Chapter 5: Past

2101 Words
Lilith's Point of View Hindi ko pa rin maproseso ang mga nangyayari. Tila para bang huminahon ang alon na patuloy sa pagtaas at ang kalangitan na patuloy sa pagkidlat at pagkulog sa isang iglap lang. Ang tigre at leon na walang tigil sa paglabas ng pangil at paglaban ay bigla na lamang naging ma-amo na para bang isang alagang pusa. Puno ako ng sama ng loob mula nang makaapak ako rito sa templo. I can't stop my anger and it feels like my heart will burst out of my chess. Mula nang mapunta ako rito, makita ulit sina Adiva, at ang kasunduang gusto nilang ipagawa sa akin... hindi nawala ang galit ko. Pero nang masilayan ko ang isang puting balahibo ngayon. Parang unti-unting bumagal ang oras at dahan-dahan ito sa paghulog sa harapan ko. Nanatiling nakapako ang tingin ko dito habang unti-unti pa ring tumutulo ang luha ko sa aking mga mata. Pero hindi ko maintindihan, para bang nanlambot ang puso ko nang makita lang ang puting balahibo. Para bang nawala ang lahat ng hinanakit ng loob ko sa sinabi ni Danya. Nanatili akong nakatulala habang pinproseso ng utak ko ang mga salitang binitawan niya. And the next thing I know, I calmed down. My horns slowly disappeared, my body parts turned back to normal, and my rage suddenly faded. Bumagsak ang magkabilang balikat ko na para bang nawala ang mabigat na nakapasan dito. Nakapasan na matagal ko ng binubuhat. Huminahon ako. Dahil lang sa isang balahibo sa harapan ko. Naglaho ang nagkabuhol-buhol na mga bagay na nasa utak ko at patuloy kong iniisip mula nang mawala ang mga pakpak ko. Bigla na lamang sumagi sa isipan ko ang mga posibilidad at mga larawan na gusto kong mangyari. It suddnly flashes before my eyes, a life I wanted to have. A scene where I can see myself flying once again. I don't have a shapeshifting body, a curse, or even a horn. I'm just flying in the sky. Mayroon akong mga puting pakpak at isa akong malayang nilalang. Walang kahit sinong nangingielam ng paraan ng gusto kong mabuhay at sinasabi sa akin kung ano ang mga dapat kong gawin. Malaya ako... isang malayang nilalang. Doon ko na lamang natagpuan ang sarili kong dahan-dahang tumatango. Blangko ang isipan ko at tanging nasa isip ko lamang ay ang pagbalik sa akin ng mga pakpak ko. I agreed to Danya's offer, her deal. I'm going to work with angels. Again. Unti-unti niyang inalis ang pagkakalapit ng mga noo namin at tinapunan ako ng tingin. "This is our deal." Mahinanong sambit niya. Her voice suddenly became music to my ears. Para itong huminahon at nararamdaman ko ang pagpapagaan niya ng loob ko kahit sa pamamagitan lang ng pagsasalita. Ang puting balahibong dahan-dahang bumabagsak sa akin ay tila napunta sa pulso ko at pinalibutan ito. As if I have a feather tattoo in my wrist. Ngunit hindi ito masakit o kumikirot man lang, bagkus ay para nitong pinagaan ang pakiramdam ko at nawala ang kahit anong sakit na nararamdaman ko sa akin katawan. Hinawakan ng babaeng kaharap ko ang magkabilang kamay ko. Nagtama ang mga mata namin ni Danya bago niya muling banggitin ang kasunduan naming dalawa. Isang kasunduan na hindi pwedeng masira o mawasak man lang ng kahit kanino. It can not be broken by anyone or anything. A deal between our lives and fate. Huminga nang malalim si Danya at tumango siya sa akin bago bigkasin muli ang mga salita. "Be his protector, and you'll get your wings back." --- Sobrang bilis ng pangyayari na para bang walang seryosong nangyari rito kani-kanina lang. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakatingin sa pwesto ni Danya at Adiva. Papunta sila sa pintuan kung saan dumaan ang mortal nang pinalabas ito kanina. Mukhang kakausapin na nila ung lalaking mortal. My arms are crossed and I heaved a sigh. Mas minabuti ko na ring lumayo roon at ayokong makarinig nang mga kadramahan mula sa mga anghel at mortal na iyon. Umalis ako sa pagkakasandal ko sa pader at agad umalis sa silid na kinaroroonan ko. Tanging ang mga yapak ko lamang na gumagawa ng tunog dahil sa takong ng sapatos ko at sa sahig na gawa sa marble ang nagsisilbing tunog dito sa mahabang pasilyo. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at masasabi kong wala pa ring nagbago rito. Sa dinami-dami  ng templo na nandito sa mundo ay parang magkakaiba lang sila sa labas ngunit pare-pareho sila ng itsura at mga laki sa loob. After all, they are all connected. At nagsisilbi rin silang mga checkpoints papunta sa langit. Napupuno ng iba't ibang rebulto at mga klase ng paintings ang mga marble na pader. Para bang museum ito kesa sa isang templo. Hindi nagtagal ay may nadaanan akong isang malaking pintuan kung saan dinala ako nito sa isang malawak na pasilyo. Open ang magkabilang gilid nito dahilan kung bakit kitang-kita ang kalangitan. Tanaw mo rin ang napakagandang tanawin dahil nasa ituktok ito ng bundok. Sobrang tarik ng nasa ibaba at nakakalula pero hindi mo ito mapapansin dahil masyado kang masisilaw ng kagandan sa paligid. Hindi pa rin talaga ito nagbabago, ayoko man aminin pero maganda talaga rito. Dito pa rin sana ako nakatira kung hindi lang- "Roaming around?" Biglaang sambit ng isang babae. Natigilan ako sa pag-iisip nang may magsalita. Agad akong napalingon kung saan ko narinig ang boses na nagsalita. Napunta ang atensyon ko sa isang pamilyar na babaeng nakasandal sa pader. Mariin akong napakagat sa ibabang labi at tuluyang nagbago ang ekspresyon ko. Napaismid na lamang ako nang nakilala ko ang babae. Hindi ko mapigilang mainis at mapaisip. Bakit sa dinarami ng makakasalubong ko ay siya pa? Casual siyang nakasandal dito habang magka-krus ang mga braso at walang ganang nakatingin sa lapag. Tinapunan ako ng tingin ng babae habang nakasandal pa rin siya sa pader. Sumabay sa paghampas ng hangin ang maiksi niyang puting buhok. Nangingibabaw ang asul niyang mata dahil dito. She's wearing a cream peplos dress and some silver bracelets and necklaces. Pasimple akong napaismid habang sinusuri ang itsura niya.  She's none other than Angel Erela, the Messenger.  "Oh? Bakit hindi ka makasagot? Hindi naman kita pinagbabawalan na magikot-ikot dito." Sarkastikong sambit niya. Pilit na kumurba ang labi niya sa isang ngisi nang magtama ang mga tingin namin. Even though she's trying to hide it, I can still see it in her eyes. Halo-halong emosyon ang meron at nakikita ko sa mga mata niya. Akmang ibubuka ko ang bibig ko para sumagot nang muli siyang nagsalita. "You're still welcome here, Aviya."  May diin ang pagkakabanggit niya sa pangalan niyang 'yon. Tila nagkaroon ng sandaling katahimikan at muli kong naramdaman ang paghampas ng hangin. Tuluyang nagbago ang ekspresyon ko sa sinabi niya at nawalan ng buhay ang mga mata ko. Kasabay n'on ay ang unti-unting paghigpit ng pagkakasara ng kamao ko. "Thanks." Sarkastikong sagot ko. Walang kaemo-emosyon kog siyang tinapunan ng tingin. "And my name is Lilith." Dagdag ko. May diin ang pagkakabanggit ko ng pangalan ko. I heard Erela chuckled. Napatakip pa siya sa mga mata niya habang kitang-kita ang nakakurba niyang labi. Napaismid ako sa reaksyon nito. She's making fun of me. "Oh! You changed your name? Why? You're still an angel, an angel without wings. And a sinful one." Pagmamaang-maangan niya. Tila nag-igpting ang bagang ko at nanlisik ang mga mata ko sa sinabi niya. Mariin akong napakagat sa ngipin ko. Ngunit sa kabila ng nabubuong sama ng loob na meron ako ay tanging paghigpit lamang ng kamao ang kaya kong gawin at pagpigil sa nararamadaman ko. I want to hurt her, pero wala akong karapatan, after what happened. Kaya ayoko siyang makaharap ngayon. Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako handa sa mga masasakit na salitang pwede niyang bitawan. Habang sa kabilang banda, ni hindi ko man lang kayang ipagtanggol ang sarili ko o magdahilan. Because... it's still clearly my fault... what happened before, is still my fault... "It's my father's decision." Walang kaemo-emosyong sambit ko. "Father?" Natatawang tanong niya. Umakto siyang nabigla at sadya niya pang tinakpan ang bibig niya. "Oh you mean the one who took you? No wonder, you really belong there and your name really suits you well. Lilith, daughter of Satan." Dagdag niya. Muli siyang sarkastikong ngumisi. Napayuko na lamang ako at napaiwas ng tingin. Hindi ako makaimik sa sinabi niya. Nanatili akong walang ekspresyon. Parang natikom at tumipi ang labi ko at hindi ko magawang makasagot man lang o maka-react. She still hates me. She used to be my bestfriend, but after what happened, everything changed. Lumaki kaming magkasama, nag-train kami ng magkasama, at kahit sa mga mahihirap na parte at pagsubok namin sa buhay ay nanatili kaming magkasama. Hindi ko lang siyang itinuring na kaibigan kung hindi pati na rin kapatid. I thought that she's the first person who would believe me but I was wrong. She also blamed me for what happened. She didn't listen to anything I said. "Sorry, I need to go." Walang ekspresyon kong sambit. Tumingin ako sa ibang direksyon at umiwas ako ng tingin sa kaniya. Gusto ko ng makaalis dito. Bumibigat na naman ang pakiramdam ko at nahihirapan akong huminga. I-I can't take it anymore... It's suffocating me. "Still trying to get away huh?" Walang gana niyang sambit. Rinig ko ang tunog ng takong niyang papalapit sa akin. Walang ganang lumapit sa akin si Erela at madiin na hinawakan ang kanang braso ko. Unti-unting kong naramadaman ang pagsunog ng balat ko pero pilit ko itong ininda. Erela's hands are turning red. She's using her ability. Every angels have the ability of one of the four elements. And her element is fire. Pilit itong ngumiti sa akin habang nanlilisik ang mga mata. Ramdam ko na rin ang pagbaon ng mga kuko niya sa balat ko pero pinilit ko ang sarili kong hindi magpakita ng ekspresyon. "You don't deserve to be in here. Rot in hell." Mariin niyang sambit na paulit-ulit kong narinig sa isipan ko. Hindi ko na nagawang makasagot pa nang binitawan niya ang pagkakahawakl niya sa braso ko at sinimulan akong daanan na para bang walang nangyari. Nagsimula ng maglakad papalayo sa akin si Erela. Pero bago pa ito tuluyang mawala sa paningin ko ay may pahabol pa itong sinabi. "I heard you're going to be his protector? Hope that things won't happen to him like what happened to your previous one." Pahabol niya at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Nagsimulang dumugo ang kamay ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakasara ng kamao ko. Ngunit wala akong nararamdamang sakit mula rito o kahit sa sugat na ginawa niya sa braso ko. Bagkus, ang dibdib ko ang nagsisimulang sumakit. Nakaramdam ko ang pagkirot ng puso ko sa huling sinabi niya. Siguro kahit ilang beses kong gustong takasan ang nakaraan ay hindi ko pa rin ito magagawa. B-Bwisit. Kaya ayoko ng pumunta rito. Ayoko na silang makita ulit. Pilit ko na lang nilakasan ang loob ko ay nagsimulang maglakad. Kahit alam kong malapit ng bumigay ang tuhod ko dahil sa panghihina. Bumalik ako sa kinaroroonan namin kanina at hinanap ang mortal. Naabutan ko siyang nakaupo sa isang indoor garden at may kasamang isang pamilyar na babae. Kunot noo ko silang tinapunan ng tingin nang mapansin kong hindi sila kumikibo at nanatili silang tahimik sa mga pwesto nila. What happened? Walang gana ako lumapit sa kanila at laking gulat ko nang hindi man lang nila napansin ang presensya ko. "Are you already done?" Tanong ko. Pareho silang nabigla nang dumating ako. Para bang ang bigat ng tensyon dito sa kanila.  Did I missed something? "What are you doing here." Seryosong tanong sakin nung Shane. Nalipat ang tingin ko sa kaniya at hindi ko mapigilang mapangisi. Seryoso siyang nakatingin sa akin na may mapanghusgang tingin. Kita ko rin ang pagtalim ng mga mata niya at ang pagdiin ng pagkakasara ng kaniyang kamao. "Oh, miss guardian angel, it's good to see you that you're okay." Pang-aasar ko na mas lalong nagpairita sa kaniya. "Mukhang wala ka rito kanina at hindi mo alam ang mga nangyari." Dagdag ko. Tila natigilan siya sa sinabi ko na para bang natauhan. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at bakas sa mukha ang pagkakaba. Mas lalo akong napangisi sa naging reaksyon niya. Inayos ko ang pagkakatayo ko at tinignan sila mabuti na natulala sa akin at nabigla sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Taas noo kong itinuro ang sarili ko. I flashed a smirk and tilted my head.  Tila namilog ang mga mata nila nang marinig ang sinabi ko. "From now on I'll be his protector." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD