Lilith's Point Of Views
"Ang babaeng kayang kumontrol ng mga insekto... isa sa mga kapatid mo."
Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang narinig. Kusang bumigat ang pakiramdam ko at parang nabingi ako sa sinabi ng babaeng kaharap ko. Napako ako sa kinatatayuan ko at napakurap kurap.
Napalunok ako nang malalim at hindi makapaniwalang napatingin sa auntie ng mortal.
"H-Ha?" Pag papaulit ko sa kaniya para malaman kung tamaba ang pagkakarinig ko. Nanlulumo ako muling nagsalita. "S-Si Amy?" Kunot noo kong sambit.
Kita ko ang pag iwas ng tingin niya at ang pag diin ng pag kakakagat niya sa ibabang labi. Sira sira ang iilang parte ng damit niya at mayroon din siyang iilang mga gasgas sa katawan. Bakas sa mukha niya na sinisisi niya ang sarili niya sa nangyayari.
"Huli ko na nang malaman ko... hindi ko kaagad na napansin na iba't ibang klase ng mga insekto ang sumira ng mga talisman ko." Inis niyang sambit. "Doon ko lang nalaman kung anong klaseng demonyo ang maaring nasa likod ng lahat ng ito... at walang iba 'yon kung hindi sa isa sa mga kilalang royal leaders... ang demonyo ng mga insekto." Dagdag niya pa.
Mas lalong dumiin ang pag kakakagat ng babaeng kaharap ko sa ibabang labi niya dahilan ng pagsimulang pag sugat at pag dugo nito.
"T-Tsk, hindi ko pala dapat pinaalis sina Shane at Em... paniguradong susunod sa kanila ang demonyong 'yon." Nanggagalaiti niyang sambit. Kita ko ang pag diin ng pag kakasara ng kamao niya dahil sa inis.
Mariin din akong napakagat sa ngipin at napaiwas ng tingin dahil sa inis. Nanginginig ang kamay ko dahil sa diin ng pagkakasara ng kamao ko. T-That b*tch!
"Tsk, ako ang may kasalanan. Pasensya na at wala ako rito." Mabilis na pag ako ko ng sisi. Seryoso kong tinignan ang babaeng kaharap ko at ibinuka ko ang bibig ko para mag akmang mag salita ulit nang matigilan ako.
Napatingin ako sa braso niyang hawak hawak niya at walang tigil ang pag durugo. Nag aalalang napakunot ang noo ko at may emosyon akong napatingin sa kaniya.
"T-Teka, sandali. Malaki ang natamo mong sugat." Mabilis na pag iiba ko at humakbang papalapit sa auntie ng mortal.
Hindi siya nag patinag sa sinabi ko at pilit siyang ngumiti kahit bakas sa mukha niya ang pang hihina. "Wag mo akong alalahanin, masyado lang akong nadala sa pakikipag laban sa kanilang dalawa kanina." Pagdadahilan niya bago mapatingin sa na agna na na katawan sa harapan namin.
"Halos mapatay na nila ako kanina... mabuti na lang at inunahan ko na sila at isinira ko na ang presensya ko." Sambit niya habang nakatingin sa katawan na naging abo.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pag kabigla sa sinabi niya. Nasagot niya ang isa sa mga tanong ko kanina kung bakit hindi ko naramdaman ang presensya niya nang makarating ako rito.
Hanga talaga ako sa babaeng ito. Hindi lang siya basta bastang anghel na napa rito sa mundo ng mga mortal. May alam siya sa pakikipag laban... pati na rin sa mga iba't ibang mahika na wala akong kaide ideya noon.
"Mabuti na lang at hindi nila sinubukang sundan sina Em at Shane... mukhang ikaw lang talaga ang pakay nila." Muling sambit ng babaeng kaharap ko na mabilis na nakakuha ng atensyon ko.
Tila naalala ko ang dahilan kung bakit nandito ang dalawang cambions na kambal... dahil pinapapatay na ako ni ama. Hindi lang niya 'ko sa mga royal leaders pinapapatay, kung hindi pati na rin sa mga may kakayahang gorgos... na maaring mas malakas pa sa aming mga royal leaders.
"Ibang klase silang dalawa... lalo na kapag pinag sama nila ang kakayahan nila pareho." Sambit ng auntie ng mortal habang nanatiling nakatingin sa abo. May tono sa pananalita niya ng lungkot. Na para bang nanghihinayang siya sa kinahantungan nila.
Rinig ko ang pag hinga niya nang malalim bago mabilis na malipat at bumalik ang tingin niya sa akin. Determinado niya akong tinignan na para bang sapat na ang mga tingin para maintindihan namin ang gustong iparating ng isa't isa.
"Tara na, sundan na natin sina Em. Hindi ko alam kung panigurado na ba ang kaligtasan nila." Mabilis na pag iiba at pag aaya niya sa akin.
Napakagat ako sa ibabang labi bago tumango. Hindi na ako umangal pa at mabilis akong sumang ayon sa sinabi niya.
Wala akong rason para makipag talo pa sa kaniya dahil pareho naman kaming dalawa ng gustong gawin. Gusto kong mainis at mapaismid sa sarili ko dahil sa inis. Hindi ko lubos maisip kung bakit hindi ko kaagad na isip na pwedeng mangyari ito at nagawa ko pang lumayo sa kanila. Lumayo sa taong dapat kasama ko palagi at protektahan.
Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. Nakakahiya... wala pa rin talaga akong pinag bago.
"Tara na." Muling pag aya ng babaeng kasama ko bago mauna siyang mag lakad sa akin. Agad akong natauhan sa sinabi niya at kumilos na ako kaagad sa pwesto ko.
Pero akmang aapak pa lang ako para sumunod, mabilis akong natigilan. Hindi lamang ako kung hindi ang auntie rin ng mortal ay kusang nahinto sa pag galaw.
Napalunok ako nang malalim at napakurap kurap nang makaramdam ako ng presensya sa hindi kalayuan. Naramdaman ko ang pag tama ng hangin sa balat ko at ang pag sabay rito ng buhok ko at ng iilang mga dahon dahon.
Rinig ko ang mga yapak ng isang tao. Naapakan nito ang iilang mga bubog na naririnig ko at mga sira sirang kahoy mula sa bahay ng auntie ng mortal na naging sira sira. Dahan dahan akong napalingon sa pwesto niya at unti unti na lamang namilog ang mga mata ko nang makita ko ang bumungad sa akin.
Napaawang nang kaunti ang bibig ko at napakurap kurap ko habang tinitignan siya. Kahit nahihirapan at iika ika na sa pag lalakad, nag papatuloy lang siya sa pag lalakad.
Ang isa sa dalawang kambal na cambion... ang kambal ng babaeng kakakuha lang ng buhay ng babaeng kasama ko, si Santina.
Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kaniya. Nakahawak siya sa braso niyang tabingi na ata ang buto dahil sa lakas ng pag kaka impact ng sapak ko kanina. Medyo tupi at walang tigil din ang pag tulo ng dugo sa noo niya at naniningkit na rin ang kabila niyang mata.
Pero sa kabila ng lahat ng 'yon... walang tigil siya sa pag lalakad nang tahimik. Nanatiling deretso ang namamaga at paluha na niyang mga mata... sa direksyon ng kapatid niyang... abo na.
Hindi ako makapaniwala na nagawa niya pang makaligtas sa ginawa ko kanina. Ang parehong akala naming ng kapatid niya ay nawalan na siya ng buhay nang sinalo niya ang sapak ko.
Hindi ko alam kung ano ang meron sa sarili ko... pero wala sa sarili ko lang siyang pinanood. Nakasunod ang mga mata ko sa kaniya habang tahimik siyang iika ikang mag lakad papalapit sa kapatid niyang wala ng katawan o buhay pa.
Nahinto si Santina sa tapat ng abo habang tulala. Walang kaemo emosyon siyang napaluhod sa lapag habang nanlulumo. Kusang bumagsak ang mag kabila niyang mga balikat habang dahan dahang napahawak sa mga abo sa lupa.
Kita ko ang panginginig ng mga kamay niya at ang pag hinga niya ng malalim habang unti unting nag tutubig ang mga mata niya. Sa kabila ng malungkot na mga mata, pilit siyang ngumiti habang sinasandok sa mga palad ang mga abo ng kaniyang kapatid.
"H-Hoy... Rosa..." Nanghihina niyang sambit sa abong hawak hawak. Bakas ang tono ng pagiging malungkot sa boses niya.
Hindi ko alam kung bakit... pero hindi ko mawala ang tingin ko sa kaniya habang dahan dahan siyang naiiyak pero nakakurba ang labi niya sa isang ngiti. Pinipilit niya ang sarili niyang tumawa na tila nag papasakit ng puso ko.
May mga alaalang... alaalang ayoko ng maalala pa na nag sisibalikan habang tinitignan ko siya.
"H-Hoy... Rosa!" Pag uulit niya na may tono na ng inis sa abong hawak hawak. Nag simula siyang humikbi bago unti unting bumaba ang mga kamay niya at nawala ang pag kakahawak niya sa mga abo ng yumao niyang kapatid.
"ROSA! ROSA! ROSA!" Paulit ulit niyang sambit habang walang tigil sa pag iyak. Napaharap siya sa itaas habang malakas ang pag iyak at ang pag sigaw. Halo halong galit at lungkot ang lumalabas kasabay ng pag sigaw niya.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi at humigpit ang pag kakasara ng kamao ko. A-Ayoko... ayoko ng manood pa.
"ROSA!" Malakas na pag tawag muli ni Santina. "ANONG GINAWA NINYO SA KAPATID KO?!" Malakas na iyak at pag sigaw niya.
*** Flashbacks of the cambion twins, Rosa and Santina***
Ang sabi sabi ng iba... swerte raw ang mga kambal. Swerte ang mga batang sabay na ipinanganak sa mundong ito.
Nag bibigay ng swerte... yaman... tagumpay... at kung ano ano pa ang mga kambal na isinisilang.
Yan ang paniniwala ng iba... kaya ibang klase ang mga saya ng mga magka pares na mag asawa kapag nalaman nila na mayroon silang kambal.
Pero hindi ganoon ang kaso sa kanilang dalawa... sa kambal na ipinanganak ng isang mortal, pero may amang immortal.
Para sa ina nina Rosa at Santina, isang bangungot- hindi, mas malala pa sa bangungot ang mag silang ng kambal. Kambal na ipinanganak na may tig isang sungay sa noo. Bilang isang mortal na hindi ginustong mag karoon ng pamamagitan sa isang immortal- isang demonyo, para na siyang nasa impyerno dahil sa pag dadalang tao sa dalawang batang 'to.
Hindi na nga niya matanggap tanggap na nag dadalang tao siya sa isang anak ng demonyo... ginawa pang dalawa. Kambal na cambions, mga batang bunga ng isang mortal at demonyo.
Kasuklam suklam ang katotoohanan na 'yon. Sa puntong ginusto na niyang kunin ang sarili niyang buhay kaysa sa masiraan siya ng bait at tuluyang mabaliw. Kung hindi lang siya pinigilan ng kaniyang ama, ang lolo ng kambal, ay hindi na niya sana pa kailangang mabuhay pa kasama ang dalawang bata.
Sa kabila ng masasakit na salitang natatanggap, mga pisikal na sakit, mga mura at pang aapi, na natanggap ng dalawang batang kambal na si Rosa at Santina mula bata hanggang sa pag laki, hindi nila 'to masyadong dinamdam o inisip. Kahit ang halos lahat ng ito ay nanggaling walang iba kung hindi sa babaeng nag dala sa kanila sa mundong ito, ang kanilang ina.
Itinatak nila sa mga isipan nila mula pag kabata hanggang sa pag laki na sadyang hindi lang matanggap ng kanilang ina ang nangyari sa pagitan nila ng kanilang ama, na hindi talaga galit ang kanilang ina sa kanila, kung hindi sa demonyo nilang ama. At isa pa, walang dahilan para maging malungkot at masirable sila nang sobra.
Dahil sa kabila ng lahat ng mga natatanggap at nararanasan nilang sakit, nandiyan ang kanilang lolo para saluhin ito lahat kasama sa kanila. At iparamdam sa kanilang dalawa na hindi sila nag iiisa, at may taong tumatanggap sa kanila.
Gano'n na lang sana ang lahat... kaya sana nilang tanggapin ang mga 'yon. Kaya nilang tanggapin at tiisin ang mga sakit na nakukuha nila, dahil nandiyan sa tabi nila ang kanilang lolo.
Hanggang sa isang araw...
"Ilabas niyo sila! Ilabas niyo ang mga anak ng demonyo!" Malakas na sigaw ng isang lalaki sa labas ng kanilang tirahan.
Rinig ang mga malalakas na sigaw at pag tawag ng mga tao sa labas na may dala dalang mga sulo. Ang iilan pa sa kanila ay may mga dalang matatalas na mga patalim at mga itak.
Parehong walong taong gulang pa lamang sina Santina at Rosa noong mga panahon na 'yon, nasa mundo sila ng mga mortal kung saan naniniwala pa ang mga tao sa mga kulam at mga anak at sumpa ng mga demonyo. Kahit ang mga sanggol na isinilang ng may mga peklat ay pinaniniwalaang sinumpa ng mangkukulam o anak ng demonyo.
Kaya... pinapatay sila...
Dahil sa kitang kitang tig isang sungay sa noo nina Rosa at Santina, hindi sila nakaligtas sa pag babantang ito... lalo na at totoo naman na anak sila ng demonyo.
Tanging silang dalawa lamang ang nandoon sa bahay, kasama ang kanilang lolo na binabantayan sila. Hindi nila kasama ang kanilang ina na umalis bigla nung umaga sa hindi nila alam na dahilan.
Mag kayakap ang dalawang kambal at nag simulang manginig sa takot at nag simulang mamasa ang kanilang mga mata. Mabilis silang pinatahan ng kanilang lolo at pinakalma. Hinawakan niya ang dalawang ulo ng kaniyang mga apo para pahintuin sila sa pag iyak.
Mabilis niya silang pinagaan ang mga loob at tinignan sila ng may kurba sa labi. "Ako ang bahala, ha? Huwag kayong matatakot... walang makakasakit sa inyong dalawa." Sambit niya bago bigyan ng tig isang halik sa noo ang kambal.
Kahit na natatakot, parehong tumango sina Santina at Rosa habang nananatiling mag kayakap sa isa't isa.
"Ilabas niyo sabi sila!" Muling malakas na sambit ng lalaki sa labas.
Agad na dumeresto ang lolo nina Santina at Rosa sa pintuan papalabas para harapin ang mga tao na nag babalak silang saktan sa labas. Mabibigat ang kanilang pag hinga at sobrang bilis ng pag t***k ng mga puso nila dahil sa kaba.
"Nandito na 'ko, lalabas na 'ko." Malakas na sambit ng kanilang lolo para marinig siya sa labas. Hinawakan niya ang hawakan ng pinto at tila para bang bumagal ang pag takbo ng oras. "Nandito na 'ko-" Muling sambit ng matanda nang hindi na niya 'to naituloy.
Parehong unti unting namilog ang mga mata ng kambal nang marinig ang pag putok ng baril at nang masilayan ang biglaang pag tama ng bala sa ulo ng kanilang lolo. Tila bumagal ang oras nang makita nila itong unti unting natumba sa lapag.
Saktong pag bukas ng matanda sa pinto ay ang pag baril sa kaniya sa noo. Hindi kaagad na proseso nina Santina at Rosa ang nangyari dahil sa bilis ng mga kaganapan... ang alam lang nila, nakahilata ang kanilang lolo sa tapat ng pinto... walang buhay.
Hindi man lang nila nagawang makakibo o matawag man lang sa huling pag kakataon ang kanilang lolo. Nang mabilis na nag sihagis ng mga kahoy na may apoy ang mga tao sa labas sa kanilang bahay. Dahil gawa ito sa kahoy, hindi nag tagal ay kumalat kaagad ang apoy.
Umalingawngaw ang mga pag iyak ng dalawang bata sa loob ng bahay na umaapoy. Walang tigil ang kanilang pag iyak habang nakalapit sa kanilang lolo na walang buhay.
Puno ng galit at lungkot... sinilip ng dalawang kambal ang mga mukha ng mga taong gumawa n'on... at sa hindi inaasahan nilang pag tingin, mabilis na napako ang mga tingin nila sa isang pamilyar na babae na nasa harapan ng kanilang bahay, pinapanood silang masunod.
Walang kaemo emosyon itong nanonood gamit ang walang buhay nitong mga mata. Sa kanan niyang kamay ay isang baril, hudyat na siya ang bumaril sa matanda kanina.
Walang iba kung hindi ang babaeng nag silang sa kanila... ang kanilang ina.
Hindi makapaniwala, hindi alam ang magiging reaksyon, tanging puot, sakit, at lungkot ang naramdaman ng kambal. Nanghihinang nakatingin sa inang inakala nilang matatanggap sila.
Walang kaemo emosyong nag hawakan ng mga kamay sina Rosa at Santina sa loob ng bahay na umaapoy, sa harap ng kanilang lolo na nag iisang tumanggap at nag mahal sa kanila.
"Tayo na lang ang meron tayo... Santina." Walang kaemo emosyong sambit ni Rosa. Walang buhay ang mga mata niya at wala siyang ekspresyon kahit patuloy siya sa pag luha.
Walang ekspresyon ding tumango ang kakambal niya. "Tama ka, Rosa." Pagsang ayon niya.
"Papatayin natin sila... wala tayong ititira." Muling sambit ni Rosa na sinang ayunan ng kakambal niyang si Santina. "Tama... at pupunta tayo kay ama... para sumama sa kaniya."