Abaddon- Abaddon is a place on hell. Isang lugar sa impyerno kung saan pinamumunuan ng isang duke na si Haborym. May iba't ibang klase ng mga lugar sa mga impyerno na hindi pa nababanggit at na roon ang abaddon kung saan tuluyang lumaki si Lilith at nag silbing panibago niyang tirahan.
Temple o Templo- Ang mga templo ay kadalasang makikita sa iba't ibang bayan. Maaring nasa capital, o sa mismong dulo pa ng isang lugar. Pero siguradong hindi ito nawawala kada bayan dahil dito nagdadasal ang mga mortal. Ang iba't ibang templo na nakalagay sa iba't ibang lugar ay nagsisilbing gateway o daanan para makapunta sa kalangitan. Kung saan maaring dumaan ang mga anghel. Pero bawal tumagal dito ang mga mortal sapagkat hindi sila mga immortal pa. Dahilan kung bakit hindi pwedeng manatili rito si Em panandalian para maging ligtas.
Mundo ng mortal o kilala bilang mundo ng mga tao- Ito ay mundo ng mga tao kung saan naninirahan o naninilbihan sina Em at Shane bago pa nila makilala si Lilith. Dito nakatira ang mga mortal na hindi o naniniwala sa existence ng mga immortal o ng Diyos. Hindi maaring pumunta rito ang mga Gorgos dahil pag mamay ari ito ng Diyos.