Parang bumagal ang pag takbo ng oras. Unti unting namilog ang mga mata ko at napaawang ang bibig sa dahilan ng pag putol ni Shane sa pagsasalita. Tila para akong binuhusan ng malamig na tubig at nanlumo ako sa nangyari.
Sobrang bilis ng pangyayari na parang sumabay lang sa pag hampas ng hangin. Sa isang iglap, ang kamay ni Shane na nakahawak sa kamay ko... ay pinalibutan ng napaka laking ahas. It has triangular-shaped heads and sharp, backward-curving teeth... kapansin pansin din ang kulay at mga pekas na nasa balat nito...
A freaking huge python.
Hindi ako makapaniwalang napatitig dito habang kusang gumalaw ang katawan ko at umiwas sa pag atake niya. Kapwa ko ay namilog ang mga mata ni Shane nang makita ang malakis ahas na pumalibot sa kamay niya.
Muli na lang bumalik ulit sa dati ang pag takbo ng oras nang umiwas ako sa ahas.
Hindi ako makapaniwalang napatingin dito. "S-Shane!" Nag aalalang sambit ko sa babaeng kasama ko.
Hindi kaagad siya nakakilos kaagad dahil sa pag kabigla. Pero nang matauhan siya mabilis na bumakas sa mukha niya ang sakit na inabot niya sa kamay. Napasigaw sa sakit si Shane dahil sa mahigpit na pag kakapulupot ng sawa sa kamay niya.
Kahit hindi ako ang tinamaan, habang pinapanood ko lang siya, ramdam na ramdam ko ang sakit. Mariin akong napakagat sa ibabang labi at napaismid. Hindi ako nag dalawang isip na lumapit sa babaeng kasama ko nang kusang huminto sa pag galaw ang mga paa ko.
Hindi ko alam ang nangyari. Nakaramdam na lang ako bigla ng kaba, isang kaba na umabot sa punto na pakiramdam ko ang mamamatay ako. Hindi ko nagawang makaisip man lang o maka react dahil kusang huminto sa pag galaw ang mga paa ko. Because I know... when I move... I will die.
Ramdam ko ang pag tulo ng mga pawis ko sa noo dahil sa kaba at dahil na rin sa tirik na araw.
"Woah, magaling, magaling!" Rinig kong sambit ng isang babae.
Parang binagksan bigla ng malalaki at mabibigat na bagay ang mag kabilang balikat ko dahil sa biglaang pag bigat ng pakiramdam ko. Tila nanghina ang tuhod ko at nagsimula akong manginig sa hindi ko malamang dahilan.
Sobrang natuyo ang lalamunan ko at nahihirapan man lang akong lumunok nang malalim.
"It is a good decision to stop moving." Muling sambit ng babae na ramdam kong papalapit nang papalapit sa akin. "I mean, if you continued, mapapatay na lang kita bigla bigla." Natatawang dagdag niya.
Mas lalo akong kinilabutan sa narinig. Kahit nahihirapan, pinilit ko ang sarili kong tumingin sa pwesto at direskyon niya nang dahan dahan. Habang unti unti kong nakikita ang kabuoan ng itsura at pangangatawan niya, unti unti ring pabigat nang pabigat lalo ang pakiramdam ko.
Napalunok ako nang malalim at unti unting namilog ang mga mata ko nang tuluyan kong nasilayan ang babaeng naglalakad papunta sa direksyon namin ni Shane.
Tuluyang bumigay ang magkabila kong balikat nang makita siya. Kaswal lang siyang naglalakad sa gitna ng daanan at tinatamaan ng sinag ng tirik na araw. Nakakurba ang labi niya sa isang ngisi na parang natutuwa sa ginagawa niya.
Hanggang bewang ang napaka haba niyang itim na itim na buhok na may pagka kulay ng abo sa ibang bahagi. Kumikislap din ang mga mala dugo niyang mga pulang mata sa gitna ng arawan at sumisilip din ang dalawang sungay sa noo niya na nag papakita kung ano siya.
Napalunok ako nang malalim nang unti unti kong mapagtanto kung ano siya. A-A gorgo.
Pero ang pinaka kapansin pansin sa lahat, at ang bagay na mas lalong kinabahala at kinalumo ko... ay ang napaka laking alupihan na gumagapang at umiikot sa hubog niyang katawan.
Tuluyan akong napang hinaan ng loob. Hindi ko pa nakikita kung gaano siya kalakas... o ano mang kapangyarihan at kakayahan ang kaya niyang gawin... Pero dahil sa mga nakikita ko ngayon pa lang, sapat na para malaman...
Na wala kaming laban sa kaniya... at kung ipipilit man lang namin...
Paniguradong mamamatay kaming dalawa ni Shane.
"Tsk, tsk. Malayo layo rin ang nilakbay ko para makapunta rito... mahirap hirap din ang mga tinakasan at tinaguan ko." Biglaang sambit ng babaeng papalapit nang papalapit sa amin.
I flinched when she suddenly looked at us. Umangat ang tingin niya sa amin na mas lalong nagpabigat ng pakiramdam ko. Mas lalo kong nakikita ang pulang pula niyang mga mata.
"Tapos kayong dalawa lang ang makikita ko?" Panghihinayang niyang sambit. Nag tono ang boses niya na para bang malungkot. "Aww." Sarkastikong dagdag niya.
"Y-You!-" Biglaang sambit ng babaeng kasama ko na nakakuha ng pansin naming dalawa ng gorgo.
Nanlilisik ang mga mata ni Shane sa gorgo na bagong dumating. Hindi alintana ang napaka laking sawa na bumabali ng buto niya sa kamay dahil sa pag iikot at pamumulupot nito.
"P-PAANO NIYO KAMI NATUNTON?! PAANO MO KAMI NAHANAP?!" Malakas at punong puno ng galit at naguguluhang tanong ni Shane. Nanatiling nanlilisik ang mga mata niya at kahit bakas ang takot sa mukha, hindi nagpapatinag sa babaeng kaharap namin.
Ngunit imbis kabahan, o mag pakita man lang ng ibang ekspresyon o emosyon. Isang ngisi ang ipinakita ng gorgo sa amin... para bang inaasar pa kami lalo. Muling namilog ang mga mata ko nang makita ko ang pag babago ng mga mata niya.
Nagbago ito... na para bang isang ahas. Doon ko nakita ang kusang pag labas at pag pasok ng dila niyang putol sa dulo... isang dila na kapareho ng isang ahas.
Isang dila na nakita ko na noon... ganiyan din ang nangyayari sa dila ni Lilith... kapag ginagamit niya ang kakayahan niya.
"Paano ko kayo nahanap? Ssss." Sambit ng babaeng demonyong kaharap namin na may tunog ahas. Mas lalong lumawak ang ngisi niya habang tinitignan kami na parang wala kaming halaga at baliwala kami kaya pinaglalaruan niya na lang kami.
"Natural... kanino sa tingin niyo, nakuha ng kapatid ko ang kakayahan na meron siya ngayon?" Sambit niya na kinatigil naming dalawa ni Shane.
Hindi kaagad na proseso ng utak ko ang narinig. Parang nabingi ako sa sinabi niya at hindi ako makapaniwala. Kusang namilog ang mga mata ko at umawang ang bibig ko sa mga salitang binitawan niya.
Tuluyang nawalan ako ng pag asa at nanlumo sa narinig. S-Sinabi niyang... kapatid niya si Lilith.
Ang ibig sabihin lang n'on... ay...
Isa siyang Royal Leader.
Ramdam ko na ang bilis at pag bigat ng pag t***k ng puso ko. Sa puntong naririnig ko na rin ito dahil sa sobrang kaba ko.
At hindi lang siya basta bastang royal leader... sa kaniya rin nakuha ni Lilith ang isa sa mga kakayahan na meron siya... isang pang dahilan kung bakit nakakatakot siya. At wala kaming magiging laban sa kaniya.
"I came here, hoping that I'll get a chance to see my sister." Muling sambit ng babaeng kaharap namin. Inililibot niya ang tingin niya sa paligid bago ito mapako sa pwesto ko. "But looks like she's not here." Biglaang pag lambot ng ekspresyon niya.
Nabigla ako nang bigla siyang yumuko na para bang nanghihinayan at malungkot. I was caught off guard and was taken aback by her actions. Napakurap kurap ako habang natulala sa kaniya.
"I really wanted to see her..." Malambot niyang sambit na may tono ng pagiging malungkot.
Tumaas ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. For a moment, I really thought that she is sincere. Nagawa ko pang ihakbang ang paa ko dahil sa pag aalala at pag aakmang lumapit sa kaniya. Pero nahinto ako nang bigla siyang matawa sa pwesto niya... a psychotic laugh. Para siyang baliw na tumatawa at nagawa niya bang hawakan nang mariin ang mukha niya.
"D*mn! I REALLY WANTED TO SEE HER!" Natatawa at malakas niyang sambit. Napatingin siya sa kalangitan at inangat niya ang ulo niya habang tumatawa. "I WANT TO BEAT THE SH*T OUT OF HER AND TAKE HER HEAD OFF!" Natatawang sambit niya na bakas sa boses ang pag kainis.
Pareho kaming napako sa mga kinatatayuan namin ni Shane at natulala kami sa ginawa niya na hindi naming inaasahan na dalawa. Ilang segundo rin siyang tawa nang tawa sa gitna ng kalsada nang biglang sa isang iglap, natigil siya sa pag tawa niya.
Parang biglang nag bago ang pag ihip ng hangin, at sa isang iglap lang bigla ay natigil siya sa pag tawa at bumalik ang pag kakaseryoso niya. Bumaba ang ulo niya at tingin niya bago mapatingin sa aming dalawa ni Shane.
"I actually does not care about the child of prophecy or what ever." Walang gana niyang sambit habang nakatingin siya sa akin gamit ang walang buhay niyang mga mata. "But what can I do? Ayokong masayang ang pag punta ko rito... at dahil wala rin naman ang pesteng babaeng traydor..." Unti unting kumurba ang labi niya sa isang kahindak hindak na ngisi na nag pataas ng mga balahibo sa katawan.
"Tutal nandito na rin naman ako... bakit hindi ko na lang ituloy ang trabaho na ipinagkaloob sa kaniya ni ama?" Nakangising sambit niya.
Namilog ang mga mata ko sa narinig. Hindi kaagad na proseso ng utak ko ang sinabi niya at hindi ako naka react kaagad. Napako lang ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang pag hampas sa amin ng hangin. Saktong pag hampas nito, ay ang pag wala ng babaeng demonyo na tinitignan namin sa pwesto niya.
Siguro kahit nagawa kong makakilos kaagad nang sinabi niya ang mga katagang 'yon, hindi ko pa rin siya magagawang iwasan o takbuhan. Dahil hindi ko pa nararamadaman ang pag tama ng pag hampas ng hangin sa buong balat ko, napunta siya kaagad sa harapan ko sa isang iglap.
Parang bumagal ang pag takbo ng oras at unti unting namilog ang mga ko sa biglaang pag sulpot niya sa harapan ko na nakakurba ang labi sa isang ngisi. Kita ko ang unti unting pag tulis ng mga kuko niya na para bang sa isang dragon at ang unti unting pag lapit nito sa mukha ko.
Pero hindi pa nito tuluyang nagagalusan man lang ang balat ko ay naramdaman ko na ang pag tulak ng kung sino sa akin. Mas lalong lumawak ang pagkakamilog ng mga mata ko at hindi ako makapaniwalang napatingin kay Shane na sinalo ang atake para sa akin.
"S-Shane!" Punong puno ng pag aalala at emosyong sambit ko. Mabigat ang pag hinga ko at walang tigil ang pag patak at pag tulo ng pawis ko sa noo.
Kita ko ang pag dugo ng kanang balikat ni Shane na sinalo ang atake na para sa akin. Sa kabilang banda pabaluktot nang pabaluktot ang kamay niyang hindi pa rin iniiwan ng malaking sawa at patuloy sa pag ikot nang ukot at pag higpit nang pag higpit.
Kusang kumilos ang katawan ko para lapitan siya dahil sa pag aalala nang mabilis niya akong pinigilan sa pwesto ko. Nahinto ako sa pag kilos nang pilit na itinaas ni Shane ang kanan niyang kamay na sinesenyasan ako na tumigil sa binabalak ko.
"N-NO!" Mariin at mabigat na pag bigkas niya ng salita. "S-STAY THERE! EM!" Ma awtoridad na sambit niya.
Hindi ko man lang magawang makasagot sa sinasabi niya dahil sa pag tuyo ng lalamunan ko. Pinilit kong lumunok nang malalim habang nag aalalang nakatingin sa kaniya. Nalipat ang tingin ni Shane sa demonyong babaeng hindi nawawala ang nakakairitang ngisi sa labi na para bang tuwang tuwa sa posisyon namin.
"A-AKO ANG KAKALABANIN MO-" Seryoso at malakas na sambit ni Shane sa kaharap nang matigilan siya.
Pareho kaming natigilan nang parang bumagal ang pag takbo ng oras at nawala sa paningin namin ang babaeng kaharap namin kani kanina lang. Mabilis kong inilibot ang tingin ko sa paligid at nanlumo na lang ako nang hindi ko siya nakita kahit saan.
Tila doon ako natauhan at doon ko lang napagtanto nang makaramdam ako ng mabigat na presensya sa likod ko. Kusang bumigat ang pakiramdam ko sa kabila ng pag bagal ng pag takbo ng oras sa paligid.
Dahan dahan akong napalingon sa babaeng gorgo na nasa likod ko at umaambang aatakihin ako.
"Sino ka para sumunod ako sa iyo?" Natatawang sagot niya kay Shane na napako sa kinabagsak niya. "Papatayin ko ang itinakda... gagawin ko ang tungkulin ni Lilith." Natatawang dagdag niya.
Hindi ako nakasagot o nakakibo man lang. Ang alam ko lang no'ng mga oras na 'yon, katapusan ko na talaga. Dahil bumagal na ang pag takbo ng oras, at nagagawa ko ng makita nang mabuti ang kamatayan ko.
Pero bago pa man 'yon mangyari...
Kusang namilog ang mga mata ko sa biglaang pag kakaroon ng liwanag sa gilid ko. Tila naningkit ang mga mata ko dahil sa pag kasilaw ko rito. Hindi ako makapaniwala nang wala akong maramdamang sakit man lang o senyales na inatake ako.
Bagkus, sumalubong sa akin ang isang pamilyar na babae na sinangga ang atake na para sa akin.
"L-Lilith..." Hindi makapaniwalang sambit ko habang nakapako ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Nanlilisik ang mga pulang mga mata ni Lilith habang nakatingin sa babaeng kaharap niya at sinasangga ang atake nito.
"ANONG GINAGAWA MO RITO, AMY?!"