“AMELIA GRACE HIDALGO POV”
HALOS paliparin ko na ang sasakiyan ko dahil sa pagmamadali ng mga pinsan ko sakin. Alas nuebe pa lamang ng Gabi at alam ko na excited na excited Silang marinig ang kwento ko.
Pagkarating na pagkarating ko sa mansion ay dali dali naman akong nag tungo sa loob ng kwarto ko at tama nga ako nakapwesto na Silang lahat sa kama ko. May nakalatag na din na mga pagkain at yung iba ay nag momovie marathon pa. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa mga pinanggagawa nila.
“Salamat naman at nakarating kana” sambit naman ni Sera sabay irap. Ang init talaga ng ulo ng babaeng ito, Hindi ko alam kung buntis siya o di kaya may regla.
“eh Wala naman akong choice nakakahiya Naman sa inyo!” sambit ko Naman sabay irap din.
Iiling iling na lamang si Penelope sabay hila Sakin sa kama. Napa upo Naman ako.
“Mamaya kana mag taray diyan Kailangan naming marinig kung anong nangyayari sa Buhay mo at bakit ka mag papakasal agad. Ei Wala ka namang boyfriend. Nag aalala na kami baka nakakakita kana ng Hindi namin nakikita ipapatawas ka nalang kaya namin” wika nito habang natatawa.
“Tsk, pagtitripan mo pa ako. Ikakasal na nga ako, may fiance na ako pero fake marriage lang naman ito Kailangan ko lang gawin ito para maisalba Ang Company ni Mommy” sambit ko Naman habang nakanguso.
“At sino Naman Ang lalaking iyon, Amelia kung ayaw mo Naman sabihan mo lang kami tutulungan ka namin” wika Naman ni Beatrice habang seryuso akong tinitigan.
“Hays, Hindi ko nga alam nalilito ako.”
“Amelia naku! Siguraduhin mo yang decision mo sa Buhay. Alam mo Naman na pag ginawa mo yan Marami Kang kakaharapin Lalo ngayon at binubulabog ka ni Gio. Kilala mo Naman ang isang ’yon!” sambit ni Penelope Sakin.
Bumuntong hininga naman ako at bumuga ng hangin. “Pero kasi pumayag na ako, Wala Naman akong pakealam sa nararamdaman ni Gio dahil Wala na kami.”
“Sus, Wala na daw pero delulu ka parin sakaniya wag mo ng itago Amelia kilalang Kilala ka na namin” sambit ni Sera habang kumakain ng chips.
Napahiga Naman ako at tumingin sa kisame. “Seraphina, hindi ko na gusto pang makisali sa Buhay ng lalaking iyon. May fiance na siya siguro naman it's time para gumawa na ako ng hakbang para makalimutan ko siya ng tuluyan, masakit parin Naman Sakin at aaminin ko na mahal ko siya ngunit hindi na talaga tama”
Tumingin naman Sakin Ang mga pinsan ko na may awa sa mga mata nila. “Psh, wag niyo nga akong tingnan ng ganiyan naiinis ako!” wika ko naman at bumangon na.
“Hays, hahayaan ka nalang siguro namin Amelia..nga pala sino ba ang lalaking iyon at ano Ang pangalan niya?” Tanong naman Sakin ni Beatrice.
“Hindi Sila basta bastang pamilya lamang. They're the Ty family at Ang lalaking papakasalan ko ay Si Dark Nicholas Ty Ang nag iisang apo ng Ty” nakangiti ko namang wika.
Dali dali namang inilabas ni Dorothy Ang laptop at sinearch ito sa internet, nag kumpulan Naman Ang mga pinsan ko nang tingnan nila Ang lalaking pakakasalan ko.
“Infairness sobrang gwapo at hot niya” wika naman ni Sera habang nakangiti na nakatingin kay Dark.
“Kasama ko siya kanina and he's so gentle, kind and may pagka hambog lang. Gusto niya nga kayong makilala pero Sabi ko wag na muna and may perfect time para ipapakilala ko siya sa inyo” nakangiti ko namang wika sa mga pinsan ko.
Tiningnan Naman ako ni Penelope at nakataas Ang kilay Niya. “Siguraduhin mo lang na fake marriage talaga yan, pag ikaw nalagay sa alanganin at may hidden agenda Ang pamilya niya malilintikan Sila samin!” inis namang wika ni Penelope kaya natawa na lamang ako.
Kwenento ko pa Ang encounter naming dalawa ni Dark Hanggang sa inabotan na kami ng 2 a.m at napag pasyahan Naman namin na matulog na lamang dahil may gagawin pa Sila bukas.
“ GIO ZION HARKIN POV”
NABABANAS na ako kakahinatay sa reply ni Amelia, Hindi ko alam kung saan nag gagala Ang babaeng iyon.
“Kanina ka pa palakad lakad diyan pre ah! Ano di na ba nag paramdam iyong fiance mong hilaw” wika naman Sakin ni Tristan kaya sinamaan ko Naman kaagad siya ng tingin.
“Can you shut up, Wala akong pakealam kay Eivon ngayon— nag aalala ako kay Amelia. Kanina Niya pa Kasi sineen Ang message ko nasend ko na iyong ipapagawa ko sakaniya sa email pero Hindi parin Niya ako nireplayan” wika ko Naman habang nakatayo at natutulala.
Natawa Naman bigla si Tristan. “Ay nakalimutan ko pa lang Sabihin sa'yo” agad Naman akong umupo sa tabi niya at kunot noo ko siyang tinitigan. Gigil na gigil akong marinig kong Anong sasabihin niya.
“Wag na lamang pala para surprise” binatukan ko Naman siya dahil sa sobrang inis ko nantitrip din itong loko na ito Sarap kutusan e.
“Sabihin mo na kasi! Babatukan kita ulit pag di ka nag Tino Tristan sinasabi ko sayo!” inis namang wika ko dito.
“Psh, manahimik ka nga diyan may fiance kana wag mo na daw gambalain si Amelia mag papakasal na Kasi siya sa ibang lalaki”
Nanlaki Naman Ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Tristan. Agad ko Naman siyang tiningnan nang masinsinan at hinawakan ko siya ng mariin sa balikat.
“Anong Sabi mo!” wika ko.
“Chill di ako Ang kalaban mo! ” natatawa naman niyang wika Sakin ngunit di ako natutuwa. “Ikakasal na siya sa ibang lalaki—”
“No, it won't happened Ako lang Ang mahal ni Amelia Hindi siya pwede sa ibang lalaki ” wika ko at kinuha ko Naman Ang kamay ko sa balikat niya. Iiling iling naman ako habang nanlalamig Ang kamay ko, Hindi maari akin lang si Amelia.
“Psh, Gio Wala ka ng magagawa Hindi rin Naman ito joke dahil andun si Dorothy sa Bahay ni Amelia at yun nga Ang usapan nila”
Napapikit Naman ako ng mariin, nakikita ko Ang imahe ni Amelia Kasama Ang ibang lalaki sa altar ay para na akong pinapatay. Napatayo Naman ako.
“Hindi, Hindi pwede! Kailangan kong makuha siya, Hindi pwede!” wika ko Naman habang hinahanap Ang car key gusto ko siyang puntahan ngayon din at gusto Kong marinig sakaniya mismo Ang lahat.
“Manatili ka nga Dito Gio, para kang nababaliw! Anong magagawa mo Ikaw itong unang nang iwan, Nakita namin kung paano nilaban ni Amelia Ang lahat, Ikaw itong duwag tapos ngayon na mag papakasal na siya sa ibang lalaki ganiyan magiging reaction mo!” inis na wika ni Tristan, para Naman akong binuhusan ng malamig na tubig at nasampal mismo sa sariling katangahan ko.
Para Naman akong lantang gulay na bumalik sa sofa at sinubsob kaagad Ang Mukha. “Anong gagawin ko” wika ko habang Wala ng enerhiya.
Iiling iling naman ito at agad na kinuha Ang cellphone Niya, tinawagan Naman Niya Ang iba kung pinsan.
“Papunta na si Angelo at Thaddeus dito. ” di Naman ako umimik at tulala lang ako habang iniisip si Amelia, ayukong Makita siyang nasa ibang lalaki Hindi ko gusto na Makita siyang may ibang Kasama.
Alam ko namang kasalanan ko pero Wala akong choice sa panahon na iyon.
Bumalik lang ako sa wisyo ng biglang bumukas Ang pinto at pumasok kaagad si Angelo at Thaddeus. Umupo Naman kaagad Sila sa sofa at tiningnan ako.
“Oh ano na? May pag pipilian ka Naman talaga Gio” walang intro intro na wika ni Angelo, banas itong nakatingin Sakin.
“Iwan mo si Eivon at piliin mo si Amelia kung ayaw mo Naman edi hayaan mo na lang siyang ikasal sa ibang lakaki” bagsak Naman Ang balikat ko at para na akong malulugmok.
Hindi na ako umimik at nakatulala na lamang.