CHAPTER 10

1288 Words
“AMELIA GRACE HIDALGO POV” HALOS gusto ko ng umalis sa kinaroroonan ko ngayon, nakatitig samin lahat ang pamilya ng lalaking ito at giliw na giliw Sila dahil sobrang Ganda daw ng first interaction namin. Enemy to lover daw, gusto ko tuloy sampalin Sila isa isa dahil sa sobrang kadelusional nilang lahat. Hindi pa ata sapat na delusional din itong si dark, may pinagmanahan din pala Ang lalaking higad na ito. “hmm..” wika ko Naman para patigilin na silang lahat sa kabaliwan nila. “Bakit iha? Gusto mo bang ikasal na agad sa apo ko. Sobrang bagay na bagay kayong dalawa excited na ako magkaroon ng maraming apo sa tuhod” natatawa namang wika ni Mrs. Ty, gusto ko tuloy siyang sampalin ng matauhan. “Ahh, Hindi po. Gusto ko lang sana tanungin Ang tungkol sa kontrata since fake marriage lamang ito diba?” nakataas Ang kilay ko habang nakatingin sakanila. Nag tinginan Naman Silang lahat at mukhang Hindi Sila sang ayon sa sinabi ko tungkol sa fake marriage. “S-sinong may Sabi na fake marriage ito? Kung ganiyan ba Naman kaganda ang magiging manugang ko” peke Naman akong tumawa dahil Hindi na ata tama ito. “Ahh Grand dad, Grandma. I think Hindi pa handa si Amelia ganun din Naman ako. We start in a wrong foot din kaya Hindi ko siya masisisi kung Hindi Niya ako agad matanggap” wika Naman nitong lalaki na ito habang natatawa. “Kaya I'll agree with her. Okay lang Sakin na Fake marriage lamang kaming dalawa, pero pag nahulog kami sa isa't isa then we will make sure mag papakasal ulit kami and that time Hindi fake Ang lahat” seryuso nitong wika sa harap ng pamilya Niya Napalunok Naman ako dahil mukhang Wala na akong takas Dito, para ata akong hihimatayin dahil sa sobrang kaba ngayon. Ano ba Naman itong pinasukan ko, mukhang Dito na mag eend Ang journey ko bilang Isang single na bitter na broken pa. “Ano bang pasya mo Amelia?gusto mo rin ba Ang idea ng apo ko?” Tanong naman Sakin ng matanda. Tumikhim naman muna ako bago ako nag salita. “Ahhh ano po kasi...” “Don’t pressure her grandma, hayaan niyo muna siyang mag isip. I heard kakarating lamang Niya galing new york.” Napabuga Naman ako ng hangin dahil nililigtas ako lagi ng lalaking ito buti Naman at mabait na siya ngayon at Hindi na nambabastos. “As you say so dark. Gusto mo bang Kumain Dito Amelia nag handa kami ng Marami para makakain ka ng maayos” nakangiti namang wika ni Mrs. Ty Bigla ko namang naisip si Mom at dad kaya agad Naman akong umayaw. “Ganun ba, pero sa susunod na punta mo Dito iha Kumain ka Dito, ako Ang mag luluto ng sa ganun ay maging Masaya Ang tiyan mo” wika Naman niya Sakin. Napangiti Naman ako at tatango tango na din, Wala namang problema Sakin Ang pamilya ng lalaking ito mababait Naman Silang lahat ngunit nag aalala ako baka mag bago Ang pakikitungo nila pag naging parte na ako ng pamilya nila. “Oh dark Ikaw na Ang bahala Kay Amelia, iuwi mo siya ng safe sa mansion nila” seryuso namang wika ni Mr. Ty nag pasalamat Naman ako agad sakanila at lumabas na. Nang makalanghap na ako ng hangin ay, napangiti na lamang ako ng malapad. Sana naman ay maibangon ko na Ang kompanya ni mommy ng sa ganun ay mawala na din itong fake marriage na ito. “Are you tired or hungry? Ano bibili pa ba Tayo sa tabi ng pagkain bago kita iuwi sa inyo?” agad Naman akong lumingon sa likuran ko at Nakita ko si Dark na inaayos Ang kwelyo Niya. “A-ah okay lang ba sayo na bibili muna ako ng prutas at bulaklak..I know for now, gising na Ang mommy ko” nakangiti ko namang wika Dito. Medyo Hindi na ako naiinis sa pagmumukha niya dahil soft at sobrang kalmado niyang mag salita sa harapan ko. “By the way, I'm so sorry for what happened sa New York kung nabastos kita. I'm just so drunk that night at di ko na alam Ang gagawin ko but I know that's not an excuse pero sorry talaga. How can I repay you?” sincere Naman niyang wika sakin. Napangiti Naman ako. “Ice cream will do” wika ko na lamang at agad ng pumasok sa sasakiyan ko. Nauna na akong umalis at sumunod Naman siya Sakin. Nag tungo Naman agad ako sa flower shop at sakto Naman at sumunod siya. “Can I take photo with you?” tumingin Naman ako sa gawi niya at agad Naman akong tumango. Pumwesto Naman ako sa gilid niya at kumuha Naman kami ng ilang shot lamang, nang matapos na ako sa pamimili ay lumabas Naman agad kami. “Hey pupunta muna Tayo sa isang store para bumili ng ice cream mo” wika Naman Niya Sakin. Tumango Naman kaagad ako bilang tugon. “Nga pala can I add you on f*******:, here's my name and here's my number too” Ngumiti Naman ako at binigay ko na lamang Ang number at f*******: ko sakaniya. “Ayan na, pwede na ba tayong umalis gusto ko na talaga Makita ang mommy ko” wika ko Naman Dito at tumango naman kaagad siya Sakin. Nag mamadali Naman kaming nag tungo sa ice cream store at bumili na siyang na Marami na Akala mo sampong tao Ang kakain. Nag aalangan pa akong tanggapin iyon ngunit Ang Sabi Niya Sakin ay Hindi daw siya matatahimik pag Hindi ko kinuha Ang mga ice cream na binili Niya kaya Wala Naman akong choice. Nag mamadali Naman akong bumalik sa loob ng sasakiyan ko dahil kinikilig ako, kaagad Naman akong kumuha ng litrato nito at pati na din Ang bulaklak at mga prutas sinend ko Naman kaagad ito sa GC naming mag pipinsan. “Ang Dami namang ice cream!” wika Naman ni Dorothy at kaagad Naman itong tumawag— sumali na din iyong iba na kakabihis lang din at kakauwi lang nila. “Saan ka na Naman nag susuot Amelia” wika Naman ni Penelope. “Tomorrow may sasabihin ako sa inyo, wag kayong mag gugulat this is biglaan but i don't have a choice talaga kaya go ako dito ” wika ko Naman habang nakangiti at nag da-drive. “Psh, binobola mo na Naman kami. Naku Amelia! Pag Ikaw talaga nabuntis dahil sa kaartehan mong yan” kunot noo ko namang tiningnan si Seraphina. “Anong buntis Ang sinasabi mo diyan, walang connect. It's not about pregnancy, it's about my wedding” nakangiti ko namang wika at sabay Naman Silang napatingin Sakin na gulat na gulat. “P*nyeta! Asan kana ba gusto na naming marinig yan. Pupunta kami sa Bahay mo dadalhin na namin Ang mga Bata mag sleep over kami diyan” wika Naman ni Beatrice habang aligaga at sumigaw na ito na Kunin Ang mga gamit Niya. “Ano ba pupunta pa ako ng hospital—”. “Wala kaming pakealam, bilisan mo na diyan mag hihintay kami!” sigaw Naman ni Penelope. “Kakabalik mo palang ng pilipinas Amelia, Jusko kung ano ano na Naman Ang mga pinanggagawa mo sa Buhay mo!” inis namang wika ni Seraphina sabay kuha ng car key Niya “Bilisan mo na diyan at aalis na kami.” seryuso namang wika ni Dorothy. Iiling iling na lamang ako dahil sa mga inasta ng pinsan ko, isa isa Naman nilang binaba Ang tawag at napabuntong hininga na lamang ako. “Heto na Naman ako sa chismissan ng mga pinsan ko sigurado akong Wala na Naman kaming tulog Mamaya. Tsk,tsk.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD