Chapter 17: Cambions

1109 Words
Lilith's Point Of Views Mabilis ang pagtibok ng puso ko habang tumatakbo. Walang tigil ang pagtulo ng mga pawis ko at habol habol ko ang paghinga ko. Ramdam ko ang paghampas ng hangin sa balat ko at ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Napalunok ako nang malalim habang knakabahan. Nakapako ang tingin ko sa daan at mariin akong napakagat sa ibabang labi. Hindi ko mapigilang kabahan... sobrang kabahan. Mabigat ang pakiramdam ko at hindi ako pwedeng magkamali. May masamang nangyayari- Napaismid ako habang tumatakbo at nagsalubong ang dalawang kilay. It is been so long since I felt something like this. At sorbang tagal na rin mula nung... kinabahan ako... hindi para sa akin kung hindi para sa iba. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa bahay kung nasaan kami nakatuloy ngayon. Hindi nagtagal ay naabutan ko ang sarili ko sa tapat ng isang ordinaryong bahay. Sa unang tingin, walang kakaiba rito sa labas. Bagkus ay parang normal pa nga lang ito. But ordinary people can't see it... nor feel it. Pero ramdam na ramdam ko hanggang sa ilalim ng balat ko. Hindi ko mapigilang kilabutan habang tinitignan pa lang ang bahay. Malalim akong lumunok at hindi ko mapigilan ang mabigat kong pakiramdam. Naririnig ko na ang pagtibok ng puso ko dahil sa sobrang bilis nito. T-The house- was cursed. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Kahit pilit akong pinipigilan ng kutob ko na pumasok sa loob, lakas loob akong pumasok sa gate. Binati ako ng mabigat na pakiramdam at ibang atmospera nang saktong pagtapak ko sa loob ng gate. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang aura sa paligid na parang nakakapaso sa balat. Inilibot ko ang tingin ko sa loob at kita ko ang mga nagsiraan at nasisunugan na mga talisman na inilagay ng Auntie ng mortal dito sa bahay niya. Namatay ang matataba at malulusog na lupa at mga dahon. Kahit din ang mga halaman na nakatanim sa bakuran ay parang nasunog at naging abo. Hindi maipinta ang mukha ko at nakakunot ang noo ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa paligid. W-What kind of demon did this? Mabigat ang bawat paghinga ko habang unti unting humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. Mariin akong napakagat sa ibabang labi at napaismid. N-Nawala lang ako ng ilang oras- tapos ito na ang nangyari? Tila namilog ang mga mata ko at mas lalong bumigat ang paghinga ko nang may natauhan ako. H-Hindi kaya, planado 'to? S-Sinadya ba 'to ni Loki? Siya ba ang gumawa nito?! Napaismid ako bago nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Maigi kong inililibot ang tingin ko sa paligid at may hinahanap. "H-Hey! Nasaan kayo?!" Malakas na sambit ko habang tinitignan ang paligid at hinahanap sila. Umaasa akong may maririnig na pagsagot... pero tumagal lang ng ilang segundo akong natulala dahil hangin lang ang bumati sa akin at sumagot sa akin pabalik. T-Tsk- Nasaan na sila?! Nagmamadali akong pumunta sa bakuran sa likuran. Mas lalo akong nanlumo nang bumungad sa akin ang sobrang patay na lupa sa likod at ang walang buhay ng mga halaman sa paligid.  Namimilog ang mga mata ko at nakaawang nang kaunti ang bibig habang hindi makapaniwalang nakatingin sa sumalubong sa akin. W-What really happened- "Well, well. Look what we have here." Rinig kong malambing na sambit ng isang babae. "The main protagonist is here." Dagdag niya pa. "Right, right?" Pagsunod ng isang kaparehong boses pero may maliit na pagkakaiba sa kaniya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Unti unti akong napalingon kung saan nanggaling ng boses at natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatingin sa itaas ng bubong ng bahay. Kung saan sumalubong sa akin ang dalawang babae na nakakurba ang labi sa isang ngiti at ngisi habang nakapako ang malalagkit na tingin sa akin. They are both look alike. Parehong kulay pula ang mga balat nila at kita rin ang mga kaliskis nila sa katawan. Pareho ng hugis ang kanilang katawan na kaakit akit at kaagaw agaw pansin ang tig isa nilang mga sungay sa magkabilang gilid ng noo. Ang isa ay nasa kanan, habang ang isa ay nasa kaliwa. Ang tanging pinagkaiba lang nila ay ang haba ng kanilang kulay itim na buhok. Ang babaeng may sungay sa kanan ay hanggang bewang ang buhok habang ang babaeng nasa kaliwa ang sungay ay hanggang balikat lang. Both of their eyes are glowing in yellow. Unti unting napaawang ang bibig ko nang matauhan ako kung ano sila. They are twins- Cambion twins. May maliit na pagkakapareho ang cambion sa mga nephilims. Dahil pareho silang bunga ng mortal at immortal... ang pinagkaiba nga lang, ang mga nephilims ay maaring maging bunga ng iba't ibang nilalang sa tao katulad ng mga bampira, cyclops, o iba pa. Samantalang ang mga cambions... bunga lamang sila ng mga mortal... at kahit anong klase ng... demonyo. Kahit maliit ang pagkakaiba ng dalawa, malaking pagitan naman ang pinagkaiba nila sa lakas at ranggo pagdating sa impyerno. Because if nephilims are the lowest out of the low. Cambions... can even be greater than a royal depending on who's duke they're serving for. Dahil kadalasan, mga matataas na ranggo ng mga gorgo o demonyo ang ama o ina nila mula sa isang mortal. Kaya pagdating din sa lakas, kaya nila akong pantayan... o higitan. "Lady Lilith, this is the first time we've met you." Salubong sa akin ng cambion na mahaba ang buhok. "So let us show our respects by introducing ourselves." Nakangiting dagdag ng kakambal niya. Malalagkit ang mga tingin nila sa akin na may sarkastikong ngiti sa labi na para bang minamaliit ako. Mariin akong napagakat sa ibabang labi at napaismid. Naging alerto ako at matalim ko silang tinignan. Naunang magpakilala sa akin ang cambion na may sungay sa kanan niyang noo at hanggang bewang ang buhok. "I'm Rosa, Lady Lilith." Pagpapakilala niya na para bang prinsesa. Yumuko pa siya sa akin bilang paggalang na may mapanliit na tingin at ngiti sa labi. "And I'm Santina, at your service." Sunod na pagpapakilala ng kakambal niyang may sungay sa kaliwang bahagi ng noo at hanggang balikat ang buhok. Napaismid ako sa narinig habang nanatiling alerto at matalim ang tingin sa kanila. Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko at walang kaemo-emosyon ko silang tinignan. "At anong ginagawa niyo rito." Malamig at may diin na sambit ko. Tinitignan nila 'ko na para bang mas mababa ang posisyon ko kaysa sa kanilang dalawa. Tila nakaramdam ako ng pagbigat na pakiramdam sa magkasunod nilang sinabi at nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Bumigat ang pakiramdam ko at hindi ko mapigilang kabahan. "Because you're time is up." Panimula ni Rosa. "The Duke already asked for your head." Dagdag ni Santina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD