Chapter 4: Protector

2043 Words
Emmanuel's point of view Inililibot ko ang tingin ko sa paligid. Sumbay ang leeg ko sa pagtingin ng kabuoan ng lugar na ito. There are different kinds of pillars and statues all over the place. The walls are made of marbles and there are high walls surrounding the area. Nandito kami sa isang malaking templo. Ang daming tanong ngayon sa isip ko pero nananatili lang akong tahimik. "We're here." Sabmbit ng babae sa tabi ko. Nakapusod ang buhok niya at kapansin-pansin ang asul niyang mga mata. She's wearing an armor and she has an intimidating presence. Kahit maskulado ang katawan niya ay hindi pa rin maitatanggi ang napakagandang hugis ng kaniyang katawan. "Long time no see." Nakuha ng narinig ko ang atensyon ko. Napatingin ako sa babaeng nagsalita at sumalubong sa akin ang isang napakagandang babae. I was stunned for a second. Her blue eyes were shimmering and the freckles on her face shouts grace. She looks like a real life goddess in her chiton dress and braided hair. Nakatingin siya sa babaeng pula ang mata na balak akong patayin kanina, buti na lang ay dumating si Shane- E-Eh? Mabilis akong natauhan sa naisip ko. Natataranta akong lumingon-lingon sa paligid. K-Kanina ay nasa tabi ko lang siya. M-May sugat siyang natamo mula sa laban kanina- "Don't worry, okay lang siya, ginamot na siya nung kasama ko at nagpapahinga na siya." Biglaang bulong ng lalaki sa tabi ko nang mapansing naging balisa ako. Para bang nabasa niya ang nasa isip ko at sinagot niya ang tanong ko. Nakahinga ako nang maluwag sa narinig. Mabuti naman- "And you must be?" Nabigla ako nang magsalita ang babaeng nag-abang sa amin at sa akin siya nakatingin. Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad na balisang sumagot. "E-Emmanuel G-G-Graydon." Natatarantang sambit ko. "The child of prophecy." Dagdag ng katabi kong babae. Napalunok ako nang malalim habang nakatingin sa kaniya. Kinakabahan ako sa mga nangyayari. "I know that you have a lot of questions, pero ipagsantabi mo muna iyan. For now, let's discuss about the punishment for this lady right here." Tinapunan niya ng tingin ang babaeng pula ang mga mata. Naguguluhan akong sumunod din sa mga tingin nila. Nang akmang ibubuka ko ay hindi ko na ito naituloy pa nang may humawak sa magkabilang balikat ko. Hindi ko nagawang pakinggan pa ang mga sinasabi nila nang palabasin ako sa silid. Sumalubong sa akin ang isang indoor garden kung saan muna ako pinagpahinga ng nagdala sa akin. Iniwan ako nitong mag-isa habang hinihintay namin ang pag-uusap ng mga tao sa loob. Hindi ako mapakali sa pwesto ko at doon ko napansin na nanginginig na pala ang mga kamay ko. I suddenly felt like breaking down. H-Hindi ko alam ang mga nangyayari. Sino sila? Bakit ang nandito? Ung babae kanina, Bakit gusto niya akong patayin? May atraso ba ako sa kaniya? At anong sinasabe nilang the child of propecy? Parang sasabog ang utak ko sa dami kong tanong sa isip ko at hindi ko mapigilang mataranta. Natigilan na lamang ako nang may nakakuha ng pansin ko. Nawala ang pag-iisip ko nang tumama sa akin ang repleksyon ng araw mula sa mga salamin sa itaas. Napatingin ako rito at doon ko nakitang may mga kulay na naman na naghahalo sa langit- "Now, I'll answer your questions." Natigilan ako at nabilis na napunta ang tingin ko sa dalawang babaeng bagong dating. Ang babaeng nagdala sa amin dito at ang babaeng nag-aabang sa amin kanina. Ni hindi ko man lang napansin ang presensya nila o narinig ang paglapit nila sa akin. T-Tapos na kaagad sila mag-usap sa loob? Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya. Ang daming tanong sa isip ko pero hindi ko maibuka ang bibig ko. "You must be wondering who we are." Panimula ng babaeng asul ang mga mata. Kumurba ang labi nila sa isang ngiti bago ako lapitan. "We are angels." Humampas sa amin ang malamig na hangin. Sumabay sa paghampas ang mga halaman dahilan ng pagtama nila sa isa't isa. Kita ko rin ang mga repleksyon ng mga ibon na nagsisiliparan mula sa itaas. Parang natuyo ang lalamunan ko at hindi ako makasalita dahil sa pagkabigla. "I'm angel Danya, the God's judgement. Ako ang humahatol sa mga makakasalanan bilang isang kanang kamay sa pagdedesisyon ng diyos." Pagpapakilala niya sa akin ng babaeng nag-aabang sa amin kanina. "And this lady right here is the gracious angel Adiva, she's one of the respected leaders of the grigoris." Pagpapakilala niya sa babaeng nakapusod ang buhok at nakasuot ng armor. Natauhan ako sa pagpapakilala niya. No wonder why she has an intimidating presence. "If you ask, grigoris are our watchers. Kung sa lupa ay parang mga pulis sila." Dagdag ni Danya. Mabilis akong natauhan sa sinabi niya. Sumagi sa isip ko ang mga pangyayari kanina bago kami mapunta sa lugar na ito. Kaya pala, sila din yung tumulong sa amin kanina nung biglang umalis ung babaeng kulay pula ang mata. Bigla na lamang silang sumulpot sa kung saan. Nang hawakan nila kami ni Shane ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa isang templo sa itaas ng isang bundok. Hindi kaagad ako nakakibo o  nakapag-react kaagad no'n dahil sa pagkabigla at inakala kong dulot lang ang mga 'yon ng malawak na imahinasyon ko. "And the one who's with you kanina is angel Shamira, one of our protectors, also known as Shane." Muling sambit ni Danya. Hindi ako nakaimik sa narinig. Mabilis akong napaiwas ng tingin sa kanila. Napakurap-kurap ang mga mata ko at parang natuyo ang lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Napalunok ako nang malalim kasabay ng pagdiin ng pagkakasara ng kamao ko. She's one of them. My childhood friend is one of them. Ni minsan hindi sumagip sa isip ko ang bagay na iyon. Sa tagal naming mag kasama parang ordinaryong babae lang siya, 'yon pala may tinatago siya sakin. Sabay kaming lumaki at hindi nawala ang pagsasama namin sa tagal na panahon. Itinuring ko pa siyang kaibigan... Malalim na napabuntong-hininga si Danya nang mapansin ang reaksyon ko. Nalipat ang tingin niya sa direksyon kung saan sila nanggaling. "And that lady over there, is lady Lilith, she's a gorgo or known as devils." Pag-iiba niya ng usapan. Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Kagaya niya ay napunta rin ang tingin ko sa silid na pinanggalingan nila. Alam kong totoo sila pero hindi ko aakalain na makaka-encounter ako ng isa. Pero bakit gusto niya kong patayin? May alam kaya ang mga anghel na ito? "Bakit ako nandito? Bakit gusto niya akong patayin?" Biglaan kong tanong. Nilakasan ko na ang loob ko at sunod-sunod na nagtanong. Hindi nagdalawang isip si Danya na sagutin ang tanong ko. "The reason why you're here and why she wants to kill you is the same." Aniya. "It's because you're the child of prophecy." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Naguguluhan ko siyang tinapunan ng tingin. Ayan na naman, nabanggit nanaman ang bagay na iyan. Ano ba yun? "We know that one of these days we'll meet you." Nakangiting sambit nito. "We're glad you're safe." Dagdag niya. Hindi pa ako agad napakapagsasalita ulit nang biglang may sumulpot sa likod ko at niyakap ako. "Em!" Naramdaman ko ang pagyakap ni Shane habang umiiyak. Mariin ang pagkakahawak niya sa magkabilang balikat ko at ibinaon niya ang mukha niya sa likuran ko. "We'll leave you two here. You need some time alone." Sambit ni Danya at tukiyan na itong umalis kasama si Adiva. "I'm so worried!" Bungad sa akin ng kasama ko. Hinarap niya ako sa kaniya at nakita ko ang punong-puno ng emosyon niyang mga mata. Pasimple akong napaismid at napaiwas ng tingin na kinatigil ni Shane. "Sorry." Yun lang ang nasagot ko at dahan-dahan niyang inalis ang pagkakahawak niya sa akin. "No, I'm sorry. I should have told you sooner." Seryoso niyang sambit. "I need explanations." Mariin kong sagot. Isang tango ang sinagot sa akin ni Shane. Kasunod nun ay ang pagbabago ng ekspresyon niya. "The reason why you're here is because you're the child of prophecy." Pag-uumpisa niya. "Ano ba yun?" Huminga nang malalim si Shane at seryosong tumingin sakin. Napahawak siya sa magkabilang braso ko habang seryosong nakatingin sa akin. "Ang itinadhana. Every 500 years pumipili si God ng itinadhana na magliligtas sa mga tao. At ikaw ang napili niya." Seryoso niyang sambit. My forehead furrowed and my nose crinkled. Mas lalo akong naguluhan. "The reason why the girl wants to kill you earlier is because you're a threat to them." Dagdag niya. "She needs to kill you because malapit ng mag eclipse. And once na mangyari na ang eclipse na sign nang 500th year, you will be immortal." Namilog ang mga mata ko sa narinig. Napaawang ang bibig ko at hindi ako makapaniwalang napatingin kay Shane. I-Immortal? "Pero paano niyang nalaman ako ang taong tinutukoy ninyo?" Tanong ko. "Because she can smell you. Lumalakas ang amoy mo na isa sa mga sign ng pagiging immortal dahil malapit nang mag eclipse." "Pero bakit ako pa? Wala namang espesyal sa akin." Muling giit ko. Natigilan ako nang makitang kumurba ang labi ni Shane sa isang ngiti. "Maybe he saw something in you. Since you were born, you were already chosen. That's why we need to protect you." Hindi ako nakaimik. Tanging pag-iwas na lamang ng tingin ang nagawa ko. "Please wag kang magalit sa akin. We did it to protect you." Nakuha ng sinabi ni Shane ang atensyon ko. Nagtataka akong napalingon ulit sa kaniya. "We?" Pag-uulit ko. Her face softened. "Yes, we."  "Your parents are also angels."  Muling humampas ang malakas na hangin sa amin. I'm too stunned to react. Para akong nanghina sa narinig at nanlumo. "My parents?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Tumango sa akin si Shane bago sumagot. "They were also angels. Your real mom died when she gave birth to you while your dad died on a accident when you're still at your mother's womb."  I bit my lower lip to prevent my self from crying. Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. So it was all a lie. For 19 years of existence! I thought they were my real parents. "Then is it true that my parents died on a car accident?" Walang kaemo-emosyong sambit ko. Huminga nang malalim si Shane upang kumuha ng lakas para sagutin ako. "No, they were killed, they were with you on the car when someone suddenly came to kill you. But your parents saved you, the one who killed them thought that you were also killed by the accident, little that he or she know you were saved." Bumigat ang pagkakahinga ko at nanginginig na ang kamay ko sa galit. "Sinong pumatay sa kanila?" Walang ekspresyon kong tanong.  "Sorry pero hindi ko alam. Ang mga nakakataas lang ang nakakaalam noon." Marahang sagot ni Shane. Napaismid na lang ako sa inis. Ramdam ko ang pagkakabaon ng gma kuko ko sa palad ko dahil sa higpit ng pagkakasara ng kamao ko. Mariin din ang pagkakagat ko sa ibabang labi ko na unti-unti na ring dumugo. Freaking bastards!  Paano nila nagawa iyon sa mga magulang ko? Kahit alam ko na na hindi ko silang totoong magulang ay sila pa rin ang nagpalaki sa akin at namatay sila dahil sa pagtatanggol sa akin! "Don't blame yourself, they're just doing their job as an angels." Pagpapagaan ng loob ni Shane sa akin. "And you'll do the same?" Walang ekspresyong tanong ko. Natigilan si Shane sa sinabi ko. Hindi niya ko sinagot at nabalot ng katahimikan ang buong paligid. "Are you already done?" Biglaang sambit ng isang babae. Pareho kaming nabigla sa pagsulpot ng isang babae sa harap namin. Hindi ko namalayan na nandito siya.  Si Lilith. Nagbago ang ekspresyon ng babaeng kasama ko at matalim niya itong tinignan. Nawalan ng buhay ang mga mata ni Shane nang magtama ang tingin nila ni Lilith. "What are you doing here." Walang kaemo-emosyong tanong niya. Nalipat ang tingin ni Lilith sa kaniya at kumurba ang labi nito sa isang ngisi. "Oh, miss guardian angel, it's good to see that you're okay." Sarkastikong sambit nito. "Mukhang wala ka rito kanina at hindi mo alam ang mga nangyari."  Dagdag niya. Mas lalong kumurba ang labi niya at pagmamalaking itinuro ang sarili niya. "From now on, I'll be his protector." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD