balahibo ko, sumagot na lang ako ng opo at tuluyang lumabas sa silid. Mahigpit ang pagkakasara ko ng kamao nang isara ko ang pinto.  Tsk, he really likes pressuring me. Pagkasara ko sa pinto ay agad na sumalubong sa akin ang isang taong prenteng nakasandal sa pader.  A woman with a black long hair with gray highlights and bloody red eyes. Sumisilip sa buhok niya ang dalawang sungay niya sa noo. Gumagapang ang napakalaking alupihan sa braso niya na casual niyang nilalaro.   "Another task?" Nakangising sambit nito. Napaismid na lamang ako rito. Hindi talaga nabubuo ang araw niya kapag hindi niya napapainit ang ulo ko.  She's one of the royal leaders. The Demon of insects. Amy, my older sister. The gorgo that really hates my guts. "At anong paki mo?"  Tinawanan niya lamang ako ng mahina at matalim akong tinignan.  "You might be his favorite but we all know that you don't belong here." Walang kaemo-emosyong sambit niya. Hindi kaagad ako nakasagot. Kahit ilang beses niya na sa aking pinamukha iyon ay hindi parin talaga ako masanay-sanay. Alam kong gusto niya lang na painitin ang ulo ko pero hindi ko pa rin ako sanay sa tabas ng dila niya. "I know, but its his decision to keep me here."  Agad akong naglakad papalayo sa kaniya para iwasan ang mga matatalim niya pang salita. Pero hindi pa ko tuluyang nakakalayo ay may pahabol pa siyang sinabi.  "And I hope that his decision was not wrong."  Napaismid ako at hindi ko na siya sinagot. Wala akong ekspresyon na bumalik sa silid ko.  I don't have time with her bullshits. Pagbalik sa silid ay malalim akong napabuntong-hininga at nahiga. Napatulala ako sa kisame at hindi ko maisipang mapaisip. Kill the child of prophecy?  Hindi naman na ako mahihirapan hanapin siya dahil papalapit na ang eclipse at lumalakas na ang amoy niya, madali ko lang malalaman kung sino siya. Pero bakit ako? Importante itong tungkulin na ito, nakasalalay rito ang hinaharap at dapat binigay niya itong tungkulin na 'to sa mas nararapat at hindi ako iyon. Nanatili akong nakatingin sa kisame nang mapaismid ako. 'we all know you don't belong here'  Bigla na lang pumasok sa isip ko ung sinabi ni Amy at mas lalo akong kinabahan sa tungkulin ko. She's right, I don't belong here, I'm not his daughter and I'm not one of them. We are what you called gorgos or devils. My father haborym is a duke in hell and also known as the fire demon who has 5 children, Caim, Amy, Loki, Azza, and me, Lilith.  We are the five royal leaders in abaddon, a place in hell.  But just like Amy said, I'm not one of them, I'm not a gorgo. What am I?  I'm once an angel. But they accused me and took my wings.  I'm an angel who cant fly, a flightless being. But haborym took me with him and treated me like his own daughter.  And now I'm paying back my dept, by serving him, killing and manipulating people, because that's what we are and that's what we do.  We are gorgos, servers of hell .  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD