Chapter 3

923 Words
ELLEIX'S POV Tumunog na ang bell para sa break time. "Tara na Elleix! Gutom na ako! Tara sa canteen!" hila ni Keisha sa manggas ng uniform ko. Bumuntong-hininga na lang ako at tumayo. "Sige na, ikaw na bahala." Pagdating namin doon, sobrang ingay at siksikan. Amoy mantika at mainit na kanin ang bumalot sa paligid. Tsk. Kadiri ang lugar na 'to. Sanay ako sa mga mamahaling kainan, tapos dadalhin ako dito? "Anong gusto mo Elleix?" tanong ni Keisha habang nakapila kami. Tiningnan ko ang mga pagkain sa counter. "Bigyan mo ako ng steak. Medium rare. At isang baso ng red wine," utos ko nang seryoso. Natigilan yung nagtitinda. "Ha? Steak po? Wine? Miss, canteen po ito oh! Wala po kami niyan! Sandwich, spaghetti, o fried chicken lang po meron kami!" Tinaasan ko sila ng kilay. "Anong klaseng lugar ba 'to? Walang steak? Walang wine? Nakakahiya." "Elleix naman oh!" hinila ako pababa ni Keisha. "Fried chicken na lang tayo please! Masarap 'to promise!" "Fine. Pero siguraduhin mong malinis 'to. O kung hindi, ipasasara ko ang lugar na 'to," bulong ko. Umupo kami sa medyo liblib na parte. Habang kumakain, pasimpleng ini-scan ko ang buong paligid. Tinitingnan ko ang bawat estudyante, isa-isa. Babae ba? Lalaki ba? Sino sa inyo? Hinahanap ko ang mga katangiang nakaukit na sa isipan ko. Ang itim na buhok, ang nunal sa kaliwang mata, ang manipis na kilay, at ang hikaw na parang perlas. "Wala pa rin," bulong ko sa sarili. "Saan ka ba nagtatago?" "Ha? Anong sinabi mo Elleix?" tanong ni Keisha na puno ang bibig. "Wala. Kain ka lang," sagot ko habang pinupunasan ang bibig ko gamit ang napkin. Bigla, nanigas ang buong katawan ko. Doon, sa may bandang pinto papunta sa garden... may nakita ako. Isang babae. Mahaba at makintab ang itim na buhok. Naka-uniform din, pero may suot na hikaw na tila mga perlas. Dahan-dahan itong lumingon. Nanlaki ang mga mata ko. Itim na buhok. May nunal sa kaliwang mata. Manipis ang kilay. Sakto na sakto. Ito ang itsura ng babaeng nakita ko noong gabing iyon. Ito ang taong hinahanap ko! Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Tumayo ako bigla, muntik nang matumba ang upuan ko. "Elleix? Saan ka pupunta?" gulat na tanong ni Keisha. Hindi ko siya pinansin. Dire-diretso ang lakad ko papunta sa babae. Mabilis at puno ng determinasyon. Ikaw 'di ba? Sa wakas, nakita rin kita. Nakita kong akmang aalis siya at parang nagmamadali. Lumapit ako at mabilis na hinawakan siya sa pulso. Mahigpit. Humarap siya sa akin. Takot at gulat ang makikita sa mukha niya. Tinitigan ko siya nang matagal. Tinitigan ko ang bawat detalye ng mukha niya. Pini-picture ko sa utak ko. Tumitig siya sa akin, nanginginig ang mga labi. "A-ano pong kailangan niyo?" Hindi ako sumagot agad. Tinitigan ko lang siya. Pero bago pa ako makapagsalita... "Ano bang ginagawa mo sa kanya?" Isang malalim at malamig na boses ang pumutol sa atensyon namin. Lumingon ako. Nakatayo sa harap namin ang isang lalaki. Matangkad, maputi, at mukhang mayaman. Sobrang lamig ng tingin niya na parang yelo. Tiningnan niya muna ang kamay kong nakahawak sa babae, bago ibinalik ang tingin sa akin nang masama. "Bitawan mo siya. Ngayon din," utos niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Hinarap ko siya nang buong tapang. Walang takot. "At bakit ko susundin ang utos mo? Sino ka ba para pagbawalan ako?" hamon ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pilit itong tinanggal sa pulso ng babae. Malakas siya, pero mas malakas ako. Hindi ako nagpadaig. "Sabi ko, bitawan mo siya," mariin niyang sabi. "Hindi mo ba nakikitang natatakot siya? Anong klaseng estudyante ka para manakit at manakot ng kapwa mo?" Napangisi ako. Manakot? Ako? "Excuse me? Manakot? Mali ang akala mo," sagot ko sabay hatig ng kamay ko palayo sa kanya nang malakas. "Huwag kang makialam sa mga bagay na hindi mo naman dapat pakialaman. At lalong huwag mong subukan ang pasensya ko." "Kung may kinalaman ka sa kaibigan ko, pakialam ko na 'yon," sagot niya. Tinitigan niya ako sa mata. "Ako si LUIS SANTI ALARCON. At sinasabi ko sa'yo... bitawan mo siya o ako na ang bahalang magtanggal ng kamay mo." Luis Santi Alarcon. Tumaas ang dugo ko sa pangalang 'yon. Ang yabang! Akala mo kung sino! "Luis Santi Alarcon?" ulit ko sabay ngisi nang nakakaloko. "I don't care who you are. I told you may tinitingnan lang ako at it's your friend's fault for crying." Lumapit ako nang kaunti sa kanya, halos magdikit na ang aming mga mukha. Tinitigan ko siya nang diretso sa mata. "And for your information wala akong planong manakit. May titignan lang ako. At kung hahadlang ka pa sa akin... who are you then?" Tinuro ko siya gamit ang daliri ko. "Tumabi ka sa daraanan ko, Alarcon." Tumingin siya sa akin at hindi maipinta ang mukha nito. Naiinis at hindi makapaniwala. Pero hindi ako umatras, o kahit kailanman aatras. "Subukan mo," sagot niya nang walang pag-aalinlangan. "Hinding-hindi ako aatras kung alam kong mali ka." Binalingan niya ang babae at inalalayan ito palayo sa akin. "Tara na," bulong niya rito at akmang aalis na. Pero bago sila tuluyang makalayo... Humarap ulit siya sa akin. "At isa pa... I am the Student Council President kaya sa susunod na makita kitang ginugulo mo siya... hindi na ako magdadalawang-isip na ipatawag ang mga magulang mo o kaya ay ipapatanggal ka sa paaralang ito." Tumawa ako nang mahina pero puno ng inis. "Threat accepted," bulong ko nang may paghamon. "Pero tandaan mo Mr. Student Council President... sa mundong ito, kahit isang minuto, hinding-hindi mo ako masisindak."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD