Lilith's Point Of Views
Umalingawngaw ang boses at ang walang tigil na pag iyak ni Santina sa paligid. Sapat na para mapatakip kaming dalawa ng kasama kong babae sa tenga. Naningkit ang mga mata ko at nag dikit ang dalawa kong kilay dahil sa pag diin ng pag kakatakip ko sa tenga ko.
P-Parang palakas nang palakas ang pag iyak ni Santina.
"ROSA! ROSA! ROSA!" Paulit ulit niyang sambit habang umiiyak.
Tila unti unti ring namilog ang mga mata ko nang makaramdam ako ng pag uga ng lupa. Mabilis akong na alerto at napa tingin sa kasama kong auntie ng mortal. Kapwa ko ay bigla rin siyang natigilan sa biglaang pag galaw ng lupang kinatatayuan namin.
Parang sumasabay sa pag iyak ni Santina ang pa lakas nang pa lakas na pag uga ng lupa. Nag sisimula na ring ma watak ang lupang kinaroroonan ng punong wala ng kahit anong dahon at puro tangkay na lang. Mas lalong nag siraan ang sira sira at watak watak na na bahay ng auntie ng mortal.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi habang binabasa at pilit kong pinapakiramdaman ang paligid. Matibay ang pag kaka balanse ko sa lupa para hindi ako matumba o ma out balance.
A-Anong nangyayari?
"ROSA! WHY DID YOU LEFT ME BEHIND?!" Malakas na pag sigaw ng babaeng kaharap namin habang naka luhod sa lupa at naka harap sa kalangitan na para bang tinatawag ang kakambal niyang wala na. "YOU P-PROMISED ME... YOU PROMISED ME THAT WE WILL BE TOGETHER, FOREVER!!!" Malakas na dagdag niya.
Naglabas ng matinis na boses si Santina na nagpa higpit at pa diin pa lalo ng pag kakasara namin ng mga tenga. Mariin akong napa pikit dahil sa matinis at malakas na pag sigaw ng kaharap namin.
Naningkit ang mga mata ko nang pinilit ko itong buksan para magawang makita ang nangyayari sa paligid. Kasabay ng pag uga ng lupa ay ang malakas na pag hampas ng hangin.
Tila napako ang tingin ko sa kambal na cambions, kay Santina.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nag sitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Unti unting namilog ang mga mata ko at napaawang ang bibig habang tinitignan ko siya sa kinatatayuan ko.
Ang nag iisa niyang sungay sa noo... ay unti unti na ng nagiging dalawa...
Parang pinag bagsakan ako ng mabibigat na bagay sa mag kabilang balikat ko. Tila biglang bumigat ang pakiramdam ko at nakaramdam ako ng kaba.
Ang dalawang kambal na cambions... sadya nga talaga kakaiba sila.
Dahil bibihira lamang ang kambal sa mga mortal... lalong lalo na pag dating sa aming mga demonyo. Ang kayayahan ng mga kambal... ay nahahati para sa isa't isa. Ang mga meron sila, ay dapat sa isa lang na nahati sa dalawa.
Ang nangyayari ngayon kay Santina... nagiging iisa na sila ni Rosa.
Isang bagay na katakot takot talaga... lalo na... pareho silang cambions.
"ROSA!" Malakas na sambit ni Santina habang walang tigil sa pag iyak.
Napalunok ako nang malalim nang makita ko ang unti unting pag tubo ng pangalawa niyang sungay. Dahan dahan na rin nag silabasan sa kaniyang katawan ang dalawang uri ng kaliskis. Ang dalawa niyang kamay, ay unti unting nagiging apat dahil dahan dahan na rin siyang tinutubuan sa bewang niya.
Kita ko rin ang pag haba ng ilang seksyon ng buhok niya, sa likod ay mahaba na habang sa harap ay nanatiling maikli.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi at napaismid. Sa kabila ng malalakas at matitinis na boses na inilalabas ni Santina, ng malalakas na pag hampas ng hangin na tuma tama sa balat ko, at sa walang tigil na pag sigalawan ng lupa... mabilis akong kumilos mula sa pwesto ko.
"Lilith!" Rinig kong pag tawag at pag pigil sa akin ng auntie ng mortal na kapwa ko, napapag tanto na rin kung ano ang nangyayari.
Hindi ko siya pinakinggan at tinuloy ko lamang ang pag takbo ko. Ramdam ko ang pag lipat at pa gewang gewang na pag takbo ko dahil sa walang tigil na pag uga ng lupa. Nagsi tamaan din sa mukha ko ang iilang matutulis na kahoy at iilang matutulis na bagay dahil sa malakas na pag tama ng hangin.
Pero hindi ko pinansin ang mga pag tama nila sa akin... dahil hindi ko pwedeng hayaan na matuloy ang pag iisa ng kambal...
Dapat tapusin ko na si Santina at hayaan siyang tuluyang makasama ang kambal niya. Hindi sila pwedeng mag sama... hindi sila pwedeng maging isa... dahil kapag nangyari 'yon.
"T-Tama na 'yan!" Malakas na sambit ko. Gamit ang kanang kamay kong tuluyan ng naging buto hanggang buto, sa pangalawang pag kakataon, umamba akong susuntukin si Santina.
Alam kong malakas na ang epekto ng ginawa kong pag sapak sa kaniya kanina. Alam ko na ring nang hihina na siya ngayon... kaya panigurado, isang sapak ko lang gamit ang kamay na 'to. Magagawa ko na siyang palayain sa sakit na nararamdaman niya ngayon.
"Isasama na kita sa kakambal mo ngayon, huwag ka ng mag alala-" Marahang sambit ko nang tuluyan na akong nakalapit kay Santina.
Nanatili siyang nakaluhod sa lupa at walang tigil sa pag iyak habang unti unting nag babago ang pisikal na anyo niya... at sigurado ako, pati na rin ang kakayahan na meron siya. Wala siyang kaide ideya sa mga nangyayari ngayon... na nagiging isa na sila ng kakambal niyang si Rosa.
Umamba ako ng susuntok. Gamit ang buong lakas ko, buong lakas at loob kong sinuntok si Santina. Pero tila parang bumagal ang pag takbo ng oras habang unti unting lumalapit ang kamao ko sa mukha niya.
Unti unting namilog ang mga mata ko kasabay sa biglaang pag bagal ng oras. Nagsi bagalan ang mga bagay na lumilipad at sumasabay sa pag hampas ng malakas ng hangin, kahit ang pag uga ng lupa ay hindi ko naramdaman ng ilang segundo...
Kasabay ng pag milog ng mga mata ko ay ang pag bigat ng pag hinga ko... dahil sa biglaang pag hinto sa pag iyak ni Santina.
Sa isang iglap, minulat niya ang mga mata niya. Ang mga mata niyang... nahati sa apat ang itim na bola...
Doon ko napagtanto na nahuli na 'ko... na hindi na 'ko nakaabot pa.
Dahil tuluyan na silang naging isa... naging isa na sila ng kakambal niyang si Rosa.