Chapter 2

1309 Words
ELLEIX'S POV The Morning After Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Krrring! Krrring! Napakunot-noo ako. Ano ‘to? Tunog ng alarm? Sanay ako na gumising sa tunog ng malalakas na makina ng kotse o kaya naman ay sa sigawan ng mga tauhan ko, hindi sa ganito ka-inosenteng tunog. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Puti ang kisame. Puro pink ang paligid. At nandoon pa rin yung mga stuffed toys na gusto ko nang sunugin kagabi. Napabuntong-hininga ako nang malalim. "Right. I’m back. High school life. 15 years ago. Game." Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Habang nagsisipilyo, tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Bata pa. Fresh. Walang peklat. Walang tattoo na sumasakop sa braso ko. Walang pilat mula sa mga baril at patalim. "Not bad, Elleix. Not bad," bulong ko habang pinagmamasdan ang itsura ko. "Kahit anong mangyari, maganda pa rin. Pero kulang ng edge." Paglabas ko ng banyo, dumiretso ako sa cabinet ko. Kinuha ko ang uniform ko—white polo shirt, plaid skirt, at black shoes. Sinukat ko ito sa harap ng salamin. "Hmm. Typical. Boring," reklamo ko. "Kailangan nating pagandahin 'to." Kinuha ko ang itim na necktie at itinali ko ito nang maayos, pero niluwagan ko nang konti yung mga butones sa taas para medyo may s*x appeal at astig dating. Kinuha ko rin ang isang itim na hairband at itinaas lahat ng buhok ko, exposing my forehead and my sharp eyes. Tapos, kumuha ako ng eyeliner. Hindi yung tipong pampaganda lang. Gumawa ako ng medyo makapal na winged liner sa gilid ng mata ko para pag tumingin ako sa tao, parang nanunuot sa kaluluwa nila yung tingin ko. Tinitigan ko ulit ang repleksyon. Elleix Rageana Sincaid. Yung dating Elleix na mahiyain, tahimik, at sunud-sunuran... wala na. Pinalitan siya ng babaeng namuno sa ilalim ng mundo. Pinalitan siya ng RAGE. "Watch out world," bulong ko sabay ngisi. "The Queen is back." Bumaba ako para mag-almusal. Nandoon si Dad, mukhang naghihintay sa akin. "Good morning, Miss Elleix," bati agad ni Manang Nida. Nakita ko rin sa gilid si Kuya Bon. "Morning," sagot ko sabay upo sa head chair. Parang ako ang hari ng mesa. "Anong gusto niyong kainin po?" tanong ni Manang Nida. "Coffee. Black. No sugar. And give me something heavy. I need energy," utos ko nang diretso. Natigilan si Manang Nida. "Ha? Coffee po? Eh bata pa po kayo Miss—" Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Yung tingin na sanay mag-utos. Yung tingin na nagpapawis ng malamig kahit naka-aircon. "Manang Nida," bigkas ko sa pangalan niya. "Did I ask for milk? I said coffee. Now." "O-opo Miss! Sandali lang po!" Habang kumakain, seryoso lang ang mukha ko. Sa isip ko, gumuguhit na ang plano. School. Sindum High. Dito ako babalik. Dito ko sisimulan ang lahat. Yung babaeng pumatay sa akin... hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Hindi ko alam kung anong pangalan niya. Wala akong ideya kung nasaan siya sa mundo. Pero isa lang ang sigurado ako... hahanapin ko siya. Naka-print sa utak ko ang bawat detalye ng itsura niya noong gabing iyon. Hinding-hindi ko 'yon kakalimutan. Black hair. May nunal sa kaliwang mata. Manipis ang kilay. Pearl earrings. At may initials na R.Y. Yan lang ang hawak ko. Yan lang ang clue ko. At gamit 'to, hahanapin ko siya kahit saang sulok ng mundo. "Just you wait whoever you are," bulong ko habang kumakain. "This time, hindi ako ang mamamatay. Ikaw ang mahuhuli sa patibong ko." Pagdating ko sa school, iba ang atmosphere. Dati, pag pumapasok ako, tahimik lang. Walang pumapansin. O kaya naman pinagtatawanan ako dahil mahiyain ako. Pero ngayon? Pagkababa ko ng kotse, parang huminto ang oras. Yung mga estudyanteng naglalakad, tumigil. Yung mga nagtatawanan, tumahimik. Lahat sila napalingon sa direksyon ko. "Uy... si Elleix 'yon no?" "Oo nga eh. Bakit parang ang ganda niya ngayon?" "Grabe ha! Ang taas ng tingin! Parang ang tapang-tapang ng aura!" "Uy, lumayo kayo. Parang ang init ng ulo tingnan." Dinadaan ko lang sila ng tingin. Yung lakad ko, hindi yung parang estudyante lang. Yung lakad na parang pagmamay-ari ko ang buong lupa na tinatapakan ko. Chest out, chin up, hands in my skirt pockets. "Move aside," malamig kong sabi kahit walang tao na nasa harap ko. At parang magic, kusang gumawa ng daan lahat. Para akong Moses na humahati sa dagat. Tsk. Easy. Sanay na sanay ako sa ganito. Pagpasok ko sa classroom, umingay ulit sila pero agad ding tumahimik nung pumasok ako. Dumeretso ako sa pinakadulong upuan sa likod, malapit sa bintana. Doon ako sanay umupo. Doon ko nakikita lahat. Doon ako safe at pwede akong umatake anytime. Umupo ako, nag-cross legs, sumandal, at pumikit. Parang nasa VIP lounge lang ako ng pinakamahal na club sa city. "Uy, Elleix! Gising!" May biglang tumapik sa balikat ko. Mabilis at reflexes ng isang boss, nahawakan ko agad yung kamay niya at pipihitin sana— "Aray! Ang sakit ah! Ako 'to oh!" Dilat agad ako. Tiningnan ko siya. Isang babae. Maingay, makulit, at masayahin ang mukha. Keisha. Ah right. Si Keisha. Classmate ko. This noisy kid. Binitawan ko yung kamay niya. "Tsk. Wag kang basta-basta hahawak kung ayaw mong maputulan 'yan," seryosong sabi ko. Natawa naman siya pero medyo natakot din. "Grabe ka naman! Nagulat lang ako sayo! Ano bang nangyari sayo? Kagigising mo lang parang ready ka na makipaggiyera!" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Keisha, right?" "Oo naman! Best friend mo 'ko! Weh, nakalimutan mo?" "Not really. Just making sure," sagot ko sabay ayos ng uniform ko. "Nagbago lang ako. Grew up. Realized na ang mundo ay hindi laro. At marami akong dapat alamin." Napanganga si Keisha. "Wow. Deep ha. Pero sige, bagay sayo yung pagiging mataray at astig! Ang ganda ng eyes mo oh! Parang killer eyes!" "Flattery will get you nowhere, Keisha. But thanks. I know I'm gorgeous," sagot ko sabay ngisi. Natawa na lang siya at umupo sa tabi ko. "Weh! Ang yabang mo talaga! Pero game, support kita dyan!" Ilang sandali pa, pumasok na ang teacher. Si Ma'am Cruz. Math teacher. Strict. "Good morning class! Take your seats!" boses niya na parang commander. Nagsimula na ang klase. Nagsulat siya sa board ng kung anu-anong numbers at equations. Calculus. Algebra. Whatever. Habang nagsasalita siya, nakatingin lang ako pero bored na bored ako. Is this supposed to be hard? Para sa akin, ito ay parang 1+1 lang. Mas mahirap pa magcompute ng kita sa mga negosyo, o kaya mag-calculate ng risk sa mga operations namin kaysa dito. "Miss Sincaid!" Bigla niya akong tinawag. Napatingin lahat sa akin. "Yes?" sagot ko nang hindi man lang tumatayo. "Can you please come in front and solve this equation on the board? I know you can do this," sabi ni Ma'am. Tumingin ako sa board. Tiningnan ko yung problem. Tumayo ako nang dahan-dahan. Tahimik ang buong room. Lumakad ako papunta sa harap. Kumuha ako ng chalk. Walang pag-aalinlangan. Walang scratch paper. Walang pag-iisip. Scratch! Scratch! Scratch! Mabilis ang kamay ko. Isinusulat ko lahat ng solution step by step. Malinis, maayos, at presko tingnan. In less than a minute, tapos na ako. At sa dulo, nilagyan ko pa ng malaking "QED" at drawing ng maliit na korona. Bumalik ako sa upuan ko na parang wala lang nangyari. Umupo ako at pumikit ulit. Natulala si Ma'am Cruz. Tinitigan niya yung board. Tinitigan niya ako. "Uhm... V-very good, Miss Sincaid! Perfect score! Exactly right!" gulat na gulat na sabi niya. "Obviously," bulong ko lang nang sapat para marinig ni Keisha. "Grabe!" bulong ni Keisha. "Kelan ka pa naging matalino ha! Dati hirap ka nga dyan eh!" "Knowledge is power, Keisha. And I have all the power in the world," sagot ko. "Kailangan ko 'to para mahanap ko yung taong hinahanap ko." "Sino ba hinahanap mo? soulmate mo?" Inosenteng tanong nito, natawa ako at di na pinansin ang sinasabi nito. I wish keisha, I wish.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD