Em's Point Of Views
Ramdam ko ang paghampas ng hangin na tumatama sa balat ko dahil sa bilis naming pag takbo ng kasama ko. Habol habol ko ang hininga ko habang naniningkit ang mga mata at nakasunod kay Shane. Nanatiling mariin ang pag kakahawak ng kamay naming dalawa ni Shane para hindi kami mapaghiwalay.
Kasabay ng mabigat na paghinga ko ay ang mabigat ko rin na pakiramdam. Nagawa naming makalayo nang kaunti sa bahay ni Auntie dahil sa pag daan namin sa likod na bakuran. Pero... wala pa ring tigil ang pag bilis ng pag t***k ng puso ko dahil sa kaba.
Naiwan namin doon si Auntie... I may not know how really strong she is, or what kind of abilities she has. Pero kasi... dalawang gorgo ang nag aabang sa labas ng bahay namin. Ni hindi pa namin alam kung anong klaseng gorgo sila. They might be both royals-
Mabilis kong iniling ang ulo sa biglaang pumasok sa isip ko. Mariin akong napakagat sa ibabang labi habang pilit na isawala sa isipan ko ang posibilidad na 'yon.
As far as I can remember... they called Lilith a lady, with respect. Ang ibig sabihin lang n'on... hindi sila pareho ng estado.
Pasimple akong napaismid... speaking of that woman! Nasaan ba siya pumunta? Kung kailan kailangan namin siya ngayon...
"Let's go to the temple, Em!" Biglaang sambit ni Shane na nakakuha ng atensyon ko. Habol habol niya rin ang pag hinga niya habang tumatakbo. Nagsasalita siya nang hindi ako nililingon. "Let's go find Vali and ask for help!" Muli niyang sambit habang nanatiling nasa daanan ang tingin.
Napatingin lang ako sa kaniya na nakatalikod sa akin habang tumatakbo. Napakurap kurap ako at napalunok nang malalim bago tumango na para bang nakikita ako ni Shane. Parang napatikom ang bibig ko at nawalan ako ng lakas na magsalita habang iniisip ang mga posibleng posibilidad na kahahatungan nito.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi. I-I should Auntie first... kailangan ko siyang pagkatiwalaan sa bagay na 'to. Sigurado akong magagawa niyang makaligtas... hindi-
Sigurado akong makakaligtas talaga siya... sa ngayon, kailangan naming pumunta sa templo sa pinaka dulo ng bayan na 'to. Hahanapin namin ang taong binaggit sa amin kanina ni Auntie. Siya ang makakatulong sa amin... si Vali.
Kailangan naming humingi ng tulong sa kaniya ngayon para mabalikan namin kaagad si Auntie sa bahay at matulungan siya roon. Huminga ako nang malalim at mas binilisan ko pa ang pag takbo.
I do should not waste time!
Kahit alam kong pareho na kaming nakakaramdam ng pagka manhid sa mga paa ni Shane, walang ni isa sa amin ang huminto man lang o nag aya na mag pahinga na muna. Patuloy lamang kami sa pag takbong dalawa.
"Onti na lang-" Muling sambit ng babaeng kasama ko nang matigilan siya.
Parang bumagal ang pag takbo ng oras. Unti unting namilog ang mga mata ko at napaawang ang bibig sa dahilan ng pag putol ni Shane sa pagsasalita. Tila para akong binuhusan ng malamig na tubig at nanlumo ako sa nangyari.