Rankings and Abilities

500 Words
Angels- Sila ang mga taga bantay sa kalangitan, o tinuturing bilang katulong ng Diyos sa pagpapayapa ng mundo ng mga mortal at itama ang mga maaring mali nilang gawa. Every angels has the ability to control any kind of element. Such as earth, water, fire, and wind. Kung ano ang kulay ng kanilang kamay kapag ginagamit ang mga kakayahan nila, 'yon ang klase ng kapangyarihan na meron sila. Kinds of Angels so far: Grigoris (Also known as watchers of God)- Kumabaga sa mga mortal, mga pulis o sundalo. Sila ang kadalasang nasa front line kapag nagkakaroon ng digmaan o labanan. Sila ang lamang in physical attributes. Sila rin ang nagpaparusa sa mga immortal o mga nilalang na nagkakasala sa mundo ng mga mortal o may sinusuway sa batas. Judges (Also known as the right hand of God in making decisions)- Sila ang mga anghel na ang tungkulin ay nasa templo lamang o nasa langit. Katulong sila ng Diyos sa paggawa ng mga desisyon o ang paghatol sa mga makakasalanang nilalang o immortal. Messengers (Also known as couriers)- Ang mga anghel na ang trabaho ay ang pagbigay ng mga literal na sulat o mga salita at mga balita. Sila ang kadalasang nagbibigay ng mga impormasyon sa mga immortal tungkol sa mga salita ng Diyos o sa mga bagay na pinagdedesisyunan ng mga anghel sa templo. Guardians (Also known as protectors)- Ang mga anghel na nagtatrabaho sa mundo ng mga mortal bilang taga protekta nila. Sila ang mga patagong nagliligtas sa mga buhay ng mga mortal sa oras ng kapahamakan at nilalayo sila sa mga delikadong bagay. In the day you were born, you already have one on your own. Devils/ Gorgos- Mga nilalang na makikilatis sa kulay ng mga mata nilang kulay pula, at ang mga sungay nila sa noo. Mga nilalang na gagawin ang lahat para lang mapahamak ang mga mortal o mga tao. Kilalang pinaka delikado sa lahat. Dukes- Mga kilala bilang mga 'leader' o hari sa iba't ibang lugar sa impyerno. Namumuno ng isang kaharian sa impyerno o mga lugar katulad ng Abaddon. Royals- Mga gorgo na may dugong bughaw o anak ng isang duke. May mga kakayahan na hihigit sa isang ordinaryong gorgo o maski sa isang anghel. Nephilims- Mga nilalang na bunga ng pagkakasala ng isang mortal at immortal. Pinaka mababang ranggo sa impyerno at tinuturing alipin lamang o kapag walang kwenta, isang basura. Kilala bilang seven deadly sins ng mga mortal sa mundo ng mga tao. Kadalasang naninilbihan sa mga royal gorgos o mga demonyong may mga dugong bughaw. Cambions- Mga nilalang na bunga ng pagkakasala ng isang mortal at ng isang demonyo. Maaring maging royal o higit pa dahil sa pagkakaroon ng dugong pagka demonyo. May mga kakayahan na hihigit sa isang nephilim at minsan, sa isang royal mismo. Fallen angel- Isang makasalanang anghel na pinatapon sa langit. Isang anghel na putol o walang pakpak. Isang anghel na tinanggalan ng trabaho at kakayahan ng kalangitan. Walang tirahan at pinagbabawal sa tumapak sa kalangitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD