Chapter 18: She's a royal

1805 Words
Lilith's Point Of Views Unti unting namilog ang mga mata ko sa narinig. Napalunok ako nang malalim at napaatras nang kaunti. Pasimple akong napaismid at humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. Tila paulit ulit na nag echo sa utak ko ang mga sinabi nila sa akin. T-The duke already asked for my head? A-Anong ibig nilang sabihin? Na pinapahanap na 'ko ni ama at pinapapatay? N-Nagsimula na ba silang kumilos para hanapin ako at parusahan? D-Dahil sa katraydurang ginawa ko sa kanila? Inaasahan ko na 'yon... ang paghahanap sa akin para patayin ako dahil sa ginawa kong katrayduran. Inaasahan ko na ang pagpatay sa akin- P-Pero... Mariin akong napakagat sa ibabang ngipin nang tapunan ko ng tingin ang demonyong kambal na nasa bubong ng bahay at nasa itaas ko. Nakakurba ang mga labi nila sa isang ngisi habang malalagkit ang tingin sa akin. Inaasahan ko naa ng pagpatay sa akin... Pero hindi ng mga ganitong klase ng gorgo! Napaismid ako bago ko maramdaman ang pagbabago ng kanan kong kamay. Sa isang iglap, ang kamay kong may laman ay naging purong bato mula sa balat hanggang sa buto. Hindi ako nagdalawang isip at nag aksaya ng oras at agad kong sinapak ang pader ng bahay na kaharap ko, dahilan ng pag guho nito at pag sibagsakan ng iilang mga bato. Dahilan din ng pag uga ng bubong at pagsibabaan ng dalawang kambal na cambions. Mahigpit ang pagkakasara ng kamao ko habang walang buhay ang mga mata ko nang tinapunan ko sila ng tingin. Pareho nilang hindi inaasahan ang biglaang pag atake ko. Pero kahit gano'n pa man, nakakurba pa rin ang mga labi nila sa isang ngisi habang walang takot silang nakatingin sa akin. "So... you're telling me... na nandito kayo para sundin ang inutos ng duke?" Malalim at malamig kong tanong. Nanatiling walang buhay ang mga mata ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Naramdaman ko ang paghampas ng makapal at nakaka suffocate na hangin sa aking balat. Dulot na rin siguro ng ibang klase ng atmospera rito sa loob ng bahay at ang mabigat na tensyon na nasa paligid lang. Parehong lumawak ang ngisi ng dalawang kambal bago sila magkatinginan sa isa't isa na para bang nagbibigay ng signal. Tumango ang naunang kambal sa tinanong ko, si Rosa, at iniligay ang kamay niya sa kanang bewang at tinagilid ang ulo habang tinitignan ako na para akong isang batang inaasar niya. "Yeah! Very good! Right, Santina?" Masiglang sambit niya at nakangiting humarap sa kambal. "Yes, Rosa!" Masiglang sagot din ng kakambal niya. Tumalim ang tingin ko sa kanila at napaismid. Mabilis na nagdikit ang kilay ko dahil sa pagiging masigla nila sa kabila ng tensyon sa paligid at sa ekspresyon ko. Para bang wala silang takot sa akin. Para bang minamaliit lang nila akong dalawa! "Rosa and I, are here to bring your head to the Duke, Miss Lilith!" Puno ng enerhiya pang pagdagdag ni Santina habang nakangiti at pumapalakpak. Unti unti akong napayuko sa paraan na hindi nila nakikita ang ekspresyon habang nanatili silang nagsisiyahan at nagagawa pang pumalakpak. Dahan dahang humigpit ang pagkakasara ng kamay kong gawa na ngayon sa bato. Unti unti ko na ring nararamdaman ang pagbabago ng katawan ko. Nagsimulang tumulis at humaba ang magkabila kong tenga, nagiging matalas ang pandinig at pakiramdam ko sa paligid. Lumabas na rin ang buntot ko sa likuran. Kusang lumalabas na ang dila kong putol sa dulo na para bang ahas. Nakaramdam ako ng kirot habang nararamdaman ko ang dahan dahang paglabas ng putol na sungay ko sa noo, kasunod nito ay ang panlalabo ng kanan kong mata nang tuluyan itong lamunin ng anino. "Yey! We're going to kill Lady Lilith!" Masiglang sambit ni Rosa sa kakambal niya habang pumapalakpak, ni hindi man lang napansin ang biglaang pagbabago ng ekspresyon at ng presensyang lumalabas sa akin. "Yes! Father is going to be proud-" Masigla ring kumento ni Santina nang bigla na lang siyang natigilan. Parang bumagal ang pagtakbo ng oras. Unti unti kong naramdaman ang paghampas sa akin ng hangin nang parang sumabay rito sa pag galaw ang katawan ko. Mabagal ang pagtakbo ng oras sa akin habang unti unting bumabaon ang kanan kong kamay na gawa sa bato sa pisngi ng demonyong babaeng kaharap ko. Sa isang iglap, napunta ako sa harapan ni Santina at sinapak siya dahilan ng pagtigil niya sa pagsaya at pakikipag usap sa kakambal niyang si Rosa. "What makes you think... that you can kill me?" Malamig at malalim na sambit ko habang bumabaon ang kamay kong gawa sa bato sa pisngi ni Santina. Bumagal ang oras habang sinasapak ko siya, at kusa na lang itong bumilis at bumalik sa dating pagtakbo nang sa isang iglap, tumilapon sa loob ng sira sirang bahay si Santina. Rinig ang pagtama ng katawan niya sa mga simento ng bahay at ang pagsira rin ng iilang mga kisame at mga kagamitan sa loob. Kita ko ang unti unting pagmilog ng mga mata ng kakambal niyang si Rosa na hindi rin naproseso ng utak niya ang bilis ng pangyayari. From being energetic and conceited, her expression changed into something that is even hard to describe real quick. Hindi maipinta ang mukha niya nang makita ang pagtilapon ng kakambal niyang si Santina. Para bang namatayan na sila bigla bigla at nasimula siyang manlumo at mapuno ng galit nang sabay. "SANTINA!" Punong puno ng emosyon niyang sambit nang makita ang pagtilapon ng kapatid na kambal. Nanginginig ang mga kamay niya at nanggagalaiti siya bago unti unting mapatingin sa direksyon ko. Kung nakakapatay lang ang mga tingin ay paniguradong napatay na niya 'ko dahil doon. Nanginginig ang mga kamay niya sa sobrang galit at halos magdugo na ang labi at mga ngipin niya dahil sa diin ng pagkakakagat niya rito. Bilog na bilog at mulat na mulat ang mga mata niya habang tinitignan ako. "I-IKAW-" Nanggagalaiti niyang sambit habang nakatingin sa akin. Sa kabilang banda, binalik ko an mga tingin niya gamit ang walang gana kong tingin at walang buhay kong mga mata. Para bang wala akong kainte interes sa inaakto niya ngayon sa harapan ko. Unti unting bumigat ang paghinga niya at nararamdaman ko ang pabigat na pabigat na tensyon sa pagitan naming dalawa. Sa sobrang bigat ng paghinga niya ay kahit ako ay nagsisimula na ring marinig ito. Wala pa ring tigil ang panginginig ng mga kamay niya dahil sa galit habang nakatingin sa akin. "P-PAPATAYIN KITA!" Sobrang lakas niyang sigaw dahilan ng pagsiliparan ng iilang mga uwak na nasa mga patay na ngayong mga puno at naka palibot sa bahay. Mabigat ang bawat paghinga ni Santina at unti unti ko na ring nakikita ang mga usok na nagsisilibasan sa bibig niya habang humihinga siya. "Papatayin kita. Papatayin kita." Paulit ulit niyang sambit habang nakayuko. Hinanda ko na ang sarili ko at naging alerto na 'ko nang makita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya habang nakayuko. Pabigat nang pabigat ang tensyon sa pagitan naming dalawa at kita ko na rin ang paitim nang paitim na atmospera na nabubuo sa paligid niya. Tumalim ang tingin ko habang seryoso akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko inaasahan na sobra sobra ang magiging reaksyon niya sa oras na sinaktan ko ang kakambal niyang si Santina. But I don't care though. Kahit sino pa ang unahin ko sa kanilang dalawa, sisiguraduhin kong susunod ang isa. "Y-YOU F BIACH!" Lumabas ang matutulis na pangil ni Rosa nang sa isang aglap, umamba siyang susugod sa akin. Mabilis akong naging alerto at hinanda ko ang sarili ko sa pagsugod niya. Naramdaman ko ang paghampas ng malakas na hangin at ang pagbigat ng tensyon sa paligid sa pagsugod niya sa akin. Pero tila mabilis na nagbago ang ihip ng hangin. Hindi pa niya nagagawang makalapit sa akin ay parehong kaming natigilan sa biglaang paghinto niya sa ere. Unti unting namilog at napaawang nang kaunti ang bibig ko sa nangyari. Hindi ko inaasahan ang biglaang pagbabago ng pangyayari. Natauhan na lamang ako nang unti unting humiwalay sa dalawa ang katawan ni Rosa. Parang bumagal muli ang pagtakbo ng oras habang hindi maipinta ang mukha niya na nakahati na ngayon sa dalawa. Napakurap kurap ako sa nangyari at natauhan na lang ako nang makita ang isang pamilyar na tao sa likuran niya. Dahilan ng paghati ng katawan ni Rosa sa dalawa, ang taong gumawa n'on. Tuluyan ng umawang ang bibig ko at hindi ako makapaniwalang napatingin sa pamilyar na babae na may hawak hawak na isang sibat na may nakapaikot na agimat at may mga nakadikit na mga talisman. Kunot noo akong napatingin sa Auntie ng mortal. "I-Ikaw-" Hindi makapaniwalang sambit sa kaniya. Namimilog ang mga mata ko habang nakakunot ang noo. A-Anong ginagawa niya rito?! Akala ko ba ay wala sila?! Mabilis kong inilibot ang tingin sa magkabilang gilid niya para malaman kung kasama niya ba ang mortal at ang anghel na laging nakasunod dito pero nabigo ako. Walang kahit sinong sumalubong sa akin na kasama niya, wala rin akong maramdamang iba pang presensya maliban sa aming dalawa ngayon. "A-Anong ginagawa mo rito?!" Naguguluhan kong tanong sa babaeng kaharap ko. Punong puno rin siya ng sugat at sira sira ang iilang tela ng damit habang hawak hawak ang sibat. Tinignan niya ang katawan ni Rosa na hati na sa dalawa at unti unti ng nalalagas, hudyat na nagawa niya itong patayin. "Tsk, bwisit! Mali ang pagkakahula ko!" Iritadong sambit ng Auntie ng mortal. Kita ko ang paghigpit ng pagkaka hawak niya sa sibat at ang mariin niyang pagkakagat sa ibabang labi. Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya at mas lalong kumunot ang noo ko. "T-Teka lang, anong ibig mong sabihin-" Muling tanong ko nang matigilan ako. Tila sumeryoso ang ekspresyon ng babaeng kaharap ko nang tapunan niya 'ko ng tingin. "Wala na tayong oras." Seryoso niyang sambit na bigla na lamang nagpabigat ng pakiramdam ko. "Tsaka na muna ang mga tanong mo." Seryosong sambit ng Auntie ng mortal. "Ang masasabi ko lang ngayon..." Dagdag niya bago siya mapalunok nang malalim. "Hindi kung sino man ang iniisip mo ang may pakana nito." Muling sambit niya na kinatigil ko. Para bang nababasa niya ang iniisip ko kani kanina lang. Ang iniisip kong may pakana nito... ay walang iba kung hindi si Loki na nahihirapan akong pagdudahan. K-Kung hindi nga siya, sino? Para bang bumagal ang pagtakbo ng oras nang maramdaman ko ang pagtama ng hangin sa balat ko. Unti unting namilog ang mga mata ko nang marinig ko ang sunod na sinabi ng auntie ng mortal sa akin. Ang tao- hindi- Ang demonyong nasa likod ng lahat nito. Ang may pakana ng mga nangyayari ngayon at ang demonyong nakasunod ngayon daw sa mortal. "Ang babaeng demonyo... ang isa sa mga royals na tinitingala at nirerespeto sa impyerno." Malamig at seryosong sambit ng babaeng kaharap ko. "Ang babaeng kayang kumontrol ng mga insekto... isa sa mga kapatid mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD