Emmanuel's Point Of Views
"Hay, kapagod." Malumanay na sambit ng isang babae.
Casual na humiga si Lilith sa sofa habang iniinat ang mga kamay. Feel na feel at home siya habang nakataas pa ang dalawang paa at nakasandal ang ulo niya sa dalawa niyang mga kamay. Walang gana siyang nakapikit at humikab pa.
Para siyang nasa sarili niyang bahay at hindi sa tirahan ng taong binalak niya lang patayin kani-kanina lang. Parang hindi niya akog binalak na patayin kanina at pakiramdam niya ay welcome na welcome siya rito sa apartment ko.
Hindi maipinta ang mukha ni Shane habang nakatingin sa babaeng prenteng nakahiga sa upuan. Kita ko ang paglabas ng ugat niya sa leeg at noo sa inis at nanggagalaiti siyang saktan ang babaeng walang ganang nakahiga.
Nandito na ulit kami sa apartment ko. Nang matapos ang usupan kanina sa templo ay hinatid kami ng mga grigoris sa labas at nagulat na lang kami nang bumalik kami sa kung saan nila kami kinuha. Katulad ng ginawa nila sa amin no'ng dinala nila kami roon ay gano'n din ang ginawa nila pagbalik sa amin. It felt like they teleported us or something. Hinawakan lang nila kami sa balikat at kusa kaming napunta rito.
Hindi ko pa rin alam ang buong detalye kung bakit namin kasama ngayon si Lilith. Bigla-bigla na lag siyang sumulpot kanina nang magkasama kami ni Shane na para bang magkaibigan kami at walang nangyari.
Hindi kami makapaniwala nang binanggit niya ang mga salitang 'yon, 'From now on I'll be his protector'. Sumagi sa isipan ko ang nangyari at parang narinig ko ang boses niya.
Wala kaming balak na maniwala sa kaniya nung una ngunit kinumpirme rin ni Danya ang sinabi niya. She tolds us that Lilith is right and she is going to be my protector me from now on. Hindi niya sinabi ang mga detalye at kung anu-ano pang magpapatunay na mapagkakatiwalaan namin ang Gorgo na ito.
Ang sinabi niya lang ay siya ang pagkatiwalaan namin. Hindi namin kailanganan alamin kung ano ang nangyari at kung bakit naging nasa panig namin si Lilith. Okay lang na hindi namin siya pagkatiwalaan dahil gagawin niya lang ang tungkulin niyang protektahan ako. All we know is that she's going to protect me.
But still, she's still suspicious. I can't just trust her yet.
Desidido siyang patayin ako kanina tapos bigla na lang magbabago ang ihip ng hangin nang gano'n-gano'n na lang?
"So, we're going to your auntie's house." Biglaang kumento ni Lilith. Walang buhay na minulat niya ang mga mata niya bago tumulala sa kisame.
Nakaunan siya sa mga kamay niya at malalim ang iniisip. Napaismid na lamang ako sa kaniya at inilipat ang atensyon ko sa ibang bagay.
We're going to my auntie's house. Ito ang bilin sa amin nina Danya bago kami tuluyang umalis sa templo at binigyan niya kami ng mga paalala. Nabanggit sa amin ni Danya na mas ligtas daw kami roon. Napapalibutan ng charms at mga protection spells ang tirahan ni auntie. Doon na rin kami mananatili hanggang sa mag-eclipse.
"You don't have to come." Walang ekspresyong sambit ni Shane. Nakaupo siya sa isang silya at walang kaemo-emosyon ang mukha.
Nakapako ang tingin niya babaeng prenteng nakahiga. Mula nang makarating kami rito ay hindi nawawala ang mga tingin niya kay Lilith at lagi niya itong binabantayan. Kada kilos niya mula kanina ay may nasasabi si Shane at pilit siyang binabara.
"Oh really? So you're telling me that you can protect him on your own?" Sarkastikong sambit ng babaeng nakahiga sa sofa.
Tinapunan ni Lilith ang kaibigan ko. She flashed a smirk enough to make Shane irritated.
"Yes, I can." Taas noong sambit ni Shane.
Bumangon sa pagkakahiga ang babaeng casual na nakikipagsagutan. Hindi niya inalintana ang matatalim na tingin na binabato namin sa kaniya. Bagkus ay punong-puno siya ng kumpyansa sa sarili at tinatagilid pa ang ulo niya na para bang nang-aasar lalo.
Akala ko ay isang pang-aasar ang lalabas sa bibig niya nang bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko. Tila biglang nawala ang buhay sa mga mata ni Lilith at kita ko ang pagseryoso ng ekspresyon niya.
Her expression suddenly changed. Naramdaman ko ang pagbigat ng tensyon sa silid.
I don't know how and why but I'm seeing black smokes coming out from Lilith's body.
Sigurado akong ako lang ang nakapansin n'on dahil walang naging reaksyon si Shane at nanatili siyang masama ang tingin sa babaeng kaharap.
"You can't even protect yourself. Now you're telling me that you'll protect him?" Walang kaemo-emosyong sambit ni Lilith na nagpatahimik sa paligid.
Tila natigilan si Shane sa narinig. She bit her lower lip out of frustration. Nanatili lamang akong tahimik habang pinapanood sila. Naguguluhan ako nang makitang biglang naglaho ang itim usok na lumalabas sa katawan ni Lilith.
"Don't worry, angel. I know you don't trust me, but I have my reasons to protect him." Pag-iiba ng tono ng pananalita ni Lilith.
Prenteng sumandal si Lilith sa sandalan ng sofa.
"Still, you're a gorgo. We can't make sure if you're telling the truth or not." Giit ni Shane. Hindi nakaimik sa sinabi niya si Lilith.
The atmosphere in the room changed.
Shane was right. Kailangan naming bantayan ang babaeng kasama namin ngayon. Hindi pa rin kami sigurado sa binabalak niya. A devil is still a devil.
After all she's a gorgo, she manipulate people.
Kumurba lamang sa isang ngisi ang labi ni Lilith. Muling napunta ang tingin niya sa kisame.
"By the way, when are we going there?" Pag-iiba niya.
Huminga ako nang malalim. "Tomorrow, alam kong pagod tayong lahat kaya magpahinga na lang muna tayo." Sagot ko.
Hindi sila umangal sa sinabi ko at pareho silang sumang-ayon. Malalim akong napabuntong-hininga bago kumuha ng maiinom sa ref. Kumuha ako ng malamig na tubig atsaka sinalin ito sa isang baso at ininom.
Ang daming nangyari ngayong araw.
I didn't expect that everything will change in just a snap. I was just an ordinary guy yesterday. Then I found that I'm the child of prophecy or something. Hindi pa rin napoproseso ng utak ko ang lahat ng ito at minsan ay iniisip ko nanasisiraan na lang talaga ako at dulot lang ito ng malawak kong imahinasyon.
Napatingin ako sa babaeng walang ganang nakaupo sa sofa at ang babaeng nakaupo sa silya at matalim ang tingin sa kaniya at binabantayan ang bawat kilos at galaw niya.
Kahit isipin kong dulot lang ng imahinasyon ko ang mga nangyari ngayong araw, sapat na ebidensya sila para masabing totoo nga talaga ang mga nangyari. An angel and a devil is in front of me. Hindi ko na masasabing nasisiraan lang ako ng bait. At dahil nga rin siguro sa malawak na imahinasyon ko, hindi ako nabaliw sa mga kaganapan ngayon.
Maraming bagong mangyayari at hindi na babalik sa tahimik ang buhay ko lalo na't nalaman kong nakasalalay sa akin ang hinaharap ng mga tao, kailangan kong mag-ingat.
I was chosen for a reason.
---
Tuluyang sumapit ang araw at lumabas na ang buwan. Nagpahinga na kaming lahat. Isa lang ang kwarto ko dahil maliit lang ang apartment ko kaya pinatulog ko sa kwarto ko sina Shane at Lilith. Samantalang ako ang nahiga sa sofa.
Nung una ay umaayaw pa si shane, dapat daw malapit lang ako sa kaniya lalo na't delikado dahil may kasama pa kaming isang gorgo. Alam kong mahihirapan kaming pagkatiwalaan si Lilith pero wala na kaming magagawa dahil tungkulin na niyang protektahan ako. Sa huli ay wala rin siyang nagawa kung hindi sumang-ayon sa akin.
Nahiga ako sa sofa habang nakatingin sa kisame. Tanging ang ilaw lamang ng buwan na tumatama sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag ko.
Even tough I'm tired, I still can't sleep. Hindi ko magawang isawalang bahala ang mga nangyari ngayong araw. Kahit gusto ng pumikit ng mga mata ko ay ang dami namang tumatakbo sa isip ko at hindi ko magawang makatulog.
Napahinga na lamang ako nang malalim habang lipat ako nang lipat ng pwesto. Pilit kong pinaantok ang sarili ko at paiba-iba ako ng higa.
Nang akala ko ay makakaidlip na ako ay madali akong nabuhayan ng diwa. I heard my room's door opening...
Napalunok ako nang malalim at pilit akong pumikit para pagmukhaing tulog ako. Tila bumigat ang pakiramdam ko at nakaramdam ako bigla ng kaba.
Wala akong naramdaman na lumapit sa akin. Bagkus ay dinaanan lamang ako nito.
Naningkit ang mga mata ko habang pilit kong tinitignan kung sino ang babaeng palabas ng apartment room ko. Pilit kong inaaningan ang mukha niya para alamin kung sino siya sa dalawang babaeng kasama ko.
Natauhan ako nang buksan niya ang pinto at naaninagan siya ng ilaw ng poste sa labas. Napasinghap ako nang makilala ang babaeng nasinagan ng liwanag.
Lilith?
Kumunot ang noo ko nang makilala siya. Anong gingawa niya ng ganitong oras?
I bit my lower lip as I hesitate to follow her. Nagdadalawang isip ako kung babangon ba ako sa pagkakahiga o pipilitin na lang na matulog.
Pero sa huli ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong sinusundan siya. Alam kong malilintikan ako kay Shane kapag nalaman niya ito pero wala akong magawa. My curiosity kicked in.
Lumabas siya ng apartment room ko at bumababa sa labas. Nakabuntot lang ako sa kaniya at sinisiguro kong hindi niya ko napapansin. Buhat-buhat ko ang mga paa ko sa kada hakbang na ginagawa ko. Iniingat ko rin na magkaroon ng kahit na maliit na repleksyon ng anino para hindi niya mapansin na may sumusunod sa kaniya.
Saan naman kaya siya pupunta? Tatakas?
Naningkit ang mga mata ko at nakakunot ang noo. Maigi kong sinusuri ang mga dinadaanan namin kahit na normal na daan lang naman ito. Lagi akong nakahawak sa mga pader at nakatago. Maigi ko siyang sinisilip habang nakasunod. I feel like I'm a spy.
Malapit na kami sa gate nang matigilan ako. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at ang unang pumasok sa isip ko ay ang magtago nang mabuti.
Someone is standing above it.
Tila bumigat ang pakiramdam ko at parang naririnig ko na ang pagtibok ng puso ko. Kahit ilang metro ang layo ko sa gate ay ramdam ko ang kakaibang presensya ng nakatayo sa itaas nito. Doon ako natauhan nang tinignan ko siya mabuti
May mga pulang usok na lumalabas sa katawan niya. Bloodlust.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagsimulang manginig ang katawan ko. Pakurap-kurap ang mga mata ko habang tinitignan ang kung sino mang nakatayo sa tuktok ng gate. Parang nanghina bigla ang tuhod ko at parang kahit anong oras ay babagsak ito.
"Sabi ko na nga ba at nandito ka." Walang ganang sambit ni Lilith sa babaeng nasa itaas ng gate.
Namilog ang mga mata ko sa narinig. Napalunok ako nang malalim at hindi makapaniwalang napatingin kay Lilith. Walang gana ang itsura niya habang nakatingin sa taong nakatayo sa itaas ng gate. K-Kilala niya kung sino 'yon?
I flinched when I heard a chuckle. Agad na bumalik ang tingin sa taong nasa itaas ng gate. Kahit pigura lang niya ang nakikita ko ay nakita ko ang pagtagilid niya ng ulo niya habang nakaharap kay Lilith.
Naningkit ang mga mata ko habang humahanap ng chansang makilala siya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil madilim pero alam kong babae siya. Sumasabay sa hangin ang mahaba niyang buhok. She's also wearing a high school uniform and she's holding a huge hammer.
Hindi lang ang malaking martilyo ang nagpatakot sa presensya niya kung hindi na rin ang laki ng katawan niya. For pete's sake, halos doble ang laki ng hawak-hawak niya sa kaniya. Pero kahit gano'n pa man ay wala man lang bakas na nahihirapan siyang buhatin at galawin ito. Bagkus ay parang sobrang gaan lang ng martilyo at isang kartolina lang ang hawak-hawak niya.
Sa lahat ng kapansin-pansin na deskripsyon sa kaniya, agaw pansin din ang mga pula niyang mata.
Tila nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa sinagot niya kay Lilith. Tuluyan akong nanghina at nanlumo. Sobrang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa kaba at parang napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw.
"Did you miss me, sis?"
•••