Chapter 28: The power of an Earth Demon PART 2

3031 Words
Lilith's Point Of Views Ramdam ko ang pagbigat ng paghinga ko. Doon kusang bumigat ang pakiramdam ko at nahirapan akong kumilos nang maayos. Parang bumagal ang pag takbo ng oras habang unti unting papalapit nang papalapit ang kamay kong gawa sa bato sa pisngi ng babaeng kaharap ko. Sa isang iglap, minulat niya ang mga mata niya. Ang mga mata niyang... nahati sa apat ang itim na bola... Doon ko napagtanto na nahuli na 'ko... na hindi na 'ko nakaabot pa. Dahil tuluyan na silang naging isa... naging isa na sila ng kakambal niyang si Rosa. Napalunok ako nang malalim habang mabagal ang pag takbo ng oras. Natulala ako sa babaeng kaharap ko. It felt like... it felt like we are the only ones here. Hindi ko napansin ang biglaang nangyari dahil sa sobrang bilis nito. Ang kaninang mabagal na pag takbo ng oras, ay parang dumoble bigla ang bilis nang maramdaman ko ang pag tilapon ko. Ang alam ko lang... kanina ay nag akma akong tapusin si Santina. Nasa harapan niya na ako at malapit ko na siyang matamaan... malapit na. Kaya bakit...bakit ngayon. Nasa ere ako? Natulala ako sa kalangitan habang ang bilis ng pag kakatilapon ko. Ramdam ko ang pag tama ng pag hampas ng mga hangin sa balat ko. Natauhan na lang ako sa mga nangyayari nang maramdaman ko ang napaka lakas na impact ng matigas na makapal na kahoy ng puno na ngayon ay nasira at naputol na dahil sa pag tama ko. Napaawang ang bibig ko at napa dura ako ng dugo nang maramdaman ko ang pag tama ko sa puno. Muli akong bumalik sa katinuan dahil sa pag hagis sa akin. "L-LILITH!" Malakas at bakas na nag aalalang sambit ng auntie ng mortal sa akin. Hindi ako naka sagot o naka kibo sa sinabi niya. Parang namanhid ang buo kong katawan dahil sa sakit. Ramdam ko ang pag bali ng iilang buto ko sa likod at ang pag kirot nito. Napakurap kurap ako habang nananatiling naka hilata sa puno. Nanlalabo ang paningin ko pero pilit ko itong ina adjust sa paligid. Nani ningkit ang mga mata ko habang pilit kong tinitignan si Santina. Tumigil na siya sa pag iyak... sa pag sigaw... sa pag tawag sa kakambal niyang si Rosa. Nakayuko siya ngayon at hindi ko nakikita ang ekspresyon niya. Pero ramdam na ramdam ko ang pag babago ng tensyon at atmospera sa paligid. S-Sobrang bigat... parang ang kapal ng usok at nahihirapan akong makahinga. She... and her twin sister, Rosa... are now one. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya habang dahan dahan siyang tumatayo. Kita ko ang pag tigas ng mga kaliskis na nasa katawan niya... na para bang isang semento na. Ang apat niyang eye balls... ang apat niyang mga kamay. Unti unting namilog ang mga mata ko... ang itsura na 'yon... ang katauhan na 'yon... Nakita ko na 'yon noon... ang gano'ng klase ng mga demonyo... ay- *** Flashbacks *** Pinapanood ko si Azza na mag ensayo. Seryoso akong nakatingin sa kaniya at binabasa ang kada galaw niya. Azza is a royal leader... and an earth demon. Hindi mahahalata sa maliit niyang katawan, na kaya niyang pumatay ng isang daan. Sa lahat ng royal leaders, pag dating sa pisikal na lakas, siya ang pinaka malakas sa amin. Hindi maitatanggi 'yon dahil kitang kita pa lang sa mga galaw niya. Para sa akin, ang armas, ang martilyo, na laging dala dala ni Azza ay isang pakitang bagay lang. Kapag gamit niya 'yon, paniguradong hindi siya seryoso. Nakakatawang isipin, dahil para sa kaniya, ang pag gamit ng armas ay nag papakita na hindi niya sineseryoso ang laban. Kabaliktaran ng nasa iba... ang pag tanggal ni Azza ng armas, ay ibig sabihin... hindi ka na mabubuhay pa. Nanatili akong nanonood sa kaniya habang iniwawasiwas niya ang napaka laki niyang martilyo at baliwala niya lang itong ginagawa. Wala sa sarili akong napatingin sa kanang kamay ko... ang kamay ko na may kakayahan na maging bato hanggang kabuto butohan ko, kakayahan na nakuha ko mula kay Azza. Ang mga kakayahan na meron ako ngayon ay nanggaling lang sa kanila... kahit gaano pa ito kalakas kung pinag sama sama, kung hindi ko rin naman sila kayang kontrolin nang isa isa, wala rin. "Woy, kanina ka pa tulala at tahimik ah." Biglaang sambit ng isang boses. Hindi ko napansin na may naka tayo na pala sa harapan ko. Tumaas ang dalawang kilay ko at inangat ko ang tingin ko sa babaeng kaharap ko. Hindi ko namalayan na tumigil pala sa pag eensayo si Azza at lumapit sa akin. "Anong ginagawa mo?" Natatawang muling sambit niya. Napakurap kurap ako at hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Pilit akong tumawa habang napa kamot sa ulo at umiwas ng tingin. "A-Ah, wala. Pinapanood ka lang." Mabilis na pag dadahilan ko. Pinag taasan ako n Azza ng kanang kilay at tinignan ako na para bang may mali akong sinabi. Hindi siya na kuntento sa sinabi ko at umupo pa siya sa tabi ko. "Hm, gusto mong mag training?" Pag aya niya na nakakuha ng atensyon ko. "May oras ako ngayon kung gusto mo. Tara?" Dagdag niya pa. Pilit akong natawa habang umiiling sa sinabi niya. "Makipag train sa' yo? Eh sa 'yo ko nga nakuha 'tong kakayahan na meron ako." Sarkastikong sambit ko. Kita ko ang pag simangot ni Azza sa sinabi ko. Akala ko nung una ay hihinto na siya pero natigilan ako nang bigla bigla niya na lang akong hinila patayo. Dahil na rin sa lakas na meron siya, walang kahirap hirap niya akong napa tayo at na hila papunta sa training area. Malalim akong huminga at walang gana ko siyang tinignan. "Hindi ko pa kayang gamitin nang maayos ang binigay ko sa aking kakayahan... wala akong maipapakitang magandang laban sa 'yo." Pangunguna ko na. Mag kakrus ang braso ko habang malayo ang tingin. Sa totoo lang, natatakot din akong makipag laban sa kaniya... o kahit kanino pa. Natatakot ako na baka kapag ginamit ko nang madalas ang kakayahan na binigay nila sa akin... maging tuluyan na akong maging isa sa kanila... katulad nila. "Come on, I am going to show you something interesting... kung papayag kang makipag training sa akin." Sagot sa akin ng babaeng kasama ko na mabilis na nakakuha ng pansin ko. Agad akong napatingin sa pwesto niya dahil sa sinabi niya. Nakakurba ang labi ni Azza sa isang ngisi nang mapansin ang naging reaksyon ko. Alam kong alam niyang nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. She started stretching her arms and legs. Kahit ang leeg at ang mga daliri niya ay ininat inat niya. Mabilis na naningkit ang mga mata ko sa ginagawa niya. Agad akong napatingin sa bagay na nasa tabi ng silid, hindi niya hawak hawak. "Woy, hindi mo kailangang mag seryoso sa akin..." May tono ang pananalita ko sa kaniya. "Balak mo ba 'kong patayin?" Dagdag ko pa. Hindi niya gamit gamit ang malaking martilyo na lagi niyang dala dala sa training na 'to... ang ibig sabihin, balak niya talagang mag seryoso. Natatawang napa iling ang babaeng kaharap ko. Tila natigilan ako sa biglaang pag babago ng atmospera sa paligid. Napakurap kurap ako at unti unting napaatras. Para bang bigla akong pinag bagsakan ng dalawang mabibigat na bagay sa mag kabilang balikat ko. Bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko. "H-Hey, Azza. Hindi mo sabi kailangang mag seryoso sa akin." Mariin na sambit ko at may tono ng pag kakatakot. Hindi nag patinag sa sinabi ko ang babaeng kaharap ko at natawa pa siya. "Ang sabi ko... may ipapakita ako sa 'yo, hindi ba?" Naka ngising sambit niya. Hindi ko alam ang nangyayari... pero ang tanging alam ko lang, hindi ko kayang lampasan to nang basta basta. Lalo na kung seryoso ang babaeng kasama ko.  Napa lunok ako nang malalim habang nanatiling nakatingin sa kaniya. Dahan dahan akong napapa atras habang nakikita ko ang unti unting pag babago ng  naka babatang kapatid ko. "There are kinds of demons, right sis?" Panimula niyang mag salita. "And among them, when it comes to physical strength, the strongest is... us... the Earth demons." Dagdag niya pa. Unti unting namimilog ang mga mata ko kasabay nang pabigat nang pabigat na tensyon sa silid. Bakas sa mukha ko ang takot at pag kabigla sa unti unting pag babago ng pisikal na anyo ng babaeng kaharap ko. "Pero sa aming mga Earth demons... may ranggo rin kami sa lakas." Muling sambit ni Azza. Tila nag sisimulang lumalim ang boses niya sa hindi ko malamang dahilan. Napako ako sa kina tatayuan ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Ang dalawa niyang matutulis na sungay sa noo ay pansin kong mas lalong tumulis. Kita ko ring ang pamumuo ng mga kaliskis dito... parang semento. Habang iniinat ni Azza ang leeg niya, nakikita ko ang pag dami ng kaniyang mga mata... nag karoon pa siya ng panibagong pares ng mga mata sa noo niya na nasa taas ng normal niyang mga mata, at sa baba. Nag kakahulugang meron siyang anim na mga mata ngayon... tatlong pares. Napalunok ako nang malalim habang tulala. Hindi ako makapaniwala sa na kikita ko. Hindi ko lubos maisip... na si Azza na nakitaan ko na ng pambihirang lakas, gamit pa lamang ang napaka laki niyang martilyo... ay may tinatago pa... tinatago pang ganito. Pero hindi pa roon tuluyang nag bago ang itsura niya at pisikal niyang anyo. Mas lalong napa awang ang bibig ko nang makita ang pag unti unting pag punit ng tela ng damit ni Azza sa mag kabilang gilid. Tuluyan akong napa tulala at nan lumo habang naka pako ako sa kinatatayuan ko. Unti unting lumabas ang dalawa pang pares ng mga kamay sa bewang ni Azza hanggang balakang. Dahan dahang napupunit ang balat niya sa mag kabilang gilid habang luma labas ang pani bagong apat niya pang mga kamay. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa pwesto ko at hindi ko magawang makagalaw. Ang dalawa niyang normal na mga kamay ay naging bato, katulad ng kakayahan na meron ako. Habang ang apat pang bagong lumabas at naging semento. "This... this is the true power of an Earth Demon." Umalingawngaw ang malakas at malalim na boses ni Azza. Hindi kaagad ako naka kibo sa pwesto ko dahil sa pag kabigla. Kita ko ang pagtawa niya dahil sa reaksyon ko at nag akmang lumapit sa akin sa panibago niyang anyo. "Ganito ang basehan ng ranggo naming mga earth demons, Lilith." Muling sambit niya na nag pabalik sa akin sa katinuan. Natauhan ako sa sinabi niya at mabilis niyang nakuha ang atensyon ko. Nanatili akong naka pako sa kintatayuan ko at namimilog ang mga mata habang naka awang nang kauti ang bibig sa harap niya. Hindi maipag kakaila na bakas pa rin sa mukha ko ang kaba at pag kabigla, pero hindi na 'ko natatakot pa. Lalo na at alam kong ang kapatid ko ang kaharap ko, at wala siyang balak na saktan o gumawa ng kung ano sa akin. Inilahad ni Azza ang anim niyang mga kamay, habang nakapako sa direksyon ko ang anim niyang mga mata. "So far, masasabing mataas ang ranggo mo... sa dami ng iyong mga kamay." Panimula niya bago ituro sunod ang anim niyang mga mata. "At sa dami ng iyong mga mata." Dagdag niya pa. "Pinaniniwalaan kasi na para masabing Earth demon ka, na kilala sa pinaka malakas pag dating sa pisikal na lakas, kailangang marami kang kayang gawin." Marahang pag papaliwanag ni Azza. "Kaya mong sumira ng isang bayan sa isang kamay, habang bumubuo sa kabila. Kaya mong pag sabayin ang pag kukuha ng buhay, at ang pag bubuo rin ng pani bago." Dagdag niya pa na nag patanto sa akin. Naiwang naka awang ang bibig ko habang nag papaliwanag siya sa akin at unti unti akong may nalalaman sa kaniya. Kung gano'n... napunta ang tingin ko sa mga kamay niya... ang mga kamay na meron siya... anim na ang meron siya ngayon, kung gano'n, gaano siya kalakas?  "Pero walang silbi ang mga 'yon... kung wala ka nito." Muli niyang sambit bago ituro na ngayon ang anim niyang mga mata. "Kailangan mo ng maraming mata... para malaki ang saklaw mo pag dating sa mundo." Nakangiting pag papaliwanag niya. Dahil dito ay nasagot ang katanungan ko kung bakit marami siyang mga mata. "Sa ngayon, ang kilalang pinaka malakas na Earth Demon... ay may walong mga kamay, at sampung mga mata." Muling sambit ni Azza na kina singhap ko. Napaawang ang bibig ko at hindi ako maka paniwalang napatingin sa kaniya. W-Walong mga kamay at anim na mga mata?! Saan pa mailalagay ang mga 'yon sa katawan niya? "Sinasabing kung kulang ka pag dating sa dalawang bagay na 'yon... wala ka ng maipag mamalaki pa o hindi ka na matatawag na isang malakas na Earth demon." Tila nag bago ang tono ng pananalita ni Azza. Natigilan ako sa sinabi niya at nakuha nito ang atensyon ko. "Pero Lilith..."  Muling pag tawag niya sa kin. "Para sa 'yo, ano ang mas mahalaga? Para matawag na malakas kang Earth Demon? Ang dami ng kamay, o ang dami ng mga mata?" Biglaang tanong niya na kinatigil ko. Hindi kaagad na proseso ng utak ko ang sinabi niya at hindi ko kaagad nagawang makasagot. Napalunok ako nang malalim at huminga rin ng malalim. Maigi kong inisip ang maaring sagot sa tinanong niya sa akin. Matapos ng ilang segundong pag iisip, inangat ko ang tingin ko sa kaniya at sinagot ang tanong niya sa akin. "Ang mas mahalaga... ay kamay?" Hindi ko siguradong sagot. "Dahil aano hin mo pa ang maraming mata, kung hindi mo rin kayang lumaban dahil wala kang mga kamay." Pag papaliwanag ko sa sagot ko. Napalunok ako nang malalim habang naka tingin sa babaeng kaharap ko. Nag karoon ng sandaling katahimikan habang nag papalitan kami ng mga tingin. Ilang segundo rin kaming natahimik bago kumurba ang labi ni Azza sa isang ngisi na kinatagil ko. Natigilan at nabigla ako nang itapat niya sa akin ang mga kamay niya. Hindi kaagad na proseso ng utak ko ang ginawa niya at nabigla ako nang bigla niyang hilahin ang kanang kamay ko... ang kanan kamay kong naging bato hanggang buto. "A-Ah..." Mabilis at nahihirapang reaksyon ko. Wala sa sarili ko 'ton ginawang bato kanina habang nakikita ko ang pag babago ng pisikal na anyo ni Azza. Dulot na rin siguro ng kaba, minabuti ko ng baguhin din ang akin... kung sakaling kakailanganin naming mag laban. "Sinigurado ko lang..." Pag dadahilan ko. Napalunok ako nang malalim at hindi ko magawang maka tingin nang deretso sa babaeng kaharap ko. Pero tila natigilan ako at umangat ang tingin ko sa kaniya nang bigla ko siyang marinig na matawa. Nag tataka akong napatingin sa kaniya habang naka kunot ang noo. Anong nakakatawa? "Inakala mo bang aatakihin na lang kita nang bigla bigla?" Natatawang tanong niya na kinasimangot ko. "Para nga sabi maka sigurado ako." Giit ko. "Kung gano'n, sa tingin mo, magagawa mo akong matalo?" Muli niyang tanong na kinatigil ko. Muli akong napa iwas ng tingin sa kaniya bago bawiin ang kamay ko. Habang tinitignan ko siya kanina... ang pag babago niya... ang lakas na ipinakita niya sa akin. Walang kaduda duda na kayang kaya niya akong talunin nang walang kahirap hirap. Lalo na't hindi ko pa kayang kontrolin nang maayos ang kakayahan ko... pero kahit alam ko 'yon. Alam ko ang magiging kaka hahantungan ng magiging laban namin kung sakali... sumubok pa rin ako. "Hindi mo masasabi... walang masama kung susubukan ko, kung kakailanganin." Deretso at may tonong sagot ko. Ang akala ko ay ma babastos ko sa sagot ko si Azza. Pero natigilan ako nang maramdaman ko ang marahang pag hawak niya sa balikat ko. Nakakurba ang labi niya sa isang ngiti habang nakaharap sa akin. Marahan niya akong tinignan gamit ang napaka inosente niyang tingin. Unti unti ng nawawala ang mga sobra niyang mga mata at kita ko rin ang unti unting pag babalik ng mga sobra niyang kamay. Kumurba ang labi ng babaeng kaharap ko sa isang malambot at marahan na ngiti. "Tama... tama ka." Pag sang ayon niya sa akin na kinatigil ko. "Hindi ang dami ng mga kamay... o kahit ang dami pa ng mga mata ang mag sasabi kung gaano kalakas ang isang nilalang para sa akin." Marahang sambit niya sa akin. Nanatiling mag kaharap ang mga tingin namin. "Walang silbi kung nagagawa mong makita ang lahat... gamit ang napaka rami mong mga mata... wala ring silbi kung magagawa mong gumawa ng maraming bagay sa parehong oras o isahan gamit ang napaka rami mong mga kamay..." Pag papaliwanag niya sa akin. Natigilan ako nang marahan niya ulit na hinawakan ang kamay kong ginawa kong bato para maging proteksyon ko. "Kung wala kang lakas ng loob para lumaban. Baliwala ang lahat." Sambit niya na parang nag echo sa isipan ko. Unti unting namilog ang mga mata ko sa narinig. Tila kusang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya at nawala ang mabibigat na bagay na nasa mag kabilang balikat ko kanina. Kusang nawala ang pag babago ng atmosepera at naging magaan na ang tensyon sa paligid. Nanatiling naka kurba ang labi ni Azza habang naka harap sa akin. Nanatiling marahan na naka hawak sa kamay ko at balikat. "Hindi mo kailangan ng ilang dosenang mga kamay o mata... kahit pa paa o ulo man lang 'yan para masabing malakas ka." Naka ngiting sambit niya sa akin. "Kung kaya mong lumaban at may lakas ng loob ka. Kahit ang demonyong may pinaka maraming parte pa ng katawan ang maka harap mo, hindi imposibleng manalo ka." Dagdag niya pa. Tila sumagi sa isipan ko ang unang pag kakakilala naming dalawa ni Azza. Hindi ko lubos maisip na mas matanda ako sa kaniya at mas bata siya sa akin. Kahit ibang klase ng nilalang si Azza pag dating sa labanan... ibang klase rin siyang nilalang pag dating sa mga ganitong bagay. Hindi ko makakalimutan ang mga salitang binitawan niya sa akin nung araw na 'yon. Kahit gaano na 'yon katagal pa at maaring nakalimutan na niya... ang mga salitang sinabi niya sa akin ay tumatak sa isipan ko. At panigurado akong... magagawa at magagamit ko 'yon ngayon... ngayon sa laban na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD