We haven’t got the chance to talk that night. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo dahil alam kong masasaktan ko siya ng husto. Alam ko namang mangyayari ito pero hindi ko alam na ganito kabilis ang pagdedesisyon nila. Ang akala ko ay magkakaroon pa ako ng chance para bawiin ang pagpayag ko kapag nagkaharap kami nila Dad pero hindi na pala. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa mga kaganapan kagabi. Napakaaga rin ng mga kapatid ko na mambulabog. Parepareho kaming nakaupo sa sala pero wala namang gustong maunang magsalita. I know Kuya Malt was part of the plan but I can’t blame him for this. Besides, ako naman talaga ang nagdecide na payagan ang gusto ni Daddy. “Listen, Maddy. His family will take care of you. I know Tristan is a good man too.” panimula ni Kuya Malt. “The only

