I changed my clothes after my training. Nakakahiya naman na nakaslacks ako at blouse na pang office attire sa dinner ng family. Baka sabihin pa sobrang dedicated ko sa training. I wore a maroon floral lace dress for tonight. Wala na akong ibang maisip na suotin. Paglabas ko ay naka-ready na rin sila Kuya Malt at Kuya Maze. Sinenyasan pa ako ni Kuya Maze na pumasok na sa conference room ng restaurant. Napakalawak naman ng pinili nilang dining area para sa aming lima. Pagpasok namin ay nakaupo na si Daddy at si Mommy. Mabilis ko silang dinaluhan at niyakap dahil sobrang tagal bago ko sila nakitang muli. “How are you, my dear?” malambing na pangangamusta ng aking ina sa akin habang yakap yakap ako. “Ayos lang po ako, Mom.” masayang tugon ko sa kanya habang ginagantihan rin siya ng mah

