Em's Point Of Views
"Mukhang hindi muna tayo makakakain ngayon."
Malamig at may tono ng inis ang boses ni Auntie. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ko habang nanatiling nakapisit ang hinlalaki at hintuturo.
Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang mga nangyari. I stared at her, dumbfounded. Nakaawang nang kaunti ang bibig ko at napakurap kurap ako ng ilang segundo. Ilang segundo rin ang nag tagal bago unti unting namilog ang mga mata ko. Bumalik ako sa katinuan nang matauhan ako at walang pag aalinlangan kong nabitawan ang hawak hawak kong kutsara.
Tila ba parang kusang gumalaw ang kamay ko at napabitaw ako rito. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanin habang nakakunot ang noo at namimilog ang mga mata. Maski si Shane na nabigla at walang kaalam alam din sa mga nangyayari ay ang pag bitaw sa kutsara ang unang ginawa.
Nanlulumo ako at hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin sa pagkaain na nasa plato na nakahain sa lamesa. Unti unting nagsigalawan ang bawat butil ng purong puting kanin. Nagkaroon sila ng maliliit na mga kamay at mga paa... naging isang alupihan.
Wala sa sarili akong napatayo kaagad habang nakapako ang tingin dito. Parang masusuka ako nang tumagilid ang sikmura ko habang hindi maipintang ang mukhang nakatingin sa kanin.
A-Anong nangyari?! Bakit naging ganiyang ang kanin?!
"T-Tsk! I let my guard down!" Iritadong sambit ni Shane na kapwa ko ay hindi maipinta ang mukhang nakatingin sa pagkain. Nag iigting ang bagang niya at kita ko ang pag diin ng pagkakasara ng kamao niya. "H-Hindi ko inakala na pwede nilang gawin 'to!" Dagdag niya pa.
Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Para bang natuyo ang lalamunan ko at naubusan ako ng mga salitang pwedeng bigkasin. Hindi mawala sa isip ko na... akma ko ng ipapasok sa bibig ko ang mga 'yon-
"Freaking bugs." May diing sambit ni Auntie. Walang buhay ang mga mata niya na para bang nakatingin sa kawalan at nanggigil. Ang mga daliri niya ay nakasara na lahat ngayon at mariing humigpit ang pagkakasara ng kamao niya. "A-Anong karapatan nilang dumihan mismo ang pagkaing biniyaya ng Diyos?! Mag dumi sa mismong bahay ko?!" Mariin niyang sambit.
Naramdaman ko ang pag echo ng boses niya sa silid at kaunting umuga ang lupa. Napalunok ako nang malalim habang nanggagalaiti si Auntie. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya... ngayon ko lang nakita ang ekspreyon niyang ganito... she is so mad-
Pare-pareho kaming natigilan nang pare-parehong naagaw ang mga atensyon namin. Sabay sabay na napunta ang mga tingin namin sa direksyon sa labas ng bahay dahil sa biglaang pag tunog ng nagsisigalawang mga kahoy na para bang galing sa puno.
Tila napaatras ako nang kaunti at naging alerto dahil dito. Sa isang iglip din, si Shane na kaharap ko kanina sa kabilang direkyon ng lamesa, ay napunta sa gilid ko na para bang pinoprotektahan ako.
Naningkit ang mga mata ko habang pinakikiramdaman ang paligid. Maliban sa mga naririnig namin sa labas, parang wala pa ring nagbabago sa paligid at sa loob ng bahay. Hindi nagbabago ang atmospera, wala ring pagbabago sa kulay ng repleksyon ng sinag ng araw na tumatama sa mga bintana namin.
Everything... looks normal. Walang ano mang nagbago... pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Napalunok ako nang malalim habang mabigat ang bawat paghinga ko. Hindi ko alam kung bakit... pero hindi ako mapakali. Hindi ko mapigilan ang sarili kong wag kabahan. Sa kabila ng payapa or mukha normal na pagtakbo ng paligid.
Walang tigil ang pag bilis at pag lakas ng pag t***k ng puso ko. Sa sobrang bilis nito ay naririnig ko na ang pag t***k nito sa dibdib ko. Ramdam ko na rin ang bawat pag t***k nito.
Nagsimula akong pagpawisan... hindi- hindi ko mapigilang hindi kabahanan-
"Lady Lilith! Lady Lilith!" Malakas na pag sigaw ng dalawang boses na nanggaling sa labas.
Para akong biglang pinag bagsakan ng kung anong mabigat na bagay sa mag kabilang balikat ko. Agad na bumigat ang pakiramdam ko sa narinig. Pare-pareho kaming natigilan nina Auntie at Shane at pare-pareho rin kaming naging alerto.
Pero kahit ipakita ko ang pagiging alerto ko sa paligid, hindi ko pa rin maipagkakaila ang kaba na nararamdaman ko. Malamig ang mga pawis na patuloy sa pag sisibagsakan sa noo ko.
Mabigat ang paghinga ko nang mapunta ang tingin ko sa pintuan na konektado sa harapan ng bahay. Napalunok ako nang malalim at napakurap kurap.
"We're here to kill you-" Muling sambit ng isang boses nang hindi niya ito naituloy. "Shhh!" Pag singit ng isa pang boses na kinahinto ng isa.
Parang iisang boses lang sila kung tutuusin, pero magkaiba lang ng tono ang kanilang pananalita. Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi nang mag dikit ang dalawang kilay ko.
T-They just called out Lilith... ang ibig sabihin lang n'on... isa silang-
"Gorgos." Malamig at malalim na sambit ni Auntie.
Kapwa namin ni Shane ay alerto rin siya at matalim ang tingin niya sa pintuan na konektado sa labas ng bahay. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang kumpirmihin niya ang nasa isipan ko. Natuyo ang lalamunan ko at hindi ko magawang magsalita. Kinakabahan akong napatingin sa direksyon ni Auntie na nanatiling may seryosong ekspresyon.
"P-Pero- paano nila tayo natunton?! How did they found us?! Napupuno ng talisman ang bahay mo, auntie!" Naguguluhan at hindi makapaniwalang mahinang sambit ni Shane na kapwa ko ay bakas ang pagkakakaba sa mukha. Kita sa mga mata niya ang pagkakakaba at takot.
"Tsk, pests." Maikling reaksyon ni Auntie at napaismid siya.
Pare-pareho kaming napako sa mga kintatayuan namin habang naghihintay ng susunod na mangyayari. Minabuti naming maging maingat at pakiramdaman nang mabuti ang paligid. Akmang magsasalita sana ako nang bigla na lamang bumigat ulit ang pakiramdam ko.
"Lady Lilith! Are you going to come out... or we are going inside instead?" Muling sambit ng boses sa labas ng bahay.
Namilog ang mga mata ko sa narinig at tila nagkaroon ng tensyon sa silid na kung nasaan kami. Pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko habang nararamdaman ko ang paglakas ng pag t***k ng puso ko.
"We are going to wait for you in 10..." Sambit ng pangalawang boses sa labas. Tila mas lalong bumilis ang pag t***k ng puso ko nang nagsimula silang magbilang paatras at nasasalit salitan pa silang dalawa.
Rinig ko ang pag ismid ni Auntie. Kita ko ang pag higpit ng pagkakasara ng kamao niya at ang pag igting ng bagang niya dahil sa inis.
"Looks like we have no choice." Malamig niyang sambit na nakakuha ng parehong atensyon naming dalawa ni Shane. "You two, lumabas kayo sa likurang bakuran ng bahay." Ma awtoridad na sambit ni Auntie at tinapunan niya kami ng tingin ng kaibigan ko.
Agad na kumunot ang noo ko sa narinig at hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. "H-Huh? Bakit ka naman po namin iiwan-" Naguguluhang giit ko.
"Tsk, hindi pwedeng kasama ako dahil paniguradong susunod sila sa atin-" Mariing sagot ni Auntie nang matigilan siya. Mas lalo pang nilakasan ng dalawang babae sa labas ng bahay ang pag bibilang paatras.
"6... 5..." Mabagal at malakas na pag bibilang nila.
Rinig ko ang pag ismid ni Auntie na bakas sa mukha ang pagka inis bago mariin kaming tinignan ni Shane. Natigilan ako nang maramdaman ko ang marahang pag hawak niya sa magkabilang balikat ko at seryoso akong tinignan.
"Look, sa dulo ng bayan na 'to, merong isang templo." Mabilis pero malinaw niyang sambit. "Alam kong hindi pwedeng mag tagal ang mga mortal doon, pero kailangan mong pumunta muna roon pansamantala." Seryosong dagdag niya.
Hindi kaagad ako nakakibo at napakurap kurap ako habang nakatingin kay Auntie. Natauhan na lang ako nang maramdaman ko ang marahang pag hawak niya sa ulo ko at ang pag lapit niya sa akin para marahan akong yakapin.
"Do not worry, em, the child of God." Punong puno ng pagpapakalma ang boses niya habang niyayakap niya 'ko nang marahan. "You will be safe... she will make sure you are safe." Muling pag papagaan ng loob ni Auntie sa akin bago niya alisin ang pag kakayakap niya sa akin.
Muli niya akong tinignan nang mabuti. "Go to the temple, and look for Vali, he knows what to do." Huling sambit niya sa akin bago bitawan ang magkabilang balikat ko.
"4... 3..." Pagpapatuloy ng dalawang babae sa labas na sobrang bagal ang pagbibilang na para bang nananadya. Huminga nang malalim si Auntie bago mapunta ang tingin niya sa direksyon kung nasaan nanggagaling ang mga boses sa labas ng bahay.
Tumayo siya nang maayos at inayos niya ang postura niya. Nanatili pa rin akong nakapako sa kintatayuan ko na tulala at hindi makapagsalita. Hindi pa napoproseso ng utak ko ang mga salitang binitawan ni Auntie sa akin.
Natauhan na lang ako nang mag salita siya ulit nang hindi kami nililingon ni Shane.
"I will entrust everything to you, Shamira." Sambit niya kay Shane. Kahit na alam ni Shane na hindi kami nakikita ni Auntie ay desisido siyang tumango rito na para bang magkakaharap kami.
Natauhan ako sa inakto niya at doon ako bumalik sa katinuan. Napakurap kurap ako at napatingin kay Auntie na ngayon ay nakatalikod na sa amin.
"T-Teka lang-" Pag pigil ko nang sumingit si Auntie sa pagsasalita.
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita ko ang paglingon sa akin ni Auntie na may ngiti sa labi habang nanatiling nakaharap siya sa kabilang direksyon. Natigilan ako nang makita ang nangungusap niyang mga mata. Natulala ako ng ilang segundo nang mapansin ko ang kulay ng usok na biglaang nag sisilabasan sa katawan ng tita ko.
Ang mga usok na nakikita ko paminsan minsan... at ang kulay nito... ay dilaw.
Auntie flashed a smile. "Go now, Em. I promise, susunod ako." Nakangiti niyang sambit.
Hindi ko alam kung bakit. Sa kabila ng mga nangyayari ngayon, sa kabila ng mabibigat na paghinga ko at mabigat na pakiramdam, sa kabila ng kabang nararamdaman ko... hindi ko mapigilan ang pag sunod. Tila ba wala sa sarili akong tumango sa sinabi niya.
Hindi ko alam... pero walang pumipigil sa akin ngayon, na hindi mag tiwala kay Auntie.
Napakagat ako sa ibabang labi ko bago unti unting tumango. Parang bumagal ang pag takbo ng oras nang maramdaman ko ang pag hawak ni Shane sa braso ko para hilahin ako paalis. Habang nagpapahila kay Shane ay hindi mawala ang tingin ko kay Auntie na nanatiling nakakurba ang labi at pinapanood kaming umalis na para bang sinisigurado na magagawa naming makatakas.
Nanatiling gano'n ang pag takbo ng oras hanggang sa maramdaman ko ang pag tama ng sinag ng araw sa likuran ko, hudyat na nahila na 'ko papalabas ng bahay ni Shane. Saktong pag labas naming dalawa ay ang pag karinig ko ng malakas na pag sabog at pagsi bagsakan ng malalaking bato sa harapan ng bahay. Hudyat na tapos na sa pagbibilang ang dalawang babae na nasa labas ng bahay kanina at nag hihintay na makapasok sa loob.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi at napaismid. Tila bigla na lang nagbago ang desisyon ko dahil sa pagkarinig ng pag pasok ng mga kalaban sa loob ng bahay. Gusto ko biglang bumalik para puntahan si Auntie.
Alam kong naramdaman ni Shane ang biglaang pagbabago ng desisyon ko dahil dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ko at hinarap niya 'ko sa kaniya. Seryoso niya 'kong tinignan at mariin akong hinawakan.
"Em! You heard her! We should go, now!" May diin ang tono niya ng pananalita habang seryoso at namimilog ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
HIndi ako nakasagot kaagad sa sinabi niya at parang natikom ang bibig ko. Alam kong ang kaligtasan ko ang unang prioridad ni Shane ngayon... pero sa kabila ng mga sinasabi niya. Hindi maipagkakait sa mukha niya na bakas ang pag aalala kay Auntie na naiwan sa loob.
Namamasa rin ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at mabigat ang paghinga niya. Pasimpleng dumiin ang pagkakasara ng kamao ko at napaismid ako bago ipilit ang sarili kong tumango sa sinabi niya.
I-I can't be selfish right now... I need to go to safety.