Lilith's Point of View
Wala akong kaemo-emosyong nakatingin sa babaeng kaharap ko. Mariing nakahawak ang kamay ko sa leeg niya.
Pathetic.
"You call yourself as an angel. Yet, you can't protect a one person?" Sambit ko sa babaeng nangangalang shane.
She gritted her teeth and looked at me with anger in her eyes.
"Still, I'm not like you, killing people without an acceptable reason." Punong-puno ng emosyong sambit niya.
Tanging pagkurba ng labi ko sa isang ngisi ang sinagot ko sa kaniya. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng konsensya o lungkot sa sinabi niya.
It's our job to kill.
"You know its against the rules! you're on earth! Its God's property! The grigoris will punish you!" Muling sambit ng babaeng kaharap ko. Nangungusap ang mga mata niya na para bang gustong ipamukha sa akin na nagkamali ako.
Hindi ko mapigilang humikab sa mga sinabi niya kaya mas lalo kong nakita ang galit sa mga mata niya. Wala kwenta ang mga bagay na lumalabas sa bibig niya.
I know its against the rules. Anong silbi na naging anghel pa ako, hindi ba?
We all follow a certain rule. Kasama roon na ang mga gorgos ay hindi pwedeng tumapak sa mundong ito.
Why? Because it's their territory, God's territory and we are ban here. Still, we have connections in certain people here who worship us.
"You're too noisy angel." Walang ganang sambit ko.
Unti-unting nilamon ng anino ang kanang mata ko. Nang tanging dilim na lamang ang nakikita ko rito ay nagsilabasan sa kanang pisngi ko ang mga itim na tinta.
Namilog ang mga mata ng babaeng kaharap ko. Fear crossed her face and she gave me a look of disbelief.
"N-No." Naiiling na sambit niya.
Dahan-dahang bumaba ang itim na tinta sa mga kamay kong nakahawak sa leeg niya. Para itong ahas kung gumapang sa katawan ko papalapit sa kaniya.
It's a curse seal. Sa oras na tumama ito sa balat ng iba ay habang buhay silang masusumpa- katulad ng sumpang meron ako.
In the corner of my eye, I can see the mortal trembling in fear. Punong-puno ng takot ang mga mata niya habang pinapanood kami at wala siyang magawa. After all, he's just a mere mortal.
Pasimple akong napaismid sa itsura niya. Sayang naman ay huling beses ko ng makikita yung reaksyon niyang iyon kasi papatayin ko na rin siya mamaya.
"Please spare him." Muling sambit ng babaeng hawak-hawak ko.
Napatingin ulit ako sa anghel na nasa harap ko ngayon. Nawala na ang galit sa mga mata niya at napalitan naman ito ng mga matang nagmamakaawa.Tila nanlambot ang ekspresyon niya na para bang tinatanggap na ang kahahantungan niya sa oras na dumikit ang itim na tinta sa katawan niya at masumpa siya habang buhay.
Ganiyan rin ang nangyari sa akin noon...
"Sorry angel Shamira, I'm just doing my job." Walang ekspresyong sagot ko rito.
Malapit ng dumikit ang seal sa balat niya nang may naramdaman akong presensya. It felt like a heavy object suddenly fell on my shoulders.
Mabilis na bumigat ang pakiramdam ko.
Grigoris.
Grigoris are the watchers of God and I think I know why they're here.
"Tsk, I think it's time to end the fun." Iritadong sambit ko.
"I really want to play with you but I think it's time for me to go." Dagdag ko.
Walang gana kong binitawan ang leeg ng babaeng kaharap ko. Habol-habol niya ang hininga niya nang mawala ang pagkakasakal ko. Kusang bumalik ang itim na tinta sa mata ko at bumalik ito sa dati.
Bago ako umalis ay muli kong tinapunan ng tingin ung mortal.
"I hope you'll remember me, I'll come back for you soon." Nakangising pahabol ko.
I flashed a smirk and bowing at him like a butler.
With just a snap, natagpuan ko na ang sarili kong ilang kilometro ang layo sa pinanggalingan ko. Napangisi na lamang ako sa sarili ko dahil nakatakas nanaman ako sa kanila.
Or so I thought.
Hindi nagtagal ang pagsasaya ko nang nakaramdam ako ng presensya sa likod ko. Parang bulang naglaho ang ngisi ko sa labi at nawalan ng buhay ang mga mata ko.
Malalim akong huminga bago mapaismid.
"What?" I asked with an irritated voice. Hindi ko siya nililingon sa pwesto niya.
"Where do you think you're going?" Marahan niyang tanong.
I heaved a sigh and smiled as I look at her from behind. Kahit nakakurba ang labi ko sa isang ngiti ay malalim akong napalunok.
Napakurap-kurap ang mga mata ko nang magtama namin at parang hindi ko man lang magawang ngumiti nang pilit.
Oh, mukhang minamalas ako ngayon. Sumalubong sa akin ang babaeng nakapusod ang buhok. She has a fair skin that enhances her blue eyes and she's wearing an armor. Hindi maitatanggi ang matipuno niyang katawan ngunit hindi pa rin nawawala ang mga kurba nito sa iilang parte.
It's no other than the gracious and pleasant, angel Adiva.
"I'm just roaming around." Pagsisinungaling ko.
Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko sa kanya na para bang batang gumagawa ng palusot.
"You know it's against the rules." Walang emosyong sambit nito.
Humampas ang malakas na hangin sa amin. My smile faded and my expression changed.
"And why would I obey the rules?" Sa isang iglap ay nawala ang pilit kong ngiti.
Pasimple kong itinago ang kanang kamay ko na muling nagbabago at unti-unting nagiging bato. Ramdam ko ang unti-unting pagtigas nito sa likod ko. Maigi kong pinagmasdan ang paligid at agad akong nag-isip ng magiging plano.
Mukhang hindi ako basta-basta makakatakas dito.
"Pagbigyan mo na ako, ngayon-"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mabilis na naglaho sa paningin ko si Adiva. Kusang namilog ang mga mata ko nang nawala siya sa isang iglap. Agad akong naging alerto at tinignan ang paligid ko.
Ni hindi niya man lang ako pinatapos sa pagsasalita at nauna na siyang kumilos.
S-Shit... hindi niya ako pwedeng mahawakan-
"You'll be punished."
Namilog ang mga mata ko nang marinig ang boses niya sa likod ko. Nakaramdam ako ng panginginig sa buong katawan at sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Napaismid ako at pilit na ginalaw ang katawan ko.
Kailangan kong iwasan ang mga kamay niya. But this freaking Adiva is still fast as usual.
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang madaplisan niya ang balikat ko.
"F-Fuck..."
Lumabas ang malamig na bakal sa pulso ko. Pinalibutan nito ang pulso ko at unti-unting humigpit.
It's no ordinary cuffs, posas ito ng mga grigoris at lilitaw ito kapag hinatulan nila ng parusa ang may kasalanan. It can't be destroyed by ordinary abilities.
I'm really in trouble.
---
Mukhang naubusan na ako ng swerte at sobra-sobra ang malas ko ngayon. Walang buhay ang mga mata ko at sobrang sama ng tingin ko sa paligid. Hindi ko alam kung pang-ilang ismid ko na ito mula kaninang makarating kami rito. I really f*****g hates this place.
Nasa harap ko si Adiva at may dalawa pang grigoris sa magkabilang gilid ko. Kasama rin ung anghel kanina at ung mortal na nasa unahan.
We're on a temple.
Isa ito sa mga checkpoints bago ka mapunta sa itaas, or know as heaven.
Gulat na gulat ung ekspresyon ng mortal, siguro ay hindi niya pa alam ang tungkol sa kaniya.
Kung hindi lang pakielamera ung babae kanina edi sana kanina ko pa tapos ung tungkulin ko.
"We're here." Sambit ni Adiva sa harapan.
Tumigil kami sa paglalakad nang makarating kami sa malawak na silid sa loob. Napakagat ako sa labi habang tinitignan ang mga rebulto ng iba't ibang anghel na nakatayo sa kada sulok. Gawa sa marble ang sahig at mga pader dahilan pag-echo ng mga tunog.
"Long time no see." Rinig kong bati ng babaeng naghihintay sa amin.
Napasimid ako at walang gana akong napatingin sa kaniya.
Kagaya noon ay wala pa ring kupas ang ganda niya. Her long wavy blonde her is in a waterfall braid. She's wearing an elegant white chiton dress. And of course, she has freckles on her face and she has blue eyes. Inosente at kaamo-amo ang kaniyang mukha. She's really the iconic angel.
Danya, the judgement of God.
Napaismid na lamang ako sa kaniya. Hindi pa rin siya magbabago.
Napunta ang tingin niya sa lalaking kasama namin.
"And you must be?" Marahan niyang tanong.
Nagulat ang mortal at agad na sumagot.
" E-Emmanuel G-Graydon." Uutal na sabi niya.
"The child of prophecy." Dagdag ni Adiva.
Natigilan at nagbago ang ekspresyon ni Daniya. Pasimple itong nabigla pero pilit niya itong tinago.
"I know that you have a lot of questions, pero ipagsantabi mo muna iyan. For now, let's discuss about the punishment for this lady right here." Muli niyang sambit.
Nalipat ang tingin niya sa akin na agad kong sinamaan ng tingin. Nagtatakang napatingin sa akin ang mortal na walang kaalam-alam. Ngunit bago ba niya ibuka ang bibig niya ay kusa na siyang pinaalis muna nina Adiva sa silid. Inilabas sa silid ang mortal na hindi pa rin maintindihan ang mga nangyayari bago ako muling kausapin ni Danya.
"You know the rules right? Imposibleng hindi dahil isa ka dati sa mga sumusunod doon."
My expression changed. Mariin kong isinara ang mga kamao ko.
Huminga ako nang malalim para pilitin ang sarili kong kumalma.
"Then hurry up and punish me already." Walang ganang sambit ko.
Walang buhay ang mga mata ko nang tumingin ako sa kaniya na mabilis ko ring binawi at inalis. Ayoko ng patagalin ito, nasusuka ako sa lugar na ito.
"Oh, still impatient?" Sarkastikong sagot ni Danya.
Hindi ako umimik sa sinabi niya at hinayaan ko lang siyang magsalita. Pilit kong tinikom ang bibig ko habang nakaiwas ng tingin. Ang daming dada.
"Okay, ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. Let's have a deal." Deretsong sambit ni Adiva.
My forehead furrowed and I gave her a confused look. Kunot noo akong napaharap sa kaniya at tinignan siya ng kaduda-dudang tingin.
"Deal? Is that the punishment?"
"No, it's a deal. You'll do something for us and you'll get something in return."
Akala ko ay nabingi lamang ako sa narinig ko. Napaismid ako sa sinabi niya. I gritted my teeth and my expressions changed. Para bang sasabog ang ulo ko sa biglaang pagpula ng mukha ko dahil sa inis. Nagsilabasan ang ugat sa leeg at noo ko dahil sa galit.
Pakiramdam ko ay binabastos nila ako masyado.
"You're f*cking kidding me, right? Sinong tanga ang makikipagsundo sa inyo?!" Nanlilisik ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.
Nanatiling nakatingin sa akin si Danya na hindi nagpatinag sa sinabi ko.
"We want you to protect him."
Para akong nabingi sa narinig. Mabilis na nandilim ang paningin ko.
"F-F*ck you... all of you..."
Deretso ko silang tignan sa mga mata. "H-Hindi pa kayo nakukuntento sa ginawa ninyo sa akin?"
I bit my lower lip and it started bleeding. My heavy breaths started to turn into a growl.
"Look... look at me... ito ang ginawa ninyo sa akin." Nanghihinang sambit ko.
Ang kanang kamay ko ay unti-unting naging bato. "From my little sister's ability- the demon of earth. She gave the strength of a hundred men." Tila naging bato ang kanang kamay ko mula sa labas hanggang sa loob-looban.
Sunod na nagbago ay ang dila ko. Ramdam ko ang sakit na para bang pinupunit ito habang nahihiwa sa gitna. It turned like a snakes tongue. "One of the abilities of my older sister, The demon of insects. She gave me the power to talk and control insects and reptiles." Kusa itong lumalabas na para bang isa akong ahas.
Humaba and magkabila kong tenga at lumabas ang isang buntot sa likuran ko. "The power of my little brother, The demon of creatures. He gave me the skills of a beast." I growled. Lumakas ang mga pakiramdam ko sa paligid. Mula sa panrinig, panlasa, paningin, at pang-amoy.
Tuluyang nilamon ng anino ang kanan kong mata. "And from the oldest son of Harborym, The demon of shadows. He f*cking cursed me." Kumalat ang maiitim na tinta sa kanang bahagi ng mukha ko habang nilalamon ng anino ang mata ko.
Nanginginig ang buo kong katawan habang sunod-sunod ang mabibigat kong paghinga.
Ito ang mga kakayahang ipinagkaloob nila sa akin nang maging parte ako ng pamilya nila.
And of course... a gift from my new father.
Ramdam ko ang sakit sa ulo ko na para bang binibiyak sa sobrang sakit. Unti-unting tumubo ang dalawang putol na sungay sa noo ko. Dahilan ng pagsigaw ko sa sakit.
Muli ko silang tinapunan ng tingin na puno ng mga emosyon. I can see in Adiva's eyes that she's stopping her tears.
"Look at me.... Now tell me, how can I work with you once again? Akong hindi ninyo pinakinggan... hindi niyo pinagkatiwalaan." Nanghihinang sambit ko.
"Danya.... I'm not an angel anymore. You turned me into a demon."
Nagsimulang magsituluan ang mga luha ko. Bumabalik nanaman ang mga alaalang ayoko ng maalala pa.
Ayoko ng makaramdam pa ng lungkot at sakit. Bagkus ay gusto ko na lang gawin silang galit.
Naiiyak akong nakatingin kay Danya nang matigilan ako. Parang bumagal ang takbo ng oras nang puwesto niya sa harapan ko. Kita ko ang unti-unting pagbuka ng pakpak niya sa likod habang inilapit niya ang mukha niya sa akin.
She put her forehead at the top of my horns.
"You're getting your wings back... Aviya."
Parang bulang naglaho ang mabigat na nagpapabigat sa magkabilang balikat ko. My expression softened and my mouth slightly opened. Kailan ko ba huling narinig ang pangalan na iyon?
Kasabay ng pagsabi n'on ni Daniya ay ang paglitaw ng isang puting balahibo sa harapan ko. Paulit-ulit na nag-echo sa utak ko ang sinabi niya habang parang bumagal ang oras dahil sa dahan-dahang paggalaw ng puting balahibo sa harapan ko.
I-If I get my wings back I'll be free. I don't need to take some tasks, kill people, and do something I don't want to.
I'll be free.
"I promise you, I Danya, the judgement of God will give you your wings back if you successfully done the deal ."
•••