“Good morning!” masayang bungad ko kay Gavin pagkabukas nito ng pintuan. “G-good morning!” ganting bati naman nito. Mukhang kagigising lang niya, dahil pupungas pungas pa ito. “Breakfast, you want?” tanong ko rito. “I’m good.” sagot naman nito. “Nagbreakfast ka na?” tanong ko ulit. Dahil napakaaga pa, imposibleng kumain na ito. “I think Sean cooked something. I just don’t know what it is.” minuwestra nito na pumasok ako sa loob, pero gusto ko lang naman talagang malaman kung kumain na ito. “Where’s Sean?” I asked him. Wala rin kasing sumunod sa kanya para salubungin ako. Saka madalas, si Sean ang nagbubukas ng pinto. Mukhang wala ito. “He went on a hike. He left just now.” sagot ni Gavin. “Ah, ngayon na pala ‘yon.” wala sa loob ay sambit ko. “Wait lang, babalik ako.” sabi k

