Chapter 19: Food

1116 Words
Em's Point Of Views Huminga ako nang malalim habang may hawak hawak na baso na may laman na tubig. Malapit na kaming kumain ng tanghalian na hinahanda ni Auntie. Hinihintay na lang namin siyang matapos ni Shane.  Pasimple akong napaismid nang maalala ko ang inakto ni Lilith kanina. Nagmamadali siyang tumakbo na lang sa labas nang hindi man lang nagsasabi ng kung anong dahilan o nagpapaalam. Tsk, what's her problem? Hindi maipinta ang mukha ko bago ko inumin ang tubig na nasa loob ng baso. Iniling ko na lang ang ulo at pilit na isiniwalang bahala ang iniisip ko. Hindi ko dapat iniintindi ang babaeng 'yon at isipin ang mga bagay na ginagawa niya. Wala ng bago sa mga inaakto niyang gano'n, bagkus ay dapat ko na 'yong asahan pa mula sa kaniya. After all, she's a gorgo. Wala sa bokabularyo niya ang mga bagay na 'pagpapaalam' o kahit anong bagay na may koneksyon sa respeto. Pumunta ako sa kusina para hugasan ang pinag inuman ko sa lababo. Ramdam ko ang repleksyon ng liwanag na nanggagaling sa araw mula sa bintana na nasa tapat ng lababo.. Nanatili akong naghuhugas ng pinggan nang maramdaman ko ang unti unting pagbabago ng kulay ng repleksyon ng liwanag na tumatama sa akin. Dahan dahan akong natigilan nang matauhan ako sa biglaang pagbabago ng kulay nito. Marahan kong binitawan ang basong hinuhugasan ko at kunot noo akong napasilip sa labas. Tila natigilan ako sa bumungad sa akin. I don't know what suddenly happened, but the atmosphere suddenly changed. Napalunok ako nang malalim habang nakatingin ako sa kulay na pula na nasa kalangitan at ang nabubuo rito ang isang pigura... katulad ng mga nakikita ko noon. Napakurap kurap ako habang tinitignan ang unti unting pigura na nabubuo... the last time I saw the figure in the sky, it was shape as a horn. N-Ngayon... ang pigura na nasa kalangitan... ay... isang alupihan? Ilang segundo rin akong natulala sa langit habang malalim ang iniisip. Natauhan na lang ako nang makaramdam ako ng paghawak sa magkabilang balikat ko. Mabilis akong bumalik sa katinuan at napatingin sa babaeng nasa likod ko na nakataas ang dalawang kilay habang nakakurba ang labi sa isang ngiti. "Huy, kain na." Natatawang pag aya sa akin ni Shane. Napakurap kurap muna ako bago pilit na tumawa at tumango. "A-Ah, sige. Wait, sunod ako." Sagot ko habang pilit na tumatawa. Tinaas lang ni Shane ang dalawang kilay niya at ngumiti bilang sagot sa akin bago maunang pumunta sa lamesa. Napalunok ako nang malalim bago muling mapatingin sa kalangitan na nanatiling nag iiba ang kulay. Mariin akong napahawak sa lababo habang tinitignan 'to. Ang huling beses na nakakita ako ng ganito... hindi maganda ang nangyari. Sana... sana hindi gano'n ang mangyari ngayon. Huminga ako nang malalim bago punasan ng towel ang mga basa kong kamay bago sumunod kina Shane sa hapag kainan. Pilit kong walang ialala ang pagbabago ng kulay ng liwanag sa langit at ang pagbuo rito ng kakaibang pigura. Naabutan kong naghahain sa lamesa si Shane at naglalagay na ng ulam si Auntie. Agad na sinalubong ako ni Auntie ng isang ngiti nang makita niya 'ko. "Oh, Em, tara kain na!" Pag aya niya sa akin habang naglalagay ng pagkain sa lamesa. Isang ngiti ang sinagot ko sa kaniya at tango bago umupo sa isang bakanteng upuan. Hindi rin nagtagal ay sumunod sila sa pag-upo sa akin at sabay sabay kaming nag ayos at nag handa para magdasal. Ipinikit ko ang mga mata ko habang sinimulan ni Auntie ang pagdadasal. Kapwa ko ay 'yon din ang mga ginawa nila. Sabay sabay kaming ang sign of the cross. "In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen." Panimula ni Auntie. "Our Father... Lord God, Heavenly Father, bless us and these Thy gifts which we receive from Thy bountiful goodness, through Jesus Christ, our Lord. The eyes of all look to you, O Lord, and you give them their food at the proper time... Amen." Pagdadasal niya. Sabay sabay naming tinapos ang dasal at nag sign of the cross bago magsimulang kumain. "Oh, mukhang masarap 'yang luto mo, Auntie ah." Nakangiting kumento ni Shane habang nakatingin sa ulam na niluto ni Auntie. Pare-pareho kaming napangiti sa sinabi niya, lalo na si auntie na naglalagay na ng ulam sa mga plato namin. "Aba, masarap talaga." Natatawang sagot niya na kinatawa rin namin. Nakikitawa lamang ako sa kanila bago mapunta ang tingin ko sa pagkain na nasa harapan ko. Nilalagyan na ni Auntie ng ulam ang plato ni Shane habang nanatili akong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit... pero parang bumigat bigla ang pakiramdam ko at wala sa sarili akong napalunok nang malalim. "Oh, kain na!" Pag aya ni Shane nang malagyan na ng ulam ang pagkain niya. Pilit akong ngumiti sa sinabi niya at napa kurap kurap bago hawakan ang kutsara ko. Marahan ang pagkakahawak ko sa kutsara bago ako magsandok ng ulam at kanin.  Hindi ko alam kung bakit hindi mawala ang tingin ko sa ulam habang unti unting isinusubo ito. Basta... bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko sa hindi ko malamang dahilan... Pinilit kong isiniwalang bahala ang iniisip ko at lumunok na lang ako nang malalim bago ipasok ang pagkain sa bibig ko. Pero bago ko pa 'to tuluyang masubo, namilog ang mga mata ko nang bigla na lang may humawak sa kutsara. Namimilog ang mga mata ko habang nakaawang nang kaunti ang bibig at hindi makapaniwalang napatingin ako sa babaeng humawak sa kutasara na nasa tapat na mismo ng bibig ko. Sumalubong sa akin ang walang ekspresyon na mukha ni Aunti na nakatayo na ngayon sa gilid ko. Tila biglang nagbago ang ihip ng hangin at kung kanina ay nagtatawanan kami ay bigla na lamang naging seryoso ang ekspresyon niya. Kapwa ko ay natigilan din si Shane sa pagsubo na nabigla rin sa pangyayari. Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang mga nangyari at unti unti na lang akong nanlumo nang dukutin ni auntie ang nasa kutsara ko... hindi ang ulam, kung hindi ang kanin mismo na purong puti. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ang unti unting pagbabago ng isang butil ng kanin sa isang maliit na alupihan. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan at parang umatras ang sikmura ko. Nanatiling walang eksrpresyon at walang kaemo-emosyon si auntie sa gilid ko habang hawak hawaka ng maliit na alupihan. Kita ko ang pagdiin ng pagkakagat niya sa ngipin at ang pag igting ng bagang niya dahil sa galit. Walang pag aalinlangan niyang pinisit ang maliit na alupihan gamit ang daliri. Walang buhay ang mga mata niya nang malamig siyang nagsalita. "Mukhang hindi muna tayo makakakain ngayon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD