Emmanuel’s Point of View
"Em!"
Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. Kumurba ang labi ko nang makilala ko kung sino ito.
"Shane! Late na naman tayo!" Natatawang sambit ko habang tumatakbo kami sa hall papuntang room namin.
Sumabay ito sa akin sa pagtakbo papunta sa room at sa kamalasan namin ay nandun na si prof.
"Mister Emmanuel Graydon and Miss Shane Ramiruez hindi ba talaga kayo nagtatanda?" Bungad ni Miss Reyes sa amin.
"Sorry po ma'am." Sabay naming sagot ni Shane.
Kapwa kaming nakayuko ng babaeng kasama ko. Napabuntong-hininga na lang si Miss Reyes sa amin bago kami papasukin.
What a great start!
Ilang oras din ang lumipas bago natapos na ang klase namin ngayong araw. Kagaya nang nakaugalian ay dumeretso ako sa pinamataas ng floor ng building upang pagmasdan ang kalangitan.
Lagi ko itong ginagawa tuwing uwian. Hindi ko alam kung bakit at paano pero lagi akong nakakakita ng ibang liwanag sa langit.
Naghahalo ang kulay asul, berde, puti, at pula.
Lagi ko itong nakikita mula nang bata ako. Tho, sinasabi ng iba sa akin na hindi raw nila nakikita ang mga nakikita ko.
Kaya itinatak ko na lamang sa sarili ko na dulot lang siguro ito ng imahinasyon ko.
There's nothing new about it. I have a wide imagination since I was kid. Lagi na akong nakakakita ng mga bagay na ako lamang ang nakakasaksi.
Kinuha ko ang maliit na notebook ko at dinrawing ang pigurang binubuo ng mga kulay ngayon.
So, this time its a-
H-Horns?
"Em sabay tayo umuwi!"
Natauhan ako nang biglang sumulpot si Shane sa likod ko at inakbayan ako.
Mabilis na napunta ang tingin niya sa notebook na hawak-hawak ko.
"Eh, nagda-drawing ka nanaman?"
Kinuha niya ito sa akin at pinagmasdan ang drawing ko.
Her expression suddenly changed. Binuklat niya ang mga naunang pahina.
"Hindi ba't ito ang drawing mo kahapon?"
Ipinakita niya sa akin ang naunang pahina kung saan nag-drawing ako ng isang babae.
Isang tango ang sinagot ko sa kaniya. "O-Oo."
Shane bit her lower lip. Humigpit ang pagkakahawak niya sa libro bago niya ito isara.
"T-Tara na. Uwi na tayo." Pag-iiba ng babaeng kaharap ko.
Nauna siyang naglakad sa akin pababa ng hagdan. Kahit hindi ko mapigilang magtaka sa inakto niya ay kusa na rin akong sumunod sa kaniya.
Sabay kaming lumabas ng campus ni Shane para umuwi.
Matagal na kaming magkakilala. Si Shane na ata ang kasama ko paglaki.
Magkapitbahay kasi kami dati nung mga bata kami at nagkamabutihan din ang parents namin, pero simula nung namatay ang parents ko sa aksidente ay lumipat ako sa Tita ko rito sa Kalios.
Akala ko ay hindi ko na siya makikita pero mukhang tinadhana talaga kami nitong babaeng kasama ko. Nagkataon na lumipat din sila ng pamilya niya rito sa Kalios.
"Dito na ko!" Sambit ni Shane sa akin nang makarating kami sa harap ng apartment niya.
Pareho kaming nakatira sa apartment kasi mas malapit sa school pero malayo ng kaunti ang apartment ko sa apartment niya.
"Sige baka ma-late ka na naman bukas ah." Pang-aasar ko.
Simangot ang sinagot nito sa akin na kinatawa ko. Akmang mauuna na 'ko maglakad nang may pahabol na sinabi sa akin si Shane.
"Em."
Both of my eyebrows rose. Hinintay ko ang sasabihin niya.
Hindi ko alam kung bakit parang kakaiba ang kilos ni Shane ngayon mga nakaraang araw.
May nangyari ba?
"N-Nothing. Mag-iingat ka."
Pilit itong ngumiti sa akin habang kumakaway paalis. Kahit nagtataka ay isang tango ang sinagot ko sa kaniya.
Why is she acting weird?
Naglakad na'ko mag-isa pauwi sa apartment ko. Casual kong kinuha ko ang cellphone at earphones ko para makinig ng music nang matigilan ako.
"I found you."
Nagsitaasan ang mga balahibo ko katawan at namilog ang mga mata.
Mabilis akong napalingon sa paligid para tignan kung sino ang nagsalita.
S-Sino ‘yon?
Tila nabigo ako nang makitang ako pang ang taong naglalakad sa street.
Tsk. Maybe it’s just my imagination.
Hindi ko na lamang pinansin iyon at nagpatuloy ako sa paglalakad. Siguro ay guni-guni ko lamang iyon.
Nakikita ko na yung gate ng apartment namin nang marining ko nanamang ung boses.
"You're too easy to find."
My forehead furrowed when I heard it once again. Hinanap ko ulit kung saan nanggaling yung boses at napako ang tingin ko sa isang babaeng nakatayo sa hindi kalayuan.
At first, I thought that she's a ghost. She has a long black hair and she's wearing a black long sleeve dress that enhances her fair skin.
But the most unusual thing that caught my eye,
Was her bloody red eyes.
Kinusot ko mabuti ang mga mata ko para malaman kung namamalikmata lang ba ako o hindi. Pero pagmulat ko ay nawala na siya.
I suddenly felt the chills down my spine.
Agad akong pumasok sa gate ng apartment namin at pumasok sa room ko.
Ano ‘yon? Guni-guni ko lang ba talaga ‘yon?
Hindi mawala sa isip ko ang mga nakita ko hanggang sa pagpasok ko sa kwarto.
Wala sa sarili akong pumasok sa loob at sinara ang pinto. Pilit kong iniisip ang nangyari pero agad din itong nawala nang makita ang nag-aabang sa akin sa loob.
My eyes slowly widened and my mouth fell open.
Prente lamang itong nakaupo sa salas at isang ngiti ang bungad niya sa akin.
"Hi, mortal."
Parang bumagal ang takbo ng oras.
Hindi pa napoproseso sa utak ko ang lahat ng mga nangyayari. Natauhan na lamang ako nang tumayo sa pagkakaupo at humakbang ito papalapit sa akin.
"Hindi mo ako pinahirapang hanapin ka, hindi ka ba alerto? Mag-e-eclipse na at hinahayaan mo ang sarili mong lumakad-lakad mag-isa sa labas."
Nagsimula siyang magsalita habang wala akong maintindihan sa lahat ng mga sinasabi niya.
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong humahakbang papaatras habang lumalapit naman siya sa akin.
T-Teka lang. Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari! Anong ginagawa niya rito?!
Casual lamang siyang naglalakad papalapit sa akin.
I can't help but to stare into her bloody red eyes.
Natigilan na lamang ako sa pag-atras nang tumama na sa likod ko ang malamig na pader.
Wala akong magawa kung hindi tignan na lamang siyang makalapit sa akin.
I'm too shocked and scared to move. H-Hindi ko alam ang gagawin ko.
Tuluyan na siyang napunta sa harapan ko at agad na nagtama ang mga mata namin.
"At dahil hindi ako nahirapan hanapin ka, hindi rin kita papahirapan at sisiguraduhin kong mamamatay kang hindi masasaktan."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Napaawang ang bibig ko sa narinig.
Mabilis akong natauhan sa sinabi niya.
"H-Ha?! Hindi kita kilala! Mali ang taong pinuntahan mo!"
My heart kept beating fast and fear crossed my face. Iyon ang mga unang salita na lumabas sa bibig ko.
N-Ngayon ko lang nakita ang babaeng ito at wala akong alam sa mga pinagsasasabi niya!
"Oh really? Hindi ba ikaw ‘yon?" Sarkastikong sagot nito.
Hinawak niya ang mukha ko at maigi itong pinagmasdan.
I wanted to run but I didn't have the strength to do so.
"I hate liars."
Napapikit na lang ako nang inilapit niya sa akin ang mukha niya.
Akmang kikilos na ako at itutulak siya nang pareho kaming nakarinig ng pagkabasag. Mukhang galing ito sa salamin mula sa bintana.
"DON'T YOU DARE TOUCH HIM!"
Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang kulay puti, puting balahibo.
Nang titigan ko ito mabuti ay may nakita akong babaeng may pakpak. Parang bumagal ang pagtakbo ng oras nang makilala ko ang babae.
"Shane..."
Mabilis na tinulak papalayo ni Shane ang babaeng nasa harap ko.
Her eyes were blue and her right hand is glowing. Tulad ng mga mata niya ay asul din ang liwanag nito.
It looks like her hands are covered in ice.
"Oh, and you must be the guardian angel." Walang ganang sambit ng babae.
"Sino ka?! Hindi ba talaga kayo marunong sumuko?!"
Walang akong magawa kung hindi panoorin lang sila. Hindi na nakakahabol ang utak ko sa mga nangyayari.
Nanaginip lang ba ako? Imposibleng totoo ito hindi ba?
"Em! Tumakbo ka na!"
Natauhan na lamang ako nang marinig ang boses ni Shane. Hindi ko alam ang gagawin ko, naistatwa nako sa kinatatayuan ko.
Kumunot ang noo ng babaeng kaharap namin.
"Em? As in Emmanuel? 'God is with us'?"
"What a clever name."
Shane gritted her teeth. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa babae.
"The Grigoris won't let you get away with this!"
Walang bakas ng takot o bahala sa mukha ng babae sa sinabi ni Shane. Bagkus ay natawa pa nga ito.
"And what could those watchers can do?"
Namilog ang mga mata ko at napalunok nang malalim nang nagsimulang magbago ang kanang kamay ng babae.
It slowly turned into a stone.
Nang nagsimula ng bumigat ang tensyon sa silid ay kapwa kaming natigilan. Pare-parehong nakuha ang mga atensyon namin nang may kumatok sa pintuan ko.
"Em! Okay ka lang? Bakit ang ingay riyan?" Rinig kong sigaw ng landlady ko.
Kinuha ni Shane ang oportunidad na iyon at kusang may lumabas na yelo sa mga kamay niya.
She made a barrier between us and the girl she's fighting with.
Pagkatapos n’on ay agad niya akong hinila palabas mula sa bintanang pinanggalingan niya.
"I-I'll explain it all later."
Bakas sa mukha ng babaeng kasama ko ang bahala. Sobrang bigat ng paghinga niya at patuloy ang pagbagsak ng mga pawis sa kaniyang mukha.
Tinalon namin ang bintana mula sa secondfloor na kwarto ko.
Abot kamay na namin ang gate ng pareho kaming natigilan ni Shane.
"You can't escape from me."
With just a blink of an eye, nasa harap na ulit namin ang babae. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Shane sa braso ko.
"Leave him alone!"
"And why would I?"
Napaismid na lamang si Shane sa sinagot ng babae.
The next thing I knew, nawarak ang lupang kinatatayuan namin nang sapakin ito ng babae.
Gamit ang kamay niyang bato ay walang kahirap-hirap niya itong nasira.
Sa kabilang banda ay sinimulan ng gawing yelo ni Shane ang paligid. Masyado silang mabilis para masundan ng mga mata ko.
Natauhan na lamang ko nang may makitang malaking ahas na sumulpot sa kung saan.
It’s freaking huge. Sapat na ang isang subo para makain nito nang buo ang isang tao.
Hindi ko alam kung dulot pa rin ba ito ng imahinasyon ko.
"Shane!"
Balisa akong lumapit kay Shane para tulungan ito.
Tila nakuha ang atensyon ng babaeng kaharap namin na ngayon ay nakakunot ang noo.
"Shane, huh?"
Nag-isip ito nang malalim habang walang ekspresyong nakatingin sa kaibigan ko.
"Ah, I remembered!"
Unti-unting kumurba ang labi niya sa isang ngisi.
"Angel Shamira, the protector."