Ang aga aga nang-iistorbo ang Kuya ko. Nagising ako sa tawag niya. “We have dinner tonight. Dad wants to remind you.” “I know Kuya! Naalala ko.” naasar ako sa sobrang aga niyang pang-iistorbo. Mas nakakaasar pa sa kanya ay tumatawa ito. Buo na naman ang araw niya dahil na-badtrip niya ako. “See you, princess.” sabi pa nito bago ako nito inend call. Hindi na ako bumalik sa pagtulog at bumangon para mag-asikaso. Mukhang maaga pa naman pumapasok ang assistant ni Kuya Malt. Pang-limang araw ko na ngayon sa training at ngayong araw ang turnover sa assistant ni Kuya Malt. Doon na ako magrereport simula next week. Gumawa na lang ako ng breakfast namin ni Gavin na pwede naming kainin habang nasa byahe papuntang Meadows. I made kimbap and roasted coffee for him that I put in a thermal c

